bc

The Magnate's Nun for a Bride

book_age18+
5.0K
FOLLOW
56.9K
READ
billionaire
HE
fated
playboy
arrogant
blue collar
sweet
bxg
office/work place
substitute
like
intro-logo
Blurb

CARBONELLE SERIES 1: Juan Perseus Carbonelle

Bata pa lamang si Maria Anastasia Macalalad, pangarap na niyang maging madre. Lahat ng kilos at dasal niya'y nakatuon sa pagpasok sa kumbento at pagsilbi sa Diyos. Ngunit paano nga ba nagbago ang lahat ng iyon?

Isang araw, natagpuan niya ang sariling kasal sa masungit at aroganteng si Juan Perseus Carbonelle. Sa kabila ng kanyang mga plano, isang hindi inaasahang pag-ibig ang magbabago sa kanyang landas. Paano niya haharapin ang bagong buhay na ito? Magiging sapat ba ang pagmamahal ni Juan Perseus upang talikuran niya ang kanyang pangarap?

Mula sa pagnanais maging madre hanggang sa pagiging asawa ni Juan, samahan natin si Maria Anastasia sa kanyang kuwento ng pag-ibig at sakripisyo.

chap-preview
Free preview
Simula
#TMNFABSimula MARIA Mabilis ang bawat kilos ng mga tao sa paligid ko. Merong abala sa buhok ko, merong kumukutingting ng mga kuko ko, at meron ding naglalagay ng kolorete sa mukha kong tanging powder at lip balm lang naman ang nilalagay ko pero ngayon ay nahihilo ako sa dami ng mga makeup na nasa harap ko. “Yes! We’ll be there within two hours—fine! I’ll make it an hour! Mygosh!” Napatingin ako kay Ma’am Portia na aligagang naglalakad paroon-parito sa gilid ko habang may kausap sa cellphone niya at sumusulyap-sulyap sa direksyon ko. “Faster guys, wala naman kayong dapat masyadong ayusin kay Mary. She’s already beautiful.” Pinamulahan ako ng pisngi sa narinig na papuri sa akin ni Ma’am Portia. Hindi ko na rin siya itinama sa pangalan ko dahil nasanay na akong ginagawa niyang Mary ang Maria ko. Binalik ko ang tingin sa harap ng salamin at muling nakita ang mga pinaggagawa nila sa akin. “Well, agree na agree ako, Madam Por, pakaganda naman nitong babaeng ‘to. Napakaswerte ng Kuya—“ “Carl!” “Ay Carl! Grabe naman maka-Carl. Carla, Madam! Ano ho ba ‘yon?” “Light lang ang make-up na gawin mo, make it natural as much as possible.” Napahikab ako dahil nakaramdam ako ng antok sa naging pagpupuyat ko kagabi dahil sa pakikipag-usap ko kay Brother Gorio. Hindi ko namalayang napapaidlip na ako kung hindi lang ako nagising sa mahinang tapik sa balikat ko. “You’re done, Mary. Let’s change your clothes.” Kinurap-kurap ko ang mga mata ko nang makita ang sarili sa harap ng salamin. Ayos na ayos ang buhok ko na nakapusod paitaas, may mga kinulot silang hibla na nasa gilid ng mukha ko at nasiyahan naman ako sa pagkakalagay ng make-up sa akin. Hindi iyon makapal ngunit nabigyang buhay ang maputla kong mukha. “You’re so beautiful, Mary.” “Salamat po, Ma’am Portia.” Pinatayo niya na ako at nahiya pa nga akong maghubad sa harap nila kaya ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Buti na lang ay pinalabas nila si Carla dahil bagama’t bihis at ayos babae siya’y hindi ako komportable na naririto siya kung magbibihis ako. Ngunit wala naman akong magagawa dahil hindi ko kayang suotin ang traje de boda na nasa harap ko kaya naiwan ang ilan sa mga nag-ayos sa akin. Pinakatitigan ko ang wedding gown na isusuot ko ngayong araw. Napakaganda no’n at halatang mamahalin, baka masira ko pa. “My, my, you have a sexy body, Mary. Hindi dapat ‘yan tinatago,” ani Ma’am Portia na tinapik pa ang pwetan kong ikipinanlaki ng mga mata ko. “Kinulang ka nga lang sa height, pero hindi bale na. May solusyon tayo diyan, pero kaya mo kaya ‘tong suotin?” napapakamot sa kilay na pagsasalita ni Ma’am Portia na pati nananahimik kong height ay napansin. Sabagay, kapansin-pansin naman talaga lalo na ‘pag katabi ko