NAPALUNOK ako ng aking laway habang titig na titig sa kaniyang mga mata. It was as if his eyes had a magnet and I found myself unable to look away. I couldn’t even blink. And my heart, ramdam kong nag-umpisa itong tumibok nang malakas hanggang sa lumakas pa nang husto na para bang biglang may mga kabayo ang nagkarerahan sa loob ng dibdib ko.
Oh, my God!
While staring at his ocean-blue eyes, damn. I feel like I’m drowning!
Later, from staring into his eyes, my eyes moved to look at his entire face. Oh, God! Tama nga ang hula ko kanina na guwapo siya. Madilim man ang buong paligid, pero sapat na sapat ang liwanag mula sa lampara ko upang makita ko nang husto ang hitsura niya. His eyebrows are thick. He has a pointed nose, and he has a long beard and mustache on his face. His curly hair that was still wet fell slightly in front of my face, so I could smell him even more. Wala sa sariling nasinghot ko ang amoy niya. Damn again! Bakit ang bango-bango niya? Oh, Portia! Baka nakakalimutan mo, bago siyang ligo kaya malamang na mabango siya!
Unti-unti na sanang pipikit ang mga mata ko dahil masiyado na akong nadadala sa nararamdaman ko sa mga sandaling ito...
“What are you doing?”
I stared into his eyes again when I heard his angry voice. Then he straightened up, so I stood up too, then he immediately let go of me.
Napamaang na lamang ako at hindi ko nagawang magsalita para sagutin ang tanong niya.
My God! Nalunok ko ba ang aking dila?
“You entered my room without my permission?” galit na tanong niya pa sa akin.
Ang pagkabog ng puso ko dahil sa pagtitig ko sa kaniyang mga mata kanina ay biglang napalitan ng takot at pag-aalala.
“Um, s-sorry po, señorito,” wika ko.
“Sorry? Again?”
“N-Naghatid lang po ako ng pagkain ninyo.”
“And where is William?” galit niya pa ring tanong.
“N-Nasa labas po kasi siya kaya ako po ang naghatid dito ng pagkain ninyo.”
“Why are you in front of my bathroom?”
Napalunok ako at hindi agad nakasagot. Oh, oo nga naman, Portia! Maghahatid ka lang ng pagkain niya, pero bakit ka nasa tapat ng pinto ng banyo niya?
“Get out!”
Napakislot pa ako nang magtaas siya ng boses. Mayamaya ay napatango na lamang ako.
“S-Sorry po,” sabi ko na lang at kahit ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko’y nagmadali na akong maglakad palabas ng kaniyang kuwarto. Muntikan pa akong bumunggo sa pinto kung hindi ko lang nahawakan agad iyon. At nang makalabas ako sa kaniyang silid ay nagdiretso ako agad sa silid ko. Nang makapasok ako roon, bigla akong napasandal sa likod ng pinto at napahawak sa tapat ng dibdib ko na ngayon ay napakalakas na naman ang pagtahip.
And I don’t know why I suddenly smiled when I remembered his handsome face, especially his ocean-blue eyes.
“Oh, my God! Ang guwapo niya!” wala sa sariling sambit ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kama. Inilapag ko sa ibabaw ng bedside table ang lamparang bitbit ko, saka umupo ako sa gilid ng kama. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko at napahawak ulit sa tapat ng dibdib ko. Malakas pa rin ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napabuga ako nang malalim na paghinga.
“MARAMING SALAMAT po rito sa mga damit, Nanay Josephine,” nakangiting sabi ko nang tanggapin ko ang mga damit na ibinigay nito para sa akin. Tamang-tama at tatlong piraso lang ang damit na ginagamit ko ngayon. Pagkakatapos kong maligo ay kaagad ko ring nilalabhan ang hinubad ko para may suotin ako sa susunod na araw.
“Walang ano man, hija!” nakangiti ring saad nito.
“Huwag po kayong mag-alala, Nanay Josephine. Kapag po ligtas po akong makauwi sa amin, babayaran ko po ang lahat ng ginawa ninyong kabutihan sa akin.”
“Ano ka ba namang bata ka!” ani nito. “Huwag mo ng isipin ’yon! Hindi naman ako naniningil sa tulong na ginawa ko sa ’yo. Isang salamat lang ay ayos na ako roon. At isa pa, wala naman ng gagamit sa mga damit na iyan kaya dinala ko na rito para ibigay sa ’yo. Mga damit ’yan ng pinsan ni William na nakitira sa amin noong nasa bayan pa kami. Naisip naman kita kanina nang makita ko iyan, kaya dinala ko na para mapakinabangan pa.”
Muli akong ngumiti nang matamis at malapad. “Maraming salamat po ulit.”
“Wala ’yon, hija.”
“Um, si William po pala nasaan?” mayamaya ay tanong ko.
“Nasa labas. Ewan ko kung ano ang ginagawa ng batang ’yon.”
“Pupuntahan ko lang po siya roon, Nanay Josephine.”
“Siya sige, hija. At ako’y magpapahinga rin muna dahil napagod ako sa mahabang biyahe ko kanina,” ani nito.
Tumango naman ako, saka lumabas ng kusina. I first went up to my room to bring the clothes that Nanay Josephine gave me, and then I went down again and went straight to the main door. I was about to go outside when I saw William at the gate talking to some men. My eyebrows creased as I halted and stared at them. But later, my eyes suddenly widened when I recognized the two men. Sa labis na gulat at takot ko, bigla kong naisarado ulit ang pinto at napasandal ako sa likod niyon.
Oh, my God! Nasa labas ang mga lalaking naghahanap sa akin? Natunton na nila ang mansion na ito? Oh, no! What if they find out I’m inside and hiding? What if they insist on coming in here and forcefully take me? Jusko! Huwag naman sana!
I clutched my chest as extreme nervousness and fear suddenly attacked me. And later, I heaved, and I slowly grabbed the doorknob again and gently turned it to open the door again. I peeked outside.
“Sigurado ka bang walang may napapadpad ditong babae?”
Dinig kong tanong ng isang lalaki kay William.
“Wala po, boss! Napakatahimik po ng lugar namin dito. Ni isa ay wala pa naman pong may nakakarating dito sa mansion,” sagot ni William.
“Sigurado ka, huh? Baka mamaya niyan...” Anang lalaki na isa sa mga nakita ko nang gabing iyon sa bahay ni Wigo.
Nang dumako sa may pinto ang paningin ng lalaking iyon, bigla akong napatago ulit sa likod ng pinto.
“Huwag po kayong mag-alala, boss. Kung mapadpad man po rito sa mansion ang babaeng sinasabi ninyo ay ipagbibigay alam ko po agad sa inyo,” dinig kong sabi pa ni William sa mga lalaki.
“Sige, salamat!”
“Mag-iingat po kayo, boss!”
Nang muli akong sumilip sa siwang ng pinto, nakita kong paalis na ang mga lalaki. Si William naman ay naglakad na rin palapit sa main door. Nang makapasok ito...
“William!” tawag ko rito.
“Portia,” ani nito. “Um, may mga lalaki sa labas. Hinahanap ka,” wika nito.
“Nakita ko nga,” sabi ko.
“Delikado ka nga kung lalabas ka rito sa mansion.”
“Nakalayo na ba sila?” tanong ko.
“Paalis na. Pero sa tingin ko ay babalik pa ’yon sila rito. Mukhang hindi sila kumbinsido sa sinabi kong hindi ka pa napapadpad dito.”
Bigla akong napabuntong hininga nang malalim dahil sa labis na pag-aalala ko.
“Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman sila makakapasok nang basta-basta rito sa mansion.”
“Hindi ko lang maiwasang hindi mag-alala at matakot, William,” sabi ko.
“Don’t worry, Portia,” ani nito at ngumiti sa akin pagkuwa’y hinawakan ako sa braso ko at masuyong humimas doon ang palad nito.
Tipid akong ngumiti. “Salamat sa tulong mo, William.”
“No problem.”
3RD PERSON’s POV
“CRANDALL, hijo! Nasa telepono ang papa mo, at gusto ka raw niyang makausap dahil—”
“I’m busy!” said Crandall’s cold and serious voice as he sat in a black high-back chair in the corner of his wide and dark room. The tall window of the room is covered with thick, black curtains, making it seem like night even though the sun is already up outside the mansion.
Bahagyang napayuko ng ulo ang matandang Josephine. “Pasensiya na, hijo. Pero pinapasabi ng iyong papa na mahalaga—”
“The hell I care!” dumagundong ang galit niyang boses dahilan upang muling maputol sa pagsasalita ang matanda. The sound of shattered glass hitting the room’s wall was the next thing heard all around. “Get out, now!” he ordered the old woman emphatically and angrily.
Napalunok naman ng laway nito si Josephine at tumango kahit alam naman nitong hindi makikita ng binata ang ginawa nito. Pagkatapos ay nagmamadali na itong tumalikod at lumabas sa silid na ’yon.
Crandall let out a deep breath, then clenched his fists tightly. What he hates most of all is that he will hear about his father.
Mayamaya, pagkaraan ng ilang sandali ay kumilos siya sa kaniyang puwesto, at inabot ang bote na nasa center table at muling nagsalin ng alak sa panibagong baso. Muli siyang sumandal sa upuan at nagdekuwatro pa at muling dinala sa bibig ang hawak na baso.
***
Nasa may puno pa lamang siya ng hagdan ay biglang nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay at napatiim bagang siya nang makita niyang nakabukas ang mga kurtina sa sala kaya lumiwanag ang buong paligid.
“Crandall, how long are you going to ignore my calls to you?”
Nalipat ang paningin niya sa kaniyang ama nang marinig niya ang boses nito. Nakatayo ito sa gitna ng sala, hawak-hawak ang baston nito.
After Josephine went to his room earlier, she came back almost an hour later to let him know his father had arrived and wanted to speak with him. Just like the previous visits of his father to his mansion, he had no intention of showing in front of him because he still did not want to talk to him, but in the end he did nothing but leave his room and go down to the living room.
He let out a deep breath again and began to descend the high stairs. When he finally got down, he sat down on the black sofa in the living room. He didn’t even bother to answer his father’s question.
“I’m talking to you, young man. I’m still your father, so you should respect me,” galit na sabi pa nito sa kaniya pagkuwa’y muling umigting ang panga nito dahil sa pagtitimpi.
“I will give you only five minutes to talk to me. So start talking, old man,” he said coldly, without even bothering to look at him.
Humugot nang malalim na paghinga ang matandang lalaki, saka iyon pinakawalan sa ere at seryosong tinitigan ang anak.
“How long will you stay in this kind of life, Crandall?” mayamaya ay makahulugang tanong nito sa kaniya. “Aren’t you tired of this boring and useless life?” tanong pa nito. Naghintay ito ng sagot mula sa kaniya, ngunit hindi naman siya nag-abala na magsalita. “I’m still waiting for you to come back home. Hindi ito ang bahay mo, hindi ito ang buhay na dapat mong tinatamasa araw-araw. You’re not supposed to stay in this... In this deteriorated place. Do not waste your life dahil lamang sa isang walang kuwentang babae na—”
“Damn it!” malakas na sigaw niya dahilan upang matigil sa pagsasalita ang kaniyang ama. His eyes were on fire when he looked at his father. The old-fashion glass he was holding with only whiskey suddenly broke when he tightened his grip on it. He quickly stood up from his seat and approached his father. Without a doubt, he hold the collar of his white long-sleeve which was topped with a black coat. Umiigting ang kaniyang panga at matalim ang titig niya sa kaniyang ama. “Be careful with your words, Damian. You don’t have the right to speak that way about her!” galit na sabi niya, at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kuwelyo ng damit nito.
Natigilan naman ang kaniyang ama. Halatang nagulat ito at hindi inaasahan ang kaniyang ginawa.
Mayamaya ay binitawan niya ito, saka tumalikod siya at nagpakawala nang malalim na paghinga. “Get out of my house now!” mariing utos niya habang nagtatagis pa rin ang kaniyang bagang. Ang kaniyang mga kamao ay mariin ding nakakuyom.
Napabuga ulit nang malalim na paghinga ang matandang El Greco, saka napailing habang pinagmamasdan ang likod ng anak.
“Poor, Crandall!” ani nito. “Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na babalik siya sa iyo? Gumising ka na, Crandall! The woman you say loves you so much left you because she traded you for money,” dagdag pa nito pagkatapos ay humakbang na rin upang tunguhin ang main door. Ngunit mayamaya ay huminto ito at bahagyang nilingon ang anak. “I’m still waiting for you to come home. Isa kang El Greco, Crandall. At ang isang El Greco ay dapat tinitingala ng sambayanan, hindi nagtatago at nagmumukmok sa lugar na ito para lang takasan ang kahihiyan na dulot ng babaeng walang kuwenta,” muling sabi nito bago ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makalabas na ito sa malaking pintun.
Nanggagalaiti naman siya dahil sa mga sinabi ng kaniyang ama sa kaniya. Muling umigting ang kaniyang panga at tinadyakan niya ang babasaging lamesa na nakapuwesto sa gitna ng sala. Nabasag iyon at nagkalat sa marmol na sahig ang mga bubog.
“Damn you, Damian! Damn you!” galit at tiim bagang na bulong niya.