*** Jeffry's POV *** Nabahala siya nang mapansin ang biglang pagseryoso ng mukha ni Miles. She was just smiling earlier pero nang mabanggit lamang niya ang tungkol sa ama nito ay biglang napalis lahat ng kasiyahan na mababanaag sa mukha ng kausap. Pakiwari niya'y hindi nito nagustuhan ang itinakbo ng kanilang usapan; ang pagbanggit niya tungkol sa ama nito. Over the past months, they never had an intimate talk to each other nor opened each other's personal details. Siya ang umiiwas sapagkat paraan niya iyon upang depensahan ang sarili laban sa mga taong nais pasukin ang personal niyang buhay. Hindi dahil sa takot siyang may malaman ang mga ito tungkol sa pamilya niya kun'di upang iiwas ang sarili sa mga katanungan hinggil sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Isa rin sa kanyang iniiwa