CHAPTER 2

1548 Words
LAKAD at takbo ang ginawa ko para lang makalayo agad sa mga taong naroon at nakatingin sa akin. I was about to turn at the end of the hallway when someone suddenly grabbed my arm to stop me. Despite my vision being unclear, I compelled myself to focus on the person who halted me, ngunit mas lalo lamang akong nasaktan at nagalit nang makita kong si Alex pala iyon. “Portia, please let me explain first—” Kagaya sa ginawa ko kay Trish kanina, isang malakas na sampal ang ibinigay ko rito nang bawiin ko ang braso ko na hawak-hawak nito. “Explain? Explain again, Alex? Para ano? Para muli mo na naman mapaikot ang utak ko? Para muli mo akong papaniwalain na mali ang mga nalaman ko kanina? Hindi ako ganoon kabobo at katanga para muling paniwalaan ang mga paliwanag mong puno ng kasinungalingan!” puno ng galit at sakit na singhal ko rito. “You did it once, Alex. Ang sabi mo it was a misunderstanding, so I believed you kasi wala akong hawak na ebidensiya. But now kitang-kita nang dalawang mata ko ang picture ninyo ni Trish. How can you explain about that?” mariing tanong ko. “Bakit mo pa ako niligawan at ginustong maging girlfriend mo kung nasa iba naman pala ang interest mo, Alex? Bakit hindi na lang si Trish ang niligawan mo una pa lang para hindi mo na ako nasaktan nang ganito? Para hindi n’yo na kailangan na magtago sa rooftop sa tuwing magkikita kayong dalawa!” Umiling-iling naman ito pagkatapos ng mga sinabi ko. “Portia, no please! I love you, babe,” sabi nito saka sinubukang abutin ang kamay ko, pero mabilis akong umatras. Napailing ako kasabay nang pagpunas ko sa aking mga luha na patuloy pa ring tumutulo sa aking pisngi. “You don’t love me, Alex! Dahil kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako sasaktan nang ganito. Hindi mo ’to gagawin sa ’kin,” sabi ko. At mayamaya, mabilis akong tumalikod at ipinagpatuloy ang paghakbang ko palayo. Ang bigat at ang sakit-sakit ng dibdib ko. I feel like there is a knife that is trying to be buried in my heart so that what I feel now hurts even more. My knees are shaking too. Even though my eyes were blurry from the tears that were still flowing, I forced myself to walk. Pagkalabas ko sa building, ang malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa akin. Tila nakikiramay yata ang panahon sa sakit na iniinda ngayon ng puso ko. Mas malakas kasi ang ulan ngayon kumpara kanina. I looked up at the sky for a moment before running down the road—under a heavy downpour. Naghalo na ang ulan at ang aking mga luha. Mayamaya, nang makalayo na ako sa APC, pagod na napaluhod ako sa semento nang makaramdam ako ng tuluyan na panghihina sa aking mga tuhod. Siguro dahil sa pinaghalong lamig ng hangin at ulan na tumatama sa impis kong katawan, kaya hindi ko na nakayanan. “Mga manloloko!” mahina ngunit mariing sambit ko, pagkuwa’y tumingala ulit sa madilim na kalangitan. Napapikit ako nang mariin. PAPASOK pa lamang ako sa looby ng building ay agad na sumalubong sa akin ang mga tinginan ng aking mga katrabaho. Mga tingin na iba ang nais na ipahiwatig sa akin. But instead of paying attention to them, I just ignored them and continued walking. “Totoo ba ’yon? Ang akala ko pa naman ang bait niya. Malandi rin naman pala!” “My God! Huwag kang nagpapaniwala sa magandang hitsura, bes. Unang kita ko pa lang naman diyan sa Portia na ’yan ay malandi na talaga siya! Ang lakas pa ng loob niyang sampalin si Trish sa harap ng maraming tao e, siya naman pala itong mang-aagaw ng boyfriend.” “Talaga? So, totoo pala ang kumakalat na tsismis sa buong building? Si Trish pala talaga ang totoong girlfriend ni Alex at hindi si Portia?” “Korek, bes! At isa pa, malapit na rin silang ikasal ni Alex. Kahapon sinabi rin ni Trish na two months na siyang preggy.” Kahit ano ang pilit ko sa sarili ko na pigilang huwag pumatak ang aking mga luha, sa huli ay hindi ko rin iyon nagawa at bigla iyong tumulo dahil sa mga narinig ko. Oh, God! What is this problem I am facing now? Ako na nga itong inagawan ng boyfriend, pero ako pa ang lumalabas na masama sa mata ng mga tao rito sa building. At ano itong narinig ko? Alex and Trish are getting married? That Trish was two months pregnant, and the father was the man I loved? I felt more pain in my heart. “Portia!” The moment Jass Anne’s voice reached my ears, I swiftly wiped my tears and regained composure with a deep breath. “You! You and you! Gusto n’yong matanggal sa trabaho?” pagalit na tinuro ni Jass Anne ang tatlong babae na nag-uusap sa gilid ng lobby. “Sorry po, Miss Jass Anne!” Kaagad na umalis ang tatlong babae, kaya nilapitan ako ni Jass Anne. “Portia!” Hinawakan ako nito sa braso ko. “Hindi mo na dapat pinapakinggan ang mga gano’ng usapan.” “So, totoo nga? Kumakalat dito sa building na ako ang masama at siya ang santa santita?” tanong ko. Pagkatapos kasi nang nangyari no’ng isang araw, hindi ako pumasok kahapon kaya hindi ko alam kung ano ang mga nangyari dito sa APC pagkatapos ng eskandalong nangyari. “Portia, we know the truth. You know the truth. Dapat hindi ka magpaapekto sa mga sinabi nila,” wika nito. “Come here. Sa office tayo mag-usap.” Kaagad ako nitong iginiya papunta sa elevator hanggang sa makarating kami sa opisina nito. “Can I take a break?” tanong ko habang nakaupo na sa sofa. Lumapit naman sa akin si Jass Anne at ibinigay nito sa akin ang isang baso ng tubig na kaagad ko namang tinanggap at ininom. “Yes you can, Portia. That is also the reason I want to talk to you now,” she said and sat next to me. “It’s been a few years since you worked here in my company and even once, I have never seen you even unwind.” Tipid akong ngumiti. “Thank you, Jass Anne!” “Portia.” Kinuha nito ang isang palad ko, at ginagap iyon. “Hindi ako magsasawang sabihin sa ’yo ito... You don’t deserve him, okay? Makakalimutan mo rin siya,” seryosong sabi nito. “And if you want sa Tagaytay ka na muna. Walang tao sa rest house ko. Puwedeng doon ka na muna magpahinga.” “Thank you so much, Jass Anne.” “Anything for you, Portia. Just give me a call if you need me, okay? Pasasamahan na rin kita kay—” “No need,” sabi ko upang putulin ang pagsasalita nito. “G-Gusto ko munang umuwi sa bahay. Siguro... Doon na lang muna ako magpapahinga.” Banayad na bumuntong hininga naman ito at tumango. “Okay. If that’s what you want.” Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Jass Anne, nagpaalam na rin ako na aalis na. Ayoko nang magtagal dito dahil baka makita ko pa ulit si Trish or si Alex. “Portia!” I immediately stopped when I heard Alex’s voice while I was walking down the hallway. When I looked back at him, he was rushing towards me. “Please, we need to talk.” “Alex—” “I love you, babe! Please, I’m sorry! Hindi ko sinasadyang saktan ka! Hindi si Trish ang mahal ko. She’s just a fling. Ikaw, babe. Ikaw ang mahal ko. Please, huwag mo naman ako iwasan, o! Huwag ka ng magalit sa akin!” pagsusumamo nito pagkuwa’y mabilis na hinuli ang kamay ko. “Let me go, Alex!” galit na saad ko, at itinulak ito sa dibdib. “Please! Mahal na mhal kita, alam mo ’yon, Portia!” Natawa ako nang pagak at umiling. “No, Alex,” sabi ko. “Hindi mo ako mahal! Dahil kung totoo man ’yang pagmamahal na sinasabi mo sa akin, sana hindi mo ’to ginawa sa akin! Sana hindi mo ako sinaktan!” “I made a huge mistake, babe! Inaamin ko ’yon! Pero mahal talaga kita! So please, forgive me! I promise, hindi na mauulit ito!” “Enough, Alex! Huwag mo na ako pahirapan pa! Nakikita mo naman na sobra akong nasasaktan dahil sa ginawa ninyo ni Trish, hindi ba? So please, ako rin ang nagsusumamo sa ’yo!” saad ko at pilit na pinipigilan ang sarili ko na hindi na maiyak ngayon. “Siguro nga hindi tayo ang para sa isa’t isa, kaya nangyari ang lahat ng ito! Kahit masakit, tatanggapin ko na hindi na kita matatawag na pag-aari ko. Trish is pregnant, kaya huwag mong hayaan na lumaki ang anak ninyo na hindi buo ang pamilyang kakagisnan niya.” Sa pangalawang pagkakataon... Ayoko mang lumuha ulit, pero hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko nang sambitin ko ang mga katagang iyon. God, ang sakit! Mabilis akong tumalikod at muling naglakad. “Babe!” Ngunit hindi ko na ito pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad ko hanggang sa makalabas ako ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD