#TMNFABKabanata20 Cake MARIA “Good morning, Sir.” “Morning, Sir Juan.” Dire-diretso lang si Perseus sa paglalakad sa malawak na lobby ng mataas na gusali na pinasukan namin. Ni hindi man lang niya sinusulyapan iyong mga bumabati sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanya at matapos siyang batiin ng mga taong ‘yon, sa akin naman sila susunod na titingin. Tipid na ngiti naman ang ibinibigay ko sa kanila. Nginitian ko iyong isang lalaki na binati rin si Perseus. Nakaramdam naman ako ng pagkailang nang huminto siya sa paghakbang at napatitig sa akin. Muntikan akong tumumba nang bumangga ako kay Perseus nang bigla siyang tumigil sa paghakbang. Maagap niya namang nahawakan ang braso ko para hindi ako mabuwal. Nakita kong sumulyap siya doon sa lalaki na mabilis namang hinila noong mga kasama