BEA'S POV'S
Para akong napapaso sa mga tingin ni Luiz.
Agad binawi ko, umiwas ng tingin sa kanya.
Napangiti si Lucille.
Napansin ko na kangina pa pala siya nakatingin sa amin ni Luiz, habang siya du 'madaldal.
Ewan ko ba, si Lucille. Napaka-daldal niya, habang nakikinig naman itong si Luiz.
Hindi ko na siya napigilan pang idaldal ako kay Luiz.
Nasabi na niya lahat ng mga nalalaman niya sa akin.
“Tutungo muna ako sa counter, Lucille. Pupuntahan ko lang si Sir Luigi, baka mamaya ano na ang kanyang isipin na dalawa pa tayo dito na uma-asikaso sa customer." sabi ko na magpaalam muli.
“Hindi na kailangan!" nagulat ako.
Napalingon ng isang boses ang nagsalita.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang kinakausap ko naman itong si Lucille.
Habang nagpapaalam ako, nagpapaliwanag kay Lucille. Bigla nalang may nagsalita na siyang kinalingon ko.
Habang si Lucille, nakatawa pa rin ito. Nakangiti habang napalingon kay Sir Luigi.
“Don't worry, ayos lang. Asikasuhin niyo lang 'yang bisita natin. Baka mainip kasi, umalis na lang din bigla. Sayang naman, big fish, baka mawala." may hindi pa ako maunawaan mula sa mga sinasabi ni Boss Luigi.
Big Fish raw, anong klase na isda ang sinasabi nito?
Nagtataka ako, bakit niya nasabi na big fish?
Magkakilala kaya sila? Nang malingon ko naman si Luiz na nakangiti kay Sir Luigi.
“Magkakilala po ba kayo, Sir Luigi?" naitanong ko habang napatawa siya.
Malakas ang tawa nito, kina-bigla ko rin dahil sa mga tinginan nila ni Luiz.
“Magkaklase kaming dalawa nuon." sagot ni Sir Luigi.
Kaya lang habang mga nag usap kami. May bigla na lang naging gulo, na gumawa ng ingay sa loob ng bar.
May nagwawala, may nanggugulo.
Kinabahan na ako bigla at baka mamaya ay sangkot na naman ang mga kapatid ko.
Nagmamadali akong iniwan sila Sir Luigi, Luiz, at si Lucille siyang kasama ko sa pagtakbo.
Nakiraan ako sa mga taong mga nag kumpulan.
Marami na ang mga nagsisiksikan sa lugar kung saan may gulo na nagaganap.
Hindi na bago ito sa akin. Kung ang mga may gawa ng gulo ay ang mga kapatid kong pasaway.
Hiyang-hiya na ako kay Sir Luigi sa ilang beses na ganitong gulo at mga kapatid ko ang sangkot.
Sila na lang kasi ang madalas na pinagmulan ng gulo at gumagawa ng gulo na kinakailangan ko pang gumitna at ayusin.
Buti nalang talaga itong si Sir Luigi ay mabait sa akin. Kahit nakakahiya na ang mga ginagawa ng mga kapatid ko.
Pinagbigyan niya pa rin ako dito magtrabaho. Kahit madalas na ang bar niya nagugulo. Dahil sa kagagawan ng mga kapatid ko.
“Excuse, makikiraan ako." sabi ko sa mga tao.
“Excuse, paraan ako." sabi ko naman sa ilan pang mga tao na mga nagkaka sigawan, dahil sa katuwaan mula sa mga nagkakabangayan.
“Ano ba?" sigawan, mula sa gitna.
Mukhang nag kasinghalan kung sino man ang naroroon sa gitna ng mga pinagkakaguluhan ng mga tao.
“Bitiwan mo nga ako." sabi ng boses babae.
Hindi boses ni Ate yon, malamang ibang babae.
Pero nakiraan pa rin ako para ayusin ang gulo na nangyayari sa loob ng bar ni Sir Luigi.
“Paraan!" sabi ko ulit habang hinahawi ang mga humihiyaw na customer sa bar.
“Paraan kami!" sabi ko ulit, hanggang narating na ang gitna kung saan isang babae, lalake, babae at may mga kasama pa ang nakikita ko, natatanaw ng aking mata.
“Paraan!" sabi ko ulit, hanggang makalapit na ako sa mga nagkakagulo.
“Bitiwan mo sabi ako!" singhal nung isang babae.
“Si Christmas?" nagulat ako ng nasambit ko habang nakatingin sa mga naghahaltakan, sa gitna ng nagkakagulo ring mga tao.
“Ang yabang mo?" gilalas nung babaeng isa.
“Bitiwan mo nga ako." sabi nung nagsalita duon sa lalaki na humihila rin sa kanya.
“Tigilan mo ako." sabi ni Christmas
“Bastos ka!" sigaw ng isa na naman at nagkahilahan yung babae na kaaway ni Christmas, at yung lalaki na mukhang pinag-aawayan nila.
“Tama na nga 'yan." sabi ng lalaki sa babaeng girlfriend niya siguro.
“Bastos itong babae na 'toh. Mabuti na turuan ng leksyon ng mag-tanda naman." bulalas nung babae, nakangisi habang nakatingin kay Christmas.
Nandu 'dumilat ang mata sa galit at nais na madampot sa buhok si Christmas na pinipigilan naman ng lalake.
Nagkakasigawan sa buong lugar ng bar, may mga nanunukso, nanunudyo at ilan pa sa maraming nanonood… mga sumisigaw.
“Duwag!" sabi ng iba.
“Naku, ang tagal naman." bulas ng ilan pa.
“Grabe, nakakainip na, hindi naman pala kaya." gilalas ng marami na siyang nanunulak na pag-awayin yung dalawa at mas magkagulo sa bar.
“Ang lakas ng loob manghamon, duwag naman pala." sigaw pa na may panunukso ng mga tao.
“Nasaan na ang yabang mo!" sigaw pa rin ang isa sa mga pinaka madaldal sa mga nag tumpukan na tao.
“Ano?"
“Wala na, uwian na, magsi-uwi na lang kayo. Mga walang kwenta." aniya ng mga ilan sa mga nandito mga nagsisi-alis na.
“Excuse!" sabi ko ulit ng natabunan na ako at mabangga ng mga taong mga nagsisi-alis.
Kaya lang, bago pa man ako makalapit ng tuluyan para sana awatin ang mga nagkaka 'singhalan.
Bigla nalang muli na nagkagulo bago ko pa malapitan sila Christmas at ang babaeng kaaway nito.
“Siraulo ka!" sigaw ni Christmas ng mahablot siya ng babae sa buhok.
Nagsabunutan na sila, habang yung lalake na boyfriend tiyak nung babae. Pilit na uma-awat sa dalawa.
“Tama na!" nang makalapit ako at tumulong sa pag-awat sa dalawa.
Kaya lang, nang tumulong ako.
Ako naman ang nasa-bunutan ng kasama nila.
“Wag ka nga makialam!" sigaw 'sigaw nung mga kasama pa nila na siyang nakigulo na rin, at nakisali sa riot na nagaganap sa buong bar.
Mabilis akong mga nahablot, maging si Lucille, nahablot nila at nasabunutan sa buhok.
“Mga pakialamera!" aniya na sigaw ng mga kasamahan na pilit kami pinipigilan, na awatin ang nag sabunutan.
“Aray!" sigaw, nang naibulalas ni Lucille.
“Aray!" naibulalas ko sa sakit, maging ako ay tinamaan ng kamay na biglang humablot rin sa akin habang sinasabunutan nung isa pa na may hawak din sa akin.
Kay Lucille, tatlo ang nagtulong 'tulong na mapigilan siyang makalapit sa dalawa.
“Bitiwan mo niyo nga ako!" singhal na gilalas ko.
Ayaw ako bitiwan nung babaeng may hawak sa buhok ko.
Yung isa, pilit na hinihila ang braso ko na nakahawak sa kamay ng nakasabunot sa buhok ko.
Nadaplisan pa ako ng kuko nung babae.
“Aray!" napapagod na sa kakasuway sa mga kasama ng babaeng kaaway ni Christmas.
“Pakialamera ka kasi, dapat lang sayo 'yan, basura." bulalas na sabi ng may hawak sa akin.
Basura?
Tama naman ang narinig ko. Basura ang sabi niya, at tinawag niya sa akin ay basura.
“Basura, dapat duon ka lang sa bahay niyo, hindi ka sana naliligaw rito. Ang lakas pa ng loob mong mangialam. Wala ka rin naman magagawa 'dahil isang basura ka lang!" bulalas na may malakas nitong pagkakabigkas.
Nagka-tawanan ang mga ilan, sa mga kababaihan na mga nakapalibot, maging ang ilan sa mga kalalakihan na nakapalibot din sa amin, mga pinagtatawanan ako.
Hindi ko maingat ang ulo ko.
Hindi ko siya matingnan sa mukha.
Hindi ko makita, kung sino siya at tinawag niya akong basura.
Hindi ko alam kung kilala ko ba siya, o, kilala niya ba ako?
Hindi ko siya makuhang tingnan, dahil sa mga kamay na ngayon nasa ulo ko.
“Ang sakit na, bitiwan niyo na ako." sabi ko, sunusuway ko siya, nang maramdaman ko ang pagdami ng nakasabunot sa buhok ko.
“Basura, manahimik ka nga. Ang Lakas ng loob mong makisali. Wala ka naman pala ibaba't 'bat."
Bulalas ng babaeng kangina pa bumu-bulyaw, duma daldal ng hindi ko naman siya kinakausap, maliban sa sinusuway ko lang ang mga nag-aaway, nang bigla nalang ako nito sugurin, at ngayon sina-sabunutan.
Dumami na ang mga mas nagkagulo.
Dumami na ang mas nagsisigaw.
Dumami na ang mga nanunukso.
Dumami na ang mga nangungutya at nangungulit na tapusin na ang gulo, pabagsakin ang dapat bumagsak.
Si Christmas, nakita kong bumagsak sa sahig.
Nakahiga na siya sa semento, habang dumagan sa kanya yung babaeng kaaway niya.
Pinagsasampal siya, habang yung lalaki nasa likuran niya na umaawat pa rin ay biglang hinila ng mga ilan sa mga nagkakagulo na nanonood at may gustong pag-awayan 'yung dalawa.
“Si Basura, kasali na naman?" sigaw ng isa sa mga nanunuod.
Bakit ba basura ang tawag nila sa akin?
“Basura, kawawa ka naman. Bakit, hindi lumaban." panu-nulak, nang may nagsalita na hindi ko makilala.
“Basura, laban." aniya nuon pa, sigaw nito.
Iisa lang naman ang madalas na tumawag sa akin ng basura.
Iyon ay kaklase ko, kapitbahay na tulad ni Christmas, malapit ang bahay sa bahay ko.
“Basura, ano na?"
Ang boses na yon, si Julius.
Napapikit ako sa sakit ng sabunot.
Napaluha, napaiyak, dahil sa tindi ng pagkaka 'kapit sa akin.
Si Christmas, naawa ako sa kanya.
Kahit madalas niya akong uriin, kahit papaano, naaawa ako sa kanya sa dalas na mapahalo ito sa gulo.
Hinila ako nung may hawak sa akin.
“Masakit na, ano ba?" bulalas kong nai-sigaw.
Pero hindi pa rin ako binitawan.
“Tumigil kayo!" may sumigaw.
Malakas ang pagkaka-sigaw nuon.
Sa boses, tingin ko si Sir Luigi.
“Hindi na kayo mga nahiya, dito na naman kayo sa bar gumagawa ng gulo, bakit hindi nalang kayo magsi-uwi ng mga bahay niyo at duon magsitulog kung gulo lang ang madalas na hinahanap niyo." bulalas ng pa-galit na bulyaw ni Sir Luigi.
“Kung ayaw niyo naman magsi-uwi, bakit hindi kayo humanap ng place kung saan kayo maaari na magkagulo. Hindi rito, sa bar 'ko." mariin na pagkakasabi na mukhang napuno na si Sir Luigi.
Galit na ang boses nito.
Ngayon ko lang siya nakita na galit ng ganito.
Natigil ang mga nag-aaway.
Maging ang nakasabunot sa amin ni Lucille, mga nagsibitaw na sa mga buhok namin.
Nakatayo na rin ako ng diretso, nai-angat ang aking ulo, at nagulat pa ako bago ko kasi tingnan, balingan ang nagagalit na si Sir Luigi.
Binalingan ko muna at tiningnan ang babaeng tumawag sa akin ng basura.
Si Crisel, ang babaeng madalas rin gumawa ng gulo sa campus.
Ang madalas na tumawag ng basura sa akin, sa tuwing kukutyain ako ng mga kaklase ko.
Lalo na si Julius, siya lang naman ang madalas na tumawag sa akin ng basura. Dahil basura raw ako sa loob ng aming paaralan na pinapasukan.
Sila na naman pala ang mga sangkot sa gulo na naganap dito muli sa bar.