CHAPTER 6

1812 Words
Isang nakakapagod na araw iyon para kay Miles. Pagkauwi niya galing sa trabaho ay agad niyang ibinagsak sa kama ang pagod niyang katawan at nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Nag-aagaw na gutom at antok ang kanyang naramdaman nang sa wakas ay nakapag-relax na siya. Gustuhin man niyang tumayo para magpalit ng damit ay ‘di na niya magawa dahil sa pagkawili sa malambot na higaan. Pati mata niya ay halos ayaw na ring dumilat. Dahil sa labis na init kanina sa site ay tila naubos ang buong lakas niya, pati ang kanyang balat ay nanghahapdi rin kahit pa nakasuot siya ng sweatshirt at hard hat kanina. Mabuti na lang at Sabado bukas dahil walang pasok. Makakapag-relax na rin siya sa wakas. ‘Saan kaya ako gagala bukas?’ pikit-matang tanong niya sa isipan. Sandali siyang nag-isip ng lugar na pwedeng pasyalan hangggang sa may naalala siyang sikat na tourist destination. “Alam ko na!” bigla niyang bulalas. Napapitik pa siya sa hangin dahil sa ideyang biglang nabuo sa kanyang isipan at nagsimula na ring lumukob sa kan’ya ang excitement. Actually, hindi naman talaga mahirap ang maghanap ng mapapasyalan dito sa bohol lalo pa’t isa ito sa mga dinadagsa ng lugar ng mga turista. Tila napalis naman ang kanyang pagod dahil sa itinakbo ng kanyang utak. Mas maigi rin sigurong maaga siyang aalis bukas upang maliban sa makaiwas sa init ay marami-rami rin siyang mapapasyalan na mga lugar. Nangangamba rin kasi siyang baka magmistula na siyang ninja turtle dahil sa pangingitim ng kanyang balat. Ilang sandali muna siyang nagpahinga bago tuluyang tumayo upang mag-shower. Mag-isa lang siya sa loob ng kanyang silid sapagkat naiwan pa sa labas si Jemma upang bumili ng hapunan nila. Saktong pagkatapos niyang magbihis ay narinig niya ang pagtawag nito sa kan’ya upang kumain na. Papalapit pa lang siya rito ay agad na niya itong tinanong. “Saan ang ruta mo bukas?” tanong niya sabay pabalyang umupo sa upuan na kaharap nito. Sumandok siya ng kanin at kumuha ng isang stick ng barbeque na binili nito sa labas. Nakakamay siyang kumain at pabilis nang pabilis ang kanyang pagsubo dahil saka lang niya mas napagtanto na talagang gutom na gutom na pala siya. “Diyan lang sa tabi-tabi. Bakit? May lakad ka rin?” tanong nito sa kan’ya na tiningnan pa siya sa mukha. “Mmm,” sagot niya habang tumatango. Hindi niya kasi magawang magsalita dahil puno ng pagkain ang kanyang bibig. “Wow, may date na naman siya!” excited nitong saad na may kahalong panunudyo. Maya maya pa ay nagtanong ito dahilan upang muntikan siyang mabilaukan. “Ano nang score ninyo ni Engr. Jeffry? Aba’y magdadalawang buwan na kayong lumalabas, ah! Huwag mo sabihing friends lang kami dahil linyahan lang iyan ng mga nafi-friend zone!” Mabilis siyang kumuha ng tubig at uminom. “Friends lang naman talaga kami pero hindi ako nafi-friend zone gaya ng iniisip ng magaling mong utak! Ikaw kung anu-ano nang pinag-iisip mo. Para namang may malisya ang paglalalabas namin. ‘Tsaka dapat nga ay hindi mo iyan itinatanong dahil napipilitan lang naman akong sumama o mas tamang sabihin na sinadya mo talagang hindi sumama upang mapag-isa kami ng tsonggong iyon! Pero sorry ka, hindi bumibigay ang ateng mo. Tinutulungan ko pa ngang makabingwit ng chikababes ang lalaking iyon, eh.” Lumukot ang mukha nito. “Ano ba ‘yan! Ang hina naman pala ni engineer. Akala ko’y may something na kayo, nagsakripisyo pa naman para lang magkakulay na ang madilim at boring mong love life. “Bibig mo talaga