CHAPTER 02: MEETING HIM
Blaire's POV
Lumapit patungo sa amin ang driver. Napaka pormal at napakagalante ng kaniyang suot. ‘Di ko naman maiwasang hindi mapatulala sa kanya dahil sa angking kisig ng kaniyang katawan at sa karisma niyang dala.
Kada hakbang niya ay para bang nag so-slow motion ang lahat. ‘Di ko mapigilang mapangiti habang tinatanaw ko siya papalapit sa amin. Biglang nawala lahat ng kaba. Shet!
Totoo talaga ang kasabihan na "Good things never last that long," dahil narining ko ang epal na si Arturo, umuubo ito na halata talagang peke. " Ehem, landi! Ehem," napatingin ako sa kaniyang gawi. Ang epal talaga kahit kailan!
Naiirita na talaga ako sa lalaking ito. Baka masuntok ko na talaga 'to! Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sabi mo?" Singhal ko rito. Pinandilatan ko ng mata.
"Ha? Sino? Ako bang kausap mo? Wala akong sinabi," maang-maangan niyang sabi. Sarap talagang kuritin sa singit ng very very light lang, very light! Take note of the sarcasm.
Naramdaman ko ang presensya ni Kuya mong driver, kinalma ko muna ang sarili ko at winaglit ko sa isipan ko ang nakakaimbyernang pagmumukha ni Arturo "Excuse me, Miss," nakangiti niyang sabi.
Sopistikada ko siyang sinagot "Yes, Sir? Can I help you," Chars! Mukhang mapapasubo yata tayo sa matinding chukchakan at talakan!
Luminga-linga pa ito na animo ay may hinahanap "Do you sell something here that is edible?" tanong niya. "Perhaps food? Or a bread will do," nag-aalinlangan niyang sabi habang nakakunot ang noo.
Narining ko pa ang paggaya ni Arturo sa tanong nito kaya tinapakan ko ang kaniyang paa. "Aray! Shet naman, Blaire! Ahhh!" hinawakan niya ang puwet ko kaya napatanggal ang apak ko sa kaniyang paa.
"Putang ina mo talaga," mura niya sa akin na isinawalang bahala ko na lang.
"Absolutely," nakangiti kong saad. "Of course I do sell food. To be specific, the tasteful one," sabay kindat ko kay Kuyang driver na siyang ikinatawa niya.
"We have plenty choices of mouthwatering delicacies and varieties of food in here. Name it so that I may hand it to you," napatango siya habang nakapamulsa. "That's fascinating to hear," sabay kibit-balikat niya.
Isa sa natutunan ko sa pag-aaral at pagtatrabaho sa mga restaurant ay dapat ma-chika kang tao. If you want your business to be successful then 'sales talk' is the key.
Huminga siya ng malalim sa kagalakan at napangiti. "This way please," minuwestra ko ang aking kamay papasok sa loob ng café store ko.
Narining ko pa siyang napasinghap ng makita niya ang loob ng aking store. Well, my place is clean and a hundred percent selfie stop.
Yes, I do believe that ‘The Eyes Eat First’. Nabighani pa siya sa mga kahoy at native kong palamuti.
In my perspective, ang masasabi ko lang is that yayamanin talaga to sila. ‘Di niya siguro napansin ang café store ko.
Di ko naman siya masisisi dahil di ito ganoon ka laki pero sakto lang para makapagpapasok ng mga customers. Siguro sanay sila sa restaurant, kung kaya't naninibago siya sa lugar na kagaya nito.
Si kuyang driver mo naman, halatang imported. Foreigner kumbaga. Kung pagbabasehan ang edad, tantiya ko lamang siya sa aking ng mga tatlong taon.
Maganda ang pagkaka-built ng kaniyang katawan, yung tipong kaya kang ipagtanggol sa mga mananakit sa'yo. Chars!
Pumwesto ako sa kahera at tinignan siya. Nakuha naman niya ang nais kong ipahiwatig "Um... Do you have Chicken Corden Bleu?" parang bata niyang tanong.
Aliw na aliw tuloy ako sa kaniya. Ang sarap niyang iuwi sa bahay at ilagay sa aparador. Chars!
"Of course I do. Anything else in particular?" sabi ko habang tinitipa ang kaniyang magiging resibo. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"I'll just let my boss taste it, then I'll comeback if he wants more. How much is it?" Di ko talaga mapigilang mapangiti sa gwapo niyang mukha.
Yung tipong mukha na sarap titigan at siguradong mapapangiti ka, hindi siya nakakaumay kung titigan.
