CHAPTER #16

1845 Words
Napakurap ko pa ang mata ko sa ilang beses. Kasi naman ay talagang kinakabahan ako. Daig ko pa ang nakasalang sa isang matinding interview. Tapos ay ganito ka seryoso ang itsura ng interviewer ko. Paano ba hindi ka kaba ng sobra ang dibdib ko? Kung ganito rin ka gwapo ang lalakeng nasa harap ko? Nakagat ko yung labi ko. Pang-ibaba, sa sobrang kinakabahan talaga ako ng dahil sa hindi ko malaman ang isasagot ko. Napabuntong hininga ako sa harapan ni Luiz. Ang lakas pa din ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na paniwalaan ang sinasabi niya. Lalo na ngayon ay nakangiti pa rin siya sa aking harapan. “Bea, mahal kita!" May ilang beses niya iyon inuulit-ulit habang hindi pa rin maipinta ang naging reaksyon ko at blangko. Wala pa rin ako, mahugot, sa sarili ko na maisasagot, sa kanya. Wala pa rin ata, akong dahilan para siya ay sagutin ko. Pero kasi, sa totoo lang. Iba na rin talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit kasal agad? Bakit napakabilis naman ata niya talaga, naisip niyang ayain ako sa ganitong paraan talaga na pakasalan ko siya? “Bea!" usal ni Luiz. “Pwede ba bigyan mo muna ako ng time? Hindi mo pa nga ako niligawan. Tapos kasal na talaga agad? Binigla mo naman ako. Kahit sino na babae Naman siguro mabibigla sa ginawa mo." tugon ko, sa pagsambit nito sa pangalan ko. “Pero mahal talaga kita, Bea. Totoo yon, hindi ako nagbibiro. Mahal kita." direct pa rin nitong inusal at seryoso ang mukha. “Oo, andun na nga tayo. Mahal mo nga ako. Pero, sobrang bilis. Kaka-kilala pa lang nga natin kahapon…” “Di ba mga sinabi ko na sayo." anito ng putulin ang sasabihin ko. “Nuon pa kita nakikita sa burol, madalas ko nga mapakinggan ang lahat ng mga hinaing mo sa buhay, at sama ng loob mo na madalas mo duon, isigaw." dagdag niya pa sa kanyang sinabi. Huminga ako malalim. “Bea, kung gusto mong ligawan kita, sige. Liligawan kita, kahit sa harap pa ng mga empleyado ko, ipakita ko sa kanila na seryoso at mahal kita." add na naman niya sa kanyang sinabi. Para akong naiipit talaga sa isang sitwasyon na hindi ko mapaniwalaan na nangyayari ngayon talaga. “Promise, mamahalin lang kita habang magkasama tayong dalawa." anito niya muli, diretso pa rin sa mga pagsasalita. “Bea, hindi ko naman mamadaliin na mahalin mo rin ako. Ang sa akin, mahalaga sa akin ay nasabi ko na mahal kita." huminga pa muna si Luiz. “Nasabi ko sayo na handa kitang pakasalan. Yun ay dahil sa mahal talaga kita. Mababaliw na nga ata ako." dun ay napangiti ito at kinatawa ang kanyang pagbibiro. Napalunok na naman ako, tahimik lang. Hindi naman masama na mahalin niya ako. Dahil ako rin naman ay talagang may nararamdaman na rin ata sa kanya. Totoo yon! Dahil ngayon pa lang, oras na kaharap ko siya ng ganito. Tumitibok ng malakas at mabilis ang puso ko. Iyon ay dahil talaga sa kanya, kahit minsan ay hindi ko naramdaman sa iba. Siya lang din ang lalake sa mga nakilala ko na may kakaiba agad ako nararamdaman ng makita ko siya. Makausap pala! Nung lapitan niya ako at kamustahin sa mga naisigaw ko nang oras na yon. “Nagbibiro ka lang?" sabay tawa ko. Ewan ko, nagawa ko nalang magbiro sa lakas ng kabog nitong dibdib ko. “Nagbibiro pa ba ako nito?" turan niyang tinanong ako. “Ewan ko." nang mag-iba na naman ang ihip ng aming pag-uusap. “Bea, naman?" “Bakit? Sa iyon ay kung totoo." gagad kong tugon. “Alam mo, Bea. Sa totoo lang, talagang pinakakabog mo ng mabilis itong puso ko. Totoo din yon." sabay siyang tumawa at ngumiti. “Ang hindi ko lang alam kung bakit parang ayaw mong paniwalaan." sabay tawa na naman. “Marami kasing scam!" sagot ko sa kanya. “Anong scam?" takang tanong niya. “Nauuso kasi ang scammer ngayon. Papacute, papakilala matapos lumapit. Tapos pagclose na sila, sabay ayun na…" “W-what?" bulalas niyang malakas na may kasamang malakas na tawa. “B-bakit?" nabubulol ko na nakakatawang tanong sa kanya. Nagulat din ako sa lakas ng pagtawa niya. “Alam mo, in reality ahh. Totoo naman yung sinabi ko. Yung kapitbahay ko nga kung makikita mo. Ilang anak na niya sa iba't-ibang lalake pa." “W-woow!" gagad niya at tumawa pa rin siya habang halatang pagkamangha sa kanyang mukha. “Hindi ako nagbibiro. Totoo yon." Saad ko. “Marami kasing gaya mo ang scammer. Manloloko, pag-nakuha na si Puso. Tapos na rin kayo, nakuha na rin kasi si Bebe." sabay tumawa ako. Tumatawa siyang nagtanong. “A-ano?" “Ayy, tilapia pala iyon. Hahaha!" aniya ko nakatawa. “Puro ka nalang tawa, seryoso ako pero pinapatawa mo ako." Saad niya. “Hindi naman, nasabi ko lang." tugon ko. “Kasi nga marami rin sa school namin. Liligawan, mag-iinuman, ngayong gabi din pag-lasing na sila, alam na this!" sabay ayun na naman at hindi ko na napigilan ang sarili kahit pinipigilan ko ay bumulalas sa aking bibig, ang napakalakas kong tawa. “Ibahin mo ako." sabay seryoso na siya ng tumugon. Napalunok na naman ako. Seryoso na, nang hindi makapagbiro sa kanya sa lagkit ng tingin niya sa akin, talaga naman para na akong hinihila niya. Papalapit sa kanya! “Iyan, dapat lagi kang ganyan." “H-huh?" takang ako naman ang nagtanong sa kanya. “Wala naman. Ang ganda mo talaga." Napabuga ako. “Biro!" tugon ko. “Puro ka nalang biro ang wika na gamit mo." gilas nito. “O-ohhh! Parang hindi naman." sagot ko. “Kita mo na! Ayaw mo talaga ng seryoso ata na usapan." “Sawa na kasi ako." mabilis kong itinugon sa kanya. “Mukha nga." anito niya naman. “Yep!" “Ohh!" “Hahaha!" “Ewan ko sayo." dali ay wika niya. “Tampo!" “Pabebe ka!" “Oi! In ka rin pala." “Huh?" bulas niyang tugon. “Wala!" sabi ko naman. “Pero sige na, babalik na ako ng trabaho ko." sabi ko muli. “Maya na kasi. Dito ka muna." “Hindi naman pwede." anitong sabi niya at pinipigilan na naman niya ako lumabas ng office niya. Pero biglang tumunog yung cellphone niya kaya naman sinagot niya muna yon at nakipag-usap. Lumabas siya muna ng kwarto. Ako naman ay naiwan sa loob. Very important siguro at hindi ko maaari na marinig ang pag-uusap nila. Iginala ko ang aking mata sa kwarto niya tulad ng ginawa ko kangina. May nakita pa akong litrato niya sa ibabaw ng kanyang lamesa. Bata pa siguro siya rito? nang ibaba ko yung picture frame ng kunin ko yun at damputin para tingnan. Umikot muli ang mata ko. Sa buong opisina niya ay yun lang ang ginawa ko habang naiwan niya ako mag-isa. “Ang tagal naman niya." naisip ko lang at naisambit ko ng makita ang orasan na nakasabit sa dingding. “Hindi pa rin kaya siya babalik?" nai-usal ko na naman ng mapatingin sa pintuan ng office niya. Maya-maya ay narinig ko na may pumuhit na sa seradura at may pumasok sa loob ng bumukas ang pinto. “Siguro aalis muna ako." turan ko sa kanya ng tumayo ako. Naiinip na rin ako at may katagalan na rin kasi ako nakaupo. Ilang minuto rin ang itinagal ng pakikipag-usap niya sa tumawag sa kanya. “No!" sambit agad nito ng magpaalam ako. Mabilis rin siya lumapit at umupo na sa aking tabi. Magkaharap na kami ng silya ngayon. “Huwag ka muna umalis. Dito ka muna, mamaya ka na umalis. Mag-usap muna tayong dalawa." anito na kanyang pakiusap. Umiling ako, nginitian siya manipis. “Baka magtaka naman yung mga kasama ko sa labas. Kangina pa ako rito." tugon ko, nakita ko sa kanya ang pagsusumamo nito na huwag ko muna siyang iwan. Pero ang naiisip ko ay ang mga walang kwenta kong mga katrabaho. Ang sama ko, talagang walang kwenta na ang tingin ko sa kanila. Kasi nga ay lagi nila ako binubully. Sigurado na yun paglabas ko pa lang aasagan ko na ang mga maaaring marinig ko mula sa kanila. “Okay lang, kahit ilang minuto nalang. Ayos na sa akin. Makasama lang kita, at akin kita mapagmasdan ng mas malapitan." “Scam ka nga talaga!" biniro ko na naman siya ng ulitin ko lang ang sabi ko sa kanya kanina. “Ayan na naman iyang scam na yan. Narinig ko na naman sayo." gilalas niyang sambit pero nakangiti naman din siya. “Joke lang! Ikaw naman kasi masyado kang apurado at panay ang nagpaparinig mo. Manligaw ka nalang muna, tapos ay tingnan natin kung ubra ba ang proposal mo." sabi ko, suggestions ko lang naman. Baka sakali kumapit siya, malapitan ko rin siya. “Wala lang naman, joke ko lang sa sarili ko." nang maibiro ko lang at bulong para sa sarili ko. “Sige na, aalis na talaga ako. Need ko ng bumalik sa table ko. Alam mo naman. It's my first day. Dapat pa-empres ako di ba?" bulong ko lang sa kanya. Wala naman talaga ang makarinig, pero ibinulong ko lang din dito parang joke na binibiro siya. “Sige na please." pakiusap niya. “Baka nga ano isipin nila if magtagal pa ako rito ng mas matagal." aniya ko sagot sa kanya at ipinagpilitan. “Sige na nga, later nalang tayo mag-usap saka na natin ituloy ang pag-uusap natin tungkol sa gusto mong mag-umpisa ako sa panliligaw sayo." anito na napipilitan lang. “Okay, mabuti yan. Hindi kasal agad. " nginitian ko rin siya. Syempre, ligaw muna, bago kasal. Pero… Mamaya nalang, sa susunod na lang pala pag-alam ko na sure na ako sa sasabihin ko sa kanya. Sa nararamdaman ko para sa kanya. Mag-isip muna ako, naguguluhan din kasi ako. ”Basta, later ahh!" pagpapaalala niya pa. “Okay na nga, diba? Later, sige text mo lang ako." sagot ko. “Basta later?" “Ang kulit mo rin ano?" tawa na naman ako. “Oo nga, mapilit ka eh!" sagot ko pa at hindi maalis ang pagtawa ko. “Okay!" “Sige na aalis na ako. Sir Luiz lalabas na ako." sabi ko at ramdam ko na ang pangangalay ng mga binti ko. May ilang minuto na rin ako nakatayo ahh! Kaya nakakaramdam na rin ng pangangalay itong magkabila kong binti. Pero hindi lang yon ng bumilog yung magkabila kong mata sa pagkagulat. “Okay! Labas ka na." sabi niya nakangiti. Ngiting wagi! Hinalikan niya ba naman ako. Nagulat ako. “Okay!" yun na lang ang naisagot ko. Nahihiya, namumula na tiyak ang pisngi ko. Naglakad ako papalabas ng pinto habang diresto lang at binuksan ang pinto. “Bea, ano ba?" bulas ko, ramdam kong nastock na ako sa labas ng opisina niya at hindi na makagalaw ng maisara ko ang pintuan. Habang napalingon ako sa pinto ng opisina niya at napatulala muli. Habang walang salita, nakatulala lang. Habang wala ring kausap na ay nakatingin lang ako sa saradong pintuan na ngayon ay nasa harapan ko pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD