CHAPTER #17

1301 Words
“Hoy? Anong tina-tayo-tayo mo ryan? Bakit hindi ka bumalik sa mesa mo kung tapos ka na makipag-usap sa loob. Hindi para kang tanga na tulala diyan dahil lang nakausap ka ng isang gwapo na gaya ni Sir Luiz." bulalas ng boses na kina-lingon ko. “Ano papantasya ka rin? Kasi gwapo, at higit sa lahat ay ubod ng yaman at may-ari ng kumpanya na kinayayapakan ng mga paa mo ngayon?" turan muli ng may kagaspangan na pagkakasabi ng habos ayaw na nga umalis sa loob ng aking eardrums. Grabe, at ito na nga ang inaalala ko sa unang araw ko ang mapag-kwentuhan at mapag-usapan ng mga walang magawa kong ka-officemate. “I am so sorry po. Aalis na ako at babalik sa mesa ko." tahimik na pagkakasambit ko ng may galang sa kanya. Mahina lang yon, kaya halos tahimik pa rin sa lugar kung saan na nakatayo ako, at siya na ring nanita sa pagkakatanda ko dahil sa mga kilig na bumabalot ngayon sa buo kong katawan. Talaga naman sa unang araw ko pa lang ay marami ng pasabog. Nakikita naman at nakuha pa niya itaas ang kanyang isang kilay at ang nguso na pagkatulis na naka-ngiwi. “Hoy!" napalingon na naman ako. Actually nakatalikod na nga ako pero talagang napalingon ako dahil sa walang karipas na pag-singhal nito at pa-galit na tinawag ako. “Bastos na batang 'toh! Sinabihan ba kitang talikuran ako?" bulyaw sa malakas niyang tono. “I am so sorry po. Ang sabi niyo kasi ay bumalik ako sa mesa ko." sumagot ako. “Pilosopo na batang 'to!" Napa-buntong hininga siya at inis ang mukha at lamukot yun na para bang papel na nilamukos ang itsura. “Sorry po!" sagot ko pa rin, puro hingi nalang ako ng sorry at alam ko naman pala-lakihin pa nito kung patuloy ako sasagot. “Umayos ka ng pagsagot ahh! Baka nakakalimutan mo na unang araw mo pa lang at matuto kang gumalang sa mas nakakataas sa iyo. Lalo at mas matanda rin ako sayo. Galangin mo ako bilang head mo rito." napa-smirked ito at buntong hininga ng malalim. Napabuga pa nga siya, siguro ay papalabas na talaga ang kanyang matinding galit at tila nakakakita na ako ng usok na lumabas sa ilong at maging sa magkabila nitong tenga. Napasinghap nalang ako, kaba-kaba man ako, wala rin ako magagawa kung sasagot pa ako dahil sa galit na galit na nga ito ng dahil sa pagka-katalikod ko kanina. Naikot ang mata ko. Napa-buntong hininga habang napansin ko na pinagtitinginan na kaming dalawa. “Ikaw na bata ka, kung hindi ko sinabi sayo na tumalikod ka. Wag kang tatalikod ng basta-basta. Hanggat hindi ko sinasabi at iniuutos sayo na tumalikod ka at umalis sa harapan ko. Naintindihan mo naman siguro? At oras na maulit pa, makikita mo aayos ka oras malaman mo saan kita itatapon." Mariin, na nagpapaalala nito, may pananakot na pinaalalahanan ako habang inis ito na pina-alis na rin ako. “Sige umalis ka na!" utos nitong muli at pinagtabuyan na akong umalis sa kanyang harapan. Habang nailibot ko ang aking mga mata, nakikita ko ang mga ka-trabaho ko na mga nagtatawanan at pinagtatawanan na naman nila ako, nang dahil sa nakagalitan na naman ako ng aming head sa team. Hindi ko na lang sila mga pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa aking paglalakad. Kahit yung dibdib ko malakas pa ring kumakabog dahil sa takot ko kangina. Sasagutin ko sana siya ng pag-mataasan ako ng boses ng mas pinili ko nalang ang huwag sumagot. Kahit gusto kong subukin kahit minsan lang ang lumaban sa kanila sa mga salitang hindi maganda nilang binabato sa akin. Pero hindi. Dahil sa mukha atang hindi ko pa kaya talaga ang labanan sila. Mukhang kailangan ko muna pag-aralan kung paano ang magandang way ng hindi ako mas mai-ipit sa sitwasyon kung sakali na pumatol ako sa mga panlalait at pangmamaliit nila sa akin. Madalas ay napag-isip na rin