HINDI ko alam kung gaano ang itinagal ng paghihinang ng mga labi namin ni Crandall bago ko naramdaman na unti-unti niya na akong pinakawalan. Pero hindi agad ako nagmulat ng aking mga mata. Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo.
“Portia!”
When his voice called out my name, I opened my eyes slowly and saw him staring at me.
Oh, God! My heart is pounding even more now as I stare into his ocean-blue eyes. My lips parted, but no words came out of my mouth. Pakiramdam ko ay bigla ko yatang nalunok ang dila ko at hindi ko nagawang makapagsalita. I couldn’t take my eyes off of him and I couldn’t even blink for a second.
“What did you do to me?”
Napatitig din ako sa mga labi niya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang tanong niya. What did I do to him? Wala naman. Ah, maybe itong pagkatumba namin ang ibig niyang sabihin.
Tipid akong ngumiti sa kaniya, pagkuwa’y kumilos para sana umalis na talaga sa ibabaw niya dahil kung titingnan, medyo awkward ang posisyon namin ngayon. I could also feel his hard solid-member on my stomach that made my face suddenly warm. Gosh! Parang gusto ko tuloy ngayon magpalamon sa lupa upang maglaho ako sa paningin niya. Hiyang-hiya na talaga ako sa nangyayari sa akin!
Aalis na sana ako sa ibabaw niya, pero naramdaman ko naman na muling humigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko.
“C-Crandall,” sambit ko sa pangalan niya nang muli akong mapatitig sa mga mata niya.
“Answer me, Portia. What did you do to me?” tanong niya ulit habang nagpapalipat-lipat pa ang tingin niya sa mga mata at mga labi ko, pagkuwa’y narinig ko ang paglunok niya.
“I . . .” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Holy lordy! “I-I’m sorry. H-Hindi ko naman sinasadyang—”
I couldn’t finish what I was going to say to him again when he pulled my neck and claimed my lips again. Jusko! Sa pangatlong pagkakataon, I tasted his lips again. Ang halik niyang simpleng dampi lang naman sa mga labi ko, pero feeling ko ay napakasarap at ibang-iba sa halik na natikman ko kay Alex noon. Why? Oh, damn! Why do I feel this way? Mababaliw yata ako sa ginagawa ni Crandall sa akin ngayon.
Ang akala ko, simpleng pagdampi lang ulit sa labi ko ang gagawin ni Crandall, but I was wrong. Because it didn’t take long, I felt his lips move, and he inserted his tongue inside my gaping mouth. Dahil sa ginawa niyang iyon, napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko.
Oh, sweet Jesus!
Akma na sana akong lalayo sa kaniya, pero mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko maging ang pagkakapulupot ng isang braso niya sa baywang ko at diniinan pa niya ang pag-angkin sa mga labi ko.
Gusto ko siyang pigilan at tutulan, pero mayamaya, iba naman ang nangyari. Sa halip na lumayo ako sa kaniya at umalis sa ibabaw niya, muling pumikit ang mga mata ko at nag-umpisang gumalaw ang mga labi ko upang tugunin ang halik na iginagawad niya sa akin. I don’t know. I feel like I suddenly became an expert in the torrid kiss he gave me and I immediately resisted it. Damn, I savored his hot tongue and his fragrant breath. I couldn’t stop myself and moaned.
Tuluyan na nga akong nawala sa sarili ko at nagpaubaya sa kakaibang halik na iyon sa akin ni Crandall.
Hindi ko na namalayan kung ilang segundo o minuto ulit ang lumipas bago naghiwalay ang mga labi namin. Kapwa habol pa namin ang paghinga namin. At mayamaya, nang magmulat ako ng mga mata ko, hindi ko napigilan ang mapangiti nang malapad nang tumitig siya sa akin at nakita kong may ngiti rin sa mga labi niya.
Damn. Napakaguwapo niya talaga! Lalo na ngayong nakangiti siya sa akin. That’s the most handsome smile I’ve ever seen in my whole life.
Naramdaman ko pa ang lalong pag-iinit ng buong mukha ko nang hindi niya man lang inalis ang paninitig niya sa akin. Damn this man! Ano ang gusto niyang mangyari sa akin? Matunaw dahil sa klase ng paninitig niya sa akin?
“Stop it,” sabi ko sa kaniya at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kinagat ko pa ang pang-ilalim kong labi upang pigilan ang sarili ko na mapangiti pang lalo.
Itinuon ko sa gilid ng ulo niya ang paningin ko. Pero sa gilid ng mata ko, kitang-kita ko na napangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin. Naramdaman ko pa ang masuyong maghaplos ng isang palad niya sa likod ko, kaya napatitig ako ulit sa kaniya.
“W-Why are you looking at me like that, señorito?” tanong ko sa kaniya.
“I just realized how beautiful you are, especially now that I can stare at you closely.”
Napalunok ako kasabay niyon ang muling pagliliparan ng mga paruparo sa sikmura ko. Kinikiliti na naman nang husto ang kaibuturan at puso ko dahil sa sinabi niya. My God! Mabuti na lamang at gabi na at medyo dim lang ang liwanag ngayon dito sa garden. Dahil kung nagkataong maliwanag dito nang husto, hindi ko alam kung paano ko itatago sa kaniya ang pamumula ng mukha ko. I’m sure na parang hinog na iyon na katamis.
“W-Why did you kiss me, Crandall?” tanong ulit sa kaniya.
Bumuntong hininga siya nang banayad, pagkuwa’y naramdaman kong pinakawalan niya ang batok ko at ginawa niyang unan ang isang braso niya at matamang pinakatitigan lalo ang mga mata ko. Sinuyod niya ng tingin ang buong mukha ko. Masuyo pa ring humahaplos sa likod ko ang isang palad niya.
“Because that’s what your eyes say, Portia—you want me to kiss you,” sabi niya.
Napamaang ako. What? Ganoon ka-obvious sa mga mata ko na gusto kong halikan niya ako? Oh, Portia! Masiyado ka kasing pahalata! But it’s okay. At least my wish granted.
Muli akong napangiti sa kaniya. Nang mailang na ako sa titig niya, dahan-dahan kong ipinilig sa dibdib niya ang ulo ko. Hindi na ako nangahas na umalis sa puwesto ko. Well, mas masarap sa pakiramdam na nasa ibabaw niya ako. Although I could still feel his solid-member down there.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Pareho lamang kaming tahimik at nanatili sa puwesto namin ng ilang minuto bago siya ang unang nagsalita ulit.
“Let’s go inside. I’m hungry,” aniya.
Muli akong nag-angat ng mukha at tinitigan siya saglit bago ako kumilos sa puwesto ko at umalis na nang tuluyan sa ibabaw niya. Kaagad ko ring inilahad sa kaniya ang kamay ko upang alalayan siyang makatayo. Tinanggap naman niya ang kamay ko, at pagkatapos at binitawan iyon at pinagpag niya ang damit at buhok niyang kinapitan na ng mga tuyong damo at dahon. Tinulungan ko na rin siya.
“Tara na sa loob,” sabi ko sa kaniya at kaagad na tumalikod, para sana magpatiuna nang maglakad sa kaniya. But I halted and turned to him again when I felt him hold my hand. Ilang segundo akong napatitig sa nakangiti niyang mukha bago bumaba ang paningin ko sa mga kamay naming magkahawak. And later, he interlaced our fingers.
“Come on,” aniya at nagsimula na siyang maglakad.
Wala na rin akong nagawa kung ’di ang maglakad at sumunod sa kaniya. Muli akong napangiti nang malapad.
Gosh! Puwede bang tumili ngayon para ilabas ang kilig na nararamdaman ng puso ko?
PABALING-BALING ako sa higaan ko at hindi ko alam kung paano ako kakalma ngayon. Anong oras na, pero heto ako at dilat na dilat pa rin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para makatulog ako. Kanina, pagkatapos nang nangyari sa amin ni Crandall sa garden, at nang makapasok kami sa kusina para kumain, pareho na kaming tahimik at walang imik. Parehong hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin namin. Pero kapag napapasulyap kami sa isa’t isa, bigla kaming magngingitian na parang mga ewan.
Oh, God! Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Especially every time I think of his smiling and handsome face.
Damn. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari kanina sa amin.
Kanina pa rin ako tili nang tili habang nakatakip ng unan ang mukha ko. Kasi kung hindi ko iyon gagawin, sasabog na talaga ang puso ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere at napatitig ako sa kisame nang tanggalin ko sa ulo ko ang kumot ko. At simula rin kanina, hindi na napuknat ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko.
Oh, holy lordy! What should I do now? Ano ba ang dapat kong isipin dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Crandall kanina? Does he like me too? Did he kiss me because he already has feelings for me or did he really just kiss me because that’s what my eyes were saying earlier? Per his word.
“Oh, Portia! Huwag kang mag-isip agad ng ganiyan. Huwag ka munang umasa. Baka kasi mamaya . . . talagang hinalikan ka lang niya kasi iyon daw ang nakita niya sa mga mata mo,” saway ko sa sarili ko. “Oh, Crandall! Gusto mo talaga akong mabaliw ngayon kakaisip sa ’yo at sa halik mo.”
THIRD PERSON POV
INIS na napabangon si Crandall mula sa pagkakahiga sa kama niya. Kanina pa siya nakahiga, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog. Kapag ipipikit niya kasi ang kaniyang mga mata, ang mukha ni Portia ang kaniyang nakikita. Hindi niya pa rin makalimutan ang masarap at mainit na halik na pinagsaluhan nila kanina roon sa labas.
“Damn,” mariing usal niya at napahilamos sa kaniyang mukha, pagkuwa’y itinukod sa kaniyang mga hita ang kaniyang mga siko at hinagod ang kaniyang buhok. “Stop thinking about her, Crandall. Are you crazy?” inis na tanong niya sa kaniyang sarili.
Mayamaya ay tumayo siya at muling nagpakawala nang malalim na paghinga. Walang-hiya! Why is there a voice in the back of his head telling him to go to Portia’s room and talk to her? Ask her if she also has feelings for him?
“Damn. It’s one in the morning, Crandall. Hindi ba puwedeng ipagpabukas na lang ang tanong na ’yan? I’m sure she’s already asleep,” sabi niya pa sa kaniyang sarili.
Nagparoo’t parito siya nang lakad habang hindi pa rin matahimik ang kaniyang isipan. Pagkalipas ng ilang minuto, buo na ang kaniyang pasiya. Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan niya iyon at lumabas siya. Tuloy-tuloy ang kaniyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng silid na ginagamit ng dalaga. Nang akma na sana siyang kakatok doon, bigla naman siyang natigilan.
“What are you doing, Crandall? Do you really think she is still awake? You are really losing your mind,” inis na bulong na saad niya sa kaniyang sarili. Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga at napapailing na ibinaba na lamang ang kaniyang kamay na nabitin sa ere at kaagad na tumalikod. Naglakad siya palayo sa tapat ng pinto ng silid ni Portia. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya nang muli siyang huminto at bumalik.
Damn. Gusto niya tuloy pagtawanan ang kaniyang sarili ngayon. Mukha na siyang tanga sa kaniyang ginagawa.
“f**k!” tiim bagang at naiinis na usal niya.
PORTIA’S POV
MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere, pagkuwa’y tumayo sa puwesto ko at nagpalakad-lakad saglit habang pinapatunog ko ang mga daliri ko.
Ugh, nakakainis! Bakit ba ganito ang pakiramdam ko ngayon? I was restless, and it was as if there was a voice in my head telling me to go to his room to talk to him. But what should I tell him? What will I say to him when he asks me what I need from him? At isa pa, sigurado akong natutulog na siya ngayon!
“Ugh, Portia! Nababaliw ka na talaga! Matulog ka na kaya?” huramentado ko sa aking sarili, pagkuwa’y muling napabuga nang malakas na hangin.
Mayamaya ay napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto. Kunot ang noo na napalingon ako roon.
Sino ’yon? Oh, my God! Baka naman minumulto na ako dahil madaling araw na, pero hindi pa rin ako makatulog?
Nakarinig ulit ako ng katok kaya kinabahan na ako.
“My God! Matulog ka na kasi, Portia!”
Nagmamadaling sumampa ulit ako sa kama at akma na sanang hihiga at magtatalukbong ng kumot nang muli na naman akong makarinig ng katok.
“Baka si Crandall ang nasa labas?”
Dahil sa sinabi kong iyon, bigla akong napangiti at wala sa sariling napatayo ulit sa kama at dali-daling inayos ko ang hitsura ko at naglakad palapit sa pinto. I heaved as I grabbed the doorknob and slowly opened the door, and there I saw Crandall just as he had his back turned and was about to leave, pero bigla rin siyang napapihit paharap sa akin nang marinig niya ang langitngit ng pinto.
Oh, siya nga! Ang akala ko ay may multo lang na kumakatok sa labas! Seriously, Portia? May multo ba na kumakatok bago pumasok sa kuwarto?
“C-Crandall?”
Saglit akong lumunok, pagkuwa’y humakbang pa ako hanggang sa makalabas ako nang tuluyan.
“M-May . . . may kailangan ka ba?” tanong ko sa kaniya.
Hindi naman agad siya nagsalita, sa halip ay tinitigan niya ako saglit. Mayamaya ay bumuntong hininga siya at napakamot sa batok niya.
“D-Did . . . did I disturb you?” tanong niya rin.
Ngumiti ako sa kaniya. “H-Hindi naman,” sagot ko. “Actually, hindi pa ako makatulog. B-Balak ko sanang bumaba sa kusina para magtimpla ng gatas,” sabi ko na lamang. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin sa kaniya na balak ko siyang puntahan sa silid niya para makausap siya.
I saw his jaw tighten, and he sighed deeply and then I was just surprised when he suddenly stepped closer to me and grabbed my face and claimed my lips without saying a word.
Oh, Jesus! Again?