CHAPTER 24

2160 Words
RAMDAM NA RAMDAM ko ang malakas na pagkabog ng puso ko habang mataman akong nakatitig sa maganda niyang mga mata. Pakiramdam ko ay kaunti na lamang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko at magtatatalon sa harapan namin ni Crandall. I don’t know what to do at these moments. I couldn’t even move my body. Parang natuod na yata ako. Holy lordy! Ngayong ramdam ko ang mainit niyang katawan na nakadikit sa katawan ko, pakiramdam ko nakuryente na naman ako. At ngayong gadangkal na lamang ang layo ng mukha namin sa isa’t isa, nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan nang maayos ang guwapo niyang mukha. Ramdam ko rin ang pagtama sa mukha ko ng mainit niyang paghinga. I couldn’t even blink my eyes kahit ramdam ko naman na tumatagos sa kalamnan at kaibuturan ko ang kakaibang paninitig niya sa akin ngayon. Oh, God! What should I do now? Mayamaya ay naramdaman ko ang masuyong paghapit lalo ng braso niyang nakapulupot sa baywang ko, kaya mas lalo kong naramdaman ang matigas niyang abs. Dahil doon, nahigit ko ang aking paghinga, at wala sa sariling naidiin ko sa kaniyang dibdib ang kanang palad ko. Damn. Ang tigas din ng dibdib niya. Bahagya akong napatingkayad dahil sa higpit ng pagkakahapit niya sa baywang ko. “Portia!” Shit. Bakit napakaganda at sexy ng pangalan ko ngayong siya ang bumanggit n’on? Kinilig na naman nang husto ang puso ko. “C-Crandall,” mahinang sambit ko rin sa pangalan niya. Oh, gosh! Mas lalong palakas nang palakas ang pagkabog ng puso ko ngayon. Parang naninikip ang dibdib ko at nahihirapan na akong huminga. Mayamaya, ipinagpalipat-lipat niya ang kaniyang paningin sa mga mata at mga labi ko. At dahil mas matangkad siya sa akin, kitang-kita ko kung paano gumalaw ang kaniyang Adams apple nang lumunok siya. Ilang segundo pa akong napatitig sa mga labi niya bago muling dumako sa mga mata niya ang paningin ko. “L-Let’s eat,” sabi niya, at dahan-dahan niya nang pinakawalan ang baywang ko. Mabuti na lamang at nakahawak agad ako sa gilid ng mesa, kaya kahit nanghihina pa rin ang mga tuhod at kalamnan ko ay nakakuha ako ng suporta mula roon. Dahil kung hindi, sigurado akong bigla akong natumba ngayon sa sahig. Siya naman ay biglang tumalikod at naglakad palapit sa lababo. Saglit kong tinitigan ang likod niya bago ako dahan-dahang umupo ulit sa puwesto ko. Shit! Akala ko ay masusundan na ang halik na ginawa ko sa kaniya no’ng nakaraan doon sa garden. Oh, seriously, Portia? Iyon talaga ang nasa isipan ko kanina pa sa totoo lang. Ang buong akala ko ay hahalikan niya ako. May kaunting pagkadismaya ang naramdaman ko sa dibdib ko dahil hindi iyon nangyari, pero masaya pa rin naman ang puso ko at kinikilig ako dahil sa nangyari sa amin. “Let’s eat,” sabi niya ulit nang bumalik siya sa mesa at pumuwesto na siya sa kabisera. Saglit ko siyang sinulyapan at ngumiti kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Pagkatapos ay itinuon ko na ang atensiyon ko sa pagkain. We were both silent and nothing else could be heard in the entire kitchen but the sound of our cutlery. Parehong nakatuon sa pagkain ang buong atensiyon namin hanggang sa matapos kami. “Um, a-ako na po ang magliligpit, señorito,” sabi ko sa kaniya nang mauna akong tumayo kaysa sa kaniya. Bahagya naman niyang itinulak ang pinggan na nasa harapan niya, kaya kinuha ko iyon at naglakad na ako palapit sa lababo. Inilagay ko iyon doon at akma na akong babalik sa mesa para kunin naman ang mga baso, pero saktong pagkapihit ko ay nasa harapan ko na pala siya. “T-Thank you,” usal ko at tipid na ngumiti ulit sa kaniya. Oh, God! Why do I feel this way now? Bakit ba labis akong kinakabahan at naiilang sa kaniya? Before, when I was in love with Alex, I never experienced the same tingly feeling when he was with me or when we were together. But now, with Crandall around, I’m not sure how to act properly. I’m always filled with a fluttering feeling in my stomach and my heart pounding so fast. “Here,” sabi niya, at ibinigay sa akin ang dalawang baso na ginamit namin. Napalunok pa ako bago nag-iwas ng tingin sa kaniya, at pagkuwa’y kinuha ang baso sa kamay niya. Tila nakaramdam na naman ako nang kuryente nang magdaiti ang mga balat namin. Jesus! Matindi na nga yata talaga ang tama ko sa kaniya. I wouldn’t be like this if I only felt a simple liking for him. “Um. . .” nang muli akong tumingin sa mga mata niya. Pero nang hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko, wala sa sariling napatalikod ako bigla at naglakad na pabalik sa lababo. Mayamaya, narinig ko naman ang mga yabag niya na palayo na. At nang lingunin ko siya, ang likuran na lamang niya ang nakita ko bago siya tuluyang nakalabas sa kusina. Isang napakalalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere at napahawak ako sa tapat ng dibdib ko nang makahinga na ako nang maluwag. “Oh, Crandall! Bakit ganito ang ipinapadama mo sa puso ko?” tanong ko sa sarili, pagkuwa’y hindi ko rin napigilan ang mapangiti nang matamis at nakagat ko ang pang-ilalim kong labi. “DAMN IT! WHAT are you doing, Crandall?” tanong niya sa sarili nang makapasok siya sa kaniyang silid. Bigla siyang nagparoo’t parito nang lakad at sunod-sunod na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Tila hindi siya mapakali at hindi alam kung ano ang kaniyang gagawin. “Are you really sure about your feelings for that woman? I mean, you just met her a few days ago!” Damn. How many times has he made that excuse to himself? Why didn’t he just admit to himself that he was really in love with Portia? Admitting it isn’t hard. At isa pa, it’s been three years since Catherine left him. Sinaktan siya nang husto ng dati niyang kasintahan, kaya hindi na siya dapat umasa na balang araw ay babalik ito at magkakaayos pa ulit sila. And besides, he probably doesn’t have any feelings for his ex-fiancée anymore because when he sees Portia or if she is near him, his heart suddenly beats fast. He’s in love with her. Indeed. Kulang na lamang siya sa pag-amin o pagtanggap niyon sa sarili niya. “I don’t know Portia yet. I won’t be able to fall in love with her in a snap.” Oh, for Christ’s sake, Crandall! Bahala ka na nga sa buhay mo. Huramentado pa ng kaniyang isipan. Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga, pagkuwa’y umupo sa gilid ng kaniyang kama at napahilamos pa. Hinagod niya pa ang kaniyang buhok hanggang sa kaniyang batok. Para ibaling sa ibang bagay ang kaniyang isipan sa halip na si Portia ang iniisip niya ngayon, tumayo siyang muli at nagmamadaling lumabas ulit sa kaniyang silid hanggang sa makababa siya sa sala. Nakita niyang kalalabas lang din sa kusina ng dalaga, pero hindi niya ito pinansin. Nagtuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makalabas siya ng main door at gate. Kailangan niyang lumayo muna saglit para makapag-isip siya nang mabuti. GABI NA AT LATAG NA ANG DILIM. Napakatahimik ng buong paligid at wala akong ibang naririnig kung ’di ang huni ng mga kuliglig sa buong paligid. Narito ako ngayon sa garden at nagpapahangin. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta ang alam ko lang, may isang oras na akong nakaupo rito sa lumang lounge chair habang nakatingala sa kalangitan. Maliwanag ang langit dahil sa malaki at bilog na buwan. Nagkalat din ang napakaraming mga bituin. I was sitting on the lounge chair at naghihintay ako sa pagdating nina Nanay Josephine at William. Ang sabi kasi nila kahapon ay kanina raw sila babalik, pero hanggang ngayon ay wala pa naman sila. Tapos si Crandall naman ay hindi pa rin bumabalik simula nang umalis siya kaninang tanghali. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Nakapagluto na ako para sa haponan, pero hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ko rin siya para sabay na kaming kumain. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom, pero kaya pa naman. Baka kasi mayamaya lang ay dadating na siya! Humugot ako ulit ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere, pagkuwa’y humiga ako sa lounge chair. Kumusta na kaya ang mommy at daddy ko? Oh, sa susunod na linggo ay death anniversary na nila. Nakakalungkot lang na hindi ako makakapunta sa sementeryo para dalawin sila. Bale ito ang unang pagkakataon na hindi ko sila mapupunta roon. At si Jass, how is she? Ilang gabi ko na naman kasi siyang parating napapanaginipan. Kagaya sa mga naunang panaginip ko, umiiyak pa rin siya at humihingi ng tulong sa akin. How I wish I can go home now! Ano kaya kung makiusap ako kay Crandall bukas na samahan niya akong magpunta sa bayan para magpunta sa mga pulis? Siguro naman ay tutulungan niya ako? I mean, tinulungan niya naman ako kagabi roon sa apat na lalaking muntikan ng kumuha sa akin. Although, hindi ko alam ang mga nangyari kagabi dahil wala naman akong malay. And, nasaan na kaya ang mga lalaking ’yon? Ano kaya ang ginawa sa kanila ni Crandall? “In your situation right now, you shouldn’t be hanging out here alone outside at this hour.” Bigla akong napatingala sa may ulohan ko nang marinig ko mula roon ang boses niya. Nakita ko nga siyang nakatayo sa may bandang likuran ng lounge chair. Bigla akong napaupo at nilingon siyang muli. “C-Crandall. I mean, señorito,” usal ko. “What are you doing here?” tanong niya, at saka naglakad papunta sa unahan ko. Saglit akong tumikhim habang nakatingin pa rin sa kaniya. “Um, h-hinihintay kasi kita,” sabi ko. Kahit dim lang ang liwanag na nagmumula sa buwan, kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo nang lumingon siya ulit sa akin. “I mean, hinihintay ko rin sina Nanay Josephine at William. ’Di ba ang sabi nila ay kanina ang uwi nila?” tanong ko pa. Bumuntong hininga naman siya at nag-iwas ng tingin sa akin. “Sa Linggo pa sila babalik,” sabi niya. “Huh? Sa Linggo? Pero. . . ang sabi ni Nanay Josephine—” “Did you eat yet?” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang magtanong siya sa akin. Umiling naman ako. “H-Hindi pa. Actually, I was waiting for you p-para sana sabay tayong kumain ulit,” sabi ko at nag-aalangan pang tumitig ulit sa kaniya. “You can wait for me inside. Baka mamaya ay bumalik na naman dito ang mga lalaking balak na kunin ka.” Wala sa sarili at lihim akong napangiti dahil sa mga sinabi niya. Oh, what does he mean? Concern na siya sa akin? My gulay! Kinilig bigla ang puso ko dahil sa isiping iyon. “Why are you smiling?” Biglang naging seryoso ang mukha ko nang muli akong tumingin sa kaniya. Pero sa kaloob-looban ko, I’m still smiling. Really. “Um, w-wala po, señorito,” sabi ko na lamang at tumayo na ako sa puwesto ko. “Let’s go inside para kumain na tayo. Malamig na ang—ahhh!” Bigla akong napatili nang pagkahakbang ko ay biglang natisod ang paa ko, kaya na-out of balance ako. Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak sa damuhan, bigla niya akong nasalo. Mabilis niyang naipulupot sa baywang ko ang isang braso niya at mahigpit na napahawak ako sa mga balikat niya kasabay niyon ang mariing pagpikit ng mga mata ko dahil sa takot. Pero sa kamalasan naman, pati siya ay natumba, kaya pareho kaming bumagsak sa damuhan. Labis-labis na pagkabog ang naramdaman ko sa puso ko dahil sa takot ko. Oh, God! Pero mabuti na lang at hindi ako nasaktan dahil nasa ibabaw niya ako. Oh, my veggies! What about him? “Ouch!” Narinig ko bigla ang pagdaing niya, kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. Sobrang lapit na pala ng mga mukha namin sa isa’t isa, kaya amoy na amoy ko ang mabango at mainit niyang hininga. Oh, God! Seriously, Portia? Wala ng ibang nangyari sa ’yo simula kagabi, kaninang umaga at ngayon kung ’di kamalasan. Mabuti na lamang at laging nariyan si Crandall para saluhin o iligtas ka. ’Yong totoo? “A-Ayos ka lang. . . ba?” nauutal na tanong ko sa kaniya. Tumitig naman siya sa mga mata ko at hindi sumagot sa tanong ko. Napangiwi na lamang ako at akma na sanang aalis sa ibabaw niya para makatayo agad siya, pero nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at walang sabi-sabi na sinilyuhan niya ng halik ang mga labi ko. Gulat at nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya. At ilang segundo lang, bigla kong naramdaman ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko habang nararamdaman ko ang mainit at malambot niyang mga labi na nakadikit sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD