CHAPTER #15

2112 Words
“Alam mo naman kung saan ka pupwesto muli?" Tumango ako, sa dati pa rin naman ako. Duon pa rin naman kasi ang department ko na paglalagyan sa akin ang sabi sa akin nuong nakatanggap ako ng message mula sa company. “Opo, Ma'am!" aniya kong itinugon habang naglalakad kami at makarating sa aking department. “Si Sir Luiz!" sigaw ng magulat ang babaeng nakaupo sa dadaanan namin. Sabay pa kami napalingon ng HR sa may likuran kung saan ay itinuro niya na paparating si Sir Luiz. Yung babae na bigla nalang tumayo after magsalita. “Good Morning po! Sir Luiz!" ani ng mabilis at ngiting-ngiti na nakatingin kay Luiz. Sinulyapan niya muna ako bago siya bumaling sa babaeng bumati sa kanya at sumunod sa HR na kasama ko. “Good Morning, Sir!" aniya ng HR. “Good Morning!" sagot ni Luiz. “Siya na na yung bagong pasok?" tanong niya ng tingnan ako ng seryoso. Mula baba, pataas ang tingin nito. Taas ang kilay, parang babae kung pasadahan ako ng kanyang sulyap. Nagkibit balikat pa nga, habang pinagsalikop ang magkabila niyang kamay. “Mukhang okay naman siya, but I just want to talk to her. Papuntahin mo siya sa office ko." Mataray nitong utos, nawindang naman sila, hindi mapakali at parang kinabahan. “Hoy, Bea, ayusin mong sumagot kay Sir Luiz kung ayaw mong malintikan tayo." aniya ng may kaba ng isang kasama ko na lumapit sa akin para lang bumulong. “Okay lang yan, mabait naman yan si Sir Luiz. Wag ka lang pa bara-bara ng sagot. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niya sa kanyang empleyado. At kung may tanong sayo. Diretso mo lang siyang sagutin. Wag kang masyado mag-paligoy-ligoy ng iyong sagot." Binilinan ako ni HR na maging maingat sa aking gagawin na pagsagot sa oras na naroroon na raw ako sa kwarto ni Luiz. Maging ang mga kasama ko na may masamang tingin sa akin. Mga nakataas ang mga kilay at panay ang mga bulong-bulong. Maging ang ilan na ang sabi pa ay strategy lang raw namin yon ni Sir Luiz upang masolo ako at hindi makapagtrabaho. Ang ilan naman ay sabi nila, ang linta, lalabas na sa kanyang lungga. Ang kabute na usbong pa lang nung una, ngayon ay tuluyan nang nangabute at paniyak ay gagawa na ng kababalaghan sa opisina. Ang noon ay parang langgam sa bagal ay ngayon ay magiging pagong na, dahil sa pagdating ni Sir Luiz. Tiyak na maging tamad na 'yan. Ang dami nila mga parinig. Pero sinusubukan kong wag na lang din pansinin silang lahat, hindi naman kawalan siguro kung hindi ko sila pakikinggan at intindihin. “Bea, sumunod ka na kay Sir Luiz at baka magalit pa yon oras na mapansin na hindi ka na kasunod." aniya ni HR, kanya pa akong binubulungan at sinabi, “Huwag kang kabahan. Wag mo silang pansinin dahil inggit lang sila." Napalingon pa ako sa kanya na nginitian naman ako nito. “Sige na, sumunod ka na sa kanya." gagad nitong muli at sumunod na ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na nga pinakikinggan ang mga parinig pa ng aking mga ka-departamento. Humugot ako ng malalim. Saka naman ako napalingon ng may sumigaw. “Linta, galingan mo sa pagkapit mamaya." “Yung linta, nakakita na ng didikitan." “Biya naman, ewan ko lang kung magawa siyang tingnan ng isang hito." sigaw pa ng isa. “Hahaha, kala siguro dyamante na, yun pala ay basura." gagad na sigaw ng tumatawa ng malakas. “Kala siguro, pawnable yun pala ay hindi dahil malamang ay tsugi na siya unang araw pa lang." “Bahala na nga kayo, basta ako. Pustahan, paglabas niyan didiretso na siyang bahay." sabay na mga nagtatawanan silang lahat. Yumuko nalang ako at lumakad. Hindi na lang muli ako lumingon, tahimik lang ako na nakasunod kay Luiz may ilang dipa na ang layo mula sa akin. Lumakad lang ako, sumunod. Hanggang makarating kami sa mismong opisina ni Luiz. Madalas ko lang ito madaanan nun. Madalas ko ring marinig na iyon ang office ng suplado nilang boss. Tapos ngayon ay papasok ako duon. Bakit kaya? Ano na naman ang naisip niya at ginawa niyang pasunurin ako sa kanya? Ang sabi niya kangina ay magsabay kami kumain. Pero kakapasok ko pa nga lang at heto, siya pang nanguna talaga para mag-umpisa ng pag-iisip ang aking mga kasama. Sabi ko na sa kanya, ayaw ko na may maibabato sa akin ang kanyang maraming empleyado. Ano itong ginagawa niya? napabuga ako, napasinghap ng huminto na ito at pumasok sa kanyang opisina. “Tumuloy ka na, pasok ka na sa loob at sumunod kay Sir." sabi nung secretary niya ata itong lalaking kangina pa ay kasama niya at kasunod. Napalunok ako sa kaba, napa-sulyap sa paligid ng loob ng kanyang opisina. Maayos at maganda ang loob nuon. Habang siya ay nakatayo, nakatalikod at nakatingin sa bintana ng opisina niya. Isang napakalaking glass window na kitang-kita ang labas. “Pumasok ka!" sabi nito, pautos. “Paki sara mo rin yung pinto. I-lock mo ng walang makapasok." “Huh?" bulalas ko sa gulat. “Joke lang!" bulalas rin niya ng humarap na ito sa akin. “Biro lang, namula ka na naman." sabi muli nito, nakatawa at lumakad papalapit sa kanyang silya sa may mesa niya. “Lumapit ka!" utos niya muli at sinabi. “Wala ka naman siguro balak na tumayo nalang riyan hanggang mamaya?" nakanguso na itinuro pa ako at natawa. “Lumapit ka dito at maupo." anito nito muli at inginuso naman yung silya sa kabilang gilid ng mesa niya. Sa tapat niya kung saan ay naupo na siyang nauna. “Nakakatawa ka!" bulas niyang turan at hindi mawala ang pagtawa nito. Naiikot ko pa ang aking mata sa kabuuan ng kwarto na pinasukan ko. “Huwag mo talagang sabihin na tatayo ka nalang talaga diyan?" muli na naman niya sinabi sa akin at matapos ay lumakad na rin ako papalapit sa kanyang lamesa. “Maupo ka!" muli ay sinabi nito ng nakatitig. “Bakit mo ba ako pinatawag?" naitanong ko sa kanya at marahan pa ako na naupo. Habang sa kanya ang tingin, dahan-dahan kong ibinababa ang aking katawan at naupo na ako sa silya. “Wala naman, nais lang talaga kita makausap." napangisi pa siya. “Parang ayaw mo?" “Hindi naman sa ganon. Kaya lang yung mga kasama ko, ngayon pa lang ay mga usap-usapan na nila agad ang pagpunta ko rito. Di ba, sinabi ko na sayo nung una pa na ayaw kong madadamay ka pa sa mga hindi magandang sasabihin nila." “Bakit mo ba sila mga pinakikinggan?" “Hindi naman sa pinakikinggan at pinapansin ko ang mga sinasabi nila. Kaya lang ay ayaw ko na sana ng gulo. Lalo na't unang araw ko pa nga lang dito, pakiramdam ko na ay nasa gera ako." sagot ko sa kanya, ipinaliwanag ko. “Alam mo, bayaan mo pang sila. Don't listen to what they want to say. Hindi sila ang amo dito. Hindi rin sila ang masusunod. Lalo na at hindi sila ang magdidikta sayo kung ano ang dapat mong gawin dito sa opisina ko." Seryoso, pero may punto ang sinabi niya. “Just focus on what you are doing, not what they said to you. They are not part of the reason why you are working here at my company. You're here to work, not for them. Not to listen to what they say." “Alam ko naman, tama ka sa lahat ng sinasabi mo." huminga pa ako ng malalim. “Kung sasabihin ko bang pakakasal ka sa akin. Gagawin mo ba?" sabay tumawa ng biglang manlaki ang aking mata. “You're joking, right?" “Syempre seryoso!" mabilis niyang i-sinagot sa bulas kong tanong sa kanya. “Alam mo nagpapatawa ka!" bulalas ko ulit sa kanya at pigil na matawa. “Do you always think that I am always joking and not saying serious words?" “Hindi naman, pero sa sinabi mo. Ibang usapan na rin kasi yon. At hindi dapat gawing biro." “Ohh!" gilalas niyang sabi at tumawa na naman siya. “You know, Bea? I really like you." Umayos pa siya sa kanyang pagkakaupo at seryoso na sabi pang muli. “Kung sasabihin ko man sayo na nais kong pakasalan mo ako. I'm serious!" Sabi niya muli, pero mababakas ang ngiti sa mga mata niya, pero pinipigilan niya. “I'm not the type of person to say a joke in front of the girl I want to marry." “K-asi.." “Bea, seryoso ako." muli niyang sinabi, napangiti na siya. “Sa ilang linggo na hindi tayo nagkita, nung unang araw na nakilala kita at hindi tayo nagkita." huminto pa siya para huminga. “Sa totoo lang, inisip kong mabuti talaga lahat. Kaya nga tiniis ko ang ilang linggo na hindi kita makita, o, kahit tawagan. Hindi ko talaga ginawa. Para malaman ko ang kung seryoso na ba talaga ang nararamdaman ko para sayo." Nakatitig na siya sa mata ko. Pero ang puso ko mas lumakas at bumilis ang t***k. “Namiss kita, Bea!" sabi niya, dagdag sa mahaba niyang paliwanag. “Sobrang namiss kita." Hindi ko makuha ang sagot. Naguguluhan ako, sobrang nabibigla ako sa mga mabilis na pag-amin nito. Napakabilis naman talaga ng pangyayari. Talaga bang pagtatapat na agad ang kanyang sinabi sa akin? Hindi ba talaga siya nagbibiro? Baka naman pina-iikot niya lang ako, lalo na at empleyado niya lang ako. Normal ko na naririnig at nababasa ang mga ganitong senaryo. Baka naman joke lang talaga? Baka inaatay niya lang talaga ang sumakay ako, sa mga parinig nito sa akin. Tapos ay sasabihin niya. It's a joke! tapos ay tatawanan niya ako. Dahil sa nagawa niya akong pasakayin sa mga birong sinabi niya. Tapos ako naman ay magmukhang tanga dahil sa nagawa ko 'ngang patulan ang kanyang biro na binigkas. Bea, mag-isip kang mabuti. Baka sa huli ay mapag-tawanan ka lang, at mapahiya sa mismo niyang harapan. Baka talagang joke lang lahat! Ikaw naman ay parang tuod na nais sumakay. “Alam ko naman ay type mo rin si Luiz. Pero wag kang basta maniwala at magpakahulog, at ang puso mo, baka tuluyan mahulog sa kanya. Sa huli ay masaktan ka lang at plakda kang babagsak sa lupa." napabuga ako, habang naibulong. Pinagsasabihan ko ang sarili ko, baka tuluyan na mahulog, tuluyan rin masaktan sa huli. Una pa lang ay alam ko na ang kakaibang saya na naramdaman ko ng makita at makilala siya. Lalo na at ngayon ay alam kong magkasama kami sa kumpanya. Mas tumindi pa yung excitement na nararamdaman ko habang nasa harapan ko siya. Pero ng sabihin niyang nais niya raw ako pakasal sa kanya? Kabog pa lang ng dibdib ko na para na naman may dumadambol. Sure ba talaga siya? Seryoso ba talaga siya? O, baka nagbibiro lang talaga? Ang dami na tanong sa isip ko, pero siya ay seryoso na nakatitig lang sa mukha ko. “Bea!" Usal na sabi niya. “Alam mo ba kung gaano kabilis ngayon ang t***k ng puso ko?" gilalas niyang tugon mula sa pagsambit niya rin sa pangalan ko. “Alam mo bang pinakakabog mo ng labis ang puso ko?" bulalas niya pa rin na turan at hindi maalis ang seryoso na pananalita nito. “Alam mo bang sa tuwing magkaharap tayo ng ganito, sa tuwing natitigan kita ng ganito. Ang lakas, mas lalo bumibilis ang parang naghahabulan sa loob ng katawan ko." dagdag niya pa, sa mga nauna niyang sambit. “Alam mo bang, ikaw, Bea. Ang unang babae na nagpakabog ng mabilis sa dibdib ko unang tingin pa lang at sulyap. Sinabi na nito, Ikaw ang babaeng nais kong makapiling, makasama at pakakasalan ko sa ayaw at sa gusto mo." Saad na naman nito. “Kahit sapilitan, gagawin ko. Pakasalan mo lang ako.". “H-huh?" nausal ko, kung bakit bigla akong napatawa. Napasinghap ako, humugot ng malalim mula sa malakas na kabog ng aking dibdib na nararamdaman ko sa ngayon na kaharap ang lalakeng nag-popropose ng biglaan. Proposal nga ba ito? Baka nga kasi biro lang. Napakamot ako sa mata ko ng bigla itong mangati at maging sa balikat ko ay parang may kumamot at kumati. Bakit ba yung ilang parte ng katawan ko ay parang nangati sa kaba. Kamot ako sa braso, sa binti, maging sa leeg, at umakyat sa mukha, sa may bibig, sabay na ako ay natawa. Pero binawi ko, natakpan ko agad ang aking bibig ng bigla nalang ako matawa ng dahil sa pangangati na naramdaman ko ng dahil sa lahat ng mga kanyang sinabi. Ano ba, Bea. Nakakahiya ka, ngayon pa talaga ay nagkakamot ka? sinuway ko ang mismong sarili ko at nasabi. “Tama na, pigilan mo na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD