Nag-silayasan na ang marami sa mga hindi naman kasali sa gulo.
Maging ang mga nangungutya, nagtutulak kangina kila Christmas, at sa babaeng kaaway nito.
Umalis na rin.
Maging ang sumisigaw ng basura sa akin. Nawala, si Julius na kangina lang nakita ko sa kung saan ay bigla nalang naglaho na parang bula.
Si Crisel, kasalukuyang pinapagalitan ngayon ni Boss Luigi, maging ang iba pang nagsimula ng gulo sa bar.
Nagpatawag na rin ng mga pulis si Boss Luigi.
Habang nag-aantay, pinasara na rin muna ni Boss Luigi ang loob ng bar.
Lahat ng mga customer, pinalabas, maliban lang kila Christmas.
Ang umaway sa akin, si Crisel. Pina hihingi ng tawad ni Sir Luigi para sa ginawa sa akin nito. Maging ang nanakit kay Lucille ay pinagalitan ni Sir Luigi at nanghihingi ng tawad kay Lucille.
Walang nakaligtas sa mga nanggulo sa bar. Napuno na rin si Sir Luigi, kaya naman nagpatawag na siya agad ng mga pulis upang ipadampot silang lahat.
Buti nalang wala sa kanila ang dalawa kong kapatid.
Dahil kung sakali, malamang na mas nakakahiya ang sinapit ko sa mga nangyari.
Hiyang-hiya nga ako kay Luiz.
Nakita niya pa, kung paano ako bastusin ng ilan sa mga kaklase ko na nagsimula ng gulo sa loob ng bar.
Huminga ako para akong hiyang-hiya sa lahat ng naririto.
Hindi ko nagawa ng lumaban.
Hinayaan ko lang na bastusin nila ako at saktan.
“Ayos ka lang?" tanong na sabi ni Luiz.
Naka lapit na pala ito sa akin ng hindi ko namalayan.
Yumuko kasi ako, dahil sa sobrang pagkapahiya ko sa aking sarili.
“Halika, duon muna tayo." sabi niya muli at inalalayan ako papalayo sa mga taong ayaw naman din bitawan at iwan ni Sir Luigi.
Binabantayan niya ang mga kapwa estudyante ko na wag makaalis at makalabas ng bar habang wala ang mga pulis na dadampot sa kanila.
“Pakuha naman ako ng ice!" utos niya sa isang waiter na kasama ko dito sa bar.
Umalis na naman ito agad, sa pagbalik may bitbit na siyang yelo.
Nagkabukol pala ako, hindi ko youn naramdaman, nang may bigla na lang din sumalpok sa mukha ko, maliban duon sa humihila sa braso ko na siyang nakakalmot, sa balat ko.
Nagsugat nga, napakaraming galos din ang nakuha ko.
Maliban kay Crisel, ang ilan pa, sa mga katuwang niya na nasaktan ako ay mga pinag huhuli na ngayon ng mga pulis.
Natanawan ko pa sila, habang ang mga mata nila, mga napalingon sa akin.
Mga nakatingin sila, sa gawi ko at masasama ang mga tingin nila.
Maging si Christmas sa gawi ko tumingin, maging sa katabi ko ay na pasulyap pa siya.
“Lagyan mo ng yelo 'yang bukol mo." sabi nito na inabot sa akin ang ice bag na may laman na yelo.
“Sorry, nakita mo pa yung nangyari kangina." sabi ko sa kanya.
Sabagay, halos may alam na siya sa akin.
Halos wala na ako maitatago pa sa kanya.
Kung madalas niyang marinig ang mga hinaing ko sa buhay sa tuwing aakyat ako ng burol at sinisigaw duon lahat ng mga hinanakit ko sa mundo.
Malamang na alam na alam na niya lahat, lalo na't pagdating sa kin.
Kaya naman wala na akong dapat ipaliwanag o dapat sabihin pa sa kanya tungkol sa mga nakita at napanood nito kangina.
Napakamalas ko talaga na nilalang, dahil pakiramdam ko napaka wala nga atang kwenta ang buhay ko sa mundo.
Dahil sa mga taong patuloy na humuhusga at ang tingin sa akin ay parang basura na nag exist lang para makipag siksikan sa mga taong kagaya nila.
Yung mga taong piling nila sila lang ang dapat nabubuhay sa mundo at ang mga gaya ko dapat inaalis sa mga landas na sila lang dapat ang natitira.
Hindi pa man nila ako lubusang kilala. Inalisan na nila ako ng karapatan para naman ipakita sa kanila na karapat dapat din naman ako sa lugar kung saan sila nabubuhay.
“Okay lang!" sagot niya.
“Ganyan ba talaga kung tratuhin ka nila?" turan niya na itanong sa akin ng diretso.
“Kaya ba madalas kang pumunta sa burol para isigaw lang ang lahat ng mga problema, maging ang mga pangungutya sa 'yo ng mga kaeskwela mo?" muli niyang itinuran.
Tinanong muli niya sa napaka seryoso na pagkakawika.
Seryoso na nakatitig lang siya sa aking mata.
Habang ako, pumapalag na naman yung dibdib ko.
Ang bilis na para bang nagraragasang agos.
Nag-uunahan na may malalaking alon na siyang pumapaibabaw sa nararamdaman ko ngayon.
“Hindi ko alam yung pakiramdam na kinikiliti ba ako. Kinikilig, o baka naman dahil lang sa kanyang mga tingin?" naibulalas at naibulong ko habang iniisip.
Ano nga ba sa dalawa?
“Nababaliw ako na para naman natutunaw na yelo, ang tingin ko, maaari na ring agu 'sin ako ngayon kung hindi pa ito hihinto sa mga kakaibang kinikilos ng aking sarili." naisip ko lang naman.
Habang nakatingin pa rin ito sa akin, at nakatingin ako sa kanya.
“Gusto mo bang umuwi na?" naitanong niya pa, habang ako. Hindi mawala rin ang mga tingin sa kanya.
Hindi ako makapaniwala na may mga tao pa pala na magkaroon ng malasakit sa akin.
Makapa pansin sa akin. Maliban sa ilang mga tao na madalas kong makasama.
Madalas akong samahan sa mga panahon na nahihirapan na ako, at hindi na makahinga sa lahat ng aking problema.
Nuon naisip ko, wala nang tao ang makapa pansin sa isang tulad ko.
Maliban sa ilang kaibigan ko na laging andiyan, kasama na sila Lucille at Boss Luigi.
Maliban sa ilang tao na yon, ngayon lang ulit ako naka kilala ng taong nagbibigay sa akin ng ganitong pagpapahalaga.
Nabigla pa ako, nagulat ng hawiin niya ang lumaylay kong buhok.
Natakpan nuon ang aking mukha ng bigla nalang itong malaglag na kanya pa lang nakita.
Mabilis naman niyang hinawi, pagkaraan ay nginitian niya ako na nakakapag pabilis ng t***k ng puso ko.
“Ano bang pakiramdam talaga ang nararamdaman ko?" nabulalas ko na naman, muli ko pang naibulong.
Kangina, nang makita, makilala ko siya sa burol.
Pakiramdam ko, may gusto na ako sa kanya.
Pero hindi sa ganito kabilis, mas lalo niya pa, pinatibok ng husto ang aking dibdib.
Mas pinalakas niya ang kabog ng puso ko sa mga tingin nito sa akin.
“Hindi pa oras ng uwi ko!" sagot ko sa kanya.
“Ako na bahala kay Luigi, ipag paalam kita!" sagot nito na may pagka seryoso pa rin at mukhang seryoso rin sa pagkakasambit.
“Papayag naman yon!" sagot niya pang muli.
“Sa tingin mo? Sa nangyari kanina, magbubukas pa siya?"
Napalingon ako kay Boss Luigi na napahilamos pa sa mukha.
Mukhang inis, badtrip at wala na sa mood, sa itsura nito.
Nakagat ko 'sang labi ko.
Mukhang sa tingin ko nga rin ay wala na itong balak pang magbukas.
Inilabas na ang mga estudyante na ngayon ay bitbit na ng mga awtoridad.
“Sa bagay, tama ka. Sa napapansin ko talagang nainis si Boss Luigi ngayon." naisagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa problematic 'kong boss.
“Mukhang talagang galit siya sa nangyari kangina, ngayon ko lang din siya nakita na nagkaganito. Tulad ng nakikita ko ngayon sa kanya."
Panay ang pag buntong hininga ni Boss Luigi, habang ang mga mata nito, nakalibot sa paligid ng mga nasirang mga gamit.
Marami ang nasira na gamit, mula sa ibang pasaway na customer ng bar na siyang nanguna sa naganap na kaguluhan.
Ngayon na malinis na mula ng mawala ang mga pasaway na nanggugulo sa bar ni Boss Luigi.
Nalinis din ang buong paligid ng mawala ang mga taong pinaiwanan ni Sir Luigi, at ngayon na may kailangan malinis ang loob ng bar, dahil sa mga kumalat na gamit at basag na bote na nagkalat.
“B-bakit? Hindi pa ba na galit ng ganyan si Luigi?" tanong niya, umiling ako.
“H-hindi pa!" sagot ko na nakailing pa rin sa kanya.
Habang nakatitig pa rin kay Boss Luigi.
“Sa totoo lang, ngayon lang talaga. K-kasi naman, kahit nakagagawa ng gulo rito ang mga kapatid ko. Never pa siyang naging ganyan kagalit." aniya ko na tinuran sa kanya, nakatitig pa rin kay Boss Luigi na amin naman pinagkaka usapan.
Napa baling ang tingin ko sa kanya.
Napalingon ang mata ko nang makita si 'yang napa sulyap pala.
Muli na naman kami nagkatinginan, habang ang puso ko malakas pa rin ang kabog.
Lumulukso na para bang liliparin ako dahil sa lalim ng mga tingin niya na habang siya ay seryoso.
“Mukhang hindi pa ako makakauwi. Mauna ka na, wag mo na ako ihatid." muli kong sinabi.
Patayo na sana ako, nang magawa niya akong pigilan sa aking gagawin na pagtayo.
“Dito ka na lang muna!" sabi nito sa akin, nang magawa niya akong hawakan sa aking kamay.
Napalingon na naman ako sa kanya na napatingin naman sa kamay niya na hawak ang aking isang kamay.
Para kaming dalawa na magka holding hands ng mga oras na 'toh.
Habang hawak niya pa rin ang kamay ko.
Habang napatingin ako sa kanya ng magawa kong mag-angat ng aking mukha.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala habang kangina pa hindi mawala-wala ang kanyang mga titig niya, sa akin.
Ako naman ay parang nalulusaw na ang pakiramdam habang kanyang tinitingnan.
Nakita ko si Sir Luigi na kausap ang ilan sa mga tao niya sa kanyang bar.
Mukhang mga seryoso ang kanilang mga pinag-uusapan, kaya naman si Lucille ang itsura niya, para bang medyo kinakabahan.
Hindi naman siguro pangit na salita o balita ang sinasabi ngayon ni Sir Luigi sa mga taong nanduon sa kanyang harapan.
Ako kasi nagsabi ako rito kay Luiz na lalapit muna ako kila Sir Luigi, subalit ayaw niya akong payagan na lumapit pa ruon.
Ayaw niyang makisali at makialam pa sa mga pinag usapan ng mga kasamahan ko, at maging ang nangunguna sa kanila. Si Sir Luigi pa rin na sobrang seryoso ang mukha habang ito ay nagsasalita.
Napa hinga ako ng malalim.
Habang nag-iintay na matapos sila sa kanilang mga pinag-uusapan.
“Maupo ka muna!" alok niya sa akin na nauna na siyang maupo.
Ayaw ko nga sana maupo, subalit dahil mapilit siya at hinila niya pa ako, dahilan ng pagkaupo ko bigla sa upuan sa tabi nito.
Wala na akong nagawa, kundi ang maupo sa tabi niya.
Dahil malayo kami sa mga nag-uusap.
Wala kaming marinig na kahit kaunti sa mga pinag-uusapan nila.
“Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" napaisip rin ako habang hindi pa rin maalis sa isip ko kung bakit antagal naman nila mga nag-uusap.
“Huwag mo na isipin ang pinag-uusapan nila. Ang mahalaga sa ngayon, ayos na, safe ka na sa mga nanakit sayo kangina." sabi nito na kina lingon ko na naman.
“Mabuti na nga lang, itong si Luigi. Mabait yan, mas mabait pa sa akin kung titingnan. Dahil kung ako, baka, ako pa mismo ang kumaladkad sa kanila sa presinto." sabi niya na kinalaki ng aking mata habang nakatingin sa kanya.
Hindi ko alam, kung nagpapatawa ba siya, o, seryoso sa mga pinagsasabi niya.
“Kakapal ng mga mukha ng mga tao na yon. Kung bar ko ito, tapos ganun nga ang ginawa nila. Talagang nakatikim sila sa akin." Sabi na naman niya, habang seryoso pa rin na nagsasalita.
“A-at, hindi lang yon." bulalas niyang pagkasabi, at napatitig sa kanya.
“Dahil sa sinaktan ka nila." muli ay bulalas nito na mas kinabigla ko at kina buntong hininga.
Tatawa na sana ako, naunahan niya pa akong bumulalas ng tawa.
Siya pa ang natawa sa kanyang inusal na dapat nga ako ang unang tumawa dahil sa mga pabiro na sinabi nito.
Pero, sa ngayon, sa nakikita ko, siyang tuwang-tuwa sa mga inusal nito.
“Minsan, may pagka joker din talaga siya!" Sambit ko sa isip. Pabulong kong sinambit.