NAGTATAKANG lumapit ako kay William habang nasa sala ito at nililinis ang nabasag na center table. Nagtataka rin ako kung bakit nakabukas ang mga kurtina sa mataas na bintana?
“William!” tawag ko rito.
Nag-angat naman ito ng mukha at sinulyapan ako saglit bago muling itinuon ang paningin sa ginagawa nito.
“What happened?” tanong ko pa nang tuluyan akong makalapit dito. “Nasa kusina ako nang makarinig ako ng nabasag na gamit. Ito pala ’yon! Saka bakit nakabukas ang mga kurtina?” dagdag na tanong ko pa rito.
Bumuntong hininga naman si William bago nagsalita upang sagutin ako. “Nandito kasi kanina si Sir Damian. Nagkausap sila ni Kuya Crandall. And usual, nagkasagutan na naman silang dalawa, kaya heto at binasag ni Kuya Crandall ang lamesang ito,” pagkukuwento nito sa akin.
Bahagya namang nangunot ang noo ko. “Sino si Sir Damian?” tanong ko ulit.
“Tatay ni Kuya Crandall.”
“Ah,” sabi ko at napatango. “Dahil ba ito roon sa mga ikinuwento mo sa akin no’ng isang araw nang nasa garden tayo?”
Tumango naman si William. “Lagi naman, at iyon lang ang dahilan ng pag-aaway nilang mag-ama,” ani nito. “Huwag na lang natin ito pag-usapan, Portia. Baka marinig niya pa tayo at pagalitan din tayong dalawa.”
Hindi na nga lamang ako nagsalita pa ulit at pinanuod ko na lamang ang ginagawa nitong pagwawalis sa mga bubog na nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay napasulyap ako ulit sa mataas na bintana.
“Bubuksan na ba talaga ang bintana?” nakangiti ako nang bahagya nang tanungin ko ulit si William.
“Hindi,” sagot nito. “Binubuksan lang ’yan ng inay kapag dumadating dito si Sir Damian. Pero kapag nakaalis na siya, isinasarado ulit ’yan.”
“Nanghihinayang talaga ako sa bahay na ito. I mean, look around you,” sabi ko at inilibot ulit ang paningin ko sa buong sala. Although luma nga ang style at design ng mansion, pero maganda talaga ang bahay na ito. Maluwag. Karamihan sa mga gamit na naka-display rito ay antique. I saw an enormous piano in the corner. There are also two large figurines that I know are expensive. There is also an old and large painting of a woman hanging on the wall above the piano. “Kung maliwanag lang sana ang loob ng mansion na ito... I know—”
“Close that damn curtain, William.”
I suddenly stopped talking and turned to the top of the stairs when I heard his angry voice from there. Pero ang naabutan na lamang ng paningin ko ay ang likuran niya habang nag-uumpisa na siyang maglakad palayo sa may puno ng hagdan. Sayang! Maliwanag pa naman ngayon ang buong paligid. I would have a chance to see his face more clearly than last night. But that’s fine. Ayos na ’yong nasilayan ko kahit papaano ang mukha niya kagabi. And until now, I still can’t forget his handsome face, especially his ocean-blue eyes. I feel like I fell in love at first sight with him because since last night, my heart hasn’t stopped pounding every time he comes to my mind. My heart automatically beats faster.
Oh, Que horror! It’s not the first time I’ve fallen in love. I once fell in love with Alex. And speaking of him... I suddenly realized that maybe in just a short time that has passed, I have moved on completely with him because I no longer feel anything in my heart when he crosses my mind. I think... I’ve moved on.
I just smiled because of the ideas that came to my mind. I let out a deep sigh and shook my head and I help William close the large, thick curtain on the window. Pagkatapos ay bumalik ako ulit sa kusina at tinulungan ko na rin si Nanay Josephine sa ginagawa nito. Nang wala na kaming gagawin, I went to my room. Tama nga si William, sa paglipas ng araw ay masasanay rin ako sa madilim na paligid ng mansion na ito. Kahit minsan wala na akong ginagamit na lampara o flashlight, naaaninag ko na rin ang paligid ko.
WHEN I finished reading the book I took from the library the other day, isinarado ko iyon at napatingin sa labas ng bintana. Nakaupo kasi ako sa single couch na ipinuwesto ko sa tabi ng bintana upang maliwanag ang pagbabasa ko. Bahagya kong hinawi ang kurtina niyon para kahit papaano ay pumasok sa loob ng kuwarto ang liwang. I stared at the blue sky, then I sighed deeply and thought of Jass Anne again. How is she? I really have no idea right now what happened to my best friend after that night. I’m not sure if she is in heaven now or in the hospital or still at Wigo’s house. But I still hope and I still pray that she’s still okay. I can’t bear to lose my best friend. Si Jass Anne lamang ang nag-iisang matalik kong kaibigan, kaya labis talaga akong nalulungkot at nasasaktan sa mga nangyari. At kumusta na rin kaya sina Tita Marites at Fritz? I hope na okay lang din sila!
Muli akong humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Mayamaya ay tumayo ako sa puwesto ko. Gusto ko na sanang magsulat ulit ng novel ko dahil isa rin ’yon sa nagpapawala ng stress at anxiety ko. But I can’t for now. I don’t have a laptop and I don’t even have paper and a pen, so for now, reading is all I can do.
Lumabas ako ng silid ko at kahit pinagbawalan na ako ni Señorito Crandall na hindi ako puwedeng pumasok sa library niya, bahala na! Hindi niya naman siguro ako makikita ngayon na magpupunta roon para ibalik ang libro niya at kumuha roon ulit ng bago.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng library, I took a deep breath, pagkatapos ay hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahang pinihit iyon pabukas. Napangiwi pa ako nang lumangitngit iyon kaya lumikha ng ingay na panigurado akong umabot hanggang sa dulo ng pasilyo. Saglit akong nanatili at naghintay kung bigla ba siyang dadating, pero pagkatapos ng ilang segundo at wala akong ibang naulinigan sa buong paligid kun’di katahimikan lamang ang namayani, ipinagpatuloy ko ang pagbukas sa pinto at pumasok na ako. Tahimik din sa loob kaya sigurado akong wala siya rito!
I continued walking until I reached the shelf where I took the book yesterday. I put it back there and looked for something to read again later. Ang kakapal talaga ng mga alikabok na nasa ibabaw ng mga libro. Mabuti na lang at wala akong allergy sa alikabok. Pinasadahan ko ng ilaw ng flashlight ang bawat librong madaanan ko. Kahit ang nasa itaas ng shelves ay tiningan ko na rin. At nang magahip ng paningin ko ang libro na isinulat ng idol kong si Nicholas Sparks, bigla akong napangiti. Although lahat na yata ng libro nito ay nabasa ko na, pero hindi pa rin ako nagsasawang ulitin ang mga iyon.
“Ang taas naman,” sabi ko sa sarili ko at kaagad ding iginala ang paningin sa paligid upang maghanap ng ladder shelf na magagamit ko para kunin ang libro na iyon. And at the end of the shelves, I saw a ladder there, so I immediately walked over to get it. May gulong naman iyon kaya hindi na ako nahirapang hilahin iyon. Nang makabalik ako sa puwesto ko kanina, dahan-dahan akong umakyat doon. Pero hindi ko pa rin maabot ang libro dahil medyo mababa ang ladder. Saglit akong yumuko at inilawan ang inaapakan ko pagkuwa’y tumuntong na ako sa pinakaibabaw ng hagdan upang maabot ang libro.
“I told you not to enter here, but you disobeyed my order, young lady!”
Nang marinig ko ang boses niyang iyon ay nagulat ako, kaya dumulas ang kamay ko na nakahawak sa gilid ng shelf at gumiwang ang inaapakan ko. Sa labis na takot ko na mahulog ako sa sahig, napapikit na lamang ako nang mariin.
“Ahhh!” napasigaw pa ako.
Pero mayamaya, hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa sahig, kun’di naramdaman kong bumagsak ako sa matitigas na mga braso.
Sa labis na takot at kaba na naramdaman ng puso ko ay hindi ko alam kung ilang segundo akong nakapikit lamang nang mariin habang pinapakalma ang sarili ko. But I know I am now in Señorito Crandall’s arms. Nasalo niya ako nang magulat ako sa bigla niyang pagdating.
Later, I slowly opened my eyes and saw that I focused the light of my flashlight on his face, so I could clearly see what he looked like now. At kagaya sa naramdaman ko kagabi nang una kong masilayan ang mukha at mga mata niya, awtomatikong kumabog nang malakas ang puso ko sa mga sandaling ito. Hindi agad ako nakapag-react habang titig na titig ako sa guwapo niyang mukha. Seryoso lamang din siyang nakatitig sa akin na kagaya ko ay parang nagulat din siya sa nangyari.
Oh, my gulay!
This is his handsome face! I have seen many handsome men, pero feeling ko ay kakaiba ang dating sa akin ng guwapo niyang mukha. Lalo na ang mga mata niyang mapupungay. Kulay asul man iyon, but I could clearly see in those eyes the sadness and disappointment he was going through in his life. I could see that it was full of sadness. Parang feeling ko habang nakatitig ako sa mga mata niyang iyon, nakikita ko na nag-iisa lamang siya sa gitna ng kawalan. Walang karamay, pero pinipilit na maghintay na may dumating sa buhay niya para damayan siya.
I kept staring at his ocean-blue eyes that were also gazing at me.
“My God! What dazzling eyes you have! They could light up any dark room,” mahinang usal ko sa kaniya.
Yeah, right!
Mayamaya, mula sa pagkakatitig niya sa mga mata ko, bumaba ang paningin niya sa mga labi ko. Napatikom naman ako at napalunok ng aking laway.
“Portia!”
Nang marinig namin ang boses ni William, bigla niya akong binitawan kaya nahulog ako sa sahig!
Oh, s**t!
Napangiwi na lamang ako. Walang-hiyang lalaki! Hindi nga ako nahulog kanina sa sahig dahil sinalo niya ako, tapos ngayon naman ay bigla niya akong binitawan, kaya nahulog din ako sa marmol na sahig.
Walang salita at nagmamadali siyang naglakad palayo.
“Portia?” nagtatakang tawang sa akin ni William nang makita ako nito na nasa sahig.
“Ouch!” daing ko at napaupo. Hinimas ko pa ang likod at ulo ko na bahagyang nasaktan.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
“Do I look like I’m okay, William?” sa halip ay naiinis na tanong ko rito.
“Ano ba ang kasi ang ginagawa mo? Nahulog ka ba?” tanong pa nito at tinulungan akong makatayo.
Kaagad ko namang pinagpagan ang suot kong damit na nadumihan na. “Kukuha kasi sana ako ng bagong libro, pero binitawan ako ng lalaking ’yon.”
“Huh?”
“Wala. Ang sabi ko, tulungan mo naman akong abutin ang libro na ’yon. Hindi ko makuha, e!” sabi ko na lamang, saka inilawan ko ang libro na nasa itaas ng shelf na gusto kong kunin.
Bumuntong hininga naman ito. “Sana kasi tinawag mo ako kanina. Nasaktan ka pa tuloy,” paninising sabi pa nito sa akin at umakyat na rin sa ladder. “Here.”
“Thank you, William,” sabi ko na lang.
“Halika. Baka makita ka pa rito ni Kuya Crandall. Nakauwi na siya rito sa mansion.”
“Nakita niya na ako rito,” bulong na sabi ko.
“Ano?” tanong ulit nito habang pababa na ito sa ladder.
“Wala. Halika na nga,” sabi ko na lamang at tumalikod na, at naglakad kahit iniinda ko pa rin ang sakit sa likod at ulo ko. Walang-hiya naman kasi ang lalaking iyon! Guwapo sana... Ungentleman lang!