"Sarap mong i-uwi sa bahay at gawing palamuti," di ko napigilan ang dila ko.
"Come again?" takang tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.
"Ha? Ah- 360 pesos only," buti na lang pala at banyaga ito. Siguro di niya naintindihan ang sinabi ko.
He hand me over a five hundred peso bill. I was about to give him the change but he refuse it and said "Keep the change," at bigla niya akong kinindatan at lumabas na siya sa shop.
Napangiti naman ako sa inakto niya. Kadalsan kasi na nagsasabing ‘keep the change’ means you have exceeded their satisfactory rate.
Well, my café store caters food from different regions and has lots varieties that will surely fit into your liking.
We also have our local food, which is the bestselling ones. Our delicacies are one of a kind.
Just like me, aint special but limited edition. Rest assured that my food is also like me, once you taste it there's no turning back because you'll crave for it more than you'll ever know.
Mula rito sa aking kinatatayuan. Kita ko ang pag-abot niya sa paper bag sa kaniyang amo.
Nakahintay lang siya sa labas at pinapakiramdaman ang desisyon ng kaniyang amo. Kahit nasa labas na sila ay naririnig ko ang kanilang usapan.
Ang café store ko ay para siyang modern bahay kubo which made it cozy and appealing to the customers. Yung tipong kakain ka na, marerelax ka pa sa presyong abot kaya! Shameless plug is real.
Lagpas lunch time na kase kaya walang tao dito. Usually our suki will come here either early in the morning, lunch, merienda time at gabi.
Magku-kwarter to two na kaya walang customer dito. Which is a good thing dahil may panahon kapang makapag-relax at linisin ang café mo. Dahil cleanliness is next to Godliness.
Kahit naman di sosyalan ang disenyo ng aking café ay dinadagsa din ako ng mga bigating tao dito. Sabi nila, binabalikan nila ang timpla ng aking luto at ang pagiging komportable nila dito.
"Who made them?" Tanong niya habang ngumunguya. Pumalapit ako sa pintuan upang marining ko ng klaro ang kanilang pingag-uusapan.
"Where'd you bought them?" Baritonong boses ang kaniyang amo habang patuloy sa pag-nguya sa pagkain.
"The store, Master," sabay turo sa aking café. Buti na lang at nakatago ako bago pa nila ako mahuli na nakikinig sa kanilang usapan. "Which is infront of us," dahan-dahan kong binalikan ang pwesto ko kanina.
Laking pasasalamat ko na hindi na sila nakatingin dito. Malakas askong napabuntong hininga. "The interior was so relaxing and cozy. It kinda reminds me of your rest house at your private beach resort," pagbabalita ng kaniyang driver.
"Hmmmm. They do taste good," sarap na sarap niyang sabi habang sinisimot ang kaniyang daliri. "We're going to eat there," tinanguan naman niya ito.
"Affirmative, Master," kinuha ni Kuyang driver ang kanyang phone at may tinawagan siya sa kabilang linya.
Bumaba ang kaniyang amo sa kotse. Napanganga ako sa tanawing nasa aking harapan, bigla akong nabato-balani.
Iba ang kaniyang kagwapuhan. Yung tipong pagnakita mo siya ay ma-aatached ka talaga kahit napaka bossy at intimidating ng kaniyang aura ay swak na swak ito sa imahe na kaniyang dinadala.
Di ko maintindihan kung bakit ganito ang kalakas ang kalabog ng puso ko. Para siyang anghel na bumaba sa langit.
Perfect body, chiseled jaws, thick brows and nose on point. In short, everything about him was absolutely handsome.
Sinuri niya muna ang exterior ng aking store. Hmmmn. Confident naman ako sa store ko, I made sure that the ambiance of it is cozy, relaxing and appealing to the eye of the customers. Parang bahay ang kaniyang aura.
Papapasukin ko muna si Arturo. Baka nagugutom na 'yon. Malaking bulas pa naman pag nabaliw. Sumulyap ako sa aking likuran. Baka sumunod siya sa akin.
Palabas na sana ako upang ayain na si Arturo na mananghalian, nakokonsensya ako dahil iniwan ko lang siya kanina sa may balkunahe. Laking gulat ko ng biglang may humila sa pintuan
"Hi!" Maligalig niyang sabi. Napapikit ako at napakapit sa aking dibdib. "Jusko, Marimar! Papatayin mo ba ako sa gulat!" di ko mapigilang mapataas ang boses sa kaniya.