siya. Hanggang dibdib niya lang ako kapag hindi siya nakasuot ng sapatos na may takong at kapag meron ay nananakit ang leeg ko sa pagtingala sa kanya. “Wow. Perfect. I can’t believe this,” ani Ma’am Portia na pumalakpak pa. Puro papuri din ang mga narinig ko sa mga nag-ayos sa akin. Humarap ako sa salamin at umawang ang labi ko nang makita ang repleksyon ko. Tunay nga ang sabi ni Inang na nakakaganda ang pagsusuot ng traje de boda. Bagama’t medyo hindi ako komportable sa dibdib kong nakikita ang hiwa ay hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko ang pinasuot sa akin nila Ma’am Portia. Napangiti ako dahil kahit na alanganin akong tanggapin itong hinihingi niyang pabor kanina ay hindi ko mapigilang masiyahan na makita ang sarili kong may suot na ganito. Ito na kasi ang huling beses na magsusuot ako nang ganito dahil sa susunod ay ibang belo ang isusuot ko. “Let’s go, wear this. Kaya mo kaya?” Tumango naman ako at sinuot ang sapatos na may mataas na takong. Noong bago ako grumadweyt ay isinali ako sa kompetisyon sa school namin bilang muse kaya naman tingin ko’y kaya ko namang ilakad ito kahit na hindi nga lang siya komportable sa paa ko. “Let’s go,” ani Ma’am Portia na binuksan ang backseat ng kotse niya nang makalabas kami ng resort na kinaroroonan namin kung saan siya may shooting para sa pelikula niya. “Ah Ma’am hindi po pala dito magshu-shooting?” Natigilan siya at nakita ko pa ang pagtabingi ng ngiti niya. “Siyempre Mary hindi, resort ‘to tapos wedding scene nga hindi ba? Magagalit na si Direk kaya halika na,” aniya at dahil doon ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Iningatan ko sa takot na masira ko ang suot ko. “Kuya Rolly, be careful in driving but make it faster. Kailangan makapanhik tayo within thirty minutes sa tagaytay, can we make it?” “Sige, Ma’am, kaya naman ho basta wala hong traffic. Nasa Silang naman na ho tayo.” “Okay, go!” Pinanood ko si Ma’am Portia na naging abala naman sa pag-aayos ng mukha niya. May pinindot pa siya para matakpan ang pwesto ng driver niya at mabilisang nagbihis sa harap ko. “Eh Ma’am, bakit po hindi kayo iyong maging bride? Mas maganda ho kayo at bagay sa inyo iyong role,” tanong ko at natingnan na siya ng diretso nang magsasapatos na siya. Tumikhim siya. “E-eh kasi nga may iba kasi akong role doon. Ako nga iyong kapatid no’ng groom, tapos iyong bwisit kasi na bride—I mean iyong artista na gaganap dapat na bride, nagkaroon ng emergency.” Huminga ako nang malalim. “Hindi ho kaya mapagalitan pa kayo? Wala naman po akong ideya sa pag-arte eh?” “Hindi ‘yan, madali lang naman gagawin mo. Just say I do.” Tumango-tango naman ako kahit kabado ako. Hindi ko nakikita ang sarili kong haharap sa camera at aarte. Diyos ko, nawa’y patnubayan n’yo po ako at bigyan ng lakas ng loob na magawa ng maayos ang aking trabaho para hindi mapahiya si Ma’am Portia. “Oo na nga, Kuya Tu! I’m not shouting! Kasi kayo eh—we’re near the area! Hindi nga ako sumisigaw.” Hindi ko napigilang mapangiwi sa pagtanggi ni Ma’am na hindi siya sumisigaw gayong nasigaw naman talaga siya. “Ma’am, ayos lang po ba kayo?” nag-aalala kong tanong sa kanya nang tila hindi siya mapakali sa kinauupuan niya at nakakagat pa ang kuko niya. “Huh?” baling niya sa akin. Pinakatitigan niya ako at nagulat ako nang kunin niya ang parehas kong kamay. “I’m sorry, Mary, but I really don’t have any choice right now—“ “Po?” “Ma’am, nandito na po tayo.” “Oh, we’re here na, let’s go, let’s go!” tila natataranta niyang saad at iniwanan na ako. “Where is she? Mom’s already panicking, malapit na din magwala si Kuya Juan—oh, what a beautiful woman you got, Por.” Nag-init ang mukha ko sa sinabi ng lalaking sumalubong kay Ma’am Portia na binatukan siya’t dahilan para mapasinghap ako sa gulat. “Stop flirting with her, Kuya! Iyang tingin mo ah!” “Hoy Por, tinawag mo pa akong Kuya kung babatukan mo lang din ako—“ “Whatever, let’s go, Mary,” paglapit niya sa akin at hinawakan ako sa braso. Umawang ang labi ko sa ganda ng lugar nang mabistahan iyon ngayong nakababa na kami. Malamig at tanaw na tanaw ko ang nakikita ko lang noon sa libro na taal daw kung tawagin. Pero kumunot ang noo ko nang makitang wala iyong mga nakasanayan kong hitsura kapag may shooting si Ma’am Portia. Wala iyong maraming mga tao at nagkalat na camera. Ni walang naglagay sa akin noong ipinapasuot kay Ma’am Portia kapag shooting niya. “Ah Ma’am, nasaan po iyong mga camera?” “Huh?” baling niya sa akin habang naglalakad kami. “Camera po—“ “It’s inside, Miss…?” “Maria po.” Sumipol ang lalaking may hawig kay Ma’am Portia at napakaguwapo. Parang koreano doon sa mga palabas na hilig panoorin ni Magdalene. “Bagay na bagay sa ‘yo ang pangalan mo—“ “Kuya Tu, shut up na.” Sumipol lang siya at tumawa kapagdaka. “Mary, basta ah, kapag nag-signal na sa ‘yo iyong babae na ‘yon, maglakad ka na papasok okay? Mauuna na muna kami ng Kuya ko,” turo niya sa isang babae na tila ba nakahinga nang maluwag nang makita kami. Kinabahan ako dahil maiiwan akong mag-isa pero napatango na lang ako. Hinawakan ni Ma’am Portia ang nanlalamig kong mga kamay. “Maraming salamat talaga, Mary. Babayaran ka namin, pangako.” “hindi naman na ho kailangan, Ma’am Portia—“ “Por na lang, Mary, ilang beses ko bang sasabihin ‘yon? Paano? Una na muna kami ah?” aniyang humalik pa sa pisngi ko at naglakad na papasok doon sa arko na may pinto. Artista din pala ang Kuya niya? Sa isip-isip ko dahil kasama niya ang Kuya niya na Tu ang pangalan? Tu as in dalawa? “Ma’am, pasok na po kayo,” saad ng babaeng lumapit at hindi na lang sumenyas sa akin. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at humakbang na papasok sa bumukas na pinto. Tila nanginig at nanghina ang tuhod ko nang bumungad sa akin ang medyo may karamihang mga tao. Pero inisip kong arte lamang ang lahat ng ‘to at hindi ako pwedeng magkamali para hindi na kami makadalawang take. Hindi ko pa rin nakikita iyong setup na inaasahan ko pero natuon ang atensyon ko sa lalaking nasa dulo na titig na titig sa akin. Saglit na kumunot ang noo niya tila kinikilala ako. Pamilyar din siya sa akin ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Gwapo siya ngunit anong aasahan ko gayong gaya ni Ma’am Portia ay isa rin siyang artista? Pero bakit ba pamilyar na pamilyar ang mukha niya sa akin na tila ba nagkita na kaming dalawa? Huminto ako sa paghakbang at narinig ko ang pagsinghapan ng mga tao sa paligid. Hala, ba’t ako huminto? Hahakbang na sana akong muli ngunit napatigil nang humakbang na patungo iyong lalaki sa akin at habang papalapit siya’y naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa kaba dahil sa walang kaemo-emosyon niyang mukha. Noon ko napagtanto kung saan ko siya nakita. Siya iyon! Iyong lalaki na walang pamasahe sa bus. Napangiti ako ngunit naglaho ‘yon nang makalapit siya sa akin at yumuko siya’t bumulong sa tenga ko. “There’s no turning back, Missy. Kung magkano ang in-offer sa ‘yo ni Por, I’ll double it or whatever amount you want, just marry me, now.” Huh? Anong sinasabi niya? Anong offer ni Por? Saka amount? Pera? Pero bago ko pa masulyapan si Ma’am Portia para makakuha ng ideya sa pinagsasasabi nitong lalaki ay kinuha niya ang kamay ko’t isinukbit sa braso niya. “Smile, sweetheart. This is our wedding not a f*cking funeral.” Our wedding? Hindi ba shooting lang ‘to?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook