CHAPTER 15

1859 Words
“ANO ba ang gagawin mo sa mga ’yan, hija?” tanong sa akin ni Nanay Josephine nang ilapag nito sa bedside table ang mga panglinis na hiniram ko rito kanina. Nasa silid kami ngayon at katatapos ko lang din magbihis ng komportableng damit para makagalaw ako nang maayos mamaya kapag nagsimula na akong maglinis sa library. Bahala na kung magalit ulit sa akin mamaya si Señorito Crandall, basta nagpaalam na ako sa kaniya kanina na magpupunta ako roon para maglinis. I’ve only been here for a while in his mansion, but it seems like I’ve been here for a long time and haven’t gone outside. Bored na bored na ako! Hindi kasi talaga sanay ang katawan ko ng walang ginagawa. Mas nakakadama tuloy ako ng pagod sa katawan ko kahit sa buong maghapon ay wala akong ginawang mabigat na trabaho. Hay! If he doesn’t get mad at me, I’ll call William to help me clean the whole mansion. Para naman kahit papaano ay maging maaliwalas ang buong paligid ng bahay niya. Malungkot na nga ang buhay niya, pati pa ang bahay niya! “E, maglilinis po ako sa library, Nanay Josephine,” sagot ko matapos itali ang buhok ko. “Pinayagan ka ba ni Crandall, hija?” tanong nito sa akin. “Baka kasi magalit ’yon sa ’yo. Matagal ko na kasi siyang sinasabihan na maglilinis kami ni William doon, pero ayaw niya. Hayaan na lang daw namin.” “Nagpaalam na po ako sa kaniya kanina, Nanay Josephine.” “Oh! Nakapagtataka naman at pumayag siya sa ’yo.” Tipid akong ngumiti. “Actually, hindi po siya pumayag,” sabi ko. “I mean, hindi po siya sumagot nang magpaalam po ako kanina. Pero sinabi ko naman po sa kaniya na maglilinis po ako roon kaya hindi na po siya siguro magagalit sa akin.” Nagbuntong hininga naman si Nanay Josephine dahil sa sinabi ko. “Siya, ikaw ang bahala, hija! Mabuti nga’t nang malinisan ang library,” sabi nito sa akin. “Nako, kung alam mo lang, Portia! Napakaganda ng mansion na ito noon. Lagi kasi itong alaga at nililinisan ng mga kasambahay rito dahil ayaw ni Doña Sugar nang madumi ang paligid,” wika pa ni Nanay Josephine kaya napalingon ako ritong muli. Bahagya pang nangunot ang noo ko. “Sino po si Doña Sugar, Nanay Josephine?” tanong ko. “Siya ang asawa ni Don Damian at nanay ni Crandall. Matalik ko siyang kaibigan, kaya simula noon pa man ay sa mga El Greco na ako nagtatrabaho bilang kasambahay.” Bahagya akong napatango. “E, nasaan po siya ngayon?” “May malawak na kalupaan ang mga El Greco sa Imus, Cavite. Roon sila nakatirang mag-asawa.” Habang hindi ko inaalis ang paningin ko kay Nanay Josephine, umupo ako sa gilid ng kama. “Isa lang po ba siyang anak ng magulang niya?” curious na tanong ko ulit. “Hindi. Tatlo ’yan silang magkakapatid. May kapatid pa siyang isang lalaki at babae.” “E, bakit po mas pinili pa niyang manatili sa mansion na ito na napakalayo sa bayan? I mean, kung mayaman naman po pala ang pamilya niya, bakit hindi na lamang siya bumalik sa kanila? Matagal naman na pong nagkahiwalay sila ng fiancée niya, iyon po ang sabi sa akin ni William,” sabi ko. Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Nanay Josephine sa ere at ngumiti sa akin. “Simula kasi nang magkahiwalay sila ng fiancée niya, si Ma’am Catherine, hindi na rin sila nagkaayos ng papa niya, kaya mas pinili na lamang niya na manatili sa mansion na ito. Pero may sariling bahay rin si Crandall sa Makati dahil naroon din ang mga negosyo niya na sa ngayon ay ang kaibigan niya ang nangangalaga.” Pagpapaliwanag pa ni Nanay Josephine sa akin. “Sayang po talaga ang mansion na ito,” sabi ko at bahagyang inilibot ang paningin ko sa buong silid. “Siguro po kung hindi lang siya nabigo sa fiancée niya, hindi po ito mapapabayaan dahil dito naman po sila nakatira ng asawa niya.” “Nako, ayaw ni Ma’am Catherine na tumira dito. Ayaw nga rin n’on na magpunta rito kapag nagtutungo rito si Crandall para magbakasyon.” Nagsalubong ulit ang mga kilay ko at napatitig kay Nanay Josephine. “Po? E, maganda nga po rito, Nanay Jo. Kung ako lang po ang papipiliin, mas gusto ko pong tumira sa ganitong lugar. Tahimik lamang po at fresh pa ang hangin.” Bahagyang tumawa si Nanay Josephine. “Iba-iba naman kasi ang gusto ng mga tao, hija.” “Kung sabagay po.” Pagsang-ayon ko sa sinabi nito. “Siya, tama na itong kuwentohan natin at nang makapagsimula ka ng maglinis doon,” mayamaya ay sabi pa nito. “Sigurado ka ba na ayaw mong magpatulong, hija?” tanong pa nito. Ngumiti naman ako at tumayo na sa puwesto ko. “Kaya ko na po ’yon, Nanay Josephine. Dadahan-dahanin ko lang naman po ang paglilinis doon.” “Ikaw ang bahala, hija. Sige at ako’y babalik na rin sa ginagawa kong trabaho sa ibaba. Maiiwan na kita rito.” Ngumiti na lamang ako ulit at sinundan ng tingin si Nanay Josephine nang maglakad na ito palabas ng kuwarto. Banayad akong nagpakawala ng buntong hininga saka dinampot ang mga panglinis na ipinahiram sa akin ni Nanay Josephine, saka ako naglakad na rin palabas ng silid at tinungo ang library. Pagkapasok ko roon, saglit kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Oh, paano naman pala ako nito makakapaglinis nang maayos kung madilim naman ang buong kuwarto? Later, when I glanced at the wide window to the left side of the room, napangiti ako at naglakad papunta roon. Napatingala pa ako sa mataas na kurtina bago ko iyon hinawakan at malakas na hinila. The moment I opened it, I suddenly closed my eyes as the light entered the room. When my eyes could adjust to the light again, I smiled and peeked out the window. Kitang-kita ko ang malawak na garden, pati ang swimming pool. Maging ang mga matataas na kahoy sa buong paligid. Wow! Ang ganda pala talaga ng paligid ng mansion! Ano pa kaya kapag nalinisan na ito? Matapos kong pagsawain ang paningin ko sa buong paligid ay muli kong hinawakan ang kurtina at hinila iyon ulit papunta sa kabilang dulo. It got brighter inside the library. At pagkatapos niyon ay binuksan ko rin ang mga salamin ng bintana upang kahit papaano ay may pumasok na sariwang hangin. “Much better!” nakangiting usal ko at nakapamaywang pang inilibot ulit ang paningin ko sa napakaraming libro na naroon. Oh, ang sarap sa paningin! Dati bang eskwelahan ang mansion na ito? E, dinaig pa nito ang library ng school na pinapasukan ko no’ng high school ako! Malawak ang silid na ito at napakarami ng libro na puwede mong mabasa. From fiction to nonfiction. “Let’s start, Portia!” sabi ko sa sarili ko, saka naglakad papunta kung saan ko inilapag ang mga panglinis na gagamitin ko. Before getting started on the cleaning, I grabbed the iPod and earphones William had lent me out of the pocket of my shorts. Binuksan ko iyon at nagpatugtog at isinuot ang earphone. TIIM BAGANG AT MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ni Crandall sa ere habang nasa sulok siya ng library at nakasandal sa pader. Nakasuksok sa bulsa ng pantalon niya ang kaniyang mga kamay at seryosong pinapanood si Portia na habang naglilinis ay kumakanta at sumasayaw pa. This is the first time he saw Portia’s face clearly. Although they had talked several times, but just like her, he could barely see her face. At ewan ba sa sarili niya. Since the night he could stare into Portia’s hazel nut eyes when he came out of his bathroom at nangyari ang scenario na hindi niya inaasahan, hindi na natahimik ang kaniyang isipan. Seeing her or being in her presence causes him to feel a strange flutter in his heart and he gets mad at himself for it. Damn. He cannot fall in love with Portia. It’s only been a few days since he met her. She’s only been staying at his house for a few days and especially... He can’t fall in love with her because he still loves his ex-fiancée. Muli siyang napatiim bagang at humugot ng malalim na paghinga, pagkuwa’y ipinilig ang kaniyang ulo. Just one look into your eyes and I knew I was gonna spend my life with you I promise I’m yours, always and forever Mayamaya, nang mapakinggan niya nang maayos ang pagkanta ng dalaga ay biglang naghiwalay ang mga kilay niya at mas lalo pang napatitig sa naka-side view na mukha nito. She was singing and dancing, and with a feather duster in her hand, she dusted the book she was holding. At ilang segundo pa ay biglang napahinto sa pagkanta at pagsayaw ang dalaga at bumahing ito nang malakas. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng maliit na ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi nang makita niya ang hitsura ng dalaga. Oh, damn! Why is he smiling? After several years of locking himself in his mansion, only now did he smile again, and it’s because of Portia. Damn! That woman just sneezed, Crandall. Why are you smiling like that? Huramentado ng kaniyang isipan. PAGKATAPOS KONG bumahing nang malakas, ipinunas ko ang aking palad sa suot kong short at kinamot ko ang ilong ko na biglang nangati dahil sa alikabok. “Grabe naman kasi ang alikabok na ito!” paninisi ko sa hawak kong libro na puno ng makapal na alikabok. “Nako, kung nakakapagsalita lamang kayo, I’m sure na matagal na kayong nagreklamo dahil sa kapal ng dumi na nakabalot sa inyo. My God! Wala talagang awa sa inyo ang señorito ninyo, ano? Pinabayaan na kayo rito.” Napailing pa ako at pagkatapos ay inilapag ko sa mesa ang libro nang malinisan ko na iyon. However, I frowned when I saw someone standing in the dark corner of the room. I felt... He was there and watching me. Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon! I took off the earphones I was wearing and put them in my shorts pocket and sauntered towards the corner. But before I even got close to it, I stopped when I heard his voice... “Don’t... Come any closer!” mariin na saad niya. “S-Señorito! Ano po ang ginagawa ninyo riyan?” nagtatakang tanong ko habang pinipilit na aninagin siya. Hindi ko makita ang mukha niya, pero nakikita ko ang puting long-sleeve na suot niya. “Pinapanood mo po ba ako habang naglilinis?” tanong ko pa ulit nang hindi siya sumagot. Mayamaya ay narinig ko ang pagtikhim niya, maging ang pagkilos niya sa kaniyang puwesto. Hanggang sa lumabas siya sa dilim. The moment I got a good look at his face because of the light coming from outside the window, I could feel my heart pounding. It’s so strong that I feel like it wants to come out of my ribcage. Holy. s**t. Wala sa sariling napamura ako sa aking isipan habang hindi ko magawang kumurap at titig na titig lamang ako sa kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD