#TMNFABKabanata10 Anastasia MARIA Bumuka ang bibig ni Juan Perseus na tila ba may sasabihin pero muling isinara ‘yon. Nasa mga mata niya pa ring tila hindi makapaniwala sa narinig niyang sinabi ko. Meron din doong pagdududa na mukhang iniisip niyang nag-isip lang ako ng palusot para sa paratang niya. Isang pagtawa ang nag-alis ng tingin namin sa isa’t-isa at sabay na sumulyap sa pinanggagalingan no’n. “Damn you, Kuya, now we’re dead,” dinig ko ang boses ni Ma’am Portia. “Por, is this what they call secondhand embarrassment?” pagtawa ng boses na nahulaan kong si Sir Deuce kahit hindi ko pa siya nakikita. “I’m out of here–” “No, kasama ka namin dito.” Ilang saglit pa’y sumulpot sila sa harap namin ni Juan Perseus na madilim ang mukha at kita ko ang mariin na pagkuyom ng kamao. Pil