kung ano na ang sinasabi. Ano? Sasama ka ba bukas?” Pinaikot nito ang mga mata sabay ngiwi. “Duh! Don't want to be third wheel all my life!” maarte pa nitong sagot na ikinaisang linya ng kanyang kilay. Kaunti na lang talaga at mababatukan na niya ang kaharap. “Anong third wheel ang pinagsasabi mo riyan? Mag isa lang ako, ‘no?! Hindi naman kailangang buong buhay ko dapat may kasama akong gumala.” Nagpatuloy lang siya sa pagsubo. “O, ‘di ba? Ikaw na mismo ang nagsabi niyan pero niyaya mo pa rin ako. Si papang pogi ba hindi mo isasama?" kita ko ang pilyang ngiti sa labi nito. “Kasasabi ko lang, ‘di ba? Hayaan mo na ang isang ‘yon. Minsan naaalibadbaran na rin ako sa pagmumukha ni Jeffry kaya maiba naman ngayon. Puro lang din naman kasi babae ang lumalabas sa bibig ng lalaking iyon, okay sana kung inspirational. Anyway, iyong pagyaya ko sa iyo is baka lang naman nais mong sumama. Hindi naman kita pinipilit.” “Ang maldita mo talaga. Para tuloyng napipilitan ka lang sa pagyaya sa akin para hindi sumama ang loob ko. Pero teka, tungkol sa sinabi mong puro babae ang bukambibig ni Engr. Jeff, as in totoo? Ang sakit naman sa dibdib no’n.” Hindi maipinta ang mukha nito at kunwari ay sinapo pa ang dibdib. Inirapan na lang niya ito at umiling sa kaartehan ng kaharap. “Yeah. Pero puro walang kwenta pa rin.” Namilog ang mga mata nito. “Tologo? Bakit ansabi?” tila naiintrigang tanong nito. Parang nais pa tuloy niyang magsisi kung bakit pa niya sinabi rito ang tungkol doon. Nakalimutan niya kasing may pagka-tsismoso ang kanyang kasama. Nauubos ang pasensyang sumagot siya. “Easy to get, madaling paikutin, masarap sa kama, etcetera. None sense, ‘di ba? But honestly, I somehow felt bad. Babae rin kasi ako at nasasaktan kahit papaano para sa kapwa ko Eba,” totoo sa loob niyang saad pero minsan ay napapalitan rin iyon ng inis dahil sila na mismo ang gumagawa ng paraan para mapahamak ang kanilang mga sarili. Tumango-tango ito. “Sounds interesting.” Tapos na pala itong kumain at kasalukuyang nakangiti habang pinaglaro ang daliri sa mesa. “Interesting mong mukha mo! Kababuyan ‘yon, hoy!” Inirapan niya ito ngunit tinawanan lang siya nito nang nakakaloko. “Kaya siguro nahirapan si engineer sa iyo. Mahilig iyon sa mase-sexy pero pagdating sa iyo ay para lang kasi kayong magkabaro kung kumilos. ‘Tsaka matigas ka, hindi gaya ng ibang babae na kusang lumalapit na sa kan’ya.” Napaisip siya. May posibilidad nga kayang magka-interes si Jeffry sa kan’ya? Sa isiping iyon ay may kung anong estrangherong damdamin siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Tumikhim siya at umayos ng upo. Hindi niya dapat bigyan ng kahulugan ang mga ikinikilos nito dahil batid niyang pwede siyang bumigay oras na siya na mismo ang mag-aalis ng pader na ginawa niya para sa kanilang dalawa. “Kung sa akin kaya? Pasado naman siguro ako sa panlasa ni engineer, ano?” kumindat pa ito saka kinagat ang labi. Kinilabutan siya sa itsura ng mukha nito kaya agad siyang napangiwi. “Magtigil ka nga! Kita mong kumakain pa ako. Nakakawala ka ng gana, eh! So, ayaw mo talaga sumama sakin?” balik niyang tanong rito. Hindi pa kasi siya nito sinagot ng maayos dahil kung anu-ano lang ang pinagsasabi nito sa kan’ya. Umiling ito. “Ikaw na lang. Pupunta pa kasi ako sa mall bukas upang mamili ng mga gamit na naiwan ko sa Maynila. Bibili na rin ako ng groceries natin dito.” “Mainam. Maganda na rin iyon dahil mag-isa lang akong gagala. Walang kasama, walang istorbo. Mag-iiwan na lang ako ng pera bukas sa ibabaw ng refrigerator,” nakangiti niyang tugon sa kaibigan. Sumimangot pa itong lalo. “Ewan ko sa iyo. Sana nga talaga mag-enjoy ka! Tingnan lang natin kung ‘di mapanis ang laway mo bukas.” “That’s never gonna happen.” Tumayo ito at pumunta sa lababo upang maghugas ng kamay. Kita niyang nag-inat ito. “Gosh, gusto ko na talagang humilata sa malambot kong kama.” Halatang-halata sa mukha nito ang labis na pagod dahil sa trabaho nila kanina. “Sige na, magpahinga ka na roon. Ako na ang bahalang magligpit at maghugas ng mga ito,” naaawa niyang tugon kay Jemma. Hindi na ito nag-aksaya ng oras at tumakbo papunta sa silid nito. Hindi na kasi niya ito pinayagang sa silid niya matulog kahit pa noong una ay hinayaan niya ito dahil matakutin itong matulog sa silid nito nang mag-isa. Sadyang nakakapagod naman talaga ang buong araw nila. Ewan lang niya kay Jeffry kung kung pati ang lalaking iyon ay napagod din. Malamang sa mga oras na ito ay nasa bar na naman ang lalaking iyon, tumutungga ng liquid vitamins para sa atay nito. After the chores, she immediately went to her room and excitedly prepare her belongings for tomorrow’s escapade. Mula sa kanyang silid ay rinig pa niya ang malakas na paghihilik ni Jemma sa silid nito na katabi lang ng kan’ya. Siguro ay gaya niya kanina, agad din siguro itong humilata sa kama ng hindi na nakapagpalit ng damit.   Her lips curved. Kahit kailan ay hindi niya pinagsisihang nagkakilala silang dalawa ni Jemma. He’s been so hardworking ever since he worked for her as her assistant. Lagi nitong pinagagaan ang kanilang trabaho at pinasasaya ang kanilang pagsasama. Maging ang personal nitong buhay ay alam niya. She knows that he's doing his best to provide the needs of his family. Maging ang sa gastusin sa pag-aaral ng kanyang walong kapatid na nasa elementarya, high school at sa kolehiyo ay ito rin ang umaako. Hindi kasi kakayanin ng kakarampot na sahod ng ama nitong isang karpentero ang gastusin ng pamilya lalo pa’t walang trabaho ang ina nitong nasa bahay lamang nag-aalaga ng nakababata nitong kapatid. Ito ang hinahangaan niya sa kaibigan, despite of his personal problems, he still makes things light no matter how heavy the situation is. He could be the most optimistic and clever person she has known. Maaga pa lang ay binabaybay na niya ang daan patungong Sagbayan Peak. Sinadya niya talagang agahan dahil alam niyang marami ang tao roon lalo pa’t weekend ngayon at dayuhin din ito dahil malayang makikita sa lugar na iyon ang sikat na Chocolate Hills ng Bohol. Isa rin sa dinadayo sa lugar na iyon ay ang Butterfly Sanctuary na puno ng napakaraming samo’t sari na kulay ng mga paru paro. Pawang bus at habal-habal lang ang nakikita niya sa daan. Gamit ang google map ay hindi na siya nahirapan pa na tuntunin ang kinaroroonan ng lugar. May pagkakataon ring hindi niya mapigilan na mapahinto sa gilid upang pagmasdan ang mga nadadaanang mga souvenir shops na laging nauuwi sa pagbili ng mga iyon para ipamigay bilang pasalubong sakaling makauwi siya sa probinsya nila sa Cebu at sa mga kasamahan niya sa Maynila. Ilang sandali pa ay lumiko na siya sa maliit na eskinita. Sa labas pa lang ay kita na niya ang pangalan nito na nakapinta sa malaking plywood na talagang agaw pansin sa laki. Medyo may katarikan nga lang ng kaunti ang daan pero kakayanin din naman ng kahit anong sasakyan. May iilan din siyang naispatan na naglalakad lamang papunta sa itaas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD