“Bakit hindi ka maupo?" tanong nito, ako naman napapalingon sa paligid at baka biglang sumulpot si Boss Luigi.
Si Lucille wala pa nga, nag-aalala na ako dahil hindi man lang na niya ako binalikan rito habang kausap ko itong isa ko pang magiging boss.
“Ayos lang!" sagot ko sa kanya. Hindi pa rin mapalagay ang loob ko at parang nais ko na sana magpaalam muna sa kanya dahil si Lucille.
Gusto ko siyang puntahan kung saan na ba siya nagtungo.
Sabi niya ay kukuha lang siya ng alak. Pero hanggang ngayon, wala pa rin siya at hindi bumabalik dito.
“Mag-off ka nalang ngayon. Samahan mo ako." sabi niya na naman at napalingon ako sa kanya.
“Hindi pwede, magagalit sa akin yung amo ko." sagot ko naman at ang puso ko parang hinihila nito.
Para siyang may magnetic energy na parang nais akong hilahin papalapit sa kanya, at maging isip ko parang nakokontrol nito sa nais niyang samahan ko siya.
“Puso, manahimik ka muna, hindi pwede." suway ko sa puso kong bumibilis ang t***k.
Ang isip ko na kontra naman sa sinasabi at dinidikta ko.
“Gosh, bakit ba siya ganyan tumingin sa akin?" aniya ko pabulong ng mapatingin sa kanya.
“Sige na, dito ka na sa tabi ko." sabi niya, pang aaya niya na tabihan ko siya.
“Hindi pwede! Bea, manahimik ka muna. Huwag kang papayag sa pakiusap niya. Kahit ilang beses pa, huwag na huwag." muli kong suway sa isip ko na nagsasabi na tabihan ko na siya.
Nang makapagpahinga naman ako kahit ngayong araw lang.
Nang maenjoy ko naman ang buong araw na kasama siya. Kasama ang lalakeng ngayon ko lang nakilala.
Tapos magiging boss ko pa sa papasukan kong kumpanya.
Pakiramdam ko yung puso ko umaalma na gaya ng sinabi naman ng isip ko.
Huminga ako malalim. Matapos naibuga ko rin dahil sa lakas ng kaba ko. Nginitian ko siya, habang humugot muli ng hininga.
“Sorry, Sir Luiz!" aniya ko malalakas pa rin ang kaba na napalingon ako mula sa likod.
Si Lucille!
Sa wakas bumalik na rin ito.
Napangiti pa ako dahil sa saya ko ng makuha niya akong balikan. Nakahinga ako ng may kaluwagan dahil sa may pagkakataon na rin ako para makaalis dito.
“Lucille!" bulas ko ng makita siya.
“Buti bumalik ka!" sabi ko ulit sa kanya.
“Bakit ang tagal mo?" tanong ko naman sa kanya habang ibinababa ang alak nitong dala.
“Sir Luiz, uminom muna po kayo." sabi ni Lucille ng hindi ako pinansin.
Nagtataka ako, dahil nagawa niya lang ako daanan. Hindi man lang ako nito kinibo, at diretso lang sa nakaupong si Sir Luiz.
“Luiz nalang kung tayo lang. Huwag niyo na akong tawaging Sir Luiz ni Bea." ani na sagot ni Luiz.
Luiz, sabi niya na iyon na lang ang itawag sa kanya.
Kaya naman itong si Lucille malapad ang kanyang pagkakangiti sa sinabi na yon ni Luiz.
“Maupo ka, Lucille." sabi nito kay Lucille, at tuwang-tuwa naman siya na naupo sa tapat ni Luiz.
Kinikilig pa ata itong si Lucille.
Hindi lang kasi sa gwapo si Lucille. Mukhang talaga mabait siya lalo na ata pagdating sa mga babae.
“Ilang taon ka na, Luiz?" tanong ni Lucille.
Talaga itong si Lucille, nakuha pa niyang magtanong ng mga personal information tungkol sa pagkatao ni Luiz.
“Secret nalang ang edad ko." sagot ni Luiz.
Hahaha, malas niya dahil hindi sinagot ni Luiz ang tanong niya.
“May girlfriend ka?" diretso na tanong nitong si Lucille.
Tumingin naman sa akin si Luiz.
“Bakit siya sa akin nakatingin?" naibulalas ko na naibulong habang kumakalabog na naman yung puso ko.
Mas lumakas tuloy yung kabog ng dibdib ko ng magsalita muli si Lucille.
“Type mo si Bea, ano?" gilalas na naituran ni Lucille habang napatingin rin ito sa akin habang ako nakatayo ng tuwid sa kanilang harapan.
“Sa itsura ni Bea, mukhang type ka rin niya." bulalas na naman ni Lucille, at pinamulahan ako ng mukha.
Biglang nag-init yung mukha ko.
Pakiramdam ko ay nakakahiya ang mga pinagsasabi ni Lucille sa harap ni Luiz.
“Walang boyfriend si Bea, at kung liligawan mo naman siya. Ikaw ang unang lalaking papasok sa buhay niya." ani ni Lucille na ngiting-ngiti na nakatingin pa rin sa akin.
Kinakabahan ako sa maaari pa nitong sabihin. Subalit hindi ko na siya napigilan dahil kusa na lumabas sa bibig ni Lucille.
Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa sa mga tanong niya kay Luiz.
Hindi na rin siya napigilan pa sa mga nasabi na niya.
“Ikaw?" nang balingan si Luiz.
Tumingin si Lucille kay Luiz at sunod-sunod pa itong nagtanong.
“Baka naman may girlfriend ka na?" umiling si Luiz sa tanong ni Lucille.
Para naman lumulukso ang puso ko ng makita ang pag-iling ni Luiz ng tanungin ni Lucille.
“Asawa?" ani ni Lucille muli na napangiti naman si Luiz sa kakulitan ni Lucille.
Buntong hininga ko sobrang lalim.
Habang si Luiz, napa hugot din.
“Buti naman, para sure tayo." bulas ni Lucille ng mapahinto sa pagtatanong.
Huminga rin siya, lumingon sa akin.
“Kawawa naman itong kaibigan kong si Bea, kung sakali na taken ka na!" daldal pa niyang sinabi habang kinindatan ako.
“Anong taken?" gilas na usal ni Luiz. Nagulat din siya sa inusal ni Lucille.
Kahit ako nagulat rin sa tanong ni Lucille.
“Taken, ibigsabihin lang nun kung may nagmamay-ari na ba sayo? Kasi kung meron na, paano naman itong si Bea? Masasaktan lang siya kung tulad nito na pinupormahan mo siya, tapos may asawa o jowa ka na pala!"
Si Lucille, walang tigil sa pagtatanong at pag-ungkat sa status ni Luiz.
“Pero kung tungkol kay Bea, wala kang dapat ipag-alala. Dahil isang dakilang single yan, walang boyfriend, walang jowa din. At higit sa lahat, walang pang nakakahalik sa kanya!" bulalas si Lucille sabay tumawa ng malakas.
Bwisit na babae, nagulat ako, binigla ako sa naging reaksyon niya sa pagkakasabi kay Luiz.
Kung nabigla si Luiz, maging ako, nabigla ng sobra dahil sa napuntahan ng kanyang pangbubuyo sa akin, ni Lucille, sa lalakeng kanyang kaharap na ngayon lang din naman niya nakilala.
Napaka daldal ni Lucille. Walang tigil siyang dumadaldal kahit may trabaho pa kami.
Buti nalang wala pa si Sir Luigi.
Wala na tinira halos lahat ibinuking na ako ni Lucille.
Lahat ng mga information na alam niya sa akin. Sinabi niya sa lalakeng kaharap. Lahat maging ang tungkol sa lovelife kong malamig.
Kasing lamig ng yelo.
Freeze na nga dahil sa wala naman kasi ako naging jowa.
Hindi sa walang nanliligaw.
Wala nga pala, meron minsan pero hindi na tumuloy ng malaman ang sitwasyon ko sa buhay.
