CHAPTER 21

1723 Words
LABIS pa rin akong nababahala at nag-aalala para kay Crandall. Paroo’t parito ako nang lakad sa gilid ng dining table habang siya naman ay nakahiga pa rin sa sahig at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Oh, hindi ko talaga sinasadya ang ginawa ko sa kaniya! I was so scared earlier, and hindi ko alam na ngayon siya uuwi rito. My God! What should I say to him when he wakes up or maybe. . . is he still alive? Because of that thought, I halted and gave him another glance. Kagat ang pang-ilalim na labi ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Jesus! Buhay pa kaya siya? O baka. . . hindi kaya napuruhan ko siya at napatay? Mas lalo akong nakadama ng takot at pag-aalala dahil sa pag-iisip na baka nga napatay ko na si Crandall. Nang makaluhod ako sa tabi niya, saglit kong sinilip ang kaniyang mukha, saka dahan-dahang inilapit sa kaniya ang kaliwang kamay ko upang itapat iyon sa kaniyang ilong. Gusto ko lang malaman kung humihinga pa ba siya! Kasabay nang malakas na pagtahip ng dibdib ko ay napalunok ako nang sunod-sunod. His warm breath gave me a feeling of relief and the dread I had inside me began to lessen. Oh, thank God! Akala ko ay natuluyan ko na siya! Mayamaya, hindi ko pa man tuluyang nailalayo sa tapat ng kaniyang ilong ang kamay ko ay nagulat ako nang bigla siyang magmulat ng kaniyang mata. Napaupo ako sa sahig! “Oh, f**k!” daing niya at masuyong kumilos sa kaniyang puwesto. Kaagad na hinawakan niya ang kaniyang ulo kung saan ko siya nahampas ng rolling pin kanina. Napakagat akong muli ng pang-ilalim kong labi habang hindi maipinta ang hitsura ko at nakatitig ako sa kaniya. “S-Señorito?” nauutal at mahinang tawag ko sa kaniya. Kaagad naman siyang napatingin sa akin. Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “A-Are you. . . okay?” Oh, seriouly, Portia? Nagtatanong ka pa ng ganiyan sa kaniya samantalang kitang-kita mo naman kung paano mo siya napuruhan kanina? Huramentado ng aking isipan. Muli siyang kumilos sa kaniyang puwesto at umupo. Hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang ulo. “Did you. . . hit me?” tanong niya. Wala sa sariling nakagat ko na lamang ang hintuturo ko at mas lalong napangiwi habang kitang-kita ko ang galit sa mukha at mga mata niya. Oh! Imbes na medyo okay na kami ngayon, heto at mukhang magiging masungit na naman siya dahil sa nagawa kong kasalanan. It’s really my fault. “I. . . I’m sorry,” ang tanging nasabi ko sa kaniya. “f**k!” pagmumura niya, saka siya tumayo. “Why did you hit me?” pagalit na tanong niyang muli sa akin nang tuluyan siyang makatayo. Ako naman, kahit nanginginig ang buong katawan ko lalo na ang mga tuhod ko, kaagad akong tumayo. “I’m sorry. I mean. . . a-akala ko kasi. . . i-ikaw ’yong lalaking naghahanap sa akin para patayin ako. Hindi ko naman kasi alam na ikaw pala ang dumating,” pagpapaliwanag ko sa kaniya kahit nilalamon ng takot at pag-alala ang puso ko dahil sa klase ng paninitig niya sa akin. Tiim bagang na nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at matalim na titig pang muli ang ibinigay niya sa akin bago siya tumalikod at walang salita na lumabas ulit ng kusina habang hawak-hawak pa rin niya ang kaniyang ulo. Napapangiwi na lamang ako ulit habang sinusundan ko siya ng tingin. “Ah, Portia, ah! You’re so idiot!” panenermon ko sa aking sarili. Malinga-lingang sabunutan ko rin ang buhok ko dahil sa pagkainis ko sa sarili ko. I LET OUT a deep sigh in the air as I stood outside his room. Ewan ko kung ilang beses na at ilang minuto na ang lumipas simula nang mag-attempt ako na puntahan siya sa kuwarto niya para makausap siya at humingi ulit ng sorry dahil sa nagawa ko kanina, pero hanggang ngayon ay nauunahan pa rin ako ng takot at pag-aalala na baka mas lalo siyang magalit sa akin kung magpapakita pa ako ngayon sa kaniya. “You can do it, Portia! Kumatok ka na para makausap mo siya,” sabi ko pa sa sarili ko. Sa huling pagkakataon, nagpakawala ako ulit ng malalim na paghinga at lakas-loob na inangat ang kanang kamay ko at mariin akong pumikit at kumatok. Pero wala akong narinig na tugon mula sa kaniya, kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon. Dahil sobrang napakatahimik ng buong paligid, I heard the door creaking until I finally opened it and I peeked inside. Ah, mabuti at nakabukas na rin ang ilaw sa loob ng kuwarto niya. Ang buong akala ko ay ang nag-iisang lamp shade pa rin niya na nasa ibabaw ng bedside table ang madadatnan ko. “Señorito?” tawag ko sa kaniya nang hindi ko siya makita sa loob. Napakatahimik, at mukhang wala siya roon. “Señorito, nandito ka ba?” tawag ko ulit sa kaniya. But just like earlier, I didn’t get any answer from him. Tuluyan akong pumasok sa kuwarto niya at inilibot ang aking paningin sa buong paligid. At sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang kabuuan ng kaniyang kuwarto. Bahagya akong napangiti. In fairness, napaka-manly ng silid niya. The paint is a mixture of black and white. On the left side, near the window, there is a long sofa, two single couches and a glass center table, and in a corner there is a working table with a laptop on top of it and white folders. Above his king-size bed, there is a large portrait of a man and a woman. Both had wide smiles on their lips. The man wore a black tuxedo while the woman wore a white long dress. Nakapulupot sa leeg ng lalaki ang isang braso ng babae habang nasa baywang naman nito ang isang braso ng lalaki at ang isa pa nilang mga kamay ay magkasalikop. I kept my gaze fixed on the portrait as I slowly crept towards the end of his bed. Mayamaya ay bahagya akong napasinghap. Oh, God! That’s what he looks like kapag malinis ang mukha niya? It was Crandall. His hair is clean, neatly cut, and he has no mustache or beard. Ibang-iba ang ayos niya ngayon kumpara sa hitsura niya sa portrait na nakikita ko ngayon. Oh, damn! Kung hindi ko pa nakilala ang mga mata niya, hindi ko masasabing si Crandall nga ang nakikita ko ngayon. Sinasabi ko na nga ba, e! Kung guwapo na siya sa paningin ko ngayon na mahaba ang buhok niya at magulo ang hitsura ng mukha niya, mas guwapo siya kung mag-aahit siya. Parang biglang nawala ang pagkakahawig niya kay Antonio Paz. Mas guwapo talaga siya sa portrait na iyon. And that woman, she maybe his fiancée? ’Yong Catherine na sinasabi ni William? Um, she’s pretty though. Sexy at balingkinitan ang katawan. Matangkad at maputi rin. Not like me. . . my height is only five-four and I’m not confident in my body dahil ang sabi ng mga katrabaho ko, medyo nag-gain daw ako ng kaunting timbang ngayon. Then my skin color is fair. I’m not black, I’m not white either. “What are you doing here?” Bigla akong napapitlag at napalingon sa kaniya na kalalabas lamang sa banyo. And to my surprise, damn! I saw him half-naked, kaya napatulala akong bigla sa kaniya. His wet hair was dripping, and my eyes slowly made their way down to his broad and muscular chest and shoulders. s**t! Wala sa sariling napalunok ako habang patuloy na naglandas ang paningin ko pababa sa katawan niya—no, what I mean is. . . his so damn hot abs. Jesus! I gulped. What a nice and perfect view! My God! Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakita ng ganitong kaganda na katawan ng lalaki. I mean, I saw like this in magazines, pero sa personal. . . never in my whole life. All the descriptions I put of the male lead characters in my novel are just made up of my mischievous imagination and also because of what I saw in the magazines I bought, but I never saw a hot man in my whole life. Never pa akong nakakita ng lalaking hot kagaya ni Crandall. Damn. Is he a Greek God? I guess. Oh, God, thank you so much at nakabukas ang ilaw ngayon ng kuwatro niya! Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na masilayan ang katawan niya. I guess this is a once in a lifetime experience. Muli akong napalunok ng aking laway hanggang sa bumaba pa ang paningin ko sa ibaba ng kaniyang pusod. And again. . . damn! That v-line! “Are you done checking me?” Biglang bumalik sa mukha niya ang paningin ko nang marinig ko ang boses niya. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatitig sa akin. “Um, ah—” I don’t know what to say to him. I seem to have run out of words. Basta ang alam ko lang ngayon. . . labis na dinaga ang dibdib ko at biglang nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura ko na kanina naman ay hindi ko nararamdaman. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong hininga. Nang maramdaman ko rin ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa pagkapahiya sa kaniya, mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tumungo. “If the reason you came here to my room is not important, you can leave now. I can’t get dressed while you’re standing there and watching me.” Muli akong napalunok at napatingin sa kaniya, at kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay kaagad akong tumalikod at humakbang para lumabas sa silid niya. Oh, muntikan pang matupi ang mga tuhod ko dahil sa labis na kaba na nararamdaman ko. But luckily I managed to get out of his room. At nang maisarado ko ang pinto, bigla akong napasandal sa likod niyon at napahawak sa tapat ng dibdib ko na sobra-sobra ang pagkabog na para bang ano mang sandali ay tatalon iyon mula sa loob ng ribcage ko. “Oh, Portia!” usal ko at wala sa sariling napangiti. Nakagat ko pa ang pang-ilalim kong labi at muling naglaro sa isipan ko ang maganda niyang katawan. “So hot!” usal ko ulit at banayad na nagbuntong hininga nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD