“Grabe! Late na ako." naibulalas ko habang nakatingin sa orasan. Nagmamadali na ako na tumayo sa kama, habang isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat kong workbook na ipapasa ko sa school.
Nalimutan kong may assignment pala ako kaya naman nagmamadali akong gumawa at hindi na tuloy nakapag almusal.
Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto. Sabay pang napatingin sa akin sila Papa at Mama na ngayon ay kapwa natigil na rin sa kanilang pag-uusap.
Buti na lang at tumigil na sila. Kundi ay hindi pa ako makakalabas ng kwarto at malamang ay hindi na ako makapasok sa school. Nagmamadali na akong lumabas, at saka nagpaalam sa kanila.
“Hindi ka na ba kakain?"
“Hindi na po!" sagot ko kay Papa.
Nagmano lang ako sa kanila at nagpaalam na rin na lumabas diretso sa pintuan.
Lakad at takbo ang ginawa ko makalabas lang sa gate agad-agad.
Ang masaklap! Nakita ko yung suot ko, baligtad pa pala.
“Malas talaga!" sambit ko na ki-nabalik ko muli sa bahay. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at saka ko naman inayos ang pagkaka-suot ng damit ko.
Tumingin muna ako sa salamin. Maayos na rin ang aking pagkakatali ng aking buhok, siyang inayos ko rin ng hindi tinatangay ng hangin sa pagtakbo na gagawin ko.
Lakad at takbo na naman ako. Mabilis ang bawat akin hakbang upang makarating lang sa sakayan ng jeep papunta sa school.
Nagmamadali na talaga dahil sa late na ako at tiyak na kakagalitan ako sa pagdating ko sa school.
“Manong! Pasakay po." sigaw ko sa Mamang Driveway nung jeep. Panay ang aking pagkaway makita niya lang ako.
Tumatalon pa nga ako, kala ko ay swerte na ako at may jeep na biglang dumaan malayo pa sa terminal.
Malas din pala, dahil sa hindi ako nito hinintuan. Kaya naman ayun, ang malas dahil sa nilagpasan lang ako at pagdaka ay tumakbo ng mabilis.
Ang malas ko naman din talaga ngayon na nagmamadali ako. Pero isang sasakyan ang bumusina at gumulantang sa pag-iisip ko.
Nawala agad bigla ang pagkainis ko ng isang gwapo na nakangiti ang siyang sumalo sa badtrip kong araw.
Ang ganda naman ng ibinigay sa akin ng umpisa ng araw ko. Si Luiz nakangiti na inilabas ang ulo sa bintana ng kotse nito.
“Good Morning!" gagad niyang sambit na pagka sigla.
Parang hindi ito puyat. Parang nakatulog ng maayos.
Sakali ako, ayun at asar na asar dahil sa mga kapatid ko na hindi ako pinatulog sa buong kahabaan ng madaling araw, hanggang magliwanag na ang buong kalangitan ng mag-umaga na, hindi talaga ako nakatulog.
Isama pa ang pag-iingay nila Papa at Mama na nagtatalo ng dahil sa kakadaldal at kaka reklamo ni Ate.
Nai-pipikit ko pa ang aking mata. Inaantok pero ng dahil sa kaharap ko. Biglang lumaki ang pagka-bilog at pagkakadikat ng aking mata.
“Ang aga mo naman maglakad?" usal nito ng tanungin ako habang nakatayo sa harapan nito. Nakangisi na tinanong ako.
Heto na naman siya, pinapalakas ang kabog ng dibdib ko habang napakaaga pa. Siya na agad ang nasulyapan ng aking mata.
“Mukhang badtrip ka yata?" sabi pa nito at hindi maalis ang pagkakangiti niya sa akin.
“Sumakay ka na muna, ihahatid na kita." alok na sabi niya at bumaba sa kanyang sasakyan upang ipagbukas pala ako ng pinto.
“Halika sakay ka na!" sabi niya ng umikot na ito sa kabilang side.
Napa sulyap pa ako sa paligid at baka mayroon makita sa akin na sumakay sa isang sasakyan ng walang nakakakilala.
Syempre at panibagong mukha ang makikita nila. Tapos ay hindi pa naman sila sanay na ang isang tulad ko ay sasakay sa isang mamahaling sasakyan at gwapo pa ang driver na kasama ko.
“Salamat!" tugon ko rito.
Sumakay naman ako tulad ng kagustuhan niya na samahan ko siya at maihatid niya na rin ako.
“Mukhang may problema ka?" agad niyang usal ng makasakay.
“Wala naman, wala lang akong itinulog." sagot ko na kinatawa niya.
“At bakit?" kinalingon niya rin. “Dahil ba sa iniisip mo ako?" pabiro niya pang sinabi na kinaplastic ko ang pag-ngiti.
Nginitian ko siya ng isang plastic na parang nang inis.
Nakakainis naman kasi siya. Kung bakit kailangan niya pa ako biruin na ganun na naiinis nga ako. Buntong hininga ako, siyang tumawa.
“Bakit ba kanina ka pa natatawa? Ano bang meron?" gilalas ko na paninita sa mga makailang ulit na rin nitong pagtawa.
Hindi ko maramdaman na dinadamayan niya ba ako o baka naman pinagka-katuwaan, dahil sa nakabusangot kong mukha.
Kung tawanan niya lang ako. Bakit siya naririto? nang-iinis lang ba dahil sa nakikita niyang kay aga ay badtrip ako?
“Hindi naman sa tumawa ako eh!" napasinghap pa siya. “Pinag-katuwaan kita." sabi nito.
“Eh, ano?" bulas kong tinanong siya .
“Napansin ko kasi una pa lang ng makita ko ang nakasimangot mong mukha. Ramdam ko na may problema ka." sabi niya.
“Eh, ano?" Mataray kong sagot.
Ngayon lang ako nagtataray, dahil kahit minsan ay hindi ko ito nagawa sa buhay ko. Sa kanya pa lang na kanina pa ako tinatawanan mula ng makita niya ako.
“Wala naman, lalo ka pala gumaganda sa tuwing nagsusungit ka?" nakangisi niyang sinabi habang nagmamaneho na siya at binabaybay ang patungo sa aking school.
Umiwas na lang ako ng tingin, kasi naman ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa tuwing maisipan niyang sulyapan ako habang nakasimangot.
Natatawa naman siyang makita na sumimangot ako.
“Huwag mo na nga ako tingnan!" gilalas kong iniutos, sa kanya.
Subalit ayaw niya.
Umiling siya at sinabi. “Ayaw ko, ang cute mo kasi!"
“Tigilan mo nga ang pambobola mo. Wala pa sa oras, masyado pang maaga para gawin mo yan." sabi ko nairap sa kanya.
“Hindi ako naaapektuhan ng pag-ngisi mo o pagtawa, na gaya niyan." nginuso ko pa ang mga labi ko. Itinuro ang nakakatawang mukha nito.
Tumawa naman siya, nang pagkalakas.
Pinuno ng malakas niyang tawa ang loob ng kanyang sasakyan.
Ang lakas ng tawa niya sa tuwa ng i-nginuso ko pa siya na itinuro gamit ang labi ko.
“Mas lalo ka pang naging cute!" sabi nito.
“Bolero!" gilalas ko.
“Bolero? Hindi ahh, totoo naman ang sinasabi ko. Bakit pa kita bobolahin? Sa totoo naman at maganda ka." sabi pa niya, hindi pa din nawawala ang kanyang pagsulyap habang dire-diretso sa kanyang pagmamaneho.
“Late ka na ba?" tanong nito, binago ang topic na aming kangina pa ay pinagtatalunan.
“Kangina pa nga, asar kasi mga kapatid ko." sagot ko.
“Ahh, kaya pala ang aga, at ganyan ang itsura mo?"
“Bakit? Ano bang itsura ko?" bulalas kong tanong lumingon sa kanya.
“Ang pangit mo kasi kangina, pero ng makita na kita ng malapitan, gumanda ka sa aking mga mata."
“Bolero ka nga talaga!" bulalas ko pa din sa kanya.
Tumawa na naman siya, kinakabog na naman ang aking dibdib sa tuwing tatawa siya ng ganun.
“K-kung pangit ako? Bakit isinakay mo pa ako? Hindi ba dapat, nag-dire-diretso ka na, at hindi mo na ako hinintuan ng makita mo ako kangina? Bakit huminto ka pa? Sabi mo Ang pangit ko?"
“Bea, ang bilis mo pala mabiro at maasar?" anito na sambit at binibiro ako.
“Biro lang naman yon, bakit naman hindi kita hintuan ng aking sasakyan? Sa ikaw nga ang dinaanan ko rito. At isabay sana sa aking pagpasok." Saad nito, taas kilay ako.
Napangisi pa ako, mula sa sinabi niya.
“Alam mo, paki baba mo nalang ako dyan sa kanto at lalakarin ko nalang papasok. Malapit na naman na, paki baba nalang ako at ihinto mo ang sasakyan mo." turo ko, sabay utos muli rito.
Halos konting lakad na lang naman ay nasa school na ako. Kaya ko na lakarin yon, kesa may makakita pa sa paghatid niya sa akin ngayon.
“Malayo pa kaya." sagot niya.
“Malapit na, ayun na nga tanaw na mula rito ang school ko." Saad ko, ginagad ang sinabi niya.
Magkakapilitan na naman ata kami tulad ng nangyari kagabi. “Sige na, paki baba mo nalang at ihinto ang sasakyan mo."
“Kumain ka na ba?" tanong naman nito.
Mula sa labas, sa daan, kung saan ako ay nakatingin. Bigla ako napabalikwas at sa kanya bumaling.
“Mamaya nalang ako kakain!" sagot ko naman sa naitanong niya. Kahit kumakalam ang tiyan ko. Sinagot ko nalang na kumain na ako.
Kahit nagkakandarapa yung mga bulate sa tiyan ko. Inisip ko nalang kakain naman ako mamaya pagdating ng recess time.
Kahit mamaya pa yun, after ko sa last subject namin ngayong umaga, tutungo naman ako sa canteen upang tumulong at magtrabaho para may pangkain ako.
Kung hindi ko gagawin, wala naman akong baon na makakain ko kung hindi ang tumulong muna sa canteen at saka kumain ng agahan, kasama na maging ang pananghalian.
Kumakalam ang tiyan ko.
Sunod-sunod ang pag-tunog, at maging ang pag-iingay nito. Ang ingay naman nitong sikmura ko na panay ang reklamo.
Mamaya, naman kakain tayo. Tumigil ka muna at nakakahiya.
Tumigil ka na, please.
Para akong baliw na kinakausap ang sikmura ko na pinakiusapan kong tigilan muna ang pagrereklamo.
Mamaya nalang, pag bumaba na tayo.
Paulit-ulit ko pa na suway sa maingay kong tyan. Napalunok pa ako, kahit tubig ay hindi ako nakainom kangina.
Ngayon ko lang naalala, kung kelan nakaramdam ako maging pagkauhaw.
“Kumain na muna tayo, kung okay lang sayo." bigla nalang ito nagsalita at inalok ako.
“Huh?"
“Sabi ko kumain na muna tayo, kasi nga yung tyan mo. Ang ingay kangina pa, mukhang nagrereklamo." gilalas niyang itinuran habang ako para natulala pa sa pagyayaya nito.
“May klase pa kasi ako. Late na nga ako." malumanay na sagot ko.
Hindi na ako inis, pero para nais ko nalang lumiban muna sa klase. Kaya lang, kung liliban ako ng dahil sa kanya lang. Parang ang pangit naman.
“Okay, later nalang. Anong oras ng break time mo? ahhm, recess time mo?"
“Ako?"
“Hindi, ikaw!" natawang tugon.
“Baliw!" naibulalas ko.
“Yung totoo, anong oras ng break time mo?" tanong niya ulit ng walang ayos ang aking pag sagot at biniro ako.
“May work ako sa canteen mamaya, duon kasi ako kumakain ng break time ko. Tumutulong ako duon kapalit ng pagkain ko sa araw-araw ng aking pagpasok sa school."
“Napaka-sipag mo talaga?" bulalas niya.
“Hindi naman, wala lang naman kasi ako baon, saka alam mo naman sitwasyon ko." sagot ko, maayos na, pag-uusap naming dalawa.
Hindi gaya kangina na nagsusungit pa ako sa kanya. Ngayon, bait na at malumanay na ako nakikipag-usap. Hindi ko na rin siya binabara, o kaya naman ay sinasagot.
“Huwag ka na pumasok sa canteen mamaya, sabay na tayo mag lunch."
“Huh?" aniya ko ulit.
Tumawa siya. “Sabay na tayo mag lunch, susunduin kita mamaya, puntahan kita rito." dagdag pa nito. “Before matapos ang class mo, text mo ako. Pupunta ako rito para sabay na tayo mag lunch."
“Kaya lang, mga alas dose pa yon. Saka diba malayo pa ang office dito?"
“Okay lang, kaya nga may kotse diba?" piloso na sagot niya.
“Ayos!" aniya ko habang natawa sa kanya.
“Bakit? Sa totoo naman, anong silbi nitong sasakay kung hindi ko gagamitin para mapuntahan ka agad?"
“Ewan ko sayo. Ikaw na may sasakyan." bulas ko na tugon.
“Baba mo na ako diyan!" Saad ko sabay turo.
“Sure ka ba talaga na dito ka na?" Tumango ako.
“Okay!" at hininto nga nito sa tabi.
“Sige, mamaya nalang!" sabi niya ulit.
“Okay, salamat sa paghatid." nakangiti kong sambit na manipis na pagkakangiti.
“Okay, bye!" sabi niya, sagot na kanyang saad.
Tumalikod na ako, binuksan ang pintuan ng kanyang kotse, ibinaba ang magkabila kong paa at inihakbang papababa ng kotse niya.
Yumuko pa ako, nagpaalam ulit. Tumugon naman ito, yumuko rin.
Nginitian din ako, at kumaway pa nga, ngiti lang ang sinagot ko ng lingunin ko siya.
Tapos ay nag tuloy-tuloy na ako sa aking paglalakad hanggang marating ang gate ng aming school campus na aking pinapasukan.
Naka received pa ako ng text mula sa kanya na kinangiti ko habang binabasa.
“Ingat, Bea. See you later, sabay tayo mag lunch ahh!" Saad sa text na pinadala nito.
Natawa ako, kasi sa emoji na kasunod.