CHAPTER 5

2687 Words
Ilang araw pa lang ang lumipas mula nang nagkakilala sila ni Jeffry pero sa inakto nito ay tila close na close na sila nito pati na kay Jemma. Napailing siya para sa sarili. Naiinis pa rin siya sa katotohanang unang araw at unang gabi pero nakuha na kaagad nito ang first kiss niya. Ang lalaking ito lang ang nakagagawang gibain ang pader na kanyang ginawa sa loob ng ilang taon para sa mga lalaki. For the first time. ‘Pambihira ka, Miles. Ang rupok mo, ‘di mo man lang sinampal nang makabawi ka man lang sa dignidad mo,’ lihim niyang kastigo sa sarili. Pero paano nga ba niya magagawa ang litanya ng kanyang utak gayung sarap na sarap nga siya at nalulunod sa galing ng lalaking iyon na humalik? Idagdag pa ang kakaibang karisma na taglay nito. Jeffry is quiet good in talking and negotiating people. His jolly movements and sweet reactions especially his smile make it all perfect. Gaya ngayon, lihim niyang binantayan ang bawat galaw nito habang masayang kinakausap ang assistant niya. Watching him makes her doubt if being friendly was really in Jeffry’s system. What she believes is this is his way of catching women’s attention, exactly the same as what usual playboy does. Ewan ba niya, pero sa tuwing nagyayaya ito sa kanila ni Jemma ng gala ay hindi niya magawang tanggihan ito, and bad to say that she was enjoying his company even if her mind is full of malicious thoughts about this man. Hindi pa niya ito masyadong kilala pero parang basang basa na niya ang mga galawan nito. ‘Matirang matibay na lang ang labanan, Miles. Kapag nahulog ka, talo ka,’paalala niya sa sarili. Lihim naman siyang napangiti sapagkat batid niyang kayang kaya niyang kontrolin ang sariling emosyon. Pangako niyang isang beses lang siyang bumigay at hindi na muling mangyayari pa iyon. Mabilis na dumaan ang isang buwan. Hindi pa rin nagbago ang set-up nilang tatlo. Palagi pa rin silang magkasabay na kumain, gumala, at mag-night out. May pagkakataon ding sila lamang dalawa ni Jefffry ang magkasama dahil nagsimula nang magkaroon ng sariling mundo si Jemma, marahil ay nakabingwit na naman ito ng bagong mapaglilibangan. All the time that she’s with him, she could admit that she feels comfortable and secured. Slowly she saw his good side that attracts her without her knowing. Oo, batid niyang gwapo ito at hindi niya maitatangging nabighani rin siya sa kaaya-aya nitong mukha. Even from the first time she laid her eyes on him. He’s precisely irresistible that makes every woman who may pass to surely look back. At mas lalo lang nadagdagan ang kanyang lihim na atraksyon dito dahil nakita niya ang mabuting kalooban ng binata. However, she always gathers from the deepest part of her body the full control to ignore the impassive beating of her chest everytime he's near. How many times did she swallow her own saliva the moment she threw her gaze in his well-proportioned body and alluring look. Ano man ang susuotin nito ay parang bagay rito lahat. He’s always look swaggy. Inspite of her admiration towards Jeff, she still managed to distant herself, ignore her feelings and remained normal as if she wasn't drowning by her own illusions. Mabuti na iyong maingat upang iwas sa sakit. Normal na rin naman siguro ang pagiging maharot sa isipan, ‘di ba? Ang importante virgin pa siya at may respeto sa kanyang sarili. From a far she saw the perfect sculpted Adonis coming. He's wearing his most genuine smile. The eye catching man is effortlessly handsome by his blue distressed jeans paired with a plain black fitted sweat shirt. To complete it with a city-cool vibe is some slip-on sneakers. “Anak ng titing naman, bakit ba panay pagwapo ng mokong na 'to? Magbihis naman sana siya minsan ng madungis ng hindi palaging nagpa-palpitate itong puso ko. Nasa’n ang hustisya kung ikakamatay ko ang pag-i-ilusyon sa kan’ya? Aba’y okay lang sana kung natikman ko man lang!” mahina at pilyang bulong niya sa sarili kahit nakangisi sa lalaking papalapit. “Ang swerte naman ng mga naikama ng hudyo na ito,” patuloy niya. Napaubo siyang bigla nang madako ang kanyang paningin sa zipper nitong nakabukas. “Kitam, ayos na ayos pero nakalimutan namang isarado ang lungga ng tutang alaga! Pambihira. Ako na lang kaya ang magsasara niyon?” Napayuko siya upang itago ang pagkawala ng malawak niyang ngiti na gumuhit sa kanyang labi. Umiling siya at muling itinaas ang kanyang ulo. Bahagya pa siyang napapitlag nang mapagtantongng nasa harap na pala niya ito. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka umiling?” nagtatakang tanong nito na hindi iniiwalay ang mga mata sa kan’ya saka umupo sa silyang nasa kanyang harap. Tumaas pa ang dalawang kilay nito na nagpapahiwatig na naghihintay ito ng sagot mula sa kan’ya. Hindi niya akalaing napansin pala nito ang kanyang mga galaw kaya bahagya siyang nataranta kung ano ang isasagot. ‘Naghinala kaya ang isang ‘to sa iniisip ko? Naku, huwag naman sana,’ kabadong saad ng isip niya. Ngumiti siya nang pilit. “A-ano kasi. Ahm, ano,” uutal-utal niyang sagot habang nag-iisip ng isasagot. Hanggang sa naalala niya ang nakabukas na zipper nito. “Tama! ‘Yung ano mu nakabukas,” tila nahihiya pa niyang sabi sabay turo sa ibaba nito. Kunot-noong yumuko ito at hinanap ang kanyang itinuro. Tila hindi pa rin nito nakuha ang sinabi niya. Kapagkuwan ay muling tumingala ito at ibinalik ang tingin sa kaniya. “Ano?” “‘Yung junior mo! Ay este, ang zipper mo bukas. Panay pagwapo ka pero simpleng zipper lang hindi mo pa nagawang isara!” Hininaan niya nang kaunti ang boses para walang makarinig. Napaawang ang labi nito saka mabilis ngunit palihim na kinapkap ang zipper nito. Nang mapagtantong bukas nga iyon at may kahalong hiya na tumawa ito sabay kamot sa sariling batok. “Sorry, nagmamadali kasi ako kanina. Hindi ko akalain na matalas pala ang mga mata mo dahil pati zipper ko ay napansin mong nakabukas. Ikaw, ha, sinisilipan mo ako,” may himig ng panunudyo nitong birada sa kan’ya. Labis na kabog sa dibdib ang kanyang naramdaman sa simple at kunwaring panunudyo nito. “Hoy, hindi, ah! Alam mo, ang feeling mo! Paanong hindi ko mapansin? Eh, sa nang-aagaw sa mga mata ko ang kulay neon mong brief,” pagsisinungaling niya upang bahagyang ibahin ang daloy ng kanilang usapan. Namilog ang mga mata nito at bumunghalit ng tawa. “Anong neon ka riyan! Anong akala mo sa brief ko, saranggola? Glow in the dark lang?” Tawang-tawa ito habang sinasabi iyon. “Ay, hindi ba? Parang iyon kasi ang nakita ko.” “Sabi na nga, eh. Palihim kang namboboso sa akin,” tumaas ang gilid ng labi nito. Nanunukso. “I said I’m not.” Kunwari patay malisya siya sa patutyada nito kahit ang totoo ay nag-i-init na ang mukha niya sa hiya. Sino bang hindi mahihiya gayung huli na huli na siya dahil sa pagkapuna niya sa bukas nitong zipper? “Kailangan ko palang mag ingat sayo,” maya maya ay sabi nito na ikinabilog ng mga mata. The audacity of this man? Ito pa talaga ang may ganang sabihin iyon gayung siya na nga itong labis na nagkokontrol para sa sarili. Napailing na lang siya sa kapilyuhan nito. “Ewan ko sayo,” sagot na lang niya. Narinig niya itong muling tumawa ngunit mahina na. Binalingan niya ang waiter. “Two bacardi lemonade, please,” aniya sa waiter. Tumalima naman kaagad ito. Nasa sikat na high end restobar silang dalawa ngayon. As usual ay hindi na naman sumama ang baklang assistant niya. Parang nais na nga niyang magduda dahil sa tuwing niyaya sila ni Jeff ay mabilis itong hihindi pero kapag siya lang naman ang nagyaya rito ay hindi naman ito tumatanggi sa kan’ya. Siguro ay may nais itong mangyari sa kanila ni Jeff. Ang baklang iyon talaga! Inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi pa masyadong maraming tao sa paligid, sa bagay alas dyes pa naman kasi ng gabi. Binalik niya ang tingin sa kasama. Nakangiti itong pinasadaan siya ng tingin. Tinaasan niya ito ng kilay. “Problema mo?” Taray-tarayan kunwaring wika niya. Kung makatitig naman kasi ito sa kan’ya parang may laman. “Wala lang. I just visualized ourselves na magkatuluyan. How's that?” itinukod pa nito ang siko sa ibabaw ng lamesa at ipinatong ang mukha sa kamay na tila ba nananaginip ng gising habang patuloy sa pagtitig sa kan’ya. Tumawa siya nang mapakla pero ang totoo ay parang may dulot na saya ang sinabi nitong iyon. “Hah! Hindi ka pa lasing sa lagay na ‘yan, ha, pero daig mo pa ang nakatungga ng sampung bote ng Zonrox!” Iba rin ang isang ito. Ano kaya ang nakain nito bago pumunta rito? Ngunit gano’n pa man ay hindi niya akalain na makakaisip ang kasama niya ng ganoong senaryo para sa kanilang dalawa. “I don’t have to drink such stuff because honestly I like you. You are beautiful, fit, attractive and smart. What else do a man could look for?” kalmadong bigkas nito saka tumuwid sa pagkakaupo. Paskil pa rin ang ngiti nito sa labi. Sumimangot siya. “Yon lang! 'Coz you're not my type!” labas ilong niyang sagot. Ito ang kinabibiliban niya sa sarili dahil kaya niyang paglaruan ang emosyon at ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kailangan niyang sabihin iyon upang isipin nitong hindi siya ang tipong easy to get na klase ng babae gaya ng ibang nagkakandarapa sa kaharap. Kailangan pa ring itayo ang bandera ng kababaihan ano man ang mangyari. Nakita niya ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata nito ngunit hindi rin naman siya sigurado. Nagha-hallucinate lang yata siya. “Ouch! That hurts.” Kunwari ay nagsakit-sakitan ito sa dibdib. “Huwag mo na akong isali sa listahan mo, Mr. Villafuente. Hindi uubra sa akin ang galawan mong iyan. Kahit kailan ay wala pang nakakapasa sa standards ko,” pagmamalaki pa niya. Saka namang pagdating ng waiter kaya lihim siyang nagpasalamat sa likod ng kanyang utak. Agad niyang sinunggaban ang inumin. She felt uneasy sa takbo ng usapan nilang dalawa. Tumaas ang gilid ng labi nito saka tumango-tango. “We'll see, Arch Miles,” may laman na sambit nito na tila pagkatapos ay niyarok ang inumin. Hindi niya mapigilang matuon ang sariling mga mata sa leeg nito lalo na sa pagtaas-baba ng adams apple nito. May kung anong masamang elemento ang sumakay sa kanyang isip habang pinasadaan ito ng tingin. Nasa ganoon siyang ayos nang biglang may narinig na boses sa paligid. “Shaun! Is that you?” Isang malanding tinig mula sa kanyang likod ang pumukaw sa kanyang atensyon. Diretso itong naglakad at ginawaran ng mabilis na halik sa labi ang kanyang kaharap. She swerved her head in different direction. Siya pa itong nahiya sa ginawa ng dalawa. Tila may siya munting kurot din siyang naramdaman sa dibdib dahil sa nasaksihan. Pero nagtataka siya dahil Shaun ang binanggit ng babaeng ito, hindi Jeffry. “Oh! Cheska! How are you? It's been a long time since we had our last catched up.” Lumawak ang ngisi ni Jeffry habang tinitigan ang babae sa mapupungay na mata. Nuncang tusukin niya ang eyeballs nito sa naispatang tinidor na nakahilera sa ‘di kalayuan. Lumukot ang mukha ng babae. “It’s Jessie and not Cheska, Shaun! Ikaw, ha, nagiging makalimutin ka na. Dalawang beses na ‘to!” may himig ng pagtatampo sa tono ng babaeng kausap nito. Pasimpleng hinampas nito ang braso ni Jeffry at hindi na inalis ang palad nito roon na sinabayan pa ng paghimas. “Oh, s**t! My bad. I am so sorry, sweetheart! Mukhang nagiging makalimutin na nga ako lately. I guess I badly need some checkup already,” paghinging paumanhin pa nito sabay hagod ng kamay sa likod ng babae. Nahuli pa niyang pinaglaro nito ang mga daliri roon na ikinangising lalo naman ng babaeng nagngangalang Jessie. ‘Huli ka balbon! Hmp! Ang sarap pagbabatuhin ng baso!’ Parang nais niyang matawa pero hindi niya maiwasang gapangan ng inis sa nakikitang ka-sweeta-an ng dalawa. “It's okay but you really have to be checked baka lumala pa iyan,” may pag-aalala nitong sabi habang malagkit na nakatitig kay Jeffry. Pinasadaan niya ng tingin ang kabuuan ng babae na sa palagay niya ay hindi siya nito napansin. Hindi nga ba o sinadya nitong hindi siya pansinin? Pansin niyang matangkad ito. Nakasuot ng itim na off shoulder dress na humapit sa makurba nitong katawan. Maiksi iyon kaya hantad ang maputi at makikinis nitong binti. Bitbit ang bag na maliit, tantiya niya ay cellphone at maliit na wallet lang ang kakasya roon. Dahil bahagyang nakatagilid ito ay ‘di niya masyadong maaninag ang kabuuang mukha ng babae. “So, what brought you here? I mean dito sa Bohol?” Ang kamay ni Jeffry ay bumaba pa hanggang sa beywang nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang bahagyang pagpisil ni Jeffry roon na mas lalong nakapagpangitngit sa kan’ya. Teka, bakit nga ba siya naiinis? “Oh, actually may picturial kami rito sa isang sikat na tourist destination dito sa bohol. Alam mo naman ang work ko, ‘di ba?” itinaas ng babae ang kamay sa batok ni Jeffry na noon ay nakaupo pa rin. “Yeah, right,” patango-tango namang sagot ng magaling niyang kasama na mukhang nakalimutan na ang presensya niya. Naagaw ang atensyon ng dalawa nang itinaas niya ang kamay at muling tinawag ang waiter upang magpadagdag ng inumin. Lalo na ang babae na ngayon ay napalingon na rin sa kan’ya sa wakas. “Oh, I am so sorry! You are with someone pala. Pasensya ka na, ha? Hindi kasi kita napansin kanina pagdating ko,” maarteng puna ng babae sa kan’ya. 'bla bla bla. Shoshory! Yuarwidshamwan pala. Pashensha kana ha bla bla bla,’ inis na gaya ng isip niya sa maarteng pagkasabe nito niyon. Paano mo naman ako mapapansin, eh, daig mo pa ang inahing tarsier kung makakunyapit sa hinayupak na kasama ko?! Malawak na ngumiti siya. Halos mapunit pa nga ang labi niya sa pagkangising iyon pero ang ngipin niya ay nagtagis naman sa loob. Ewan lang niya kung ano ang kinahihinatnan ng ngiting iyon. Gigil ang utak niya at nais na niyang tirisin ang dalawa ora mismo. “Please, don’t be.” She acted politely. “Thanks! By the way I'm Jessie. And you are?” Inilahad nito ang kamay sa kan’ya na tinanggap naman niya. Parang nais na niyang batuhin ang kasama niyang ngising-ngisi lang na nakamasid sa kanilang dalawa ni Jessie. “Miles,” pilit ang ngiting sagot pa rin niya. “Nice to meet you, Miles!” sabi nito. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa uri ng tingin nito sa kan’ya. ‘Nga lang ay agad din naman itong tumalikod upang harapin ulit si Jeffry na ikinangiwi niya. ‘Yon lang? “Baby, I have to go. I'm so late na sa meeting ko with my manager. See you some other time, okay?” ani nito at ginawaran muli ng halik sa labi si Jeffry bago lumingon sa akin para magpaalam rin. Kaanu-ano naman kaya iyon ni Jeffry? Wagas makapagsayang ng halik, eh. “Gusto mo ihatid na kita?” mabilis na presenta ng kaharap niya. “Don’t bother na. Kaya ko na ‘to. Just call me if you’re vacant again, okay?” ginamit pa nito ang kamay at nag-sign call sa tainga. “Sure, I will. Take care, Sweet heart!” Sinundan ni Jeffry ng tingin ang babae hanggang sa makalayo. Halatang sa puwet lang naman nakatuon ang mga mata nito kasabay ng pagpakawala ng isang pilyong ngiti. Nang lumingon ito sa kan’ya ay tumaas ang kilay nito na tila ba binigyan siya ng inosenteng tingin. “What?!” natatawang wika nito sa kan’ya. Gumanti rin siya ng pagtaas ng kilay rito. “Cheska-hin mong mukha mo!” Dahil sa kanyang pasaring ay bumunghalit ito ng tawa. Naiiling na kinuha niya ang baso sabay inom. Dapat talaga kapag nangongolekta ng mga babae ay memoryado ang mga pangalan ng hindi magkabukingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD