CHAPTER #12

2047 Words
“Naku lang, Bea. Para kang teenager na kinikilig habang binabasa ang message sayo ni Luiz." sinuway ko sa aking sarili na kangina pa kinikilig. “Tumigil ka nga, para kang naglalakad sa kahabaan ng cloud 9 na maraming nakakakita sayo." aniya ko muli saka ko lang napansin ang mga itsura ng mga tao sa paligid. “Eh ano?" nang mahiya ako sa naisagot ko. Hindi na nga maganda, nakakahiya itong ginagawa ko habang kinikilig na naglalakad. Unang beses lang kasi mangyari, unang beses kong makaramdam ng ganito. Ang saya pala! Ang sarap sa feeling. Pero hindi ganito. Masasama ang mga tingin sa akin ng mga taong nakasalubong ko. “Bea, ano bang nangyari sayo?" may taong nagsalita mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita si Trudis sa may likuran ko. Kasunod din niya si Mirriam na may malapad na pagkakangiti habang naglalakad papalapit sa amin. “Good Morning sa inyo!" agad na bati niya at lumakad ng may malaking hakbang upang mabilis na makalapit. Ngumiti naman ako, pero itong nasa tabi ko na si Trudis napasigaw pa. “G-good morning din say-oooo." agad na natawa, itong si Mirriam mula sa pag sigaw ni Trudis. Para kasi itong tanga sa kanyang itsura na nginiwi pa ang kanyang mukha. “Magkakasama na naman ang tatlong baliw." may biglang sumingit sa masayang pag-uusap namin ni Mirriam at Trudis. Sabay-sabay pa kami mga napalingon ng batuhin kami. “Ano ba!" inis na gilalas ni Trudis. “Ano na naman ba problema niyo?" turan na tinanong ng naiinis ni Trudis. “Wala, nakakatuwa lang pagmasdan na ang mga baliw na gaya niyo. Magkakasama na naman na naglalakad." “Pakialam nyo ba?" bulalas ni Trudis pa rin. Galit na ito, pero amin lang pinipigilan, ni Mirriam sa pagiging high blood. “Kung wala ka magawa sa mga buhay niyo. Please lang, wag kami ang pagkatuwaan ninyo, at paglaruan. Dahil di naman nakakatawa kung paano kayo maglaro, o matuwa sa mga taong kala niyo mas nakakababa sa inyo." “O-ohh!" bulas na nang-aasar ang grupo ni Liza. “Kung tutuusin kung langgam kami. Ano naman kayo?" nakangisi nasambit ni Trudis. “Bulate!" “S-siraulo pala ito?" angil na galit ni Liza, pinipigilan lang ng kanyang mga kasama. Habang si Trudis, hawak namin ni Mirriam. Hindi namin siya binibitawan at malamang ay gulo na naman ito, at malamang ay sa admin office muli ang aming diretso. “G***!" sigaw ng maangas ni Liza habang may mga nanunukso, nanunudyo at ilan ay mga sumisigaw na nga. “Grabe, sila na naman?" “Wala naman 'yang, si Liza, hanggang putak lang yan. Makita niyo, pag dalhin na naman siya sa admin. Iyak at tulo ang laway." sabay na tawa ang ilan sa mga nakalaban na rin ni Liza. “Mga baliw! Kayong mga walang kwenta na langaw magsitigil nga kayo." gilalas ni Liza ng may panggigigil habang lamukot ang kanyang kamao. “Ikaw ang baliw, mga walang laban ang madalas mong galawin. Bakit hindi kami ang angasan mo ng makita mo ang hinahanap mong gulo? Mahilig ka lang sa mahina na tulad m-moooo." “T***-***! Kasali ka ba dito? Naki-kisingit ka lang naman sa mga galamay mo. Sa kanila ka lang naman, ikaw na umaasa, at nagtatago." Bulalas ni Liza sa isang grupo na nakisali sa nangyayari. “Halika, lumapit ka ng malaman mong sinasabi mo. Baka ikaw pa itong pulutin sa putikan!" May paghahanda sinabi ni Liza mula sa isang leader rin ng gang sa school. Tulad ng grupo ni Liza, mayayabang din ang mga ito. At gaya namin na may kahinaan at takot makisangkot sa away, gulo o anuman na kaguluhan na madalas, nagaganap, dito sa school. Pero kabaligtaran. Dahil madalas ay ako ang pinaka maraming pagkakataon na nasasangkot, at nadadamay na lang itong si Mirriam at Trudis. “Halika na, umalis na tayo." Aya ni Mirriam, tumakas na nga kami sa nagaganap na kaguluhan. Mabuti pa nga, at mabilis na kaming tumakbo. Nilayasan, ang mga nagaganap na gulo na pinangungunahan, ni Liza. Mabuti na nga, ang umalis kami at baka pati kami madamay pa sa kanila. “Buti nalang, nakahanap ng katapat iyong si Liza. Ang yabang kasi, kala mo naman ang tapang. Pero wala naman pag nasa admin na at kinagagalitan." daldal ni Trudis, ang madalas na napapaaway kay Liza ng dahil sa akin. “Buti nga, may sumalo sa gulo na nais umpisahan ni Liza, nakakatawa yung itsura niya. Nakita niyo?" ani ni Mirriam na tawang-tawa pa rin na nalilingon mula sa mga nagkabanggan na grupo. “Ang swerte talaga!" tuwang-tuwa rin na sambit ni Trudis at nagtalon-talon habang kami ay lumalakad papunta sa classroom. “See, may awa pa rin itong si God, at binigyan tayo ng isang tahimik na umaga." Saad ni Trudis pa rin habang pumabaling at humarap. Naglakad siya ng nakaharap sa amin. Habang natatawa at du-madaldal. “Nakita niyo yung kumag na Liza na yon? Hahaha, ang tanga. Ang dami ng grupo ni Zoo, siya pang himamon. Ang lakas ng loob, kala mo naman kakayanin niya sa liit ng kanyang katawan." gagad na sabi pa rin ni Trudis ng hindi niya inaasahan na mabangga nalang bigla at matalisod, sabay na bumagsak sa mga braso ni Gil. “U-uooh! Gwapo!" nakangisi na sambit na may biro habang napatitig sa mukha ni Gil. “Umayos ka nga sa paglalakad." masungit na sabi ni Gil at itinayo si Trudis. “Matuto kang tumingin sa daan!" sabi pang muli at sa akin bumaling ng tingin. “Bakit ba ang init ng ulo mo?" ani ni Trudis, subalit hindi na siya pinansin ni Gil at dumiretso na ito ng kanyang paglalakad at binangga ako. “Ang bastos talaga nito." bulalas ni Trudis, hahabulin sana niya si Gil ng magawa kong pigilan. “Wag mo na pansinin. Hindi naman ako nasaktan." sabi ko sa kanya ng bitiwan ko na siya sa pagkakahawak ko sa kanyang braso. “Minsan, nakakabaliw na rin ang mag-aral kung ang mga kaeskwela mo mga ganyan at mga walang modo." bulas ni Trudis pa rin, walang tigil at hindi naman siya mapigilan sa kakadada. Buntong hininga ako at hindi na lang pinansin ang maingay pa ring si Trudis. “Mauuna na ako, maupo na ako sa aking pwesto. Bahala ka na nga muna kay Trudis." sabi ko ng nagpaalam ako kay Mirriam. Wala pa akong tulog, subalit yung isip ko para bang lumilipad na sa dami ng mga nangyari ngayong araw. Papa-upo na sana ako ng aking upuan. Subalit kinagulat ko ng mapaupo ako sa sahig. Tumama ang balakang ko sa sahig, habang naririnig ko ang malalakas na tawanan nitong mga kaeskwela ko. “Mga g*** kayo. Anong ginawa niyo?" si Trudis pa rin na sumisilip mula sa mga nakapalibot kong mga kaklase. “S-sino may gawa?" sigaw na tinanong ni Trudis, isa-isa sa mga naririto at nakatingin habang hawak ko ang aking balakang na bumagsak kangina. Hawak ko pa rin ito, masakit, kumikirot at pakiramdam ko ay nagpasa agad iyon. Napangiwi ako habang hinihilot ang masakit kong balakang. “Walang aamin sa inyo?" duro ni Trudis sa mga natigil sa pagtawa na aming kaeskwela. “Kung ganon, sige at ipararating ko ito mamaya kay Miss Irene, nang maparusahan, ang sino man ang may pakana sa nangyari kay Bea." gigil na sabi pa rin nitong si Trudis. Galit na galit ito, mula pa nga kangina ng harangin kami habang papasok at lumalakad sa kalagitnaan ng daan papunta dito sa classroom. Huminga nalang ako, pinunasan ang luha sa mata ko. “O-okay ka lang?" si Mirriam, inalalayan niya akong tumayo, iniabot niya ang kamay niya sa akin at hinila ako patayo. “Ayos ka lang ba?" simple na ngiti at tinanguan ko siya. Napabuga ako, umiwas ng tingin sa mga kaklase ko na kinagagalitan, ni Trudis. “Kayong mga walang magawa sa mga buhay. Dapat sa inyo, hindi na ipinanganak ng buhay." inis pa ring usal ni Trudis. “Dapat sa inyo, pinagbabaril, nang hindi na sana kayo, tumubo. Nang ang mga ugat niyo at hindi na dumami." gagad pa rin ni Trudis sa mga nahinto sa pagtawa na aming mga kaklase. “Hayup!" bulalas niya ulit. “Kung bakit kasi naging mali ang naging tubo ng marami sa inyo, mali rin siguro naging pagdidilig ng mga nag-alaga sa inyo. Kaya ang naging usbong, kamote." sigaw na saad ni Trudis. “Kamote, kasi nga nangangamote mga utak niyo kaya ang alam lang, mambuwisit ng kapwa niyo na ang alam ay hindi pumatol sa mga walang utak na mga gaya niyong lahat." sigaw-sigaw pa rin ni Trudis sa inis. “Mga bwisit na mga 'toh! Ang aga, ginagalit at pinupuno niyo ako." Napabuntong hininga si Trudis, hinila nalang namin siya ni Mirriam upang ilayo sa mga natameme naming mga kaklase. “Bakit k-kasi!" gilas na sigaw ni Trudis. “H-hindi ka lumaban!" inis pa ring sigaw ni Trudis habang nasa labas kami ng classroom. Napatingin tuloy ang mga dumadaan sa lakas ng boses nito. Halos tawagin ang atensyon ng mga malalapit lang sa amin at mga nagkumpulan dahil sa mga pagtsi-tsismisan. Ako naman, hindi na makakibo. Tahimik lang ako, nakayuko, kahit dumagdag sa mga pinagsasabi ni Trudis. Hindi ko ginawa. “Huwag mo naman sigawan si Bea." si Mirriam, hindi na napigilan at sinuway si Trudis. “Iyan kasing si Bea, hanggang ngayon kung bakit hindi matuto na lumaban sa mga siraulo na yon." “Alam mo naman diba? Kung bakit hinahayaan nalang niya imbis na sagutin at labanan ang mga pambabastos at pangit na ginagawa ng mga yon sa kanya?" “Yun na nga, pero, hindi naman sa lahat ng oras, ganyan siya." usal na pamimilit na sabi ni Trudis. “Paano nalang sa susunod na wala na tayo sa tabi niya? Isipin mo nga? Mirriam, dapat ngayon pa lang ayusin na niya at magbago. Pero hindi, sa ilang taon na nakasama natin siya. Lagi nalang siyang ganyan, papaapi, walang ginagawa." “Intindihin mo nalang si Bea!" “Intindihin? Hanggang kelan naman?" “Trudis, kaya nga mga kaibigan niya tayo di ba?" “Mirriam, oo, andun na tayo. Mga kaibigan tayo ni Bea, pero ang sa akin ay dapat naman mag-umpisa na siyang mag-improved sa sarili niya." gagad pa rin ni Trudis habang ayaw magpatalo kay Mirriam. “H-hindi kasi tayo habang buhay niya ay kasama niya tayo, tutulungan siya, ipagtanggol sa mga nang-aapi sa kanya tulad dito sa school." dagdag pa rin ni Trudis panay ang paliwanag nito. “Isang buwan nalang. Sa loob ng isang buwan, makakasama niya pa tayo. Mababantayan natin pa siya, pero paano na after graduation?" unsal na naman nito na walang katigil-tigil na panggigiit kay Mirriam. “Alam mo naman siguro na natanggap na siya sa Socialize Company?" Saad na kinagulat ni Mirriam. Wala pa ako nabanggit sa kanya, napatingin nalang din siya matapos si Trudis ay nagsalita at mabanggit ang bagay na hindi ko pa nabubuksan at sinasabi kay Mirriam. “After graduation duon na siya, pero ang masakit lang at masaklap na katotohanan mula sa nalaman ko. Duon pala ay madalas din siyang kinakawawa ng mga empleyado ruon. Subalit itong kaibigan natin, okay lang, ayos lang, kahit durog na siya, ayos pa rin at okay lang." “B-bea?" napakurap ako ng mata, si Mirriam, nakatingin at titig sa mga mata ko. “Hindi mo pa pala alam?" bulas ni Trudis pa rin. Napakamot ako sa aking nangating kilay, napangiti nalang kay Mirriam. Alam ko kasing nagagalit na siya pagganyan na ang kanyang pagkakatingin sa akin. “I am sorry."! Huminga ko, nakagat ang pang ibabang labi ko. Huminga pa ulit, habang nakatitig sa mukha ko si Mirriam. “B-bakit hindi mo man lang sinabi? Kahit sana nabanggit mo man lang?" parang sasabog ito sa itsura. Minsan lang magalit si Mirriam. Pero sa nakikita ko, galit nga siya. “Okay lang na hindi mo nabanggit na natanggap ka sa kumpanya na yon. Pero ang malaman kong kinakawawa ka pala ron. Bakit hinahayaan mo? Bakit di mo na lang sinabi sa amin ni Trudis." “S-sorry na!" “Puro ka nalang sorry. Kahit minsan talaga hindi mo naisip na nasasaktan rin kami oras na may mga taong walang laman ang utak kundi ang pahirapan ka." bulalas pa rin nitong si Mirriam. Hindi ako makasingit sa kanila dahil sa salitan nilang pagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD