*** Miles *** Kasalukuyan siyang nagluluto ng kanyang pananghalian nang makatanggap ng tawag mula kay Jeffry. Asik kaagad ang isinalubong niya rito nang sagutin niya ang tawag ng lalaki. "Oh? Ano na naman ang kailangan mo?!" iritado niyang sabi. Narinig niyang pumalatak ito sa kabilang linya sabay tawa. "Grabe, anong oras na hindi pa rin lumalamig ang ulo mo?" patutyada pa nito sa kan'ya. Kahit hindi siya nito nakikita ay nginiwian pa rin niya ito bilang tugon. "Hindi na lalamig ito dahil sinira mo na ang buong araw ko. Bakit ka ba tumawag?" tanong niya sa naiinip na tono. Naispatan niyang kumukulo na ang niluluto niyang tinolang isda kaya agad niyang tinikman ito. "Just want to ask kung saan kita susunduin mamaya," sagot nito na tila kagagaling lang sa pagtawa. "Dito sa lang sa ta