CHAPTER 10

1825 Words
PAGKATAPOS naming magtanghalian, ako na ang nagpresenta kay Nanay Josephine na maghuhugas ng mga pinagkainan namin. When my parents were still alive, we had maids in the mansion, kaya lahat ng gawaing bahay ay wala akong alam kung paano gawin. Pero nang mapunta ako kay Tita Marites, doon ako natutong magtrabaho ng gawaing bahay. Paano naman kasi, ang laki-laki ng mansion na iniwan sa akin ng parents ko, pero hindi man lang kumuha si tita ng kahit isang kasambahay lamang para gumawa ng lahat ng trabaho. Lahat ay ako ang gumagawa. My friends used to say that my life is like Cinderella’s life. The only difference between me and Cinderella is that I don’t have mean stepsisters. Mabait naman kasi sa akin si Fritz. Sadyang si Tita Marites lang ang mean sa akin. But it’s okay. If I didn’t go through all the things I went through before, I probably wouldn’t know what to do now but complain, kaya kahit marami akong hindi magandang karanasan noon, malaki pa rin ang pasasalamat ko kay Tita, at least natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya no’ng umupa ako ng apartment malapit sa trabaho ko, hindi na ako masiyadong nahirapan na mag-adjust. “Sigurado ka, hija? Magaling ka na ba talaga?” Ngumiti ako kay Nanay Josephine nang tapunan ko ito ng tingin habang nasa lababo na ako. “Ayos na po ang pakiramdam ko, Nanay Josephine. Kaya ko na pong kumilos at maghugas nitong mga pinggan,” sabi ko. “Siya sige. Ikaw ang bahala!” ani nito. “Maiwan na rin muna kita rito sa kusina at may ginagawa pa akong trabaho roon sa labas,” dagdag pa nito. “Um, s-sige po. Ako na po ang bahala rito,” sabi ko na lamang kahit medyo nakadama ako ng kaba nang maisip kong maiiwan akong mag-isa rito sa kusina. My God! Ang dilim naman kasi talaga! Baka mamaya, habang naghuhugas ako ay may multo na palang nasa likuran ko. Nang tumalikod na si Nanay Josephine upang lumabas sa kusina, wala na rin akong nagawa kun’di ang mapalunok na lamang ng aking laway at saglit na inilibot ang paningin sa paligid. Sobrang tahimik at wala akong masiyadong maaninag sa ibang sulok ng kusina dahil nasa lababo na rin ang lampara na ibinigay sa akin ni Nanay Josephine kanina. Ang akala ko kasi kanina ay sasamahan ako nito sa kusina, kaya ako na ang nagpresentang maghuhugas. Pero lalabas pala ito at iiwan ako. “It’s okay, Portia! Ang sabi nga ni William kanina hindi ba, walang multo rito?” kausap ko sa sarili ko saka nag-umpisa ng buksan ang gripo at linisan ang mga pinggan para makapagsabon na ako. Para malibang ang sarili ko, nag-humming na lang ako habang naghuhugas, hanggang sa matapos ako at isa-isa ng inilalagay sa lalagyan ang mga pinggan. “What are you still doing here?” “Ahhh!” Bigla akong napasigaw sa labis na gulat ko nang marinig ko ang malamig na boses na iyon mula sa likuran ko. Hindi sinasadyang nabitawan ko rin ang pinggan na hawak ko kaya nabasag iyon nang bumagsak sa sahig. Gosh! Parang tatalon yata ang puso ko mula sa ribcage ko dahil sa lalaking ito! Paanong nakarating siya rito sa kusina nang hindi ko man lang naririnig ang mga yabag niya? Jusko! Aatakihin ako sa puso nito dahil sa panggugulat ng beast na ito! “Damn it!” pagalit na saad niya. “S-Sorry po,” nauutal at kinakabahan pa ring sabi ko sa kaniya. “K-Kayo... Kayo naman po kasi, e! Ginulat n’yo ako!” paninisi ko sa kaniya. “And you’re blaming me right now?” Malamig pa rin ang kaniyang boses. At kahit hindi ko maaninag nang husto ang mukha niya, alam kong nakakunot ang kaniyang noo sa mga sandaling ito. “E, hindi naman po ako magugulat at hindi ko mabibitawan ang pinggan kung hindi po kayo biglang nagsalita sa likuran ko. K-Kasalanan n’yo po!” Narinig ko ang pagpapakawala niya nang malalim na buntong hininga. “I said what are still doing here?” mayamaya ay tanong niyang muli. “You have been here in my house for three days. Nanay Josephine said, you will only stay here for two days.” Bahagya akong napalunok at tumingin sa direksyon niya kahit hindi ko talaga siya maaninag. Ano ba ang lalaking ito? Bampira ba siya or maybe he’s really a beast, kaya ayaw niyang lumabas ng umaga at ayaw niyang buksan ang mga ilaw rito sa bahay niya? Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa isang mansion na walang ilaw! Or maybe ayaw niya lang magbayad sa Meralco? “S-Señorito C-crandall,” nauutal na sambit ko sa pangalan niya. “I’m begging you again. Maybe you can allow me to stay here for a few more days! I... I promise babayaran kita kahit magkano kapag nakauwi na ako sa amin nang ligtas. And I will help Nanay Josephine sa mga gawain dito sa bahay mo. And, and I will do anything payagan mo lang ako na manatili pa rito sa bahay mo. Sigurado kasi akong hanggang ngayon ay—” “Like I told you... I don’t care if your life is in danger now, Miss. What I want you to do... Get out of my house and leave. My house is not an orphanage, so you cannot stay here any longer,” mariing wika niya kaya naputol ang pagsasalita ko. “Nanay Josephine only begged me for two days, kaya hindi na kita puwedeng pagbigyan pa.” Bigla akong nakadama ng lungkot sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Anong klaseng tao ba siya? Bakit hindi siya marunong maawa sa kapwa niya? Nasa panganib na nga ang buhay ko, pero kahit kaunti man lang ay wala siyang awa para sa akin? I mean, I understand him. Hindi naman kami magkaanu-ano at hindi kami magkakilala, so bakit nga naman siya maaawa sa akin at sa kalagayan ko? But I can’t risk my life again. I can’t leave his house and venture into the forest again if I’m not sure I’ll get home safely. I’m sure na hanggang ngayon ay nasa paligid pa rin ang mga lalaking iyon at patuloy na hinahanap ako. Nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko, mabilis kong kinagat ang pang-ilalim kong labi. “I’m... I’m begging you, Sir! Please! I will not beg you or Nanay Josephine if it is okay for me to be killed by armed men looking for me outside your house.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. “Pinatay nila ang kaibigan ko, kaya hindi malabong pati ako ay patayin nila. So please! I’m begging you, mister,” sabi ko at walang pagdadalawang-isip na lumuhod ako sa sahig habang nakaharap sa direksyon niya. My gosh! Mabuti na lang at walang bubog sa niluhuran ko. Dahil kung mayroon, malamang na magsusugat agad ang tuhod ko. Sunod-sunod na pagsinghot ang ginawa ko pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luha kong malaya pa ring naglalandas sa mga pisngi ko. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ko narinig muli ang malamig niyang boses. “Alright,” sabi niya. The moment I heard what he said, I suddenly felt joy in my heart. Oh, pumapayag na siyang manatili ako rito sa mansion niya? “But in one condition.” Bahagyang nangunot ang noo ko nang marinig ko ulit ang sinabi niya. “W-What is it? A-Any... Anything. I will do anything, señorito,” sabi ko pa. Bumuntong hininga siyang muli. “Be my personal maid.” Personal maid? Gusto niya akong maging personal maid niya? “P-Po?” tanong ko. “If you don’t want—” “I mean, anything, señorito. Gagawin ko,” sabi ko sa kaniya. Walang salita, kumilos siya sa kaniyang puwesto at tumalikod. Naglakad siya palabas sa kusina kaya naiwan akong mag-isa rito habang nakaluhod pa rin. Pero mayamaya, hindi ko napigilan ang mapangiti. Marunong din naman pala siyang maawa! I thought his heart was completely cold because of his brokenheartedness. “MUKHANG maayos na nga talaga ang pakiramdam mo dahil kanina ka pa nakangiti riyan!” Napalingon ako kay William nang marinig ko ang boses nito. Nasa library ako ngayon, at hindi ko man lang naramdaman na nakapasok na pala ito rito. Naitanong ko kasi kay William kahapon kung ano ang puwedeng pagkalibangan ko rito sa mansion. At nabaggit naman nito na may library nga raw dito, kaya nagpasama akong pumunta rito kahapon. Ang daming libro na hindi ko pa nababasa dati, kaya tuwang-tuwa ako nang makita ko ang mga iyon. I love reading books at isa ito sa nagpapakalma at nagpapa-relax sa pakiramdam ko. May bitbit lang din ako na flashlight na ibinigay sa akin ni William kahapon. “Kanina pa kita hinahanap. Narito ka lang pala,” wika pa nito nang makalapit ito nang tuluyan sa puwesto ko. Nakaupo ako sa sahig na medyo maalikabok pa at nakasandal sa lumang bookshelf. “Nabagot na kasi ako sa kuwarto, kaya pumunta ako rito,” sagot ko. “Mukhang hindi ka na takot,” ani nito at sumandal din sa bookshelf na nasa harapan ko. Nakatayo lamang ito. Natawa ako nang bahagya at saglit na isinarado ang librong nasa kandungan ko. “Sabi mo naman kasi ay walang multo rito.” Ngumiti ito nang malapad. “Wala naman talaga,” sabi pa nito. “Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo? Baka mamaya ay mabinat ka pa.” “Salamat sa concern mo sa akin, William. But I’m really fine now.” “Gusto ko lang makasigurado.” “Ano pala ang kailangan mo at pinuntahan mo ako rito?” mayamaya ay tanong ko rito. “Wala naman. Gusto lang kita makita.” Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig dito. “I mean, gusto ko lang kumustahin ang pakiramdam mo.” Ngumiti ako ulit at tumango. “Ah! Ayos na talaga ako, William. Salamat ulit,” sabi ko. “Sige. Iiwanan na muna kita at mukhang nag-i-enjoy ka sa binabasa mo riyan.” Ngumiti na lamang ako at tiningnan lang ito nang muli itong tumalikod at naglakad na papalayo hanggang sa lumabas ito sa library. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa ko. Pero nang makadama ako ng pananakit ng puwet dahil sa pagkakaupo ko sa sahig, tumayo ako at yakap-yakap ang makapal na libro at hawak sa isang kamay ko ang flashlight ay nagpasiya akong sa silid ko na lamang itutuloy ang pagbabasa ko. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa may pinto nang bigla akong bumangga sa malaking bulto ng lalaking nakatayo sa harapan ko. Dahil doon, nabitawan ko ang hawak kong libro at flashlight. Bigla ring bumilis ang pagkabog ng puso ko dahil sa gulat. “Who gave you permission to enter here?” Napapikit ako nang mariin nang marinig ko na naman ang galit at malamig niyang boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD