#TMNFABKabanata25 Shopping MARIA Kagat-labi kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin sa banyo. Bukod sa bestidang itinatahi mismo sa akin ni Inang, hilig ko ang mahahabang palda, blusa, at pantalon. Bihira akong magsuot ng shorts sa labas. Ang pinakamaikli ko na yatang damit na naisuot ay sa tuwing lumalangoy kami sa batis ng mga kaibigan ko. Umaabot iyon ng isang dangkal mula tuhod. Kaya naman naninibago ako sa romper na suot-suot ko. Tingin ko’y bagay naman ito sa beach na kinaroroonan namin. Kulay itim ito at may maliliit na bulaklak ang naka-print. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Ito na ang masasabi kong pinaka-hindi revealing na damit na nasa maleta. Iyon nga lang napapangiwi ako sa tuwing napapatingin sa bandang dibdib ko. Malalim ang hukab no’n doon at