“Sorry na nga!" aniya ko sabi sa kanilang dalawa. “Hindi ko naman kagustuhan. Pero kailangan ko pa talaga sila mga patulan? Kung patulan ko sila, para na rin diba ako walang pagkakaiba sa kanila?" Saad ko sa kanilang dalawa.
Huminga pa ako malalim. Dahil sa mga tingin nila sa akin. Ngumiti rin ako, pero nakasimangot sila.
“Bea, wag kang sumuko. Kung darating ang araw na pakiramdam mo susuko ka na, dahil sa mga walang kwenta na tao na gaya nung mga nasa loob. Kung nahihirapan ka sa pagtatrabaho sa kumpanya na papasukan mo. Magresign ka, maraming trabaho ang maaari mong aplyan na ituturing ka ng maganda."
“Tama si Mirriam, wag kang pumayag na apihin nalang ng mga tulad nila. Matuto ka naman lumaban at ipagtanggol ang sarili mo. Kaya ka nila ginaganayan at namimihasa sila dahil sa ginawa mong pagsasawalang kibo." ani ni Trudis, hinawakan pa ang kamay ko.
“Bea, oo, nandito kami ni Mirriam palagi sa tabi mo. Pero oras na matapos na ang ating graduation. Hindi naman pwede na lagi nalang tayo magkita-kita. Hindi ka rin namin kayang bantayan sa trabaho mo, dahil may iba rin kaming trabaho na papasukan na malayo sa kung saan ka papasok na trabaho."
“Tama si Trudis!" may pagsang-ayon na sabi rin ni Mirriam.
Yung mga tao mga nakatingin na sa amin. Ang ilan sa mga kaeskwela namin ay mga nakatanga sa labas ng classroom. Mga nanonood sa aming tatlo na nakapwesto dito lang malapit sa may pinto sa mismong harapan ng labas ng classroom namin.
“Salamat sa inyong dalawa. Susubukan ko gawin ang sinabi niyo." gagad kong sabi sa kanila at niyaya ko na sila mga pumasok sa loob ng classroom.
Sa pagpasok namin, nakahawak sila sa akin. Nakaakbay habang lumalakad papasok sa loob ng room. Ang mga kaeskwela namin. Mga kunot ang mga nuo at ilan naman may masamang tingin sa kasama kong si Trudis.
Hindi nalang namin mga pinansin ang mga itsura ng mga kaklase namin at nag-focus nalang kami sa buong maghapon naming klase.
Wala naman na nangyari sa maghapon. Hindi rin kami nakakain ng sabay ni Luiz kasi ay nag-message siya sa akin na may biglaan itong lakad na kailangan niyang ayusin.
Kaya naman kumain kami ng sabay na tatlo ni Mirriam at kasama si Trudis na hindi na rin sumabay sa mga ibang tropa niyang mayaman na gaya niya.
Si Mirriam naman kasi talaga ang madalas na sumama sa akin sa lahat ng mga ginagawa ko sa buong maghapon ko sa school.
Siya rin ang madalas na kadamay ko sa lahat pero, may pagkakataon na si Trudis ang sumasama sa amin pag may mga ganitong pagkakataon na may pambabastos na nangyayari sa akin.
Natapos ang maghapon at maghiwalay na rin kaming tatlo. Tumungo muna ako sa carwash kung saan ay rumaraket din ako.
Natapos ang duty ko ruon, maging sa bar.
Mabigat ang itsura ni Sir Luigi ng pumasok ako sa bar. Sobrang busy niya at halos nakatutok lang siya sa kanyang screen ng monitor ng kanyang computer.
Habang si Lucille naman ay hindi pumasok matapos ang gulo na nangyari kagabi.
Nakauwi ako ng bahay. Sobra din tahimik. Naninibago ako pero talagang tahimik, nagpahinga na ata ng mga maaga sila Ate at Kuya. Wala at hindi ko sila mga nakita, na magtambay dito sa sala at nanunuod ng drama o movie sa ganito na oras.
Siguro ay mga talaga tulog na sila. Maging sila Papa at Mama ay wala rin dito. Sabagay sila Ate at Kuya lang naman ang madalas na naiwan ng gising sa ganitong oras na darating ako galing trabaho sa bar.
Pumasok na ako sa kwarto na may narinig akong kumakalasing. Hindi ko nalang pinansin at nagbihis nalang ako muna saka ako gumayak upang matulog.
Wala akong tulog mula sa nangyari kangina dahil sa mga pasaway kong kapatid.
Ipinikit ko na ang aking mata, pero ang nakita ko naman ay mukha ni Luiz hanggang sa tuluyan na ako dalhin at tangayin ng antok at makatulog.
“Bea!" sigaw ni Ate, ayaw pa magmulat ng aking mata. Pero dahil sa sigaw niya ay tuluyan na nawala at umalis ang antok ko.
“Bakit ba Ate?"
“Kakain na!" nabigla ako, tama bang narinig ko?
Sinabi ni Ate, kakain na?
Hindi kaya ako nananaginip pa? nais ko sana ay kalugin ang ulo ko, pero sinabi pa ni Ate. “Lumabas ka na, kakain na tayo ng almusal." Saad na muli na sinabi niya at Yaya niya sa akin na lumabas na ng kwarto.
“Ano ba?" gilalas ni Ate. “Gagayak ka ba para lumabas at kumain, o, titignan mo lang ako ng ganyan?" Mataray na saad ni Ate, sumigaw na siya at nainis dahil sa pagkatulala pa rin.
Hindi talaga ako makapaniwala. Pero sa tingin ko may biglang nagbago sa pamilya ko ngayong araw.
Totoo ba ito? Kasi kung totoo, ayaw ko na sana mawala.
Kung panaginip naman, ayaw ko na sana magising pa.
“Bea!" tawag ni Mama.
“Bea, lumabas ka na diyan. Gagalitin mo na naman, iyang Ate mo." sigaw ni Kuya.
“Tama itong Kuya Toto mo, halika na bago pa magbago ang ihip ng hangin at biglang maging dragon iyang Ate Izy mo." si Papa naman ang siyang sumabat at nagsalita.
Napatigil talaga ako, hindi ako makapaniwala na nangyayari, ito ngayon. Kung panaginip talaga ay ayaw ko na magising pa dahil sa sayang nararamdaman ng puso ko.
Napakasaya ko dahil sa ngayon ko lang nakita na naging ganito kasaya ang pamilya ko.
Hindi pa rin ako makagalaw mula sa pagka-katayo ko dito sa pinto, nang buksan ko at tanungin si Ate kung bakit ba siya sumisigaw ng sobrang aga pa.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa sobra kong saya. Habang pinagmamasdan ang masaya at mga nakangiti kong pamilya.
Mula ng matapos ang aming pagkain, hindi rin naman natapos ang aming bonding nila Mama, Papa, Ate at Kuya. Sama-sama kami ngayon na mga nagsimba.
Pasasalamat raw dahil sa maayos ako, makapagtapos ng aking pag-aaral. Nakita ko si Mama, lumapit siya sa kanyang kakilala, kaibigan na nandyan rin sa may malapit sa amin at taimtim na nagdadasal.
“Mare, anak ko pala. Magtatapos na siya ng pag-aaral niya sa susunod na linggo. May konting salo-salo ako ihahanda, baka nais mong pumunta." nagulat ako ng magawa ni Mama na mag-imbita ng bisita.
Ngayon niya lang ito ginawa sa ilang taon ko na pakiramdam ko ay wala akong halaga sa kanila.
Naiyak ako, tumulo ang luha ko na nagawa ni Mama na maipagmalaki ako sa mga taong kinausap, nilapitan at inimbitahan pa niya sa paparating kong graduation.
Ang bilis ng araw, sa susunod na linggo na ay aking graduation. Nakakatuwa lang isipin na ang problema ko na matagal na nais sana magbago ay nangyayari na ngayon.
Masaya akong malaman na ngayon ay proud pala sila sa akin. Matapos nila magtalo nung nakaraan ni Papa, biglang nagbago ang lahat.
Parang magic, sana ganun din kadali pagdating sa paparating kong pagpasok sa kumpanya ni Luiz.
Wala na ako balita sa kanya, wala na rin akong text message na natatanggap mula sa kanya.
Kahit ang kamustahin ay hindi na nito ako nagagawang kamustahin.
Nagpupunta ako sa burol. Subalit hindi ko siya nakita ulit duon. Muli ng araw na sabi niya ay kakain kaming dalawa ng sabay ng lunch.
Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Sinubukan ko na magpadala ng message. Subalit hindi rin siya sumasagot.
Hindi ko naman nagawa na tawagan siya, kasi nga nahihiya ako.
“Aray!" nausal ko ng bigla nalang ako may biglang bumangga sa braso ko.
“Sorry!"
Si Christmas. “Hi, Bea, kamusta? Malapit na ang graduation, congrats." sabi niya na inilahad ang isang kamay.
Nakangiti rin siya, habang inaantay na abutin ko at makipagkamay sa kanya.
“Sorry pala, sorry sa lahat ng mga kasalanan na nagawa ko sayo. Sorry, dahil bigla nalang kita, pinahirapan at hinusgahan sa kung ano ang nakikita ko lang." saad ni Christmas, patuloy sa kanyang pagsasalita.
“Sorry, sana mapatawad mo ako. And, thank you pala sa pagtulong mo sa akin duon sa bar. Pasensya na at ngayon ko lang nasabi sayo. Nahihiya kasi ako ng sobra, sa kabila ng lahat. Tinulungan mo pa rin ako at ipinagtanggol."
Gagad pa rin ni Christmas. Sunod-sunod ang pasasalamat at paghingi niya ng tawad. Nagulat ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari at ngayon biglang umikot ang mundo ko. Biglang nagbago ang ihip at ang mga tao na noon ay inaapi ako ay ngayon mga humihingi ng sorry.
Pero masaya ako, inabot at tinanggap ko ang kamay ni Christmas.
Tinanggap ko rin ang paghingi niya ng tawad. Dahil matatapos na rin naman ang aming araw na magkasama sa school dahil sa nalalapit naming graduation.
Pagkakatanda ko nga ay ilang araw si Christmas sa kulungan. Maging ako ay tinawag upang mag-testify sa nangyaring gulo sa bar.
“Wala na yon!" sagot ko, niyakap niya pa ako at nakita ko ang pagbagsak ng luha niya sa mata.
“Salamat, Bea, kahit kailan napakabuti mo kahit marami ang hindi napapansin ang tunay na Bea, ang mapagpasensya, mabait at maunawa. Salamat, Bea, sana ang dream mo sa buhay ay matupad." sabi ni Christmas, nakangiti.
“Alam kong sa kabila ng lahat, sinikap mo pa rin ang mai-gapang ang pag-aaral mo. Kaya lang, inggit ang nangibabaw sa akin. Kaya pasensya talaga, sorry sa lahat." gagad muli na sinabi nitong si Christmas.
Maging ako ay napaluha na sa kadramahan ni Christmas. Napatingin rin ako sa mga nakatingin naming mga magulang.
Anduon din pala at kasama niya ang kanyang pamilya na nagsisimba upang ipagpasalamat ang paparating naming graduation.
“Mabuti naman at okay na kayo. Hindi maganda na magkakapitbahay tayo pero hindi kayo nagkakasundo." ani ng Mama niya, na ngayon ay nakangiti na pinagmamasdan kami ni Christmas.
Mabait ang Mama ni Christmas, nuon ay hindi ko malaman kung bakit ito naging ganun sa akin. Sa kabila nung maliit pa kami ay naglalaro at magkasundo pa kaming dalawa.
Kasama sila Ate at Kuya na madalas ay mga kahabulan namin na tumatakbo at naglalaro ng habulan.
“Naku, dapat mga malalaki at dalaga na kayong dalawa. Tama na ang away ahh!" sabi muli at usal naman ni Papa.
Si Papa na kay laki ng pagka-proud raw sa akin. Sa kabila ng madalas na pananahimik at kung minsan ay pananalita nito ng kinakasama ng loob ko. Pero dahil sa mga sinasabi niya.
Mas naging matatag lang ako at hindi sumuko sa buhay.
“Opo, Pa!" sagot ko.
Nagkatawanan pa nga sila, kaya naman umuwi kami ng masaya matapos ang aming pagsimba.
“Bea, salamat, anak sa patuloy na pag-pasensya at pag-unawa mo sa amin ng mga kapatid mo at lalo na si Mama mo. Napakabait mong bata at napakaswerte namin dahil may anak kaming napakamaunawain."
“Pa, salamat din po. Dahil kung hindi sa inyo nila Mama, hindi ko po mararating ang lahat ng ito. Salamat po!" Gagad kong pagkasabi at yumakap kay Papa.
Araw na ng pagtatapos, buong pamilya ko ay masayang pumunta sa school upang suportahan ang aking pagtatapos.
Sii Papa ang sumama sa akin sa stage upang isabit ang karangalan na aking natanggap na labis na kinatuwa, ni Papa, Mama at maging ang dalawa ko pang kapatid.
Nang muli ako ipatawag sa taas, para tanggapin ang special na karangalan na ipinagkaloob sa akin ng school. Si Mama naman ang umakyat na nakikita ko pang malapad na ngiti sa aking dalawang kapatid.
Panay ang palakpak nila Ate at Kuya, sumisigaw rin sila at sinisigaw ang aking pangalan.
Habang si Papa ay ganun din at masayang nakatanaw mula sa hindi kalayuan habang isinasabit ni Mama sa akin ang medalya na aking natanggap.
“Congrats, Bea!" si Mama ay usal niya at niyakap pa ako. Bumuhos na ang luha sa mata ko na agad ko naman ay pinahid ng kamay ko.
“Gamitin mo." abot ni Mama sa akin ang isang panyo na aking ipinampunas sa luha na panay ang tulo.
“Wag ka ng umiyak. Papangit ka sa mismong graduation mo." biro pa ni Mama, mas lalo na kinaiyak ko.
“Thank you, Ma." at yumakap ako sa kanya. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng aking pamilya na nasa baba ng stage at nanunuod.
Masayang-masaya ang naging pagtatapos ng aking pagtatapos sa aking ilang taon na pag-aaral.
Umuwi kami ng bahay na dala-dala ang lahat ng karangalan na nakuha ko at ipinagmamalaki yon ng aking pamilya sa lahat ng dumalo sa maliit na salo-salo na ginawa ni Mama at Papa.
Naging super saya ko, ang dasal ko ay sana ay hindi na ito matapos. Habang natatanaw ko silang masaya, napapaisip ako.
Lord, salamat po sa lahat ng blessings, ngayon po ay tapos na ako. Sana ay matapos na rin ang lahat ng kamalasan sa buhay ko. Mabago na sana ang tingin sa akin ng halos lahat ng tao, tulad ng nangyari sa pamilya ko.
Ang dalangin ko, habang nakatanaw at nakaupo dito sa mesa habang kasalo ang ilang kapitbahay ko sa pagkain.