“S-SORRY po, señorito! H-Hindi ko po alam na bawal pala akong magpunta rito,” sabi ko at pagkuwa’y yumuko ako upang damputin ang libro at flashlight. Nakadama na naman ako ng kaba dahil sa bigla niyang pagsulpot sa harapan ko. My God! Kung magpapatuloy itong panggugulat niya sa akin at basta-basta na lang siyang susulpot sa harapan ko, hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang akong atakihin sa puso kahit wala naman akong sakit sa puso!
“Oh, damn it!” mariin at galit na saad niya, at mabilis na naiharang sa mukha niya ang kaniyang palad nang hindi sinasadyang tumama sa kaniyang mukha ang ilaw ng flashlight ko.
Because of that, I had a brief chance of seeing what he looked like. I mean, hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil sa kamay niya, pero tama ang naaninag ko no’ng unang gabi ko rito sa mansion niya. His face is full of beard and mustache. He also has long hair that is a bit curly.
“S-Sorry po!” paghingi ko ulit ng paumanhin sa kaniya, saka inilayo sa mukha niya ang ilaw ng flashlight ko.
Narinig ko naman ang pagpapakawala niya nang malalim na buntong hininga. “This is my private place and you cannot enter here.”
Saglit akong napalunok. “Sorry po ulit, señorito. Hindi po kasi sinabi sa akin ni William na bawal akong pumasok dito. Naghanap lang po ako ng mapapaglibangan. Wala naman po kasi kayong ilaw rito, kaya wala ring silbi ang tv n’yo na nasa kuwarto ko at nasa sala,” sabi ko. “Bakit po pala ayaw n’yong magpailaw rito?” hindi ko mapigilang tanong sa kaniya. “Ang laki-laki po ng mansion ninyo pero sobrang dilim po! Ayaw n’yo po ba na gumastos nang malaki para sa bill ng kuryente at—”
“Enough, woman! Ang daldal mo!”
Napahinto ako nang magsalita siya. Napatikom ako ng bibig ko at sinulyapan siya kahit hindi ko naman maaninag ang mukha niya.
“Curious lang po ako, señorito. Pasensiya po,” sabi ko na lang sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita pa at tumalikod na sa akin. Nang maglakad na siya palabas ng library, kaagad akong sumunod sa kaniya.
“Do you know how to cook?”
Dinig kong tanong niya mayamaya.
“Bakit po, señorito?”
“I’m the one asking you, so just answer my question.”
Tipid akong ngumiti kahit hindi niya naman iyon makikita. Oh, napakasungit talaga!
“Marunong naman po akong magluto, señorito,” sagot ko. “Bakit po? Gusto n’yo po bang ipagluto ko kayo?”
“Nanay Josephine is not there. William doesn’t know how to cook, so you will cook.”
“Ano po ba ang gusto n’yong iluto ko, señorito?”
“Anything. Just sensible food and no poison.”
Ano naman ang akala niya sa akin, lalasunin ko siya? Napaismid ako habang nakasunod pa rin sa kaniya at binabagtas na namin ang mahaba at madilim na pasilyo. Nang hindi ko sinasadyang maitutok sa likuran niya ang flashlight na hawak ko, nakita ko ang malapad niyang likuran. Oh, damn! Why does he walk so sexy? Ang lapad din ng likod niya na para bang kaunti na lang ay mapupunit na ang button-down shirt na suot niya. Siguro kung makikita ko sa maliwanag na lugar ang kabuuan niya, ang ganda ng katawan niya! At hindi rin malabong guwapo ang mukha niya. Sa boses niya palang kasi ay buo iyon at malalim. Iyon ang tipo ng boses ng mga lalaking guwapo.
“Stop staring at my back, young lady.”
Mabilis na naiiwas ko sa kaniya ang flashlight ko.
“And turn off that damn flashlight.”
“Sorry po,” sabi ko na lang at pinatay na iyon.
