CHAPTER #14

2139 Words
Unang araw ko sa trabaho. “Bea, gising na!" sigaw ni Ate mula sa labas. “Bea!" katok pa rin siya ng katok, subalit tinatamad pa akong bumangon. Kasi naman ay nayaya nila ako kagabi na mga manood ng movie. Movie ni Joshua Garcia, kakilig. Lalo na dun sa part na kiniss na siya ni Julia. OMG, hindi ko lubos akalain na magiging ganuon ang takbo ng storya, pero ang ganda. Sa umpisa pa lang si Ate, nasigaw na dun pa lang sa park na may spark na yung nagliligawan na sila. “Bea, ano ba! Malate ka na unang araw mo pa naman sa trabaho." si Ate na sigaw pa rin. May trabaho na si Ate, at maging si Kuya na rin. Ang ganda ng naging blessings na ibinigay sa akin at regalo ni God. Mula sa pagiging sakit sa ulo ko ang aking pamilya, ngayon ay sobrang laki ng kanilang pinagbago. Mabait na sila sa akin, at mas lalo lang naging mas pursigido ako na maiahon sa hirap ang aking pamilya. At kasama ko na ron sila Kuya at Ate sa pangarap na makaahon kami sa kung saan ay andun pa rin kami kahit hirap pero sama-sama naman kami. Mahal ko talaga sila, kaya naman sobrang saya ko na makita sila na masaya na magkakasama kaming lahat “Oo, Ate andiyan na." sagot ko, kahit napipilitan ay bumangon na ako. “Ang bagal mo, isasabay ka na raw ng Kuya Toto mo." sigaw pa rin ni Ate, minamadali akong gumayak para hindi raw ako mahuli sa aking unang araw sa trabaho. Nagmamadali na nga ako, napagalitan na naman niya ako dahil sa wala raw sa ayos yung suot kong damit. “Sorry na, nakalimutan kong plantsahin kagabi. Ayos naman tingnan, hindi naman gaano halata." pinaliliwanag ko sa kanya pero ayaw niya makinig at pinahubad niya pa sa akin upang kanya raw plantsahin. “Oh, ayan at maayos na, kesa kangina. Para kang hahabulin ng plantsa nakakahiya naman sayo." ani nito na tinatarayan pa rin ako. “Si Ate naman, minsan lang naman ako papasok ng ganito. Ikaw nga, anong oras na? Di ba at may pasok ka pa?" aniya ko ng siya naman ang paalalahanan ko. “Ayy, oo nga pala!" Sambit niya. “Ikaw kasi, ang bagal mong bumangon." paninisi pa niya sa akin na kinatawa ko. “Haist, kung bakit kasi kanina pa kaya ako na sigaw, pero ayaw mong mag-madaling bumangon. Alam mo naman na unang araw mo, pasaway kang bata." sabi ni Ate, inayos niya pa ang collar ng aking suot na blusa. “Ayan, maayos na talaga kesa kangina. Alis na, at late ka na tiyak." tulak ni Ate sa akin, habang si Kuya Toto ay naghihintay na rin sa labas. Dala ang kanyang motor. May motor na rin si Kuya, mula sa konting naipon ko ay nakabili ako kahit secondhand, maayos naman nagagamit ni Kuya Toto na pang service niya papasok sa pabrika na kanyang pinapasukan. Ngayon ay pinakiusapan siya ni Ate na kanya ako maihatid, sa sakayan upang hindi na ako maglakad pa at sumakay. Pumayag naman si Kuya Toto, at ngayon ay kangina pa pala nag-aantay. “Bilisan mo naman, malate pa tayong dalawa niyan." ani ni Kuya Toto ng matanawan ako na tumatakbo papa-labas ng bahay. Dali ako na umangkas at sumakay sa kanyang likuran. “Kumapit ka!" ang sabi pa ni Kuya na kumapit naman ako sa kanyang beywang. “Ganito ba Kuya?" ani ko na biniro siya. Tumawa si Kuya Toto, “Higpitan mo at paliparin ko na ito." sabi niya at pumaandar na nga siya ng umpisahan na niyang ini-start yung motor. “Okay Kuya, bagalan mo naman." ani ko sa kanya ng matakot na baka malaglag ako. Ang bilis niya magpatakbo, halos liparin nga ako mula sa kanyang likod. Sobrang higpit ng naging hawak ko. Kumapit talaga ako, napakapit ako ng mas mahigpit sa pagkakakapit ko mula kangina. “Grabe naman yon, Kuya, ang bilis mo magpatakbo. Halos umitsa na ako kangina." turan ko sa kanya ng makababa ng motor. “Salamat sa paghatid!" masigla na sabi ko. “Ikaw naman kasi ay ang payat mo. Para ka lang palito ng posporo. Bakit nakikilinya ka sa Ate Izy mo?" anito na sambit niya sa akin. “Grabe, paano ba gagawin ko? talagang ganito na ang katawan ko." gagad ko sa sinabi niya. “Oh siya, at mamaya na tayo magkwentuhan pag-uwi mo sa bahay. Mag-ingat ka, tumawag ka lang if may problema." ani ni Kuya sa akin, sumakay na rin ako sa jeep. “Bye Kuya!" sigaw ko sa kanya, nang lumakad na yung jeep na sinakyan ko at ang motor na sinakyan niya. “Ingat, Kuya!" muli ay sigaw ko, kumakaway pa rin habang tinatanaw na rin ang paglayo ng motor niya. Yung mga nasa jeep, mga nakatingin sa akin. May ilan na napansin ko ang mga bulong-bulungan. Hindi ko nalang din pinansin. Hinayaan ko na lang sila sa mga ginawa nilang mga bulong-bulong. Nagbayad ako sa jeep ng mabilis na inabot yun ng sumunod sa akin. Kinakabahan ako, parang sasabog ang dibdib ko sa kaba sa isipin na baka mamaya ay tulad ng dati ang maging danasin ko sa unang araw ko. Pero naisip ko rin. Hindi malabo na ganun na nga ang pagdadaanan ko sa unang araw ko ngayon. Malapit na ako sa opisina kung saan ay magtatrabaho ako at unang araw ko sa aking trabaho. Kinakabahan ako, yon kasi ang nararamdaman ko ng makayapak ako sa mismong entrance ng opisina. Yung lagabog pa lang sa dibdib ko para bang dinadambol at ang utak ko, bumubulong. “Kaya!" “Kayang-kaya!" “Ikaw pa ba, Bea!" naibulalas ko na aking ibinulong sa sarili ng may bigla nalang may kung sino ang humawak sa balikat ko. “Congrats! Today is your first day, right?" Nakakunot ang noo ko na napalingon sa nagsalita na yon. Nanlaki ang mata ko ng tama nga ang unang pumasok sa isip ko ng marinig ang pamilyar na boses na bigla nalang nagsalita matapos akong hawakan sa balikat. “Sir!" bulalas ko sa gulat. Matagal na rin hindi kami nagkikita na dalawa. Simula ng magkita kami at magkakilala, hindi na nasundan pa yon nang kahit minsan. “Huwag kang maingay, di ba ayaw mong may makaalam na magkakilala tayo." sinuway ako nito. Hinila niya ako sa isang lugar kung saan ay walang tao. “Kamusta ka na?" tanong nito sa akin. Shock pa rin ako at walang mahugot na sagot. Napangiti naman ito, ako halos hindi maipinta ang mukha ko sa palagay ko, nang dahil sa pagtitig niya sa mukha ko. Ang lakas ng t***k na naman ng puso ko. Habang naghahabol ako sa paghinga. Hindi naman ako tumakbo pero kung bakit pakiramdam ko ay hingal na hingal ako at hinahabol ang aking hininga. Kabang-kaba, napahawak pa nga ako sa dibdib ko na kay lakas ng kabog. “Hey!" pinag-apir niya pa yung magkabila niyang palad sa mukha ko at napakurap naman ako. “Bea, anong nangyari at na-freeze ka?" “Wala!" sagot ko. “Bakit parang natulala ka ng makita ako? Namiss mo ako ano?" biro niyang sinabi na para naman namula pa ata ang mukha ko. “Kita mo na! Namula ka pa!" anito na sabi pa rin niya ng nakatawa. “Hindi ahh!" bulas ko. “Nagulat lang ako, kala ko nasa bakasyon ka pa rin tulad ng sabi mo sa huli mong text." ipinaliwanag ko, nagpumilit na itinanggi ko. “Naku, bakit mas namula ka pa?" gilalas niyang tugon mula sa pagtanggi ko. “Bakit maging tenga mo ay namumula?" “Hindi ahh, namalikmata ka lang siguro. Baka kala mo lang namumula, pero hindi naman." “Wag mo na itanggi pa, kasi kita naman at pulang-pula na nga, ayan ohh!" tinuro niya pa ang parte ng bahagi ng mukha ko na namumula. Sa pagkakataon na yon ay nag-init naman ang aking pisngi sa pagkahiya, kasi naman ay pakiramdam ko ay tama naman talaga siya sa kanyang naituro at inusal. “Sige na, aalis na ako. Unang araw ko baka malate pa ako." pag-iwas ko, pagka' ay aalis na sana ako, nang bigla niya naman ako hinili at nadikit sa kanya. “Ano ba!" singhal ko sa kanya at napa-sulyap sa paligid at baka may makakita. “Bitiwan mo nga ako. Mamaya may makakita sayo, ako naman ang mapagbuntunan ng mga empleyado mo." gigil kong sabi, pero gusto ko naman ang pagkakadikit ko na pagkakayakap niya na halos sa akin. “Ang arte mo!" sabi niya nakatawa. “Okay lang maging maarte, kesa naman ang masyado na obvious na hindi naman sa akin bagay." inismiran ko pa siya, tumawa siya na napalakas na agad ko rin naman na tinakpan ng aking isang palad. “Ang ingay mo!" bulalas na sabi ko, sabay at nginusuan ko siya ng nakasimangot. “Ang cute mo naman, namiss nga kita, kaya pasensya na." muli ay tugon niya at saka ako binitawan. “Bea, mamaya ahh! Sabay tayo." sabi nito, inayos ang sarili at lumingon, sumilip pa muna bago muli siyang nagsalita. “Labas ka na, ikaw na mauna, baka pag-magsabay tayong dalawa, may makakita pa sa ating dalawa." bulas nitong sabi, tumango ako, siya naman ay ngumiti. “Basta mamaya ahh, I'll text you." bulas nito muli at lumakad na ako, matapos siyang malingon. Tumango lang ako sa kanya at sinabi, “Okay!" masaya pang tumalikod ako at naglakad. Napapangiti, habang binabaybay ang office kung saan ay mag-report muna ako. Sa HR, duon ay pinadidiretso ako muna upang sa contract signing ng aking kontrata sa kanila, briefing naman sa ilang mga policy na dapat kong malaman para hindi ko makalimutan. Habang naglalakad ako nang nai-gagala ko, ang mata ko. May nakaka-salubong ako na tao, pero walang lingon-lingon, walang kibuan, kahit ang magbatian ay wala. Kahit nga ang ngitian ako, yukuan o tanguan sa tuwing simple ko pa sila mga nginingitian. Walang kahit isa ang pumansin sa akin. Lahat ay mga iniiwasan ako, pakiramdam ko tuloy ay isa akong nakakadiri na empleyado sa mga tingin nila sa akin. Sumulyap ako sa may bandang kanan, sa kaliwa, at maging sa likuran ko ay napalingon ako. Yumuko nalang ako sa taong napansin ko na nasa likuran. Tumabi ako ng bahagya, pinadaan muna sila. “Good Morning po!" bati ko pero walang kibo. Tiningnan lang ako, bahagyang pagsulyap at pagdaka ay kanila na akong dinadaan-daanan. “Hello po!" aniya ko, mula sa labas ay may napansin ako na papalabas mula sa pintuan papuntang HR. “Good morning po!" pangalawa ko na nasambit mula sa lumabas sa HR. Hindi pa rin ako pinapansin at mga nag-tuloy-tuloy lang ang mga ito, nilagpasan ako, saka mga lumakad papalayo. Sabi ko na nga ba, mahihirapan talaga ako dito. Kung bakit kasi ay tumanggi pa ako, kay Trudis na mag-apply rin sa kumpanya kung saan siya ay natanggap. Si Mirriam naman ay nagbakasyon muna kasama ang kanyang pamilya. Kaya ngayon ay bakasyon muna siya habang wala pang naaaplyan na trabaho. “Hello po!" bati ko ng makapasok na rin ako sa loob. “Maupo ka!" utos nung HR na siyang nag-interview sa akin nuon. “This is your first day, right?" Tumango ako nakangiti rin sa kanya. “Opo!" nakuha ko pang sumagot. Sabi ko sa kanya ng tumugon ako. Nakita ko ang kanyang paglingon sa may kaliwa niya, may binu-buklat siya doon may kinuha siya na isang folder. Matapos ay inilapag niya sa mesa, sa harapan ko. “Basahin mo muna, bago mo pirmahan." aniya sabi niya, inutos, hinabilinan ako, kung ano ang mga dapat ko pagkatandaan sa kontrata at kung ano ang nilalaman. “Bahasahin mo mabuti, kung may tanong ka. Sabihin mo lang sa akin. Pwede ka magtanong, kung may hindi ka maintindihan sa contract." gagad muli na sinabi niya, may ilan sa kontrata nga ang hindi ko maintindihan. Kaya nagtanong ako. “Ma'am itong part na po ito?" napalingon sa akin ang HR na nakatingin na sa kanyang monitor habang ako ay binabasa ang kontrata. “Iyan ba?" Tumango ako. “Nakasaad diyan, 3 months consecutive or 90 days, under probationary ka. So, meaning sa loob ng nakasaad diyan. Incase na maganda ang ipinapakita mo sa kumpanya, maaari kang maregular sa pagtatrabaho mo dito." sabi nito nang mag-angat pa siya ng kanyang mukha. “Kaya naman galingan mo sa trabaho." aniya na sabi pa nito na nginitian ako. Ipinaliwanag din niya ang ibang nakasaad na hindi ko maunawaan. Ang dami kasi na nakalagay duon sa kontrata, masyado ako kinakabahan at hindi gumagana ang utak ko sa aking mga binabasa mula sa mga hawak kong papel na naglalaman ng aking kontrata sa kumpanya. Nang matapos ako, ay kanya raw ako ihahatid sa department ko. Ayaw ko na nga sana at kabisado ko naman ang papunta duon. Pero dahil sa makulit siya, ay pumayag na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD