Asawa ako, kabit siya
Sa bahay ko, sa bahay ng asawa ko.
Nakakalungkot lang isipin na ako ang alila, ako ang alipin.
Ako ang katulong, at siya ang masusunod sa loob ng pamamahay, na dapat ako ang nasusunod. Dahil ako ang asawa, at siya nama'y kabit lang. Pero kabaligtaran ang nangyayari sa loob ng tahanan na aming binuo ng mahal kong asawa.
Kung sino ang kabit. Siya ang Reyna, at akong asawa ang siyang alipin na sumusunod lang sa lahat ng ipinag-uutos ng kabit ng aking asawa.
Kung hindi pa siya makuntento, sinasaktan rin ako, maging ang ilan sa mga kasama ko sa bahay, na aming mga kasambahay.
Napakahirap para sa akin, dahil walang alam ang aking asawa sa lahat ng mga pangyayari at pinagdaanan ko sa babaeng minsan niyang inuwi at hindi na rin umalis.
Napakasakit sa dibdib, at napakahirap dalhin na ako ang asawa ngunit ako ang nagdurusa na sundin lahat ng utos ng magaling na kabit ng aking asawa.
Wala naman din ako magagawa. Kung hindi ako susunod ay tiyak na mayroon akong parusa.
Akong asawa na walang boses sa bahay.
Wala akong lakas ng loob na umangal at umapila sa kanya. Dahil tiyak na masasaktan lang ako, o hindi naman kaya'y mga kasama ko sa bahay ang kanya naman na pagbubuntunan, at sasaktan.
Huminga muna ako ng isang malalim na kinabuga ko rin habang nagtitiis ako at nakaramdam ng pangangalay, maging p*******t ng kamay dahil sa kangina pa na pagkukuskos sa sahig, lababo, at maging sa mga gilid na bahagi ng aming kusina.
Masakit na ang mga kamay ko.
Masakit na talaga ito. Lalo ng makita ko, ang mga sugat sa mga kamay na gamit ko sa paglilinis ng buong araw na pagsunod sa kanya.
Napakasakit, nakaramdam ako ng pamamaga sa mga kamay ko, dahilan kaya nananakit ito. Dahil sa sobrang pagbababad sa tubig na may sabon sa buong araw ng aking pagtatrabaho.
“Napakabagal mo!” Sigaw na malakas, ni Carmen, ang kabit ng mahal kong asawa.
Galit na ito dahil sa ginawa kong paghinto. Dahil sa masakit kong kamay.
Sa galit nito at inis, dahil sa nakita niyang paghinto ko sa iniuutos nito. Inihagis niya, ang basahan na hawak niya.
Ang basahan na ginamit niya, na kanyang ipinampahid kangina sa gilid at loob ng basurahan.
Nakita ko ang ginawa niyang 'yon kangina. Habang ako'y busy sa paglilinis at kakakuskos ng mga maruruming sahig na kanya rin naman sinadya— kanya talaga yon ginawa upang ipampunas talaga niya sa akin.
Buti nga at hindi ko sa mukha ipinunas. Dahil sa kung minsan ay sa mukha ko diretso ang basahang amoy hindi ko malaman, iikot na ang aking sikmura at nasusuka na lang dahil sa matinding amoy.
Siya na natutuwa pa na makita, kung madalas, nitong si Carmen, natatawa pa ng malakas at pumapalakpak pa sa tuwa habang bumungisngis sa pagtawa, nakatingin at pinagmamasdan akong maigi habang hindi mapigilan ang aking pag-duwal.
Kasi naman ang amoy noon ay napakalakas, masangsang na hindi ko maintindihan ang amoy, at sobrang baho na kinaiikot agad ng sikmura ko.
Pakiramdam ko'y parang hinahalukay ang sikmura ko. Minsa'y natitiis ko, ngunit minsan naman ay hindi ko na matiis, once na sobra na talagang baho at hindi na makaya ng pang-amoy at nang sikmura ko.
Para na ba itong bumabalong na volcano na bigla nalang sasabog, at maglalabas ng maraming nakakadiri ring lava.
Once na makita ko pa iyon. Isa pang nakakapag dagdag ng pagkulo ng aking sikmura. Mas lalo pa tuloy ako suka ng suka, hanggang sa wala ng mailabas.
Pero kadalasan ay tinitiis ko ito.
Dahil sa wala naman na ako magagawa, dahil sa hindi ko rin siya kayang pigilan. Lalo na, ang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin sa akin.
Hindi ako makalaban o makasagot man lang.
Dahil hindi maaari.
Dahil hindi ko kaya.
Dahil sa kung sasagot ako, sigurado akong higit pa ang gagawin ni Carmen, kapalit ng pagsagot, at once— kung aapila ako sa mga ginagawa nito, baka maulit lang, ang ginawa niya nuon sa akin na hindi pa rin ako naka-recover.
“Ang bagal mo talaga, hayop ka!" muli nitong isinigaw, habang galit na naman siyang lumapit, puma-padyak ang mga paa, habang maingay ang bawat kaluskos ng kanyang suot na tsinelas.
“Halika ka nga dito!" ang bulyaw niyang pasigaw, habang iniiwas ko ang ulo ko pero huli na, para duon.
Nahawakan na niya ako sa buhok, sinabunutan niya ako, at hinila ang buhok ko, habang hinihila niya ako, palapit sa basurahan.
Nang kanya na ako, malapit sa basurahan. Sa nanggigigil nitong itsura, sa inis at hindi ko malaman sa kanya, pero sa loob ng basurahan ay doon ako isinusuob.
Nakasubsob ako sa loob ng mabahong basurahan.
Mas isinubsob ako ni Carmen sa loob ng mabahong basurahan, yung tipo na halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang baho.
Isama pa ang amoy ng mabahong laman ng basurahan, iba't-ibang klase ng amoy, tulad ng madalas na nangyayari. Umikot agad ang sikmura ko, kinasuka ko ang sobrang baho.
Nauna ng lumabas ang may karamihan na suka ko habang nakasubsob sa loob.
Nakita ko kasi don sa loob ng basurahan, ang mga sira na tirang pagkain, at mga tirang pagkain na hindi pa man nagalaw, kahit minsan, nasa loob lang ng ref hanggang nasira at hindi na makain.
Lahat 'yon ay nakita kong pinagtatapon ni Carmen sa basurahan habang ako ay abala sa paglilinis rito sa kusina. Habang siya naman ay busy sa pagkalkal ng mga patapon na pagkain na hindi na kayang kainin, mga may amoy at amag dahil sa tagal sa ref.
Si Carmen, simula ng dumating siya rito sa bahay, naging abuso siya na para na siyang tunay na asawa kung siya ay umasta.
Ang mga pagkain na hindi naman niya karaniwang kinakain ay pinapaluto niya.
Ang mga natirang pagkain, sa dami na madalas niyang hinihiling sa aming mga kasambahay na ipagluto at ihain para sa kanya, na hindi rin niya ginagalaw, hinihipo, o kinakain man lang.
Kung hihilingin niyang ipagluto siya ng aming kasambahay, sobra-sobra na iyon para sa kanya. Subalit hindi niya ito inuubos.
Nilalagay niya lang ito sa ref hanggang sa mapanis at masira, hanggang sa hindi na ito makain at mapakinabangan.
Ayaw niyang ibahagi sa iba o ipamahagi na lang upang makain nalang sana ng ilan sa aming kasambahay at hindi masira, o matapon sa basurahan.
Kaya naman ang mga pagkaing hindi niya nauubos o ginagalaw ay nasisira, at magpapaluto siya ng mga bago, oras-oras, kung kailan niya gusto, at kanyang maisip na mag-paluto ng pagkain na kakainin niya, subalit hindi naman gagalawin at titingnan lang.
“Ano?" bulyaw niya ng maingat ko ang aking ulo at mapatula.
Nasusuka na rin kasi ako sa amoy.
Puma-paikot-ikot na rin ang aking sikmura sa sobrang baho ng nasisinghot ko na pumapasok naman sa loob ng ilong ko at kinakakulo ng sikmura ko.
At ngayon ay pakiramdam ko, parang bubulwak na naman ang isang katerba na laman ng tiyan ko, kung hindi ko ito mapipigil panigurado na mailabas ko ito anumang oras, once na makita ko pa, tiyak ring mas lalo lang ikakakulo ng aking sikmura.
Tumawa si Carmen. Yung mukha niyang nakangisi at tawang parang isang demonyo ang itsura niya.
Sabi niya ng sumigaw muli at patanong. “Mabaho?" sabay na tumawa siya ng may kalakasan.
Nasa kusina pa rin kami. Habang ang asawa kong si Luiz, nasa kwarto at nagpapahinga.
"Nandidiri ka?" tanong niyang hayag muli habang hinawakan niya ako sa buhok.
Tumatawa siya na naririnig ko habang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa buhok ko.
Sa gigil niya ng masipat niya na para ba akong masusuka, sa inis niya, mas itinulak niya ang ulo ko papasok sa loob ng basurahan.
Halos papasok na ako, subsob sa mga panis na pagkain na nakapa ibabaw sa basura.
Sa takot ko at sa pag-ikot ng sikmura ko, napakapit ako sa bunganga ng basurahan.
As she told me more, nanginginig siya sa galit, as laugh louder again na nakita at narinig ng mga kasambahay na ngayon ay mga hindi mapakali.
Walang makapag-desisyon na tumulong, takot rin sila madamay at tulad ng sinabi ko sa kanila. Wag na sila mangialam sa tuwing makikita nila na ganito ang sitwasyon ko. Ayaw ko silang madamay, masaktan at higit sa lahat makakita ng dahilan si Carmen na alisin sila sa aming bahay.
“Carmen, tama na, nasasaktan na ako at nakikita nila." pahayag ko sa mahina na salita na nakiusap sa kanya. Ngunit inismiran ako nito.
"Bea, alam mo bang parang basura ka lang? Una pa lang kita nakita, basura na agad ang naisip ko sa gaya mong walang alam. Ang bobo mo kasi, alam mong hindi ka na welcome. Pero nagtitiis ka pa rin kahit alam mong isa ka nalang basura na kasing baho ng naaamoy mo."
Proud na pagpapahayag ni Carmen, habang kanya akong itinulak muli habang ako ay nakatuwad na nakayuko ang ulo ko nakapasok pa rin sa basurahan.
“Carmen, please…" nang hindi ko na napigilan at tuluyan na bumulwak ang kanina pa na pinipigilan ko.
Nasuka ako, marami ang inilabas ng bibig ko at nakikita ko iyon habang mas lalo lang nagkagulo ang loob ng tiyan ko.
“Wow!" bulalas nito. “Sumuka ka pa talaga?"
“Carmen!"
“Bakit, naiinis ka?" Masungit na sabi ni Carmen habang iniangat ang ulo ko mula sa pagkaka-subsob.
Hinila niya pa ang ulo ko, iniharap na pilit sa kanya. “Bakit hindi ka lumaban?" Tanong niya. “Naiinis ka na diba sa paulit-ulit na ganito?"
“Please!" pagmamakaawa ko.
“Please, bitiwan mo na ako."
“Ayoko!" mariin, at parang baliw niya na bulalas.
“Basura!" bulalas niyang tawag sa akin. Pero, nararamdaman ko kasi ang pagkulo muli ng aking sikmura.
Nasusuka na naman ako at hindi ko na ito mapipigil— tuluyan na ngang lumabas at ang masaklap ay sa mukha niya… Duon ko naibuga.
Sa galit nito, pinalo niya ako sa ulo at nag-umpisa nanlalabo ang aking paningin, unti-unti akong nawawalan ng lakas na para ba akong bubuwal, nanghihina at bumagsak ako sa sahig at nawalan ng malay.