Walang sabi-sabi na huminto siya sa tapat ng isang kuwarto at binuksan niya ang pinto niyon saka siya pumasok. Napakislot pa ako nang malakas niya iyong isinarado.
Buntong hininga akong napailing at napatitig sa itim na pinto. “Ang sungit-sungit mo naman,” bulong na sabi ko sa sarili, saka pinailaw ulit ang flashlight sa tapat ng mukha ko saka naglakad na ulit hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko. Dinala ko muna roon ang libro na bitbit ko saka bumaba na rin sa kusina.
“Portia!”
“Ugh, isa na lang! Aantakihin na talaga ako nito sa puso!” naiinis na sambit ko nang bigla akong mapahinto sa pagpasok ko sa kusina nang sumalubong sa akin si William. Napahawak din ako sa tapat ng dibdib ko at humugot nang malalim na paghinga at marahas iyong pinakawalan sa ere.
“Sorry!” ani nito.
“Ginulat na ako ni señorito nang palabas na ako sa library. Tapos ngayon naman ay ginulat mo ako! Mabuti na lang ilang araw na akong hindi umiinom ng kape, William.” Hindi ko naitago ang iritasyon ko dahil sa panggugulat nito sa akin.
Narinig ko naman ang pagtawa nito nang pagak. “Sorry na! Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka,” sabi pa nito. “Wala si inay ngayon. Bukas pa siya babalik dito. Hindi ko kasi alam kung ano ang lulutuin ko para sa haponan, e!”
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papasok sa kusina at sumunod naman sa akin si William. “Sinabihan na nga ako ni señorito, kaya bumaba na ako rito para magluto.”
“Marunong kang magluto?”
“But of course,” sabi ko. “I mean, hindi naman perfect ang luto ko, pero hindi naman sasakit ang tiyan mo kapag kumain ka,” pabirong sabi ko.
“Sige nga at ng matikman ko ang luto mo.”
“Tulungan mo na lang ako, William.”
“Sige.”
“Teka pala, ano ang lulutuin ko? May stock ba kayo ng pagkain dito? E, wala naman kayong refrigerator,” sabi ko pa mayamaya.
“Ayaw ni Kuya Crandall ng pagkain na nai-stock sa ref. Gusto niya ng fresh na pagkain.”
“E ’di lalabas ka pa para mamalengke?”
“Hindi na. Araw-araw, umaga, tanghali at hapon ay may nagpupunta rito para maghatid ng mga pagkain na lulutuin ng inay.”
“Ang gastos niya naman sa gasolina,” sabi ko. “Kung sana magpapailaw na lang siya rito at gumamit siya ng refrigerator. Iba ang trip ng lalaking ’yon ano?” hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Tumawa ulit nang pagak si William dahil sa mga sinabi ko. “Kapag magtagal ka pa rito sa mansion, I’m sure na masasanay ka rin,” ani nito.
Hindi na lamang ako umimik at naglakad na ako palapit sa lababo. Nakita ko roon ang mga pagkain na lulutuin ko, kaya kaagad ko iyong inasikaso.
“WE’RE DONE!” nakangiting saad ko kay William nang matapos akong maghain sa lamesa. Nakaupo naman ito sa isang silya at pinagmamasdan ako. “Ay, teka lang at maglalagay ako ng pinggan—”
“Hindi kumakain dito sa hapag si Kuya Crandall,” sabi nito, kaya napahinto ako sa akma kong pagtalikod para sana kumuha ng pinggan at mga kubyertos.
Kunot ang noo na napatingin ako rito ulit. “Saan siya kumakain kung ganoon?” tanong ko.
“Sa kuwarto niya,” sagot nito.
“Huh? E, mas magandang kumain sa hapag, William. Lalo na kapag may kasabay kumain.”
“Alam ko. Pero ayaw ni Kuya Crandall. Kaya lagyan mo na lang siya ng pagkain sa pinggan niya at ihahatid ko na lang sa silid niya.”
“Alam mo, ibang-iba talaga ang trip ng amo ninyo,” wika ko na lamang at napabuga nang malalim na hangin. Napailing pa ako.
“Wala naman kaming magagawa ni inay kung iyon ang gusto niya. Sumusunod lang kami sa utos niya.”
“Kung sabagay,” pagsang-ayon na sabi ko na lamang, saka naghain ulit ako ng pagkain para sa beast na ’yon.
“Teka lang pala, Portia. May nakalimutan akong kunin sa labas. Puwede bang ikaw na lang ang maghatid niyan sa silid niya?”
“Huh? A-Ako? Pero—”
“Please! Baka magalit pa ’yon.”
In the end ay wala na rin akong nagawa kun’di ang pumayag. At nang lumabas si William sa kusina ay dinampot ko ang tray at lampara na nasa mesa at naglakad na rin palabas upang pumanhik sa silid ni señorito. Nang nasa tapat na ako ng pinto, kumatok muna ako.
“Señorito?” tawag ko sa kaniya, saka pinihit ang doorknob. Nang humakbang ako papasok, kaagad kong nakita ang lampshade na nasa ibabaw ng bedside table na malamlam ang liwanag. Bukod doon ay wala na akong maaninag sa loob ng kaniyang kuwarto. Grabe talaga ang lalaking ito! Madilim na nga ang buhay niya dahil sa pagkasawi niya sa pag-ibig, pati pa ang bahay niya sobrang dilim! Ni hindi ko nga makita ang nilalakaran ko ngayon, kaya mabagal ang paglalakad ko palapit sa bedside table niya para lang hindi ako madapa at doon ilapag ang tray na bitbit ko.
“Señorito! Nasaan po kayo?” tawag ko ulit sa kaniya. “Narito na po ang pagkain mo.” Nang mailapag ko iyon sa mesa, saglit kong pinakiramdaman ang paligid ko kung narito ba siya sa loob. Pero napakatahimik ng buong paligid. Maybe nasa labas siya? Bumuntong hininga ako, saka pumihit na upang lumabas na sa sili. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig muli sa loob ng banyo. Napalingon ako sa paligid upang hanapin kung nasaan banda ang pinto niyon. Bahagya kong itinaas ang hawak kong lampara. At nang maaninag ko ang isang pinto na nasa gawing kanan ko, wala sa sarili at dahan-dahan akong naglakad palapit doon. Naririnig ko pa rin ang lagaslas ng tubig. Oh, baka naliligo siya! Nang makalapit ako nang tuluyan sa tapat ng pinto ng banyo, huminto ang lagaslas ng tubig. Ilang segundo akong naghintay at dahan-dahang inilapit sa pinto ang tainga ko upang marinig ko kung may tao nga sa loob ng banyo. Wala na akong marinig! My God! Baka naman may multo sa loob at nagsha-shower? Oh, Portia! Don’t be stupid! May multo bang naliligo?
Pero mayamaya, sobra akong nagulat nang biglang bumukas ang pinto. At dahil nakadikit ang tainga ko roon, bigla akong nawalan ng balanse. Napapikit ako nang mariin at napasigaw at humigpit ang pagkakahawak ko sa lampara. Pero bago pa man ako tuluyang mahulog sa sahig, naramdaman kong may mga kamay na humawak sa akin upang saluhin ako.
Labis ang pagkabog ng puso ko!
“Damn it!” narinig ko ang boses niya.
Ilang segundo akong hindi kumibo dahil sa labis na pagkabigla ko. At nang maamoy ko ang mabangong scent ng shampoo at sabon, dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Hindi ko man maaninag ang mukha niya, pero alam kong sobrang lapit ng mukha namin ngayon sa isa’t isa. I could feel his warm breath hitting my face. Ang bango niyon!
At ang kamay kong may hawak sa lampara na hindi ko nabitawan, dahan-dahang umangat iyon palapit sa mga mukha namin. And holy lordy! Those pair of blue eyes gazing at me. It is the same color as the blue sea.