Nakakatawa dahil sa mga ganung pagkakataon nawawalan ako ng chance na magkaroon ng tao na may makakasama at nakakaintindi sa sitwasyon ko.
Kaya lang talaga ganun ata, wala akong swerte pagdating sa lovelife.
Walang lalaki ang nagkalakas ng loob na subukin pasukin ang masalimuot at magulo kong buhay.
Kaya ngayon, itong si Lucille panay ang kanyang daldal at hindi pa siya matapos-tapos sa kanyang pag ungkat sa buhay ko.
Kinu kwento niya lahat kay Luiz, habang ito naman nakikinig at kung may gusto itanong. Kay Lucille niya tinatanong kahit saglit na sumusulyap sa akin.
“Maupo ka kaya?" turan na naitanong at inalok pa ako ni Lucille matapos na mapahinto sa kanyang pag daldal.
“Ikaw naman, Bea." aniya na nakangisi na sabi nito at napalingon kay Luiz.
“Ang sabi ni Luiz, narinig mo naman. Wala raw siyang jowa, walang girlfriend, at higit sa lahat binata. Walang asawa!" may sigla na sobrang saya niyang ibinulalas.
“Pagkakataon mo na ito, total mukhang gusto ka rin talaga nitong si Luiz, hindi rin naman siya matanda kung titignan. Mukhang bata pa at may asim pa nga." pabiro na sinabi ng madaldal kong kaibigan.
Si Lucille na tawang-tawa pa sa mga pinagsasabi.
Nais ko sanang umalis na lang, at iwan sila.
Kaya lang nakakahiya rin dito kay Luiz.
Dahil kay Lucille panigurado na naiinis na rin ito dahil sa kadaldalan na walang direksyon.
Hindi na kami nakakapagsalita dahil puro si Lucille ang madaldal.
Hindi rin kami nakapag-usap. Dahil si Lucille ang mismong nagsasalita para sa aming dalawa.
Wala kaming bibig. Nawalan kami ng bibig, upang masabi ang nasa loob at isip namin ni Luiz.
Parang si Lucille pa ang naging daan para paglapitin kami ni Luiz.
Parang si Lucille din ang dahilan, upang mas makilala namin ang aming mga sarili.
Ito kasi ang nagtatanong, tapos ay sasabihin naman niya sa amin ni Luiz kung ano ang kanyang impormasyon na nakuha at ibabahagi niya na siyang nagsasalita.
“Ano na? Wala na kayong kibong dalawa?" sabi ni Lucille ng mapansin niya pala.
Nawalan na talaga, dahil sa kadaldalan niyang taglay.
Nahihiya na rin siguro si Luiz, ganun din ako.
Huminga ako malamim.
“Lucille, baka nandiyan na si Sir Luigi. Pupunta muna ako sa may counter para magtanong." sabi ko ng magpaalam ako.
“No, hindi na kailangan!" nagulat na naman ako ng pigilan ako ni Lucille.
Bakit niya sinabi na hindi ko na kailangan pang magpunta sa counter upang tingnan kung nandyan na ba si Sir Luigi.
Nagtataka naman ako sa naging reaksyon agad ni Lucille ng magawa kung makapag paalam sa kanya.
“Maupo ka lang, stay ka lang diyan sa upuan mo." sabi pang muli nito.
Bakit ba pinipigilan niya akong tingnan kung nandyan na ba si Sir Luigi?
Bakit nga ba?
Mas lalo pa ako nagtaka, at pagdudahan ang mga kinikilos ni Lucille.
Tumatawa pa siya, habang ako naman kinakabahan, kinakausap ang sarili ko ng mapalingon na naman si Luiz sa gawi ko.
Tinitingnan niya ako, habang si Lucille napalingon sa dumaan na waiter na kasama namin.
Ako naman nakatingin kay Luiz na nakatingin rin sa akin. Huminga ako, napabuntong hininga habang parang binabasa ang mga sinasabi ng kanyang mata.
“Ang gwapo niya talaga!" sambit ko, naibulalas na ibubulong ko naman sa sarili ko. Tapos nginitian ko siya at ngumiti naman din siya sa akin at nagkakatitigan kami.