PORTIA’S POV
BIGLA akong napamulat ng mga mata ko nang maramdaman kong tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kuwarto ko. Nang masilaw ako, bigla akong napapikit ulit. Oh, umaga na pala!
Akma na sana akong kikilos sa puwesto ko para mag-inat saglit at bumangon na rin, pero hindi ko naman nagawang gumalaw dahil parang pakiramdam ko ang sikip ng puwesto ko. Hindi ko magawang kumilos dahil pakiramdam ko may mga brasong nakapulupot sa baywang ko at may mabigat na bagay na nakadantay sa mga hita ko.
Huh? Ako lang naman mag-isa sa kama ko, ah!
Mula sa pagkakapikit ko, I suddenly opened my eyes again and slowly turned to the person next to me. My eyes widened with surprise when I saw Crandall’s face so close to mine and he was fast asleep. I could feel his hot breath hitting my face.
Damn. What is he doing here? Why are we in bed next to each other? Why is he by my side and his arms around my waist? What happened?
Biglang napuno ng maraming tanong ang isipan ko habang mataman akong nakatitig sa kaniya. At mayamaya, muli kong naalala ang nangyari sa amin kagabi.
I closed my eyes tightly, as I could feel his warm and soft lips on mine again. Oh, holy lordy! He kissed me again? Why?
Pero kagaya kanina habang nasa labas kami, instead of protesting him, I responded to the kiss he was giving me and gently raised my hands and wrapped them around his neck. Bahagya pa akong tumingkayad upang mas lalo akong makaganti sa halik niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na inangkin niya ulit ang mga labi ko. Pero mayamaya ay naramdaman kong unti-unti niya akong pinakawalan.
“Oh, Portia,” usal niya at ipinagdikit niya ang mga noo namin at muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Hindi ko napigilang kagatin ang pang-ilalim kong labi at ngumiti rin sa kaniya. “You kissed me again! H-Hindi naman siguro kita sa mga mata ko na gusto kong halikan mo ako, hindi ba?” tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siyang muli at bahagyang inilayo ang mukha niya sa akin at pinakawalan ang mukha ko. Lumipat sa baywang ko ang mga braso niya at hinapit ako.
“Nope,” sabi niya. “I kissed you because that’s what I wanted to do.”
“Really?” iyon na lamang ang sinabi ko sa kaniya dahil sa totoo lang ay wala akong maapuhap na ibang salita para sa kaniya. Napupuno kasi ng labis na kilig ang puso ko sa mga sandaling ito dahil sa kaniya.
My gosh! Gusto ko talagang tumili na naman ngayon at magtatalon dahil sa kilig ko, pero paano ko naman iyon gagawin kung nakapulupot naman sa baywang ko ang mga braso niya? Parang wala yata siyang balak na pakawalan ako!
Nang medyo mailang na ako sa klase ng paninitig niya sa akin, bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Kunwari ay sinuyod ko ng tingin ang buhok niya at kumalas ang isang braso ko na nakapulupot sa leeg niya at bahagyang inayos ang buhok niya. Inipit ko pa iyon sa likod ng tainga niya.
“I like you, Portia!”
Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig muli sa mga mata niyang matamang nakatitig sa akin.
What? What I heard him say was right, wasn’t it? Crandall likes me too?
Umawang ang mga labi ko, pero hindi agad ako nakapagsalita. Ang puso ko na nagwawala na kanina, ngayon ay mas lalo pang nagregodon. Parang unti-unti nang naninikip ang dibdib ko, at parang gusto nabg lumabas sa lalamunan ko ang puso ko.
“W-What did you say?” I asked him, but I’m not sure if he heard my question. I’m not sure if I actually said those words or if they were just in my thoughts, because I could not hear myself too.
“I said I like you, Portia.”
Damn.
Seryoso akong napatitig sa kaniya, pagkuwa’y unti-unting dumulas ang mga braso ko na nasa leeg niya at ang mga paa kong nakatingkayad ay bumaba rin. Mabuti na lamang at lumuwag ang pagkakayakap niya sa baywang ko, kaya nagawa kong umalis sa harapan niya kahit ramdam kong nanglalambot nang husto ang mga tuhod ko.
“C-Crandall?” iyon lang ang nasabi ko. Walang ibang kataga ang lumabas sa bibig ko.
“Alam kong nabigla kita. But believe me, Portia. I like you,” sabi niya habang mataman pa ring nakatitig sa akin. “It’s been several nights . . . my mind has been in turmoil because of you. I mean, since you kissed me that day in the garden, you have never left my mind. My heart . . . I thought after what happened to me before, it would never beat again. But now . . . my heart beats because of you, Portia. I don’t even want to admit it to you because I’m afraid that you might not have feelings for me, but to put my mind at ease, I came here at this hour only to ask if . . . if you also have feelings for me?”
Ilang segundo akong nakatitig lamang sa kaniya habang pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi rin naman siya nagsalita agad at mukhang binigyan niya muna ako ng sandaling oras para makapag-adjust ako sa mga sinabi niya.
At mayamaya, humakbang siya palapit sa akin. “Do you feel the same way, Portia?”
Humugot ako nang napakalalim na paghinga at saglit iyong inipon sa dibdib ko bago ko iyon marahas na pinakawalan sa ere. Sunod-sunod din akong napakurap at lihim na kinurot ang hita ko. Baka kasi natutulog na ako ngayon at panaginip lang pala itong nangyayari ngayon. Pero nang masaktan ako dahil sa ginawa ko sa sarili ko, napangiwi ako.
“You do not like me? You have no feelings for me?” tanong niya. At mayamaya ay bumuntong hininga siya nang malalim at nagyuko ng ulo. Dahan-dahan siyang tumalikod at humakbang na para sana lumabas sa silid ko.
Napangiti naman ako at nagsalita, “I like you, too, Crandall,” sabi ko kaya napahinto siya.
Ilang segundo lang ay pumihit siya paharap sa akin at kitang-kita ko ang matamis na ngiti sa mga labi niya.
“Do you like me too?”
Tumango ako, saka humakbang palapit sa kaniya. “Gusto rin kita, Crandall.”
Bigla niyang inisang hakbang ang pagitan namin at niyakap ako nang mahigpit. Nagulat ako nang una, pero pagkuwa’y natawa ako at kaagad na gumanti sa mahigpit na yakap niya sa akin. Bahagya niya pa akong iniangat, kaya napahigpit lalo ang yakap ko sa kaniya.
“Oh, God!”
“Gustong-gusto kita, Crandall,” sabi ko pa sa kaniya.
Narinig ko naman siyang tumawa, at pagkuwa’y ibinaba niya ako at muling ikinulong sa mga palad niya ang mukha ko at inangkin niya ulit ang mga labi ko.
Napangiti ako nang malapad pagkatapos kong alalahanin ang lahat nang nangyari kagabi. Ang puso ko, bigla na namang binalot nang labis na kilig at kaligayahan.
Oh, holy lordy!
Until now, I am still delighted because of what happened last night. I really didn’t expect all this to happen. I didn’t expect that Crandall and I feel the same way about each other.
Banayad akong nagpakawala nang buntong hininga, pagkatapos ay maingat na umangat ang isang kamay ko at hinaplos ko ang buhok niya.
Damn. This is what he looks like when he’s sleeping soundly? Still handsome, and this is what you feel when you wake up in the morning and you see his face!
I ran my fingers through his hair, and then softly touched his thick eyebrows, and my index finger went all the way into his pointed nose until it touched his lips, which I had already kissed several times.
Paano kaya humantong na rito siya natulog sa tabi ko? Ang naaalala ko lang kasi na nangyari kagabi, magkatabi kaming nakaupo sa gilid ng kama ko habang nag-uusap. Pagkatapos n’on ay wala na akong maalala. Marahil nang makadama na ako ng antok ay bigla na lamang akong nakatulog habang nakasandal sa balikat niya at nagpasiya na rin siyang dito matulog sa tabi ko?
“Stop staring at me like that, baby.”
Bigla akong napakislot nang marinig ko ang boses niya.
Oh, damn. Gising na pala siya!
Kaagad kong inalis sa gilid ng mga labi niya ang daliri ko habang nakatitig pa rin ako sa kaniya. Mayamaya ay nagmulat siya ng kaniyang mga mata.
“Your actions have made me want to kiss you for some time,” wika niya.
Hindi ko tuloy mapigilan na mapalunok dahil sa paglukso ng puso ko dahil sa sinabi niya.
My God! Umagang-umaga iyon agad ang sinabi niya!
Ngumiti naman siya at napatitig sa mga labi ko, kaya bigla kong naitikom ang bibig ko. Naramdaman ko rin ang paghapit niya sa baywang ko kaya mas lalo kong naramdaman ang pagkakadikit ng mga katawan namin.
“Morning, baby.”
Oh, s**t.
Bakit ang bango ng hininga niya kahit bagong gising lang siya? Nakakahiya tuloy na magsalita ngayong napakalapit namin sa isa’t isa. Baka kasi bad breath ako.
“Won’t you greet me?”
Umiling naman agad ako.
“Why?” tanong niya ulit habang nakakunot na ang noo niya.
Umiling lang ako ulit.
Pero mayamaya, bigla siyang dumukwang sa akin at kinintalan ng halik ang mga labi ko.
“Crandall!” nanlalaki ang mga matang saway ko sa kaniya at bahagyang pinalo ang kaniyang dibdib.
Tumawa naman siya. “You just want me to kiss you before you speak,” sabi niya.
Oh, my veggies! Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Pilyo rin pala ang lalaking ito!
“Hindi, ah!” saad ko at bahagyang inilayo ang mukha ko sa kaniya. “B-Baka kasi . . . mabaho ang bibig ko,” nahihiya at mahinang sabi ko sa kaniya.
Tumawa naman siyang muli at kinabig ang batok ko at siniil ng halik ang mga labi ko. Bahagya akong napaungol bago niya ako pakawalan.
“No it’s not, baby,” sabi niya.
Mabuti na lang at nakahiga pa kami ngayon. Dahil kung hindi, malamang na kanina pa nalusaw ang lakas ng mga tuhod ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby. Jusko!
Kunwari ay naiinis na inismiran ko naman siya. “B-Bakit ka pala rito natulog sa tabi ko?” mayamaya ay pag-iiba ko bigla ng tanong sa kaniya.
“Well, when I was about to leave your room when you felt sleepy last night, you asked me to accompany you.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. “S-Sinabi ko ’yon sa ’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Do I look like I’m kidding?” balik na tanong niya.
Mukhang hindi nga siya nagbibiro.
Oh, Portia! Seriously?
Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kikiligin ba nang husto o mahihiya sa kaniya? Paano naman kasi, hindi pa nga kami officially na mag-on, pero ako bigla ang nag-demand sa kaniya na tumabi siya sa akin. But that’s okay! Natulog lang naman kami, e! Wala naman ibang nangyari bukod doon.