ako. Minsan tingin ko ay mas nagiging kawawa ako sa mga pag-pasensya na ginagawa ko para sa kanila. “Bea!" tawag ng may biglang bumukas na pinto. Nasa tapat pala ako ng CR ng lalake ng may lumabas sa bumukas na pintuan. “Bea, ngayon ka din pala rito mag-start?" Tumango ako. Napa-tango-tango din ito. “Kaya pala, sabay pala tayo. May mga nakita rin ako na galing ibang school. Mga ngayon rin mga nag-report maliban sa mga nakasa-bayan ko kanina na pumasok." “Ganun ba?" Tumango rin ito, sagot niya sa tanong ko. “Maaga ka ba dumating?" “Hindi! Late na nga rin kasi nga medyo naipit ako sa traffic. Pero ayos lang naman kasi nga unang araw pa lang naman wag lang maulit bukas. Baka mapuntusan na ako agad." turan na sabi nito na tuloy-tuloy halos walang hinga, sa pagsasalita. “Masungit pa naman yung head dito." bulong niya tapos ay tumawa. “Di ba? Totoo naman. Narinig ko nga kanina na pinapagalitan ka agad. Grabe noh? Parang sobra naman ata yung mga sinabi niya sayo. Parang ipinagmamalaki niya pa ang posisyon niya rito, na tutuusin ay pare-pareho lang naman tayo empleyado rito." Pabulong pa rin nito inusal. Napasinghap naman ako. Kasi nga ay totoo naman ang kanyang sinabi na same lang kami mga trabahador dito, empleyado. Pinagkaiba lang ay nauna sila sa amin mga magtrabaho dito sa company. Pero hindi naman tama na ganun ang gagawin nila at parang kami pa ang makikiplease sa kanila dahil mas mataas ang posisyon nila, at kami kaka-umpisa pa lang. Tama nga ang sinabi nito isang ka-schoolmate ko. Hindi kami classmates pero nakilala ko lang siya rito at nakasabay ng mag-OJT kami para sa huling pagsasanay namin para sa aming pagtatapos sa ming mga pag-aaral. “Pero wag kang mag-alala. Hindi ka lang ang nasimulan ngayong araw. May ilan pa dun." sabay inginuso ang mga nagkukumpulan na mga bagong empleyado na gaya naming dalawa. Mga nag-bubulong-bulong na sila duon. Tiyak na panay din ang mga kani-kanilang reklamo tungkol sa head ng department na aming designated area na mula ngayon ay aming papasukan, at pinagtatrabahuhan, start na ngayong araw. Umpisa na ng mga kalbaryo ang aming mga dadaanan dito. Dahil hindi lang naman ako ang madalas masigawan. Maging ang ilan sa kanila ay madalas na mapag-initan ng hindi ko alam. Nito ko lang namalan ng may marinig ako na tsismis mula sa mga nag-apply for OJT rito at na-absorb ng company as their new employees. “Alam mo, Bea. Mas grabe pa nga ang sermon na natanggap nila. Sayo kaunti pa yon sa naging award nila ngayon. Mas bongga nga, kaya ang gawin mo na lang ay magpa-empress ka nalang sa kanila. Pagbutihin mo ang trabaho dahil yun din ang gagawin ko. Simula ngayon na kaba-kaba yung dibdib ko na parang tulad sayo." Nakuha pa nito magpatawa sa kabila na galit na galit nga sa akin yung head namin kangina. Huminga ako, yung gamit ko pala ay nakalimutan ko at nailapag lang sa upuan ko ng hindi ko naitago. Napangiwi ako, nakagat ang labi ko habang inaalala at iniisip ko baka binuksan na yon ng mga pasaway kong seatmates sa hilera ng aking lamesa. “Asar naman ito." naiinis ko na naibulong ko. Hindi mapalagay at mapakali ang mga daliri sa kamay ko maging sa paa ay nais na lumakad patakbo. Nais ko na tumakbo at kumaripas upang tunguhin ang mesa ko at tingnan ang baon kong lunch. “Ano ba 'toh! Ang malas naman." Nang mailingap ko yung mata ko sa paligid na para bang may kangina pa nanunuod mula sa pakikipag-usap ko sa aking katrabaho. Nilibot ko pang muli ang aking mata sa hindi na nga mapalagay ang dibdib ko sa kaba na baka yung baon ko… Pero iniisip ko kung sino ba yung parang nakatingin sa amin nitong kasama ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Luiz..

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD