#TMNFABKabanata19 Galit MARIA “F*ck–” Naalimpungatan ako sa galit na boses ni Perseus na nagmumura na naman. Kinusot ko ang mga mata ko at napasulyap sa kanya. Tumikhim siya nang magtagpo ang tingin namin. Dali-dali naman akong umiwas at sumulyap sa labas. Mukhang napahaba ang tulog ko dahil pamilyar na ang dinadaanan namin at natiyak kong nasa Maynila na kami. “Can that wait? Fine–prepare every document I need to f–sign. Make sure that it will only take me minutes to finish that.” Isang marahas na buntonghininga ang narinig kong pinakawalan niya. Mukhang inis na inis na naman siya at sa gilid ng mga mata ko’y kita ko ang hindi maipinta niyang mukha. “Are you hungry?” Agad naman akong umiling. "I have something to do in my office. Let's stop by there for a moment. You should