“KUMUSTA po si Miss Jass Anne, Tita May?” tanong ni Trish sa ginang nang minsan ay bumisita ang dalaga sa ospital upang kumustahin ang kalagayan ng boss nito. Kasama nito ang nobyong si Alex.
Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ng ginang sa ere habang hindi pa rin inaalis ang malungkot na paningin nito sa anak na isang linggo nang nakaratay sa hospital bed at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. Maging ang mga doctor ay hindi pa sigurado kung kailan babalik ang malay ng dalaga.
“I’m not sure if she’s fine or what,” wika nito. “Basta isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako para sa kalagayan ng anak ko,” sabi pa nito at muling bumuntong hininga upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na naman sa sulok ng mga mata nito.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang makatanggap ito ng tawag mula kay Wigo at sinabi ng binata na isinugod daw nito sa ospital si Jass Anne dahil may nagtangkang pumatay rito. At sa loob ng isang linggong iyon ay hindi pa rin matanggap ng ginang ang sinapit ng anak. Labis pa rin itong natatakot at nag-aalala.
“Huwag po kayong mag-alala, Tita May. Sigurado naman po akong magiging okay rin si Miss Jass Anne. Magigising din po siya at malalaman natin kung sino ang may gawa nito sa kaniya.”
“I hope so. Dahil gusto kong pagbayaran ang kasalanan ng taong may gawa nito sa anak ko. Sisiguraduhin kong mabubulok sa bilangguan ang may gawa nito sa anak ko,” galit na sabi nito, at hindi na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha. “How about Portia? May balita na ba kayo sa kaniya? Nahanap na ba siya ng mga pulis?” tanong nito mayamaya.
Malalim na buntong hininga rin ang pinakawalan ni Trish sa ere at binalingan ng tingin ang nobyo na nasa tabi nito.
“Wala pa rin pong balita ang mga pulis bukod doon sa sasakyan niyang nakita ng mga ito,” sagot nito.
“Oh, God! Bakit ba nangyari ang lahat ng ito?”
“Wala po ba kayong idea kung sino po ang puwedeng gumawa nito sa kay Miss Jass Anne, Ma’am May?” mayamaya ay tanong din ni Alex sa ginang.
“I don’t have any idea, hijo. Dahil sa pagkakaalam ko, wala namang kaaway itong si Jass Anne. She’s a nice person. Ayoko man sanang magbintang, pero ang sabi ng mga kasamahan ninyo sa trabaho ay si Portia lang ang nagpunta sa bahay mo that night, Wigo, para magkausap silang dalawa,” sabi nito at tinapunan ng tingin si Wigo na nakatayo sa kanang bahagi ng hospital bed. “And after that, nangyari itong krimen sa anak ko. Tapos biglang nawala si Portia at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik at hindi pa rin siya mahanap ng mga pulis.”
“Tita, iyon din po ang iniisip ko,” sabi pa ni Trish. “Baka nga po si Portia ang may gawa nito kay Miss Jass Anne. I mean, bago po nangyari itong krimen sa anak ninyo, ilang beses ko na po silang nakita na nagkakasagutan.”
“Trish, mabait si Portia, alam mo ’yon. Kaya sigurado akong hindi niya ’yon magagawa kay Miss Jass Anne,” sabi naman ni Alex sa nobya.
“Mabait? Sinaktan niya nga ako no’ng nakaraan, e! Tapos muntikan pang malaglag itong anak mo nang dahil sa kaniya,” sabi nito at napahawak sa tiyan nitong maliit pa naman at hindi pa halata ang umbok niyon.
Napailing na lamang si Alex at bumuntong hininga.
“Noon pa man ay nahahalata ko nang nagbago ang ugali ni Jass Anne simula nang makilala niya ang Portia na ’yon. Kaya hindi na rin ako magtataka kung malalaman kong siya nga ang may gawa nito sa anak ko.”
“Huwag po kayong mag-alala, Tita. I’m sure na pagbabayaran ni Portia ang ginawa niya kay Miss Jass Anne.” Masuyong humaplos ang palad nito sa likod ng ginang.
“Don’t worry po, Tita May. Alam ko pong ayaw n’yo sa akin para kay Jass Anne, pero mahal ko po ang anak ninyo at gagawin ko po ang lahat para mahanap si Portia at pagbayarin siya sa ginawa niya sa girlfriend ko,” wika ni Wigo at malungkot na nagbuntong hininga nang malalim habang nakatitig sa nobya. “Masiyado po akong nasasaktan ngayon dahil sa nangyari sa girlfriend ko, kaya hindi po ako papayag na hindi magbabayad ang gumawa nito sa kaniya,” dagdag pa nito at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata nito.
“MAY GAGAWIN ka ba, Portia?” tanong sa akin ni William nang nasa sala na ako.
“Wala naman. Bakit?” tanong ko rin dito.
“Puwede ba na ikaw ulit ang maghatid ng pagkain ni Kuya Crandall?”
My eyebrows furrowed as I flicked the flashlight switch, directing its light onto his face. “At ako na naman ang pagagalitan ng orangutan na ’yon kapag pumasok ako sa kuwarto niya nang hindi ako nagpapaalam,” sabi ko habang nakasimangot. Ugh! I don’t want to go there anymore because I’m sure he will scold me again. He is always hot headed towards me, and one more thing... I’m still upset with him because of what he did to me yesterday. Until now, my hips and back still hurt.
“Hindi naman magagalit sa ’yo si Kuya Crandall, basta kumatok ka muna sa pinto ng kuwarto niya,” ani nito, at tinabig ang kamay ko upang alisin sa mukha nito ang ilaw ng flashlight ko.
Bahagya akong umismid. “Ikaw na lang, William. Pupuntahan ko si Nanay Josephine sa kusina para tulungan siyang—”
“Tapos na akong mag-urong, kaya wala ka ng gagawin sa kusina,” sabi nito kaya hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko. “Sige na, Portia! Mabuti nga ’yon para kahit papaano ay masanay na si kuya na nandito ka sa bahay. So unti-unti na ring mababawasan ang pagsusungit niya sa ’yo,” dagdag pa nito pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina.
“William—”
“I promise, hindi na ’yon magagalit sa ’yo mamaya,” sabi pa nito.
Napaismid na lamang ako nang nasa tapat na kami ng mahabang dining table. “Oo na! May magagawa pa ba ako?” kunwari ay naiinis na saad ko. “Nako! Kapag pinagalitan ako ng orangu na ’yon mamaya ikaw ang sisisihin ko, William.”
Natawa naman ito nang pagak. “Oo na. Huwag mo lang siyang tawaging Orangu—”
“E, mukha naman talaga siyang Orangutan,” nakaismid na sabi ko at dinampot na ang tray na nasa mesa. Because of what he did to me yesterday, binabawi ko na ang sinabi kong guwapo siya! Wala namang silbi ang pagiging guwapo kung ungentleman naman. Hmp!
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kusina. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ni William habang nakasunod ito sa akin.
“Bumaba ka rin agad at sa labas tayo tumambay. Masarap ang hangin ngayon,” sabi pa nito.
I didn’t bother to answer him and just continued walking hanggang sa makapanhik ako sa hagdan at tinahak ko ang pasilyo hanggang sa makarating ako sa labas ng pinto ng kuwarto niya. Ipinatong ko sa isang palad ko ang tray at kumatok ako.
“Señorito, nandito na po ang pagkain ninyo!” saad ko at kumatok ulit.
Ilang segundo ang lumipas, pero wala naman ako narinig na tugon mula sa kaniya, kaya muli akong kumatok.
“Señorito, papasok po ako, huh?” pagkasabi ko niyon ay pinihit ko na ang doorknob at pumasok ako. Ang lampshade sa ibabaw ng bedside table niya ang nakita ko kagaya no’ng unang beses na pumasok ako rito. Naglakad ako papunta roon at inilapag ko iyon.
“Next time, wait for my response before you enter my room.”
“My God! Orangutan na mahilig manggulat!” tanging nausal ko nang magulat dahil sa pagsasalita niya mula sa isang sulok.
Jusko! Hindi talaga puwede sa bahay na ito ang tanong may sakit sa puso!
“Señorito naman! Puwede naman po kayong magbigay muna ng go signal bago kayo magsalita para hindi ako nagugulat sa inyo.” Hindi ko naitago ang iritasyon ko sa kaniya. Ilang beses niya na akong ginugulat. My God! “At next time rin po, tumikhim muna kayo o gumawa ng kahit maliit lang na ingay para alam ko po na nandito lang kayo sa paligid at hindi na po ako magugulat sa inyo,” dagdag ko pa.
“You’re talking too much, Miss.”
“Ang hilig n’yo po kasing manggulat,” rason ko pa. “Kung bakit po kasi hindi n’yo na lang talaga buksan ang ilaw rito sa bahay mo para maliwanag na at hindi na po tayo naggugulatan. Nag-aalala po ba kayo sa babayaran ninyong bill ng kuryente?” tanong ko.
“This is my abode and I will do whatever I want, woman. Get out, now!”
Napaismid na lamang ako at bumuntong hininga pagkatapos ay tumalikod ako. “Hindi man lang nagpasalamat ang orangutan,” bulong na sabi ko.
“Are you saying something?” tanong niya sa akin.
“Wala po! Ang sabi ko, bon appetit, señorito. Ciao!” Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa may pinto. Pero nang mabuksan ko iyon, napahinto rin ako at lumingon sa direksyon niya kahit hindi ko naman siya nakikita. “Siya nga po pala, señorito! Ako na po ang magpapaalam sa inyo na kung maaari po sana ay payagan n’yo akong pumasok sa library. Wala po kasi akong magawa at bored na bored na ako rito sa maliwanag mong mansion. Maglilinis lang po ako roon,” sabi ko, pero wala akong narinig na tugon mula sa kaniya. “Um, silent means yes. So, oo ang sagot mo, señorito. Merci beaucoup! Ciao!” Isinarado ko na ang pinto at nakangiting naglakad na upang puntahan si William sa labas.