CHAPTER 1
“PORTIA, kanina ka pa hinihintay ni Miss Jass Anne,” sabi ni Meg nang makasalubong ko ito sa hallway palang ng building ng Albatross Publishing Company. “Bakit late ka na naman?” tanong pa nito habang tinatanggal ko ang suot kong jacket.
Bumuntong hininga ako nang malalim. “Alam mo naman kapag maulan sobrang traffic,” sabi ko.
“Oo nga! Kaya nga inagahan ko rin kanina,” ani nito. “Sige na. Umakyat ka na sa opisina ni Miss Jass. Kanina ka pa hinihintay n’on.”
“Sige, thank you!” sabi ko, saka nagmamadali nang tinungo ang kinaroroonan ng elevator upang pumanhik sa ika-6 na palapag ng gusali kung saan naroon ang opisina ng boss namin.
Muli akong nagpakawala ng buntong hininga bago sumimsim sa kapeng binili ko sa coffee shop na nadaanan ko kanina. Kagaya sa nagdaang mga gabi, sinalakay na naman kasi ako ng insomnia ko kaya madaling araw na ako nakakatulog. Wala naman iyon problema sa akin dahil may manuscript din akong tinatapos. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko nakakayanan ang antok ko kapag nasa trabaho na ako. Nakakahiya naman kay Jass Anne kung papasok ako sa trabaho para lang matulog sa puwesto ko!
Muli akong napahikab bago tuluyang bumukas ang pinto ng elevator at tinatamad akong lumabas doon. Bago magtungo sa opisina ng boss namin ay dumaan muna ako sa puwesto ko para iwanan doon ang aking bag.
“Morning, Portia! Late ka na naman,” nakangiting sabi sa akin ng isa ko pang katrabaho.
Napangiti rin ako. “Morning, too. Oo nga, e! Puyat masiyado.”
“Hindi naman halata! Fresh pa rin ang look mo,” ani nito na ikinangiti kong lalo bago napapailing na muling naglakad para magtungo na sa opisina ng boss namin.
Kumatok muna ako sa pinto bago pinihit ang doorknob at binuksan iyon. Kaagad ko namang nakita si Jass Anne na nakaupo sa tapat ng lamesa nito habang abala sa ginagawang trabaho. Kung hindi pa ako tumikhim, hindi ito mag-aangat ng mukha para tapunan ako ng tingin. Halatang busy nga ito!
“Busy,” sabi ko.
“You’re here! Come, have a sit,” ani nito at mabilis na ibinaba ang hawak nitong ball point, ganoon din ang suot nitong salamin.
“Morning! Hinihintay mo raw ako?” tanong ko pagkaupo ko sa visitor’s chair na nasa tapat ng lamesa nito.
“Yeah. Actually I was trying to call you last night pa, but you seem to be busy and I can’t reach you.”
“Sorry. My phone was off last night. Alam mo na, me time namin ni Alex.” Mabilis na lumiwanag ang mukha ko nang banggitin ko ang pangalan ng boyfriend ko.
“Speaking of your so-called boyfriend,” sabi nito. “Kaya kita ipinatawag dito dahil sa kaniya,” seryoso ang mukha na sabi pa nito.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig dito. “Why? What do you mean?” tanong ko.
Bumuntong hininga ito nang malalim. “Ayoko sana magsalita tungkol sa mga nalaman ko. But, Portia... You are my friend. And you were my very first author here in APC before you became an head editor. And of course, parang kapatid na rin ang turing ko sa ’yo kaya ayoko na—”
“What do you mean, Jass Anne?” tanong kong muli dahilan upang maputol ang pagsasalita nito. Sa tono at klase kasi ng pananalita nito, alam ko na mahalaga ang gusto nitong sabihin sa akin tungkol sa boyfriend ko. Pero bakit hindi na lamang ako nito diretsohin sa gusto nitong sabihin sa akin? “What?” Kibit-balikat na tanong ko ulit nang hindi agad ito nagsalita.
Nagbuntong hininga itong muli. “I saw Alex and Trish on the rooftop yesterday before he met you on your dinner date.”
Biglang naging seryoso ang mukha ko dahil sa mga sinabi nito. Ang mga kilay kong halos mag-isang linya na kanina ay mabilis na naghiwalay. Mas lalo akong napatitig dito ng seryoso.
“W-What?” nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko.
“I said Alex is cheating on you again,” ulit na sabi nito. “Portia, sinabi ko na sa ’yo dati pa na hiwalayan mo na ang lalaking ’yan,” wika pa nito at biglang lumamlam ang hitsura.
Alex and Trish are part of this Publishing Company. Magaling na author si Trish, samantalang magaling naman na Illustrator si Alex. Ito ang gumagawa sa mga book cover ng Publishing. Matagal na ring alam ni Jass Anne na may relasyon kami ni Alex. Una pa lang ay tumutol na agad ito dahil alam daw nitong lolokohin lamang ako ni Alex, pero hindi ko naman iyon pinaniwalaan, kaya wala rin itong nagawa sa relasyon naming dalawa. Hanggang sa dumating ang unang pagkakataon na nahuli nito si Alex na nakikipagkita raw sa isang author doon sa rooftop ng building. At first, hindi ako naniwala kasi nagpaliwanag naman sa akin si Alex. And because I love him, pinaniwalaan ko ito. Pero ngayon, heto at sinasabi na naman sa akin ni Jass Anne na muli nitong nakita ang boyfriend ko na kasama si Trish.
“Jass—”
“Portia, I’m serious. I saw them with my own two eyes. They were kissing on the rooftop. And that’s not the first time I’ve seen them. I’m sorry kung ngayon ko lang sinabi ulit sa ’yo,” ani nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko.
Napailing naman ako kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga pagkatapos ay napapikit ako nang mariin at hinilot ang aking sintido na biglang kumirot. Napasandal ako sa puwesto ko.
“Maybe I’m just dreaming. Hindi totoo ’to! Siguro kasi kulang ako ng tulog kanina—”
“Look at this.” Inilapag nito sa lamesa ang cellphone nito. “I’m sure that evidence are enough for you to believe me. You’re not dreaming, Portia! Kung nananaginip ka man, ’yon ay ang patuloy mo pa ring mahalin ang lalaking iyan kahit niloloko ka na niya,” dagdag pa nito nang mag-angat ako ng mukha upang muli itong tingnan.
Tinapunan ko rin ng tingin ang cellphone nito na nasa tapat ko na. Nagdadalawang-isip pa ako sa una kung kukunin ko ’yon o hindi. Pero sa huli, wala na rin akong nagawa. Dinampot ko iyon. Saglit akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago dahan-dahang sinilip ang screen ng cellphone.
Nahigit ko ang aking paghinga nang makita ko nga ang mga pictures na sinasabi nito. Ilang segundo lang din, mabilis na namalisbis ang luha sa aking mga mata. Alex and Trish hugging while kissing. Bagay na siyang nagpasikip bigla sa aking dibdib.
Kahapon ay kasama ko si Alex. We celebrated our 6th month as a couple. He was happy yesterday, so I thought I was the reason he had a wide smile on his lips, but it turns out that there was another reason for his happiness.
“I’m sorry, Portia!”
Humugot ako muli ng malalim na paghinga, saka iyon pinakawalan sa ere. Saglit kong sinupil ang aking sarili. “Wala kang kasalanan. You don’t need to say sorry,” sabi ko. Mabilis ko ring pinunasan ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. “Where is she?” tanong ko. Kaagad din akong tumayo sa aking puwesto.
Napatayo rin bigla si Jass sa puwesto nito. “Portia, don’t cause a commotion—”
“I don’t. I just want to talk to her.” Pagkuwa’y walang salita na tumalikod ako at naglakad palabas sa opisina nito.
Bigla namang napasunod sa akin si Jass Anne.
Matalas ang mga matang hinagilap ng tingin ko si Trish nang makalabas ako sa opisina ni Jass Anne. Sa bandang dulo ng mga nakahilirang lamesa ng kapwa ko author at editor, doon ay natanaw ko ang babaeng hinahanap ko habang kausap nito ang manloloko kong nobyo. Ang lagkit pa ng tinginan nila sa isa’t isa.
Malalaking hakbang ang ginawa ko palapit sa kanilang dalawa.
“Portia! Hi, good morn—”
Hindi naituloy ni Trish ang nais na pagbati sa akin nang biglang dumapo sa makapal nitong pisngi ang palad ko.
“Morning!” mariing singhal ko habang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanilang dalawa ni Alex.
“Portia, why did you do that?” nagtatakang tanong naman ni Alex sa akin.
“Manloloko!” sigaw ko at muling nag-init ang sulok ng aking mga mata. Ilang segundo lamang ay muling tumulo ang mga luha ko. “Mga manloloko kayo!” singhal ko pa. “Bakit Alex? Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko ulit? Bakit? Dahil ba hindi ko maibigay sa ’yo ang gusto mo? Bakit sa babaeng ito pa?” Dinuro ko si Trish. “Dahil mas cheap siya kaysa sa akin? Dahil isang aya mo lang sa kaniya papunta sa kama mo ay pumapayag agad ang malandi at higad na babaeng ito?”
“Shut up, Portia—”
“You shut up, Alex!” singhal ko ulit, saka mabilis na dinampot ang makapal na libro na nasa gilid ng lamesa nito at ibinato iyon sa mukha nito. “Gago! Minahal naman kita, a! Kulang pa ba?” patuloy pa rin sa pagragasa ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko, ang sakit na nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito. Mayamaya ay binalingan ko rin ng tingin si Trish na nakahawak pa rin sa pisngi nitong pulang-pula dahil sa malakas na pagkakasampal ko kanina. “At ikaw, akala ko kaibigan kita? Pero inagaw mo lang pala sa ’kin ang boyfriend ko! Napakalandi mo, Trish! Alam mo nang may girlfriend si Alex pero pinatulan mo pa rin siya!” nanggigigil na sigaw ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga katrabaho namin.
“Portia, enough!” Awat sa akin ni Jass Anne nang makalapit ito sa akin.
“I trusted you, Alex, pero sinaktan at niloko mo lang ako!” mahina man, ngunit puno iyon ng galit at hinanakit. “I trusted you!” Umiling-iling pa ako bago humakbang patalikod para lisanin ang lugar na iyon.