#TMNFABKabanata26 Dinner date MARIA “Ready, Anastasia?” Dali-dali kong kinuha iyong bag na binili sa akin ni Perseus kanina dahil binilinan niya akong palitan ang gamit ko. Malalim akong bumuntonghininga at isang beses pang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Suot-suot ko ang isang dress na binili ni Perseus sa akin. Ilang dangkal ang ikli no’n mula sa tuhod ko pero hindi naman sobrang ikli kagaya ng suot ko kanina. May manggas din iyon at higit sa lahat ay hindi na nakikita ang hiwa ko sa dibdib. Maganda rin ang tela no’n at malambot sa balat. May pagka-pormal na damit ang pinili ko dahil sa Maging sandals ay binilhan ako ni Perseus…at mga underwears. Hindi ko na ‘yon tinanggihan pa dahil wala akong balak isuot ang mga pinadalang panloob ng pinsan niya. Itinirintas ko a