Dahan-dahan siyang tumingala sabay pakawala ng hilaw na ngiti na sa kanyang palagay ay nauwi yata sa ngiwi.
“H-hi, Engr. Villafuente. Narito ka rin pala. Have a seat!” Tang’na, huwag kang umupo! Ngunit nadismaya siya nang mabilis nitong inupuan ang isang silya na sa katabi pa talaga niya.
“So glad na narito din pala kayo. At least hindi na pala ako mabo-boring habang umiinom.”
‘Boring mong mukha mo! Sa bilis mong makadakma ng mga babae, mabo-boring ka pa sa lagay na iyon? Utot mo, Jeffry!’
“Same,” tanging sagot na lang niya. Paano ba siya makakaalis sa mesang ito ngayon? Habang nag-iisip kung paano makalalayas ay bigla na lamang nagpaalam si Jemma na may kukuyuging AFAM. Halos sabunutan niya ito sa labis na inis. Ngayon ay obligado pa tuloy siyang samahan si Jeffry sa mesa kahit atat na atat siyang iwasan ito.
“Good luck, Jem!” sigaw ni Jeffry sa assistant niya. Aba’y supportive din sa kalandian ang hinayupak na ‘to!
Panay lang siya sa pag-inom. Wala rin siyang balak na magsalita dahil naiilang siyang kasama ang lalaking kahit mainit ang kanyang dugo ay hindi naman niya maitatangging gwapo at pinagtitinginan ng mga babaeng nasa kabilang table. Si Jeffry ang laging nagsaalita sa kanilang dalawa at simpleng tango at iling at minsang pagngiti lang ang kanyang itinugon rito.
Tahimik lang siya habang mabilis na inubos ang kanyang inumin nang makabalik na sa kanyang room. Biglang nakuryoso naman siya sa pananahimik nito kaya sinilip niya ito sa gilid ng kanyang mga mata at nakita niyang sa paligid ito nakatingin, sa mga sumasayaw.
“Pwede ka nang pumunta roon,” buong puso niyang taboy niya rito upang mapag-isa na naman siya ulit.
“That’s actually my plan. Let’s go.” Walang pagdadalawang-isip na hinila siya nito sa gitna. Gulat siyang nagpatianod na tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.
“Bakit pati ako?!” reklamo niya.
“Because you are my partner tonight,” kalmadong sagot nito kahit medyo namumungay na ang mga mata sa kalasingan.
The music went wilder so as the people. Ilang beses nang nabunggo ang kanyang likod na muntik na niyang ikinatalsik, mabuti na lamang at naging maagap lagi sa pagsalo sa kan’ya si Jeffry. His simple touch on her skin gives unusual warm on it. Pero ang isang pagbunggo na iyon ang hindi niya napaghandaan. Diretso siyang napakapit sa balikat ni Jeffry dahil sa lakas ng pagkakabunggo na iyon sa kan’ya. Si Jeffry naman ay mabilis siyang nahawakan sa kanyang balakang. Pero imbis na ihiwalay ulit ang kanyang katawan ay tila pa siya nahipnotismo sa kagwapuhan nito. Ilang sandali silang nagtitigan hanggang sa naramdaman na lamang niya ang malambot na labi nito sa labi niya.
Her very first kiss at the age of twenty-nine! Tila siya nakalutang sa alapaap dahil sa unang karanasan na iyon. Napapikit siya at napakapit sa batok nito habang si Jeffry ay pinagpatuloy lamang ang paghalik sa kan’ya. Marahil, gawa na rin ng espiritu ng alak ay nagpaubaya siya. Hanggang sa bigla na lang siyang natauhan nang tumigil na ito sa paghalik.
Hiyang-hiya sa sarili ay dali-dali siyang kumalas rito at mabilis na bumalik sa kanyang upuan. Lahat ng beer sa mesa ay kanyang ininom. Para siyang kamelyong uhaw na uhaw. Nais niyang lasingin pa lalo ang sarili upang takpan ang hiyang naramdaman. Si Jeffry ay hindi na humiwalay sa kan’ya, umupo rin ito sa mesa at uminom gaya niya.
“Tungkol sa nangyari kanina-”
“Kalimutan mon a iyon,” agad niyang bara rito. Ayaw na niyang maalala na mabilis siyang bumigay sa kamandag nito.
“As you wish,” narinig niyang sagot nito. Patuloy lang siya sa pag-inom at iniwasang dumako ang mga mata niya sa katabi. Wala silang imikan hanggang sa napagpasyahan na niyang hanapin si Jemma.
“Tara, samahan na kitang hanapin siya.”
Tatanggi pa sana siya pero mas nauna na itong tumayo at inalalayan siya. Naikot na yata nila ang buong resort sa kahahanap sa kanyang assistant subalit ni anino nito’y hindi nila makita. Napagdesisyonan niyang mauna na lamang sa silid pero pati sa pagpunta roon at ihahatid pa rin siya nito. Lasing na siya at gusto nang magpahinga kaya hinayaan na lang niya ang trip nito sa buhay.
Daig pa niya ang nabuhusan ng isang bucket ng ice cubes nang pagpihit sa door knob ay naka-lock iyon. Mura siya nang mura nang mapagtantong na kay Jemma pala ang kanilang susi.
“Paano ba iyan, hindi ka makakapasok sa silid ninyo. Do’n ka na lang matulog sa room ko,” ngiting rekomenda ni Jeffry.
“Sira ka ba? Ang babae kong tao matutulog sa kwarto mo?”
“Anong ipinagkaiba no’n? Lalaki din naman si Jemma, ah! Tapos magkasama kayong natutulog sa iisang silid.”
“Ibang kaso ‘yon! Alam mo namang bakla si Jemma,” pagpapaliwanag niya.
“Kahit na. Sige, ayaw mo? ‘Di sa lounge ka matutulog. Alis na ako ha?” Tinalikuran siya nito.
Agad niya itong pinigilan. “Sandali lang! Basta ba wala kang gagawin, ha? Behave ka lang!”
Tumawa ito at umiling. “Depende sa iyo kung gusto mo.”
“Bastos mo talaga.”
Mas lalo itong humagalpak ng tawa. “Joke lang. Tara na, Miss Architect. Huwag ka nang maraming ilusyon diyan.”
Tahimik na lang siyang sumunod kay Jeffry.
She acted normally. She doesn't want him to see her shaking due to his presence.
Pagkapasok ay tila siya pa ang nagmamay-ari ng silid na iyon dahil agad siyang humiga sa kama. Hindi na siya nag halfbath pa, wala rin naman siyang dalang bihisan. Plano niyang gumising ng maaga upang makabalik na kaagad sa kwarto nila at mabalatan ng buhay ang kanyang assistant.
Tumalikod siya kay Jeffry na noon ay nakikigaya na rin sa kanyang nakahiga. Ilang sandali siyang nakiramdam, hindi naman ito gumalaw at pawang paghinga lamang ang kanyang naulinigan. Kahit bahagyang kabado ay agad rin naman siyang nakaidlip ng dumapo sa kan’ya ang antok.
Kinabukasan, nasapo kaagad ni Miles ang ulo dahil sa sakit nang maalimpungatan siya. Ipinikit niyang muli ang mga mata. Fifteen minutes have passed when she opened back her eyes and rolled it as she noticed the unfamiliar ambiance. Sandali niyang nakalimutan ang nangyari kagabi kaya bigla siyang kinabahan.
'Diyos ko, nasan ako?' she murmured in her mind.
Pinakiramdaman niya ang sarili kung may nagbago ba sa kanyang pakiramdam at sa kanyang katawan, pero sa awa ng Diyos ay wala naman maliban sa sakit niya sa ulo.
Lumingon siya sa kama upang matutop lamang ang sariling bibig nang makakita ng lalaki sa kanyang tabi. Nakatalikod ito. Half naked. Jesus Christ!
Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. Unti unti namang nag-flashback ang kaganapan na iyon.
“Ay, oo nga pala. Kasama ko nga pala kagabi ang gwapo pero medyo bastos na isang ito,” mahinang bulong niya sa sarili nang maalala kung bakit lalaki ang kasama niya sa kwarto ngayon at kung paanong nangyari na sa silid na ito siya bumagsak. Hindi ba rin naman siya nilokob ng pagkataranta dahil pareho pa rin ang suot niyang two-piece swimsuit kagabi. Ano bang nakain niya at hindi man lamang niya naisipang humiram kahit isang short at t-shirt man lamang dito? Hay, lasing nga naman!
Napakislot siya nang tumihaya ang lalaking katabi niya. Nakapikit pa rin ito. Tulog. Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha. Kay sarap haplusin ng preskong mukha nito.
'Grabe kahit tulog ay wala man lang mababakas na kapangitan sa mukha niya, samantalang heto't parang naisubsob sa kawali sa sobrang oily ng aking pagmumukha. Dagdagan pa sa itsura kong parang sinabunutan ng sampung demonyo,' sa isip isip niya.
Mula sa makakapal na kilay na bumagay sa korte ng mukha nito, sa mahabang pilik mata, matangos na ilong, makinis na pisngi. May iilang bagong tubo na balahibo sa panga nito na halatang ilang araw ng ‘di naaahitan. Hanggang bumaba ang tingin niya sa maninipis at mapupulang labi nito.
'Lord tao ba tong katabi ko ngayon o anghel? Sobrang perpekto naman po ng isang ito. ‘Nga lang, parang ginamit lang din sa kasamaan ang kagwapuhan dahil panay ang hakot ng mga babae ng mokong na ‘to kaya kahit tulog ay pwede n’yo na po siyang kunin Lord,’ pilyang dagdag niya sa isip sabay ngisi. Nang bigla siyang may naalala. ‘Ay wait! Pwede bang nakawan ko muna siya ng halik bago n’yo kunin? Isa lang talaga. Secret lang naman natin ‘to, Lord, eh.’
Itinukod niya ang siko sa higaan upang mapalapit ang mukha sa mukha nito. Halos hindi siya huminga sa lakas ng kabog sa kanyang dibdib. Bahagyang lumubog ang kama gawa ng pagkakatukod niya.
'Kunti na lang at maabot mo na' kantyaw ng isip niya.
Nang......
“Tapos ka na bang pag-aralan at titigan ang gwapo kong mukha? Kumusta naman, pasado ba sa standards mo?” nakangising sabi nito. "And hey! Are you trying to steal a kiss from me?” bahagyang umarko ang isang kilay nito kasunod ng pagliit ng mga mata. He's clearly teasing.
"H-hoy! H-hindi ah! M-may lamok lang sa pisngi mo kaya itataboy ko sana. Kaso nagising ka naman kaya ayon lumipad" uutal-utal at natatarantang palusot niya. Walang hiya! Nahuli siya nito.
He looked unconvinced.
"Sigurado ka?" nang-aarok ang tingin nito at patuloy siyang tinititigan sa kanyang mga mata. Kinagat pa nito ang pang ibabang labi upang pigilin ang pagngisi.
“Oo nga!” naiirita na niyang sagot dahil sa labis na hiya sa sarili. “Ano bang sa palagay mo ha? Akala mo siguro pinagnanasaan kita at isa ako sa mga babaeng nahuhumaling sayo?” Tumawa siya nang mapanuya. “Spell never, Mr. Villafuente! And by the way thanks for letting me sleep here for hours. I need to go back to my room now," diretsong sabi niya saka nagmamadaling tumayo. Nai-intimidate na kasi siya sa kagwapuhan nito. Parang bagong paligo lang ito at hindi kagagaling sa tulog. Pati siya ay nako-conscious na rin sa itsura niya na mariing tinititigan ng katabi.
"Wait!” biglang pigil nito sa kan’ya bago siya tuluyang makalabas ng pinto. “Can we eat breakfast together? I mean, pagkatapos ng morning rituals mo, ninyo. Medyo nagugutom na rin kasi ako at ang lungkot kumain nang mag-isa. Kung pwede lang sana makisabay ako sa inyo" he politely said.
"Sure. After thirty minutes," walang gatol niyang sagot at diretsong lumabas ng kwarto. Pumayag na lang siya upang hindi na ito mag-isip pa ng kung anu-ano kung sakaling tumanggi man siya.
Pagkasara niya ng pinto ay wala sa loob na nag-walling siya roon. Mabuti na lang at walang tao sa hallway kaya walang nakakakita sa kan’yang ginawa. Maliban na lamang sa CCTV camera na paniguradong titig na titig sa kan’ya ngayon. Nagmamadali siyang tumayo saka kumaripas ng takbo sa kanilang room. Himalang bukas na iyon nang kanyang pihitin ang siradura.
"Pambihira kang bakla ka! Saang langit kaba nagpupunta kagabi at ‘di ko mahagilap kahit anino mo?" maagang panenermon niya sabay padaskol na naupo sa kama.
"Pasensya naman, Bes, ‘di ko na namalayan ang pagkatok mo. Anong oras ka nga ba bumalik dito sa silid?" pupungas-pungas nitong tanong.
"Mga alas dos pa lang ng madaling araw!" irap niya ritong pilit na umayos ng upo. Hinilot nya ang sintido. Parang gusto pa niyang bumalik sa pagtulog dahil nakulangan pa kasi siya. Tiningnan niya ang relos, alas siyete pa naman ng umaga.
"Ay, naku, Bes! Kasagsagan pa kaya ng sarap ko ang oras na iyan. Doon sa room 34,” ngumisi ito sabay kindat. Kaya pala kahit anong hanap nila ay ‘di nila ito mahagilap. Nakikipaglandian na pala sa kung kanikaninong silid. Maryusep naman talagang bkalang ito!
"Ang harot mo!" sabi nalang niya at napailing.
"Hoy, ikaw rin naman, ah! So, ano nang score ninyo ni Engr. Villafuente nang iwan ko kayong dalawa kagabi? Pero teka, san ka nga ba nakitulog?" maya maya ay may pag-aalalang tanong nito sa kan’ya. Tila may ilaw na pumitik sa ulo nito dahil unti unting namilog ang mga mata nito at tumawa nang malakas. "Hala! Don't tell me, magkasama kayo, noh?" tudyo na nito sa kan’ya saka siya sinimulang sundutin nito sa tagiliran.
"What would you expect? Alangan naman sa lounge mo ko patutulugin o sa guard house? ‘Lang’ya ka, pahamak ka talaga!" inis na pananabon niya rito.
"Bes, hindi pamamahamak ‘yon kun’di blessingg! Kung kasing madiskarte ka lang tulad ko, eh ‘di naka-score ka na sana ngayon sa gwapong si engineer! Kala mo ba ‘di ko napapansin ang ka-sweet-an ninyo kagabi sa table? Kaya nga ako nagpakalayu-layo na lang, eh, para i-give way ka nang magka-love life kana naman. But looking at you now, I guess kulelat ka pa rin," pangungutya nito.
"Ano pa?" inis at may himig na pagbabanta niya.
"Siyempre biyaya na ‘yon galing sa itaas, Bes, tapos hinindian mo pa? Nasa iisang kwarto na kayo tapos ano? Nagrorosaryo? May gas! Panahon pa ni Silang iyang pa-birjin-birjin, Bes. Kung hindi ka magiging wais, lulumutin na iyang bajang mo diyaan. Nangangailangan na yan ng linis," dugtong pa talaga nito.
Mukhang hindi nito nakuha ang banta niya.
"Isa pa!" rindi na siya sa maingay na bunganga nito. Kunti na lang at mababatukan na niya talaga ito.
Hindi pa rin nito napansin ang iritableng mukha niya kaya nagpatuloy pa rin ito sa pagputak.
"Tapos ngayon, sa akin mo ibubunton ang inis dahil hindi ka nakabingwit kagabi? Baka gusto mong ako na ang manligaw para sa ‘yo at nang magka-jowa ka na? Naku, napag-iwanan ka na ng dalawang kaibigan mo, Bes, ha? Mabahala ka na!” saad nitong naglagay sa kan’ya sa malalim na pag-iisip.
Kahit naiinis sa kasama ay may punto naman ito. Siya na lamang ang natitirang walang asawa at ang masaklap pa ay walang nobyo sa kanilang magkakaibigan. Kaya siya nasa bar ay upang aliwin na lang ang sarili. Wala rin naman kasi siyang ibang pagkaabalahan maliban sa trabaho.
"Shut up. Lalong sumasakit ang ulo ko sa ingay mo.” Dumapa siya sa kama sabay bulong. “I still want to rest. Give me additional one hour to take a nap.” Dali-dali niyang nilukob ang sarili sa kumot.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla siyang ginising ng kasama niyang bakla.
"Bes! Si Engr. Villafuente nandito!" yugyog nito sa kan’ya.
Inis siyang umupo dahil sa pang-iistorbo nito.
"Ano ba!” asik niya rito. Muntik na sana siyang makaidlip nang muli siya nitong bulabugin.
"May sumusundo na po sa atin, Kamahalan! Ang prince charming mo. Mag-aagahan na raw tayo," bahagyang nilakasan nito ang boses upang tuluyan siyang balikan ng ulirat. Tila epektibo naman sapagkat nanlaki ang mga mata niya at rumehistro sa kanyang utak ang sinabi nito.
"s**t!" napatakbo siya sa banyo at dalidaling naligo. Muntik na niyang makalimutan ang sinabi niya kay jeff na thirty minutes siyang hintayin.
Suot ang spaghetti strap tops na tinernuhan niya ng tattered jeans ay inilugay niya ang mahaba, bagsak at basa niyang buhok. Nagpatiuna na ang bakla na siyang bumukas sa pinto. Nakasunod siya rito.
Hindi niya mapigilang mamangha sa nabungarang presko at makisig na adan sa labas ng kanilang pinto. Pati yata ang bakla ay napanganga rin habang nakatitig rito.
Isang tikhim mula sa kaharap ang pumukaw sa taimtim nilang pagpasada sa kabuuan nito. Ginapang tuloy siya ng hiya sa sarili dahil sa kanilang ginawa na mukhang nahalata nito dahil nang tingalain niya ang mukha ni Jeffry ay abot na hanggang tainga ang ngisi nito.