Mula sa unang pansin ay nagsunod-sunod na ito. Kita niya ang biglang pagseryoso ng mukha ni Jeffry. Gayun pa man ay lumapit ito sa ama nito para magmano. Kapagkuwan ay siya naman ang ipinakilala ni Jeffry sa ama nito at hindi niya inasahan ang pagngiti ng ama ni Jeffry sa kan'ya na nagpakilalang si Armando at ang magiliw nitong pakikipag-usap sa kan'ya. Sumunod naman sa paglapit sa kanila ang isang ginang na bagama’t sa tantiya niya ay nasa forties o fifties na ang edad ay hindi halata sa pisikal na itsura nito. Sopistikada kasi itong manamit at halatang mitikulosa. Sa mga mata at ilong pa lamang nito ay nababatid na niyang ina ito ni Jeffry. They closely have the same physical features. Humalik si Jeffry sa pisngi nito at halata ang pilit na ngiti na hindi man lamang umabot sa mga mata