CHAPTER #10

2016 Words
Umaga na, pero hindi ako makatulog. Naririnig ko ang mga pagsigaw ni Ate at Kuya mula sa labas. Maiingay sila, mga nagkakabangayan. Mukhang hindi na naman magkasundo sa kanilang mga pinag-uusapan. Nais kong tangayin ng aking antok. Subalit, hindi pa rin ako makatulog. Tinitingnan ko ang relo, tinawan ko mula rito sa kama ko ang oras, at mag-alas kwatro na ng umaga. “Ano ba? Magpatulog naman kayo." sigaw ko mula sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung narinig nila mula sa labas. “Ate, Kuya, inaantok na ako." bulalas ko na i-sinigaw. Maya-maya naman ay may kumatok sa pintuan. “Ano ba ang sinisigaw mo diyan?" bulas sa malakas na boses niyang turan. “Ate, nakita mo bang oras? Alas kwatro na halos, hindi pa rin ba kayo matatapos ni Kuya sa panonood?" masakit ang ulo na itinugod ko sa kanilang dalawa. Nasa likod nito si Kuya, walang bahid na nakatingin sa akin ang mukha nito. Mukhang nagulat ata, pero wala akong makita na nainis ito na gaya ng nakikita ko sa mukha ni Ate. “Matulog na kayo, please." sabi ko pa sa kanila. Nakikiusap na binulalas ko habang nakapikit na yung magkabila kong mata. Pinipigilan ko lang, kasi nga ay kausap ko pa sila. “Kung inaantok ka, matulog ka!" sigaw ni Ate, parang hindi pa natutulog din si Mama at Papa sa kabilang side lang ng kwarto ko. Galit ito, naiinis habang si Kuya umalis nalang. “Hindi nga ako makatulog sa ingay niyong dalawa ni Kuya." sagot ko. “Please naman, hinaan niyo nalang ang mga pag-uusap niyo. Para naman makatulog na ako." sabi ko, at inirapan ako ng tumalikod ito,at pabagsak na isinara ang pintuan ng kwarto ko. “Ano ba?" parang hindi talaga mga nakakaunawa sila. Mas nilakasan pa ni Ate ang kanyang pagsasalita. Halos ma-bingi ako sa ingay nila at may mga kumakalabog pa mula sa labas ng aking kwarto. Para na nilang mga sinasadya ang ginagawang pag-iingay, dahilan para tuluyan na akong iwan ng aking antok. Hindi na ako lalong nakatulog ng dahil sa kanilang mga pag-iingay mula sa labas. Nasigaw pa si Ate sa tuwa, habang si Kuya ay kinakalampag pa niya ang lamesa sa kanilang harapan. “Nakakainis na 'toh!" usal ko ng mag talukbong ng aking kumot. Nakakainis kasi sa hindi na talaga ako nakatulog na tulad nila, ngayon pa lang mga magsitigil. Alas singko ng umaga, natigil na sila. Halos ipagpasalamat ko dahil sa tumahimik na rin. Ngunit, pipikit na sana ang aking mata. Bigla na naman may ingay mula sa labas. Alas sais na ng umaga, naririnig ko na naman ang nag-umpisa na ingay mula sa labas. Malakas na usapan muli ang naririnig ko, maging ang pag kalampag ng mga kaldero. Ang pagbagsak ng sandok, maging ang paghahalo ng niluto ni Mama, habang hinalalo ng sandok. Maingay ang kanilang mga pag-uusap. Naririnig ko rito mula sa loob ng kwarto ko. “Anong oras na umuwi si Bea?" tanong ni Mama, kay Kuya at Ate. Buong akala ko ay mga tulog na sila. Matapos na matigil sa mga pag-iingay nila kangina. “Bakit, late na ata?" nagtataka na naitanong ni Mama sa sinagot ni Ate. “Hindi ko alam!" bulalas ni Ate sa pagsagot niya kay Mama. Wala talaga sa ayos kung minsan sa pagsagot itong si Ate kay Mama. Bakit hindi niya man lang binanggit na nagkagulo sa bar. Kaya hindi ako nakauwi ng maaga. Napaka sinungaling pa niya, sabihin ba naman na baka raw natututo na raw ako makipag barkada. Baka raw natututo na rin ako makipag-jowa sa kalsada. Sa bar pa nga ang sabi niya na pangalawa na kanyang i-sinagot kay Mama. Grabe talaga si Ate, may mai-sagot lang siya kay Mama, kahit hindi naman totoo, siyang kanyang inusal at itinugon sa pagtatanong ni Mama. “Bantayan niyo 'yang si Bea. Baka nakakalimutan na ata na may responsibility pa siya sa pamilya na 'toh!" muli nitong tugon kay Mama. “Baka nakakalimutan mo rin, pareho lang kayo." sumagot si Papa. “Pa, alam mo naman wala kaming mga trabaho." “Kaya nga mag-apply rin kayo. Huwag niyong iasa palagi kay Bea ang mga responsibility na dapat kasama kayo. Matuto kayong kumayod sa sarili niyo. Hindi puro si Bea, hindi na kayo naawa sa nakababata niyong kapatid." Sa sinabi ni Papa, tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang narinig si Papa na nagsalita sa mga kapatid ko. Madalas siyang tahimik lang at hindi kumikibo sa madalas na usapan sa pamilya. Minsan nakagagalitan rin ako ni Papa, pero ngayon ko lang naramdaman ang concerned niya sa akin sa madalas na panghahamak sa akin nila Ate at Kuya, isama pa minsan si Mama na ang paborito ay si Ate at Kuya. Madalas ang pakiramdam ko shadow lang ako sa pamilya namin dahil sa mga pakikitungo nila sa akin. “Bakit ba kinakampihan niyo si Bea?" angil ni Ate mula sa sinabi ni Papa. “Dahil ba sa makapagtapos na siya sa susunod na buwan?" “Nag-umpisa ka na naman. Na-inggit ka na naman sa kapatid mo." bulas ni Papa mula sa pagrereklamo ni Ate. “Hindi ako naiinggit sa kanya. Swerte niya lang dahil matalino siya at nakakuha ng kanyang scholarship. Pero kung tutuusin kung nakinig lang siya. Sana, nakakatulong na siya sa mga gastusin dito sa bahay. Hindi na sana siya nag-aral!" gilalas ni Ate, sinagot na naman niya kay Papa. “Tumigil ka sa pagsagot sa akin!" bulalas ni Papa, mukhang nag-aaway na sila. Hindi ako makalabas, dahil sa nahihiya ako na makita nila at malaman na naririnig ko na kangina pa ang mga pinag-uusapan nila. “Ikaw na bata ka, wala ka na nga ginawang maganda sa kapatid mo. Ganyan ka pa kung sumagot sa akin?" galit na sabi ni Papa. “Ikaw na wala rin naman naiambag dito sa bahay. Kundi puro nalang sakit ng ulo, tapos sasagot ka pa ng walang pasintabi at hindi mo na ako iginagalang?" usal muli ni Papa, galit na galit na ito kay Ate ng dahil sa pagsagot-sagot niya. Hindi ko narinig si Kuya, pero habang nagkasagutan si Papa at Ate, ayaw din tumigil ng luha ko sa mga mata. Bagsak ng bagsak ang luha ko. Dahil sa masarap pala marinig na kahit papaano ay may puwang ako sa bahay na 'toh. Kahit papaano ay may halaga pala ako, kahit madalas ay hindi ko maramdaman Kahit papaano ay narinig ko na may concern din pala si Papa, kahit madalas ay para lang siyang shadow rin dito sa bahay. Hindi ko naramdaman na ipinagtanggol niya ako, sa mga pamumuna, at panghahamak sa akin ng mga kapatid ko. Pero ngayon, pinagtatanggol ako ni Papa. “Bahala nga kayo!" sigaw ni Ate at palagay ko ay pumasok na sa kwarto niya. Narinig ko kasing lumagapak ang paglapat ng pintuan, tiyak na si Ate yon, dahil sa pinagsabihan siya ni Papa. Si Kuya, hindi ko talaga naririnig. “Hindi kaya tulog na?" nasambit ko habang hindi pa rin ako lumalabas ng aking kwarto. Naririnig ko naman na nag-uusap sila Papa at Mama. “Bakit naman pinagsabihan mo ng ganun yung anak mo?" Si Mama, nasita si Papa. “Dapat lang, namimihasa na yang anak mong isa." “Kahit na, dapat kinontrol mo pa rin ang sarili mo." aniya ni Mama, nang pinagsasabihan pa rin niya si Papa. “Ako pa ngayon ang mali?" bulas ni Papa. “Ikaw ang nagpapa mihasa, sa anak mo, para ganun na lang ang mga maging buhay nila." panunumbat ni Papa muli kay Mama. “Kahit ikaw, kailan ka ba tumingin ng maayos sa bunso mo? Kailan ka naging maayos makitungo kay Bea? Wala kang pinagkainan diyan sa dalawa mong anak na tamad." bulalas ni Papa muli. Gusto ko lumabas, subalit hindi ko magawa, nahihiya ako, natatakot akong mas lalo sila mag-away ng dahil sa akin. “Hindi na sila naawa kay Bea? Ikaw na Ina, hindi ka man lang makaramdam ng awa kay Bea. Anak mo rin naman siya?" gilalas na turan pa rin ni Papa, galit pa ring sinusubukan na paliwanagan si Mama. “Hindi mo nakikita? Nagsisikap yung isa, ginapang ang sarili para makapag-aral at makapagtapos ng kanyang pag-aaral mula sa sarili niyang pagsisikap. Tapos, ganito lang gawin niyo? Ikaw na Ina niya." “K-kasi…" “A-anong kasi?" bulas ni Papa muli. “Kasi, yung dalawa hindi mo mapilit?" bulas na tanong ni Papa. “Tama naman di ba?" gagad muli nito kay Mama. “Hindi mo sila mapilit, na tumulong sa gastos dito sa bahay. Hindi mo sila mapilit, na mga magbanat ng buto, kesa ang tumunganga rito at magpalaki ng mga katawan nila." tuloy-tuloy na turan ni Papa, wala na itong preno sa pagsasalita, lahat sinasabi niya. “Iyang dalawa mong anak, magaling lang sila mag-hintay kung kelan darating ang grasya na kung minsan, si Bea pa ang siyang nagdadala." “A-alam mo naman di ba?" nangangatog ang boses ni Mama na nagsalita sa maraming beses na pagsasalita naman ni Papa sa kanya. “Anong alam ko? Kinu-kupitan nila si Bea, kaya naman mga nagka-kapera sila?" anito ni Papa na naman, habang hindi na nakakibo pa si Mama. Nakasilip ako sa pinto, gusto ko na itong buksan. Subalit, mukhang mahihirapan ako. Mahihirapan, na pahintuin sila sa kanilang mga pagtatalo. “Kala siguro nila hindi ko alam ang mga kagaguhan, at mga katarantaduhan na pinaggagawa nila? Maging ang paggawa nila ng gulo sa bar na pinapasukan ni Bea? Lahat alam ko, hindi lang ako nagsasalita." Bulalas pa din ni Papa, ayaw na tumigil mula sa mga pananalita niya kay Mama. Basa na ang laylayan ng damit ko. Sa dami ng luha na tumulo na sa mga mata ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam, ang gaan ng marinig ko na ipinagtanggol pa rin ako ni Papa kay Mama. Hindi makasagot si Mama, naiiyak din ako. Dahil sa lahat ng sinabi ni Papa, never umayon si Mama. Bagkos ay tumutol pa siya at mas kinampihan niya sila Ate at Kuya. “Kumain na lang tayo!" sagot ni Mama sa dami ng sinabi ni Papa. “Masisira lang ang araw ko, maging ang sayo sa mga pagtatalo na nangyayari sa atin ngayon." sabi pang muli ni Mama, never na nagbigay pa ng komento sa mga nasabi ni Papa. Sa isang banda nauunawaan ko si Mama, hindi niya rin naman kasi makontrol ang dalawa kong kapatid. Lagi nalang din kasi ang mga ito na nakasigaw kay Mama. Kaya ganun na lang siguro siya sa mga pagtatanggol sa dalawa ko pang kapatid na hindi rin naman niya mapigilan ang mga nakasanayan na ng mga ito. Pero sa isang banda, tama naman rin si Papa. Dapat, hindi kunsintihin sila Kuya at Ate na madalas ay ganun ang trato at tingin sa kanila. Narinig ko na kumakalasing na ang pinggan at kaldero. Mukhang kakain na nga lang sila, imbis na magpatuloy sa kanilang mga pagtatalo. Lalo lang din naman kasi tatagal ang pag-uusap nila, kung ipagpatuloy pa nila ang kanilang diskusyunan. “Paabot ako ng kanin!" ang narinig kong utos ni Papa na sinabi nito kay Mama. Narinig ko ang mga sandok ni Papa, iniabot naman na siguro ni Mama ang kanin at ngayon ay pareho na sila mga kumakain. Hindi ko nakikita ang dalawa kong kapatid. Wala sa mesa, habang dalawa pa lang kumain ng agahan sila Mama at Papa. Nagawa ko muli silang silipin, habang iniisip ko kung paano ba ako makakalabas dito sa aking kwarto. Nang hindi nila iisipin na narinig ko lahat ng mga pinag usapan nila ni Mama. “Yung ulam, paabot ako." turo ni Papa, inabot naman nito kay Papa ng kunin ni Mama at iangat ang lalagyan ng ulam. Ang bango, ginugutom ako tuloy mula rito sa pagkakasilip ko sa pinto. May tuyo, at prito na itlog pala ang ulam na niluto ni Mama na narinig ko na tumatalsik pa ang mantika, habang kanyang piniprito. Natatakam ako, hinihila ako na lumabas mula sa maliit na pagkabukas ng aking pintuan. Makailang hinga, iniisip kung ako ba'y lalabas o hindi pa? “Bahala na nga!" usal ko at kinuha na ang mga gamit ko sa aking kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD