Buti nalang nailayo ko na si Lucille kay Gil.
Natigil na rin sila sa hindi nila pagkakaintindihan at natapos na rin ang kanilang kaguluhan.
Buti nalang din at hindi sila nakita, at napansin din nila Sir Luigi.
Natapos na rin kami sa aming mga linisin ng tahimik nalang.
Hindi ko na pinansin ang ilang mga bulong-bulong nila habang pinaringgan nila ako, habang mga nagpapatuloy sila sa kanilang paglilinis.
“Ikaw naman!" singhal ni Lucille.
“Bakit pinigilan mo ako kangina?" ani na sinabi niya na may inis.
Lumingon pa siya kila Gil.
“Tingnan mo? Tumatawa sila." gilalas niya pang sambit habang turo ng kanyang mata ang mga nagtatawanan na mga ilan sa mga may kayabangan naming kasamahan.
“Kala mo ba? Titigil ang mga iyan sa mga pangungutya sayo? Ikaw na naman ang mga pinagtatawanan ng mga iyan. Sure ako, lakas ng mga loob, kakapal pa ng mga mukha." bulalas na inis na inis, sabi ni Lucille pa rin
“Hayaan mo na, bayaan mo silang pagtawanan ako. Kung duon sila mga masaya." sagot ko.
“Yan, kaya mga namimihasa. Kasi sa ganyang ugali mo." sininghalan ako nito na kinangiti ko nalang ang itsura ni Lucille na naiinis sa sinagot ko.
“Magbago ka na nga!" Saad na pagkakasabi.
“Lucille, mag-usap nalang tayo bukas ahh, kailangan ko na umuwi." Saad ko rin sa kanya, at nagpaalam na rin na ako'y uuwi na.
Lumingap pa muna ako sa loob ng bar. Hindi ko na matanawan si Luiz, si Sir Luigi naman nasa may counter.
“Umuwi na siguro siya!" nasambit ko pa nga, at lumakad papalapit sa may counter upang makapag paalam ako, na akoy uuwi na muna.
Tapos na naman na rin ang duty ko sa aking trabaho.
Wala na rin ako gagawin, dahil nagsarado ng bar si Sir Luigi, matapos ang kaguluhan kangina.
“Excuse po, Sir Luigi!" sambit na kinalingon, ni Sir Luigi.
“Oh, ikaw pala, Bea." kinagulat niya pa ng makita ako.
“Kala ko naman nakauwi ka na?" tanong niya may pagtataka.
“Hindi pa po, ngayon pa lang po sana. Magpapaalam na po sana ako na akoy uuwi na." ngumiti ako sa kanya, habang seryoso ang mukha ni Sir Luigi.
“Oh sige, gabi na nga." napabuga pa ito ng siya ay huminga, at sinabi niya. “Pasensya ka na kangina!"
”Sir, ako dapat di ba ang humingi ng pasensya sa inyo?" tugon ko sa sinabi ni Sir.
Humingi na naman siya ng paumanhin na dapat ay ako ang gumagawa.
Mga kaklase ko ang mga nanggugulo. Kaya dapat na ako ang humingi ng pasensya, hindi siya.
“Ikaw ang nasaktan, dito pa sa bar, na pagmamay-ari ko!" anito ng bulalas, na kinatawa ko ng magseryoso na naman ang aming usapan.
“Sir naman, nagpapatawa talaga kayo. Sige po at bukas nalang tayo mag-usap. Medyo late na rin po at may pasok pa ako bukas." sagot ko, umiwas na lang muna sa pupuntahan ng mga sasabihin pa nito.
Nagmamadali na rin akong lumabas, at baka mamaya wala na akong madatnan na tricycle papauwi sa bahay.
Kaya lang, papahakbang pa lang ang aking mga paa. Nakita ko agad ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa may gilid ng entrance ng bar.
Hindi ko inaasahan na aantayin niya pa pala ako rito mula sa labas.
“Bakit andito ka pa?" tanong ko agad ng lapitan siya.
“Para antayin ka!" bulas nitong sagot.
“Hala, kala ko naman umuwi ka na?"
“Hindi ahh, di ba ang sabi ko sayo. Ihahatid kita." anito na kanyang mabilis na tugon.
Saad niya pa, kangina pa nga raw siya nilalamig sa kakaantay niya dito sa labas.
Kasalanan ko pa pala, na nag-aantay siya ng wala naman din ako kamalayan mula sa loob na andito pala siya.
Buong akala ko nga ay umuwi na siya.
Kangina, bago pa ako nagpaalam kay Boss Luigi. Hinanap ko pa siya mula sa loob, nilibot ko ang mata ko.
Subalit wala naman siya at hindi ko nakita.
Andito pala siya sa labas, nang hindi man lang niya sinasabi.
Kahit sana kay Boss Luigi. Sinabi niya na nag-iintay siya dito sa labas.
Pero hindi eh, para akong naghahaka mula sa loob kung umuwi na ba siya o hindi pa?
Para akong manghuhula kangina. Habang ako ay nasa loob pa ng bar.
“Ewan ko!" bulas ko sa kanya.
“Wala akong matandaan." aniya ko.
“May sinabi ka ba?" gilalas ko pang tinanong siya.
Ngumiti pa ito, inaya nalang ako na lumakad at pumasok sa kanyang sasakyan.
Hindi na siya kumibo.
Inakay niya ako, nang magawa niya na naman ako hawakan sa kamay.
Inalalayan niya pa ako na makasakay sa kanyang kotse at hinintay na makalulan ako, mula sa loob nito.
Napalingon pa ako sa kanya. Kasi nga, ayaw niya pang isarado ang pintuan.
Nakatingin pa siya sa akin. Nakatitig!
“Bakit?" naitanong ko pa sa kanya ng may pagkamangha.
Na-amaze ako sa kanyang itsura, kahit pala natabunan ng dilim ang kanyang mukha. Para pa rin siyang nagliliwanag sa aking paningin.
“Wala naman!" sagot niya.
I-sinagot niya ng may ngiti sa akin. “Let's go!" anito na sinabi pa niya, at saka niya isinarado ang pintuan ng kotse niya.
Ngumiti lang ako. Nakasunod sa kanyang paglalakad mula sa labas ng umikot siya papunta sa kabilang side.
Binuksan niya yung pintuan sa may driver seat.
Tumingin muna siya sa gawi ko, saka siya nakangiti na naupo. Napasinghap pa nga siya habang biglang natawa.
“Alis na tayo?"
Tinanong pa nga niya ako, ngumiti naman ako. “Oo naman, alangan na dito lang tayo?" na sagot ko, sabay tawa nito.
Huminga ako, ako naman ang napasinghap dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Okay!" ngumiti siya at saka tumingin sa daan.
Tinanong niya kung saang lugar ako nakatira.
Sinagot ko naman siya, itinuro ko kung saan niya ako ihahatid na lugar.
Ngumiti pa rin siya habang nakatingin ng sagutin ko ang tanong niya.
Habang nasa biyahe kami. Tinitingnan ko siya mula sa salamin.
May mga oras na naman na bigla nalang siya lilingon at magkakatinginan kaming dalawa.
Nakakailang, pero parang wala lang naman sa kanya sa tuwing magkakabanggaan ang aming mga mata.
Ngi-ngiti pa nga siya, napapangiti na lang din ako dahil sa pagka-lapad ng ngiti niya habang titig na titig sa mukha ko.
Tapos yung puso ko. Parang nagkakarera na naman sa tuwing aabutin ako.
D-dug, dug, dug!
Sobrang lakas at paulit-ulit na kumakabog.
Para lang may drummer na panay ang palo, hampas habang kinikilig naman ako.
Mali, kinikilabutan ata ako dahil sa baka hindi ko mapigilan, tuluyan na talaga malaglag at hindi ko na masalo pa, ang puso ko.
Para akong nakabitin. Anytime maaari na kong malaglag mula sa ibabaw, papunta sa ibaba.
“Go, Bea!" parang may nag-chears pa sa loob ko.
Yung utak ko ata yon, habang yung isip ko nakikisali sa sinasabi naman nitong kinakabog kong puso.
“Go, Bea!" muli na naibulalas ng puso, isip at maging ang utak ko. Sumang-ayon na sa sinisigaw nitong mapang nasa kong nararamdaman na hindi rin naman maintindihan.
“Malapit na tayo!" anito na bulas, habang itinuro na nga niya ang mismong lugar kung saan nakatayo ang aming tahanan.
Natatanaw ko na nga, malapit na nga kami sa bahay.
“Dito mo nalang ako ibaba!" utos ko, may ilang dipa malapit sa bahay, sinabi kong ibaba na niya ako at ihinto ang kanyang sasakyan.
“Sure ka?" Tumango naman ako.
“Pero malayo pa ang lalakarin mo?" tanong naman nito.
“Okay lang!" sagot ko.
“Pero, malayo pa nga!" Saad niya na ipagpilitan pa niya.
“Ayos lang, lalakarin ko nalang. Malapit lang naman, ilang hakbang lang naman eh!" sabi ko pa rito, binuksan ko na yung pinto ng kanyang kotse.
Bumaba na ang isang paa ko, habang isa. Para naman ayaw bumaba pa.
“Bea, may pasok ka pa bukas!" sinuway ko sa aking sarili, parang nasisiyahan na makasama pa itong si Luiz.
“Tumigil ka!" aniya ko habang napapadalawang isip pa ako, kung bababa o maghintay nalang muna ng mga ilang minuto pa at makipag kwentuhan muna sa kanya.
Pagdating kasi sa bahay, alam ko na ang aking a-abutan.
Hindi na bago, pero alam kong ganun, at ganun pa rin ang dadatnan ko oras na pumasok na ako sa pinto ng bahay.
Sa mga pagkakataon na ganito. Kailangan kong maging maingat at baka makita pa siya ng isa sa mga pamilya ko.
Tiyak na magtatanong agad sila, dahil tiyak ring magtataka sila agad lalo na ngayon lang may naghatid sa akin at naka-kotse pa.
“Pero malayo pa nga!" ipinag-pilitan niya sa akin na kanyang tugon.
“Malapit na yan!" sagot ko, ipinag-pilitan ko rin sa kanya.
“Lalakarin ko nalang!" Saad ko pa, nang hindi ko masabi sa kanya na baka makita pa kami ng aking pamilya.
Ano pa nga ba ang isipin ng pamilya ko, kundi ang ipagtataka nila oras na makita kami na magkasama.
Paniyak na magpanic agad si Ate, Kuya at maging ang mga magulang namin oras na makita ang isang lalaki, hinatid ako sa ganitong oras.
Tiyak na talagang mahabang diskusyunan ang mangyayari. Baka umagahin na kami, sumikat ang araw, hindi pa kami matapos sa mga pagtatanong nila.
Kabisado ko na sila!
Magtataka talaga sila, lalo na, at hindi pamilyar sa kanila.
At ngayon lang din may naghatid sa akin, at ang masaklap. Lalake pa!
Tiyak na pagpi-fiestahan ako ng aking mga mapagmahal na pamilya, mali pala.
Dahil mapanghusga pala sila, pakialamero, pero kahit ganun. Mahal ko naman sila, kahit hindi nila nararamdaman.
“Sure ka ba? Kahit medyo malayo pa?" ipagpilitan na naman nitong saad.
Nagkatitigan na naman ang mga mata namin. Ngumiti ako, “Okay nga lang!" aniya ko.
“Okay sige, mapilit ka!" sa wakas ay pumayag na ito.
“Salamat sa paghatid." sabi ko pa ng may ngiti.
Kahit sobrang pinaka-kabog nito ang puso ko, kinikilabutan naman ako sa isipin sa gagawin kong pagpasok sa bahay mamiya.
“Later, magkita tayo." bulong pa nito na sinabi, inihabol sa akin bago pa ako nakababa ng kanyang sasakyan.
Ngumiti rin ako. “Okay, kung hindi ako busy!" pabiro kong tugon.
“Sige, bye!" sabi ko, tugon ulit sa kanya.
Napahinga ako, nilingon ko muna siya at ngumiti pa din. Habang ito pansin ko, nararamdaman kong nakasunod ang mga tingin niya sa akin.
Hindi ko naman din pinansin na at nagdiretso ako ng lakad papauwi sa bahay.
Hindi na ako huminto pa, lumiko na agad ako at pumasok sa gate ng bahay namin at isinarado ko na agad ng pumasok ako.
Muli akong humungot ng isang malalim. “Bahala na nga, siguro ay makikipagkita nalang ako mamaya sa kanya."
Napapangiti na naisambit ko habang naglalakad na parang nakalutang papasok na sa mismong bahay namin.
Bukas pa ang ilaw, malamang ay may gising pa sa kanila.
Bukas pa rin ang pinto. Kaya naman mabilis ako nakapasok.
“Bakit ngayon ka lang?" sigaw agad ni Ate at Kuya na napalingon sa pinto ng bumukas iyon.
Agad nila ako nakita, kaya agad rin nila ako tinanong
“May pasok ako sa bar di ba?" naisagot ko sa kanilang dalawa.
“Pero anong oras na?" tugon naman ni Ate.
“Nagkagulo sa bar. Tumulong muna ako bago umuwi." bulas kong itinugon din sa muli niyang tanong.
Nanunuod sila ng movie ni Kuya, habang may mga makukutkot na makakain sa ibabaw ng lamesitang maliit na nasa harap nilang dalawa.
“Hindi na naubos ang gulo sa bar na yon." bulalas naman ni Kuya, habang sa TV at pinanunuod ang focus ng kanyang mata.
Nagsalita lang ito, sumingit sa pagtatanong ni Ate sa akin.
“Buti nga wala kayo, kala ko talaga kayo na naman anduon." hindi sinasadya na masabi ko, napalingon tuloy silang dalawa at masama ang tingin na kanilang binato ng tingnan nila ako.
Tumawa nalang ako, maibsan ang takot na biglang magagalit si Ate dahil sa sinabi ko. “Joke lang!" bawi ko sa sinabi ko kangina.
Binawi ko na, sinabi na biro lang at tiyak na aarangkada na naman ang bibig nilang dalawa.
“Magpapahinga na ako, may pasok pa ako mamaya." sabi ko ulit, at saka na naglakad, dumiretso sa kwarto ko.
“Buti nalang!" nakahinga ako ng maluwag matapos makaiwas sa kanila.