"Kung gano'n ay hindi mo pala alam na nasa ibang bansa si Jeffry ngayon?" "H-ho?!" gulat niyang saad. "Oo, Miles. Pinilit kasi ng mga magulang niya na paliparin doon upang pag-usapan ang balak na pag-turn over ng kompanya sa kan'ya. Isa rin sana iyon sa sadya ng mga magulang nito sa pag-uwi nilang iyon kaso lang ay mailap pa sa daga si Jeffry sa galing nitong magtago at umiwas sa sariling pamilya nito. Ni hindi nga nakapag-usap nang matino ang magpamilya na iyon, eh." Pansin niya ang lungkot sa mulha nito. "Kaya po pala," tanging tugon niya. Naging abala rin pala si Jeffry nitong mga nakaraang buwan dahil sa kompanyang pag-aari ng pamilya nito. "Kaya rin ako narito sa Surigao ngayon. Habang hindi pa umuuwi ang batang iyon ay sinulit ko na rin ang pagkakataong makumusta ang mga kaanak