Kabanata 24

2104 Words

#TMNFABKabanata24 Hubad MARIA “May problema ba, Anastasia?” ani Perseus, seryoso man ang mukha niya’y hindi ko alam kung bakit tila ba nakikitaan ko ng paglalaro ang mga mata niya. Napalunok ako at naglakad papalapit sa kama, pinakatitigan iyon. Bukod sa pamilya ko’y wala pa akong nakasamang matulog sa iisang kwarto na isang lalaki. Palagi iyong ibinibilin sa akin nila Itang na ‘wag na ‘wag kong hahayaang mangyari dahil sa asawa ko lang daw dapat gawin ‘yon. Pero mag-asawa kayo! Hindi totoo! Peke naman ‘yon– Pumayag ka ng gawing totoo hindi ba?! Pagpapanggap pa rin– “Anastasia?” Napapitlag ako at nabalik sa kasalukuyan nang maramdaman ang paghawak ni Perseus sa balikat ko tila ba ginigising ako kahit hindi naman ako tulog. Sabagay iyong diwa ko kung saan-saan na napadpad. Bumab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD