"They're here," walang gana at malungkot nitong saad sabay balik nito ng tingin sa laot. Siya namang hindi nakuha ang sinabi nito ay napalibot ng tingin sa paligid sa pag-asang makita ang tinutukoy nitong dumating na raw subalit wala siyang makitang ibang mga tao na paparating sa kinaroroonan nila. "Sino?" kunot-noo niyang tanong rito. Nang hindi ito sumagot sa kanyang tanong ay may pagdududang sinita niya kaagad ito. "Nagda-drugs ka ba?" Agad itong napalingon sa kan'ya na tila hindi makapaniwala sa kanyang akusasyon. "What?!" bulalas pa nito sa hindi maipintang mukha. "Kung anu-ano na kasi iyang pinagsasabi mo. Para kang tulog habang gising naman. Hindi kita maintindihan. Ang sabi mo narito na sila pero wala naman akong namataang mga tao na dumating o paparating pa lang," pagtatala