#TMNFABKabanata9 Deal MARIA Nayakap ko ang sarili ko nang sumalubong sa akin ang lamig ng gabi nang makarating kami sa balkonahe sa taas. Pilit kong hindi inalintana ‘yon at tinuon ang atensyon sa natatanaw na tanawin. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maipaalala ng lugar sa akin ang Dabliston. Ang mga puno, ang katahimikan ng gabi, at ang makikinang na mga bituin sa langit. Napasulyap ako sa tabi ko nang maramdaman ang tingin niya sa akin. Kinailangan ko pa siyang tingalain dahil sa tangkad na meron siya. Hanggang kili-kili niya lang ako sa liit na meron ako. Magsasalita na sana ako nang tumalikod siya at iwanan ako. Napakamot naman ako sa kilay sa pagtataka dahil ang sabi niya’y mag-uusap kaming dalawa kaya bakit siya umalis? Hinabol ko siya ng tingin at balak pang sundan siya n