bc

CRAZY DEAL

book_age18+
5.3K
FOLLOW
47.0K
READ
others
contract marriage
fated
badboy
independent
confident
drama
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na 29 ay ni minsan hindi pa niya naranasan ang magkanobyo. Gusto na niyang magkaanak at magkapamilya pero paano nga ba, gayong kahit isang manliligaw nga lang ay wala siya?

Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. Walang sineseryosong babae maliban sa ala alang iniwan ng masakit na nakaraan.

Nagtagpo ang landas nilang dalawa dahil sa proyekto ng kanilang kompanya na naging mitsa sa kanilang pagkakaibigan.

"What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff. They were at the bar again, drinking.

"Yes! Since wala naman akong boyfriend, pwede na siguro 'yon. Atleast may mag-aalaga sa akin pagtanda 'di ba?" labas sa ilong niyang sagot.

"Why don't you ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.

"Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon na kahit siya ay lihim na nangamba.

"Great. Your wish is my command!" And he then released his teasing smile.

Right there and then, a CRAZY DEAL has been sealed.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Heronsiya!” Napakislot si Miles nang marinig ang umalingawngaw na tinig ng kanyang ama na si Rodulfo sa buong kabahayan. Sinilip niya ito mula sa maliit na butas ng kanilang dingding at kitang-kita niya ang paekis-ekis nitong paglalakad palapit sa kanilang maliit na tahanan. May bitbit itong bote ng alak at pulang-pula na ang mukha dala ng kalasingan. “Anak dito ka lang, ha? Huwag na huwag kang lumabas ng kwarto pagpasok ng tatay mo, maliwanag ba, Miles?” Nagsimula nang mangilid ang luha ng kanyang ina habang masuyong hinimas ang kanyang maliit na mukha. Tanging tango na lamang ang kanyang naitugon dito sapagkat nagkumahog na itong lumabas upang salubungin ang lasinggero niyang ama. Sa edad na walo ay mulat na Miles sa pang-aapi ng kanyang ama sa kanilang mag-ina. Araw-araw itong umuuwing lasing mula sa sugalan kaya walang gabing hindi sila umiiyak ng nanay niya dahil mas lalo itong nagbubuhat ng kamay sa kanila kapag lasing at natalo sa sugal. “R-Rodulfo,” kinakabahang sambit ng kanyang ina. “Ano ang niluto mong ulam?!” malakas na singhal nito sa kanyang ina pagpasok ng kubo. Agad nitong binuksan ang kaldero pero walang anumang ibinato din nito iyon sa kung saan. “Gulay na naman! Hindi ba’t sinabi kong magluto ka ng manok sa pag-uwi ko?! Miles! Miles!” Nanginginig siya habang pinapakinggan ang pagtawag ng kanyang ama. Mas lalo siyang nagsumiksik sa sulok ng kwartong natatabilan lamang ng tela at lihim na sinilip ang nangyayari sa labas. “Miles! Lalabas ka o hindi? Alam kong narito ka lang sa loob. Malilintikan ka sa akin kapag hindi ka nagpakita. Isa!” Labis na nangatog ang kanyang tuhod nang magsimula na itong magbilang. Kapag hindi siya magpakita rito ay mas katakot-takot na palo ang kanyang aabutin gamit ang kahoy na panggatong mula sa kusina. “R-Rodulfo, ano ba ang kailangan mo sa bata? A-ako na lang ang gagawa.” Bakas sa tinig nito ang pagkataranta. “Mainam. Ikuha mo ako kina Aling Susana ng masarap na pagkain na may kasamang Coke. Bilis!” “Pero, Rodulfo, ayaw na tayong pautangin ni Aling Susana dahil sa haba ng ating listahan sa tindahan niya.” “Wala akong pakialam! Aalis ka o makakatikim ka sa akin?!” Hindi makagalaw sa kinatatayuan ang nanay niya sapagkat alam nitong uuwi pa rin itong walang dala. Lahat ng tindahan sa buong baryo ay puno na ng kanilang utang kaya kahit hindi man sa mahigpit na silang pinapautang ng ilan, kinakain na rin silang mag-ina ng hiya sa mga ito. “Ayaw mo akong sundin? Pwes, halika!” Tumayo ito at biglang hinablot ang buhok ng kanyang ina. Naalerto siya sa nangyayari kaya mabilis siyang lumabas ng kwarto at agad na dinaluhan ang ina. “Itay, tama na po,” umiiyak niyang saad sa ama. Niyakap niya ang ina mula sa beywang at pilit na hinila palayo sa kanyang ama. Panay ang hiyaw ng kanyang ina sa tindi ng pagkakahawak ng kanyang itay sa buhok nito. “Sabi na nga ba’t nariyan ka lang sa kwartong bata ka! Halika’t makakatikim ka ring lintik ka!” Galit na hinablot siya nito sa braso at parehong pabalya silang tinulak papasok ng silid. Pasuray-suray man ay bumalik ito sa kusina upang kumuha ng kahoy. Niyakap siya nang mahigpit ng kanyang ina at itinago siya sa katawan nito, kaya pagbalik ng kanyang ama ay ito ang tumanggap sa walang humpay na malalakas na palo na iginawad nito. Kasabay ng bawat paghampas ng kahoy sa katawan ay ang sigaw ng kanyang ina sa labis na sakit na natamo. Pag-alis ng kanyang ama ay nanghihinang humiga ang kanyang ina, puno ng pasa at dugo ang braso, hita at likod. “Nay!” Humihingal na napabalikwas ng bangon si Miles. Napanaginipan na naman niya ang masalimoot na nakaraan nila ng kanyang ina. Ilang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang bangungot na iyon pero hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa diwa niya ang hirap at sakit na dinanas nila sa kamay ng kanyang ama. Tumayo siya at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sliding door ng kanyang silid at hinawi ang kurtinang tumakip roon. Binuksan niya ang pinto at lumabas. Sandali siyang nanatili sa terrace, ninamnam ang malamig na hangin ng gabi at pinagmasdan ang tahimik na paligid. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Kay layo na ng kanyang narating ngayon kung muling balikan ang kanyang karanasan noong bata pa. Mula sa tagpi-tagping yero at sako ng harina, ngayon ay may sarili na siyang bahay at condominium unit. Napaayos na rin niya ang bahay nila sa probinsya na siyang tinirhan ngayon ng kanyang ina. Kung dati ay pinagkasya nila ng kanyang ina ang isang toyo sa umaga at tanghali, minsan pa ay hindi makapaghapunan sa gabi, ngayon ay nabibili na niya lahat ng gusto nilang kainin na mag-ina. Lahat ng paghihirap na iyon ay dahil sa kanyang ama na hindi na nga nagbibigay ng panggastos, kinukuha pa ang kita ng kanyang nanay mula sa paglalabada para lang isugal at ipang-inum sa labas. Ang masaklap pa ay kapag lasing nang umuwi, sinasaktan silang dalawa ng kanyang ina. Ilang taon nilang tiniis ang labis na kalupitan ng kanyang ama hanggang sa isang araw ay nagpaalam itong aalis. Tila nabunutan silang mag-ina ng tinik. Hindi na sila nagtanong pa rito sapagkat ng mga oras na iyon ay mas nangibabaw ang pananabik nilang mawala na ito nang tuluyan sa buhay nila ng kanyang ina. Sa mga kapitbahay pa nila napag-alamang sumama raw ito sa isang tao papunta ng Maynila. Napangiti siya sa ala ala ng simpleng pagtulong niya sa ina sa pamamagitan ng paglalako ng turon sa buong baryo. Kahit sila na lang dalawa ng kanyang ina ay malaya at masaya na silang namuhay kapiling ang isa’t isa. Hikahos man sa pinansiyal na aspeto ay hindi naging hadlang iyon upang mamuhay sila nang matiwasay. Gabi-gabi ay nag-aaral siyang maigi. Pinagsikapan niyang laging makakaakyat ang kanyang nanay sa stage. Hindi kasi matatawaran ang saya sa kanyang puso habang pinagmamasdan itong maluha-luha habang isinusuot sa kanyang leeg ang medalya tanda ng kanyang pagiging honor student. Ang kahirapan na kanilang dinanas ang nagtulak sa kanya upang bumuo ng pangarap para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Sa murang edad ay ipinangako niya sa sariling balang araw ay giginhawa rin ang buhay nilang dalawa. Mula nang umalis ang kanyang ama ay wala na silang balita tungkol dito. Pinapasa-Diyos na lang niya kung saan man ito naroroon ngayon. Inubos niya ang laman ng baso at muling bumalik sa higaan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Precious Property

read
619.9K
bc

The Ex-wife

read
216.4K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

Be My Kid's Mom

read
138.8K
bc

That Night

read
1.1M
bc

A Billionaire In Disguise

read
661.3K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
320.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook