CHAPTER 28

1203 Words

Nang mabatid ang balitang normal ang lahat ng test results ng ama ni Jemma ay saka lamang nakahinga nang maluwag si Miles. Maging ang kanyang ina na alam din ang pangyayari ay labis ding natuwa sa magandang balita. Sa tulong ng kanilang kompanya at sa ambag ng kanilang mga kasamahan ay agad na nakalabas sa ospital ang ama ni Jemma na walang nababayaran ni isang peso mula sa sariling bulsa ng mga ito. Sa katunayan pa nga ay may sobra pa sa perang mula sa donasyon na siyang gagamitin upang ibili ng mga gamot habang nagpapagaling pa ang pasyente sa tahanan. Nang makabalik siya sa Maynila ay dinalaw niya ang ama ni Jemma. Saka lang niya nakita ang pinsala sa katawan nito dahil sa aksidenteng iyon. Mabuti na lamang at sugat lang ang natamo nito sa katawan at hindi na umabot sa balian ng buto o

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD