“MABUTI naman at natuto ka pang umuwi rito sa bahay! Ang buong akala ko kasi ay nakalimutan mo na ang address natin. My God, Portia! Tatlong araw kang hindi umuwi rito! Baka gusto mong ipaalala ko sa ’yo na may mga taong naghihintay at nag-aalala sa ’yo rito?”
Ang sermon agad ni Tita Marites ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang sa living room ng bahay. Mabilis akong napapikit nang mariin saka nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“Ma, umagang-umaga ang ingay mo na naman diyan!”
Napatingin ako sa itaas ng hagdan nang marinig ko mula roon ang boses ni Fritz, ang pinsan ko.
“Hayaan mo na ’yang si Portia kung hindi umuwi rito sa bahay. Malaki na ’yan. Alam na niya kung ano ang ginagawa niya.” Dagdag pa nito.
“Isa ka pa! Kagaya ka na rin diyan sa pinsan mo! Puro sakit sa ulo ang binibigay ninyo sa akin.”
Napabuntong-hininga akong muli. “Tita, please. Huwag mo na pagalitan si Fritz. Kung galit po kayo sa akin dahil sa hindi ako umuwi rito ng ilang araw, I’m sorry. Busy lang po ako sa trabaho ko.” Pagdadahilan ko na lamang dito.
I was fifteen years old when my parents died because of a car accident.
Pagkatapos mailibing ang mga magulang ko ay si Tita Marites na ang nag-alaga sa akin. Ito ang naging legal guardian ko dahil ito lang naman ang kapatid ng Papa ko. Maayos naman ang unang pakikitungo nito sa akin. Mabait. Maalaga. Lahat ng gusto at hihilingin ko ay binibigay nito sa akin. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagbago ng pakikitungo sa akin. Bagay na labis kong ikinagulat at ikinalungkot.
Dahil nag-iisang anak lang ako ng magulang ko, sa akin naiwan lahat ng ari-arian ng magulang ko. Ang mansion na tinitirhan namin ngayon, ang tatlong mamahaling sasakyan na nakapangalan kay Papa; ang perang nagkakahalaga ng milyones na nasa bangko na nakapangalan kay Mama at Papa; maging ang restaurant na ipinatayo ni mama noong maliit pa lamang ako; pati ang business ni papa, which is Furniture. Lahat ng iyon ay nailipat sa pangalan ko. Ngunit sa isang iglap lamang ang lahat ng iyon ay bigla ring nawala sa akin. And that’s because of my Tita Marites. Matagal na pala nitong nilulustay ang kayamanan ko ng hindi ko namamalayan.
Kinuha nito ang pera ko sa banko para gamitin sa pagsusugal nito sa casino. Ibinenta rin nito ang dalawa kong kotse at ang restaurant ni mama. Dahil bata pa ako noon at malaki ang tiwala ko kay Tita Marites, kaya sa tuwing hihilingin nito sa akin na pirmahan ko ang mga dokumentong ipinapakita nito sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na pirmahan iyon. Nalaman ko na lamang na lahat ng kayamanan na iniwan sa akin ng aking mga magulang ay naubos na pala noong sinisingil na si Tita Marites ng bangko dahil sa dami ng utang nito. At ibinenta rin nito ang negosyo ni Papa para lang makabayad ito at hindi makulong. Ang natitira na lang sa akin ngayon ay itong mansyon at ang isang sasakyan.
“Hayaan mo na ’yan si mama, Portia. Umakyat ka na sa kuwarto mo para makapag-pahinga ka na rin. You look pale. Have you slept these past few days?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Fritz.
Hindi naman ako sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga lang ako ulit.
Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang aking noo. “Oh, my God! You are sick, Portia! Mainit ang katawan mo. Ma, may sakit si Portia.” Nag-aalalang saad nito at lumingon kay Tita Marites.
“At ano ang gusto mong gawin ko? Ako pa ang mag-aalaga sa kaniya?” pagalit na tanong nito.
“God! Napaka-rude mo talaga sa pamangkin mo. Whatever! Come here, Portia, magpahinga ka na sa itaas.” Inalalayan ako nito sa braso upang umakyat sa hagdan.
“Salamat, Fritz,” tipid na sabi ko nang makapasok na kami sa silid ko. Inalalayan pa ako nitong humiga sa kama saka inayos ang kumot ko.
“Don’t mention it. Teka lang at kukuha ako ng pamunas mo.” Saka nagmamadaling lumabas sa kuwarto ko para muling bumaba at magtungo sa kusina. Ilang saglit lang ay bumalik din ito agad habang may bitbit na isang maliit na palanggana at may laman na maligamgam na tubig at towel. Umupo ito sa gilid ng kama ko. “Where have you been these fast few days? Bakit ka nagkasakit? Ikaw ba ay nagpapahinga pa, Portia? Baka naman inaabuso mo na ang sarili mo sa trabaho mo? Nako! Portia, sinasabi ko sa ’yo... Hindi maganda ’yang ginagawa mo.” Pagalit na sabi nito habang nagsisimula ng punasan ang mukha, leeg at mga braso ko.
Umubo naman ako. “Nagpapahinga naman ako—”
“Liar!” ani nito dahilan upang maputol ang pagsasalita ko. “Hindi ka magkakasakit kung marunong ka magpahinga.” Seryosong dagdag pa nito.
Hindi na lamang ako umimik. Wala rin naman mapupuntahan ang usapan namin ngayon kung sasagutin ko pa ito. At isa pa, talagang nanghihina ang buong katawan ko. Sobrang init ng buong katawan ko ngayon.
Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin.
“Wala na kami, Fritz,” mayamaya ay sabi ko habang nakatitig sa kisame.
Naramdaman ko namang huminto ito sa pagpunas sa braso ko at tinitigan ako. “Who? Alex?” tanong nito.
Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong nito.
“Why? What happened? Akala ko ba monthsary ninyo noong isang araw? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ka umuwi rito sa bahay?” tanong nito ulit.
“He cheated on me. Naglalandian sila ni Trish tuwing nakatalikod ako sa kanila. Kapag hindi ko sila nakikita.” Muli ko na namang naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata at ilang segundo lang ay tumulo na naman ang mga luha ko.
Traydor talaga itong mga luha ko! Halos tatlong araw na akong umiiyak dahil sa gagong Alex na ’yon, pero hanggang ngayon ayaw pa rin tumigil sa pagtulo nitong mga luha ko. Sa tuwing maiisip ko ang panloloko nila ni Trish sa akin, hindi ko pa rin maiwasan ang mapaluha. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing sasagi iyon sa isipan ko. Alex is my first boyfriend. Akala ko siya na ang makakasama ko buong buhay ko, pero mali pala ako! Mali ako na inisip ko ’yon!
“You know what... Enough crying, Portia. Cheating men shouldn’t cried over,” sabi nito. “They don’t deserve our tears. At isa pa, hindi ka naman bagay sa gagong lalaking ’yon. I’m sure madami ka pang mahahanap at makikilang lalaki. ’Yong mas better pa kaysa sa kaniya. ’Yong mas guwapo pa kaysa sa kaniya. Hindi mo deserve ang lalaking gaya niya! And he should be the one crying now because he lost you. Saan pa siya makakahanap ng isang katulad mo? Wala na! Kasi nag-iisa ka lang sa mundo, Portia! You’re beautiful inside and out. Hindi mo siya deserve,” sabi ni Fritz sa akin.
“But I love him, Fritz! So you can’t blame me for why what he did has this effect on me. It’s also my first time falling in love. He’s my first boyfriend and he’s my first heartbreak, kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sumisinghot na sabi ko. Muli kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.
“I know that.” Ani nito at mapait na ngumiti sa akin. “I felt the same way before. But we all go through that first time, Portia. What is important is that we learn something from what happens to us. At least sa susunod alam mo na kung ano ang pakiramdam at kung ano ang gagawin mo. But I hope it won’t happen again,” sabi nito. Umangat ang isang kamay nito papunta sa pisngi ko upang punasan ang aking luha roon. “I know sometimes nag-aaway tayo dahil sa mga walang katuturang bagay. Pero magpinsan pa rin tayo, Portia. Magkadugo pa rin tayo, kaya nasasaktan ako ngayon habang nakikita kitang nasasaktan dahil sa tangang Alex na iyon.” Ani nito at inipit sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok ko na nalaglag sa harap ng mukha ko. Mayamaya ay masuyo nitong pinisil ang palad ko. “Kaya tumigil ka na sa pag-iyak. Magpahinga ka na para bumaba ang lagnat mo.”
Tipid akong ngumiti habang nakatitig pa rin dito ng mataman. “Thanks, cous.”
Isang ngiti din ang pinakawalan nito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko.
Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
“You don’t deserve my tears, Alex. Siguro nga nagkamali ako sa inakala ko na tayo na hanggang dulo. Makakalimutan din kita.” Bulong ko sa sarili bago ipinikit ang aking mga mata.
“KUMUSTA naman ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? I mean, you should be okay,” sabi sa akin ni Jass nang magpunta ako sa opisina nito.
It’s been a week simula nang umuwi ako sa bahay at magkasakit. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa trabaho ko dahil medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Fritz na pumasok ngayong araw at gusto nitong magpahinga na lang muna ako, pero nagpumilit na rin akong bumalik sa trabaho. Nababagot na kasi ako sa bahay at wala naman akong ginagawa. Buong maghapon ay nakahiga lang ako sa kama ko at nakatulala sa kisame. Dahil hindi nalilibang ang isipan ko sa ibang bagay, kaya lagi ko pa rin naiisip ang mga nangyari noong nakaraang linggo.
Bumuntong-hininga ako ng malalim at umupo sa silyang nasa tapat ng lamesa ni Jass. “Not totally okay. But I’m doing my best to be okay,” sagot ko.
Tipid naman itong ngumiti sa akin. “Ganiyan nga! Iyan talaga ang inaasahan kong marining mula sa ’yo,” sabi nito. “Teka, wala ka na bang lagnat? Medyo namumutla ka pa rin, e!” kunot ang noo na tanong nito mayamaya.
“I’m fine. Kaya ko naman magtrabaho.”
“Portia.” At tinitigan ako nito ng seryoso.
Nag-iwas naman ako ng tingin dito at isinandal ang likod ko sa upuan. “Hayaan mo na akong magtrabaho ulit, Jass. Mas maigi nang may ginagawa ako para malibang ang isipan ko.”
Bumuntong-hininga naman ito at tumango. Naiintindihan nito ang ibig kong sabihin.
Mayamaya ay tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito at umikot palapit sa puwesto ko. “Give me a hug. Namiss kita!” Nakangiti pang sabi nito at biglang yumuko upang yakapin ako.
“Thank you, Jass.” Bulong na saad ko saka gumanti rin sa yakap nito sa akin.
“Ang mahalaga para sa akin ay maging okay ka.” Sambit nito saka ako binitawan at bumalik ito sa puwesto nito kanina. “And don’t worry about them... Kinausap ko na kahapon si Alex about sa—”
“Jass, you know you don’t need to do that,” sabi ko upang putulin ito sa kung ano pa man ang nais nitong sabihin sa akin. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Ayoko naman na mas lalo ako maging laman ng usapan dito sa building dahil lang sa tinanggal mo sila sa trabaho dahil sa mga nangyari noong isang linggo. Let’s be fair. Kung ano man ang mga nangyari between us... Hindi kasama ang trabaho doon. And besides, ayokong makarinig ng tsismis mula sa ibang tao na ginamit pa kita para lang makaganti sa kanila. Hayaan mo na ’yon. I don’t think na hindi ko magagawang mag-move on kung makikita ko pa rin sila rito. Dahil tama ka, tama kayo... I don’t deserve a man like him. Maybe, pinagtagpo kami pero hindi kami ang nakatadhana para sa isa’t isa. I deserve someone else. Someone better than him. Someone else na kaya akong mahalin nang totoo at tapat. Lalaki na kayang maging faithful sa akin at sa relasyon namin. Lalaking masasabi kong My The One and My Forever.” Tipid akong ngumiti pagkatapos kong banggitin ang mga salitang iyon.
May kirot pa man sa puso ko sa mga sandaling ito, pero kaya ko namang indain, hindi kagaya noong nakaraan. Oo ilang araw lang akong nawala rito sa trabaho ko para magpahinga, pero masasabi kong medyo okay na ngayon ang pakiramdam ko kumpara nitong mga nagdaang araw. Ganoon siguro kapag tinanggap mo na lang sa sarili mo na kailanman ay hindi na magiging sa ’yo ang isang tao kahit pa sabihing mahal mo pa rin ito. Wala ka naman magagawa kung si tadhana na mismo ang nakapagitna at nakahadlang sa inyong dalawa.
“That’s my girl. I didn’t expected to hear that from you. But I’m happy,” sabi ni Jass at ngumiti sa akin ulit. Nang mag-iwas ito ng tingin sa akin ay muli itong nagpakawala nang mabigat na buntong-hininga.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Bakit parang ikaw naman ata ang may problema ngayon?” Nagtatakang tanong ko.
“Si mama kasi, e!”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. “Bakit? Nag-away na naman ba kayo?”
“Ano pa ba ang bago sa amin ni mama? Kilala mo naman siya, Portia.”
“So, it’s about the proposal again?” Tanong ko ulit pagkuwa’y dinampot ko ang isang libro na nasa ibabaw ng lamesa nito at tiningnan ko ang cover at mga pages n’on.
“Ano pa nga ba? Mas lalo akong na stress dahil sa kaniya. She knows that Wigo and I have been in a relationship for a long time, pero pilit pa rin niyang iginigiit sa akin na wala akong future sa boyfriend ko. Portia, hindi ko na alam kung ano ang gagawin kay mama.” Halata sa mukha nito ang labis na pagkairita at stress dahil sa ina nito.
“I told you before, just elope with Wigo para wala ka ng problema,” pabirong sabi ko na naging dahilan ng pagsimangot nito sa akin.
“If you will take my position here in APC, sana matagal ko ng sinunod ’yang suggestion mo sa akin, Portia. Pero ayaw mo naman. Kawawa naman itong negosyo ko kung pababayaan ko na lang nang basta-basta.”
“I can’t run a big company by myself, Jass Anne, you know that. Kung kaya ko lang, bakit hindi?” sabi ko. “Teka nga pala, nakita mo na ba ’yong guy na sinasabi sa iyo ni Tita May?” Mayamaya ay pag-iiba ko sa usapan namin.
“You know, I don’t waste time on useless thing, Portia. Kaya hindi ako sumipot sa dinner na in-arrange ni mama para sa amin ng lalaking gusto niyang maging boyfriend ko. At isa pa, kung pumayag ako na makipagkita sa lalaking ’yon, malamang na mag-i-expect si mama na tinatanggap ko na ang offer niya sa ’kin.”
“Kung sabagay. Hayaan mo na. Maiintindihan ka rin ng mama mo. Soon.”
Bumuntong-hininga ito. “Kailan kaya ang soon na ’yan? Nakakainip na at gusto ko ng magsama kami ni Wigo sa iisang bahay. Gusto ko ng magpakasal kami,” sabi nito at isinandal ang likod nito sa swivel chair.