CHAPTER #8

2048 Words
“Boss Luigi, ayos lang po kayo?" tanong ko ng namalayan kong lumapit na ito sa amin. “Ayos lang!" walang ka gana-gana na sinagot niya sa aking tanong. “M-mukhang hindi naman kayo okay?" Nasabi ko, naitanong na naman sa kanya. Habang sila Lucille, nagtutulungan na malinis ang area, kung saan marami pa ring mga kalat. “Luigi, okay ka nga lang ba?" Si Luiz, sumabad sa usapan namin ni Boss Luigi. “Oo, ayos lang. Wala naman ako magagawa, may pagkakataon talaga na ganito ang bar, may mga pasaway na gumagawa ng gulo." sagot ni Boss Luigi habang ako ang napahinto at napatahimik. Kasi sa sinabi niya, tinamaan ako. Dahil ang madalas na nasambit niya, madalas ay sangkot ang dalawa kong kapatid. Kaya nga pasalamat talaga ako, wala sila ngayon dito sa mga nag gawa ng kaguluhan. Nakaligtas ako ngayon, nakahinga kahit paano ay nabawasan ang kaba ko ng magawa kong lumapit sa mga nagkakagulo kangina. Para naman napakaswerte ng araw ko ngayon. Napakaraming nangyari, hindi inaasahan, pero nakakabigla na bigla nalang talaga nagsunod-sunod ang dating ng maganda, pangit, maganda, pangit at ngayon, masasabi ko pa bang maganda? Ngayon na kasama ko pa rin yung taong ngayon ko lang nakilala, pero nagawa akong pahalagahan. Nagawa akong galangin, intindihin, nagawa niya pang mag-aalala habang nasaktan ako kanina sa mga taong bigla nalang ako idinamay sa mga nagkakagulo na balak ko lang sana umawat. Pero kabaligtaran ang nangyari. Dahil nga sa nabugbog pa ako. Imbis na makatulong sana kay Christmas na nabugbog dahil sa pagiging wala rin sa ayos nito. Napag-alaman ko, namin dito. Lalo na si Boss Luigi na siyang nagtanong kangina. Kung paano nagsimula ang iringan, asaranan na nauwi sa riot. Ang gwapo nung lalake na kanilang pinag-aawayan, nakuha pa nila na masaktan ang isa't-isa dahil lang sa lalakeng pinagseselosan nung isa dahil sa nakita na kinausap si Christmas. “Boss, tutulong muna ako. Sorry, hindi na ako nakasama sa meeting kangina." “Ayos lang, alam kong nasaktan ka ng sobra kangina." sagot ni Boss Luigi. “Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya pa, nag-aalala na naman siya sa akin. Madalas siyang mag-alala sa tuwing nasasali ako sa mga ganitong pagkakataon at nasasaktan ako. “Okay lang ako Boss Luigi." Ngumiti ako sa kanya. Kahit nasaktan ako, okay pa rin. Kahit nahihirapan ako kangina sa pag-awat sa mga pasaway na yon. Ayos pa din ang aking isasagot. Kahit alam kong alam ni Boss Luigi na nasaktan ako, alam niya rin na nagsisinungaling ako. Kabisado na rin niya ako. Kahit sinasabi ko na okay lang ako, hindi ako nasaktan. Kahit ang totoo, masakit talaga. Masakit ang buo kong katawan, dahil sa mga paghampas at pag sabunot sa akin. Masakit dahil nasama na naman ako sa gulo, at nakatanggap ng pangungutya mula sa mga magaling kong kaklase. “Madalas ko nalang marinig 'yan sayo. Kahit alam ko naman na hindi ka okay!" turan na sabi ni Boss Luigi. “Ayos lang po talaga ako, promise!" sagot kong napangiti na lang habang kinu-kumbinsi si Boss Luigi na ayos lang talaga ako. “Boss kailangan maging okay." pabiro ko pang sambit at sinabi. “Alam niyo naman po kung bakit ko kailangan na maging matatag sa lahat ng mga naranasan ko na gaya ng nangyari kangina." Aniya ko pa rin sa kanya na nakita ko pang lumamukot yung mukha niya. “Saka baliwala po yon, konting galos?" sabay pinakita ko at napatingin sa braso ko. “Sugat at may bukol pa ngang dagdag." turan kong sabay tinawanan siya. “May free na kasama. Gift raw sa maraming panahon na natitiis ko ang mga gaya nito!" aniya ko bulalas pa rin at hindi inaalis ang pagka kangiti sa mukha ko. Kailangan ko ipakita na okay lang ako, ayos lang ako. Kahit ang totoo, nahihirapan ako, masyado na ako pagod sa mga ganitong sitwasyon. “Ginagawa mo pa talagang biro?" anito niyang inusal ng sitahin ang mga pinagsasabi ko. “Bea, kung bakit kasi kahit minsan, hindi ka matutong lumaban sa kanila." ang sabi pa ni Boss Luigi. “Kung bakit kasi, madalas hina-hayaan mo nalang, pumapayag kang ganyan ang gagawin nila sayo. Isipin mo naman ang sarili mo. Wag mong unahin ang iisipin sayo ng ibang tao, dahil lang sa natuto kang maging patas at lumaban sa mga pinaggagawa nila sayo." Si Sir Luigi, naging madrama na naman sa mga nangyari kangina. Nalaman ko na kina kagalitan pala niya ang ilan sa mga kasamahan ko, dito sa bar mga nagtatrabaho. Pinagsabihan niya pala, kung bakit mga tumanga lang at hinayaan ang nangyari sa amin ni Lucille kangina. Nainis pala siya ng sobra, dahil sa mga pagiging estatwa ng mga kasamahan namin habang nag-uumpisa pa lang ang kaguluhan. Nang mag-umpisa na, wala rin sila mga ginawa at mga tumunganga lang habang nanunuod sa mga nagkakagulo sa loob ng bar. Kaya pala tumagal ang kanilang pakikipag pulong sa mga waiter, waitress, at maging mga bouncer na walang ginawa kangina ay napagbubuntunan ng galit ni Sir Luigi. “Sir, hindi ko naman po kailangan na labanan sila para ipakita ang tapang ko sa kanila." sagot ko pa rin, pangangatwiran sa kanya. “Anduon na nga, hindi mo naman kailangan na labanan sila ng tulad ng madalas nila gawin sayo. Pero ang palagi na lang manahimik at maging tikom sa mga pangungutya nila sayo. Hindi naman na ata tama?" Hindi na naman ako mananalo sa kanya. Kaya ngumiti nalang ako. Stop na muna, baka lalo lang mapahaba ang usapan naming ito. “Sir, duon muna po ako sa tabi nila. Tutulong muna po ako sa kanila." sabi ko ng bigla ako magpapaalam nalang muna sa kanya. Wala naman siya magagawa, dahil sa madalas ay ganito lang ako pagdating sa kanyang panenermon sa kung anong pag-uugali ko ang hindi ko magawang mabago. Nagmamadali na ako umalis. Hindi ko na inantay na makakibo siya mula sa mga sinagot ko rin dito. Basta pagka sabi ko na pupunta ako sa mga kasamahan ko. Dali-dali na ako tumakbo, hindi na nga ako lumingon. Tumatakbo ako na may ngiti sa mukha at tumatawa. “Ano't natatawa ka pa?" naitanong napabulalas ni Lucille. Kararating ko lang sa kung saan sila ay mga nagtutulong-tulong na maglinis at magpulot ng mga basag na bote, may mga nasira sa silya at mesa. Grabe na riot, hindi lang kasi ang grupo nila Christmas at nang babae na kaaway niya ang nagkagulo. May mga ilang grupo na nakisali pa. May ilan na mga nagkapikunan dahil sa mga sigawan nila. “Wala naman!" sagot ko kay Lucille. Kinuha ko ang walis, at sinuyod yung mga sulok na may mga nagkalat na bubug. “Anong wala?" makulit na pagtatanong ni Lucille. “Wala, dahil wala nga!" aking madiin na sinagot sa kanya habang ayaw pa rin nito maniwala. Nagwawalis ako, hinayaan ko siyang magdaldal. “Ikaw na naman may kasalanan nito!" bulyaw na may inis na sinabi ng isang kasama ko. Napalingon ang iba, mga masama ang tingin sa akin. “Ikaw na lagi nalang nagdadala ng gulo rito sa bar ni Boss Luigi." singhal na gilalas ng isa pa sa mga kasama ko sa bar. “Kaya nga, malas talaga itong si Bea. Madalas na lang kamalasan ang dala niya rito sa bar." bulalas naman na kanyang i-sinagot ng isa pa sa mga kasama kong inis dahil sa napagbintangan sila sa mga nangyari kangina. “Hindi talaga matahimik itong bar ni Boss Luigi hanggang nandito si Bea." anito na idinagdag ng isa. “Oo, buti na lang talaga at paalis na yan!" sagot naman ng isa. Pinagkakaguluhan nila ako, nacorner nila ako. Habang ako nasa gitna nila at pina ikutan nila, at saka nila ako, mga sinisisi sa mga nangyari kanina. “Buti na nga lang talaga mawawala na ang malas dito at pasimuno palagi ng gulo." Saad pa ng isa na hindi pa nakuntento dahil piningas nito ang tenga ko. Natutuwa pa siya sa kanyang ginawa. Kahit alam ko, mali, iniisip ko na baka biro lang nila ang mga ginawa nilang panggigipit sa akin ngayon. Pero parang mga seryoso nga sila dahil sa mga tingin at titig ng ilan sa kanila. Kasi nga naman, napagbalingan sila ni Sir Luigi, napagalitan, nasisi sa mga nangyari kangina dahil sa hindi nila pag-awat sa mga nagkakagulo, bagkos ay nanuod lang sila. “Malas, maglinis ka na nga!" bulalas na sabi ni Gil. “Makamalas ka naman, bakit ikaw ba? Madalas ka rin naman magdala ng gulo dito sa tuwing mapapaaway ka sa mga customer natin dito sa bar." Si Lucille sumagot. Hindi na nakatiis sa ginagawa kong pananahimik. Siya na ang pumatol sa mga kasamahan namin na walang tigil ang paninisi sa akin dahil lang sa napagalitan nga sila. Nanggigigil si Lucille at nais pa ata mapa away na naman. Hindi pa ata nakuntento sa nangyari sa kanya kangina ng makisali rin siya at lumapit sa akin habang sinampal, sinabunutan, maging kinurot ang magkabila kong braso. Yung bukol nga, hindi ko na maalala kung paano ko ba nakuha yon. Hindi ko namalayan na napalo, may humampas o baka nauntog, habang hila ang buhok ko. “Wag ka nga makialam!" gilalas na sabi ni Gil. “Isa ka pang nagdadala din ng kamalasan dito sa bar, kaya nga siguro magkaibigan kayo." aniya na sabi ni Gil. “Oy, ang swerte ng bunganga mo. Baka gusto mong tapyasin ko ng mailagay nalang sa sinigang na iniisip kong maiulam mamaya pag uwi ko sa bahay." gilalas na sabi rin nitong si Lucille. Nagkakainitan na sila ng kanilang mga ulo. Nagkakasinghalan, nang dahil na naman sa ako ang pinagmulan. Nakakahiya! Nahihiya na ako oras na mapansin nila Boss Luigi at Luiz na may gulo rito na naman sa loob ng kanyang bar, at sa akin na naman ang pinagmulan. “Teka, tumigil na kayo!" nang awatin ko nalang sila at gumitna sa kanilang dalawa. “Mamaya masulyapan pa tayo nila Sir Luigi at nang bisita niya. Nakakahiya!" bulas ko na pagkasabi sa kanilang dalawa. “Tama na, kasalanan ko na nga talaga!" akin naman muli sinabi sa matamlay na salita. Napasinghap ako, nabigla si Lucille. Napatingin siya sa gawi ko at sinabi. “Wala kang kasalanan para sabihin mo yan sa kanila." sabi niya. “Hindi mo kasalanan, kung madalas na may gulo sa bar. At lalong hindi tama na isisisi nila sayo ang lahat." muli na naman nitong naiwika. Bulalas na sinabi ni Lucille. Kabi-kabila ang tingin niya. Titingin sa madaldal na si Gil, at titingin sa akin. Napayuko nalang ako. Nahihiya dahil sa ako na naman ang may kasalanan kung bakit kailangan nilang magkairingan ng dahil lang sa ipinagtanggol ako ni Lucille. “Bea, wala kang dapat ikahingi ng tawad sa kanila." pahabol ni Lucille. “Dapat nga sila ang humingi ng paumanhin sayo. Sa mga masasakit na sinabi nila, sa mga pang-uri nila madalas sa kung anong estado, at uri ng pamumuhay na meron ka sa buhay, maging ang kasalanan na hindi naman dapat, sayo pa nilai binebentang." Nanggigigil na naman itong si Lucille. Nag-umpisa na naman siya mainis sa mga pinagsasabi nitong si Gil. Buti nalang at busy sila Boss Luigi at Luiz sa kanilang mga pag-uusap. Habang kami rito may kalayuan sa kanilang dalawa, mga nagkakagulo habang mga nagharap at mga nag-uusap. Huminga ako malalim. Napabuga habang nakatingin sa kanila. Yung Ilan sa mga kasama namin, mga napalingon na rin dahil sa mga pagpapalitan ng mga salita nila Gil at Lucille. Habang ako, malalim na naman na buntong hininga ang aking paulit-ulit lang ginagawa. Pinipigilan ako ni Lucille na magsalita. Kahit nga ang sumagot sa kanila, ayaw nitong pumayag. “Ayos ka!" bulalas ni Lucille. Pinigilan ko agad siya. Nagkapikunan na rin kasi sila nitong si Gil. Agad kong inawat si Lucille. Habang si Gil, pinigilan na rin ng ilan sa mga humawak dito. Agad nila inilayo so Gil Si Lucille naman, aking niyakap. Upang hindi na siya makagalaw o kahit ang makapalag sa pagka kayakap ko sa kanya. Hindi na ito kumibo. Nakatingin lang siya kay Gil. Masamang tingin na kina-inis pa rin nitong si Gil. “Tama na, Lucille!" sabi ko ng may pabulong sa kanya. Napaatras ako ng matapakan niya ang aking isang paa. Ang sakit, nasaktan ang paa ko na natapakan ni Lucille. Sunod-sunod pa ang naging paghinga ko. Dahil sa hapdi at sakit nuon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD