PAGKALABAS ko sa kusina, nakita ko agad si Crandall na nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa labas. Nakasuksok sa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya habang ang isang kamay naman niya ay nakasandal sa gilid ng pader. Even though there was a gap between us, I could tell from the side of his face that he was in a world of his own. Mayamaya, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
Tipid akong ngumiti, saka naglakad na palapit sa kaniya. “Um, señorito!” tawag ko sa kaniya nang makalapit na ako sa kaniyang likuran.
Hindi naman agad siya humarap sa akin, pero bahagya siyang lumingon.
“Ipinapatawag na po kayo ng mama ninyo,” sabi ko pa. “Kakain na raw po kayo.”
At that point, he turned completely to face me. He stared at my face for a moment, so I smiled at him.
“Ayos lang po ba kayo, señorito?” hindi ko napigilan ang magtanong sa kaniya.
But instead of answering my question, he let out another deep breath and avoided looking at me. He stepped over, and I didn’t even hear a word from him.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko, at bahagyang napasimangot. “Hpm! Ang sungit naman!” saad ko, at sumunod na rin sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa kusina.
“Halika, Portia, hija! Saluhan mo na kami na kumain.” Nakangiting aya sa akin ng mama ni Crandall.
“Um, h-hindi na po, ma’am. Mamaya na lang po ako kakain kapag po—”
“Come on, hija! Huwag ka nang tumanggi,” ani nito, kaya naputol ang pagsasalita ko. Nakaupo na ito sa silyang nasa kaliwang bahagi ng kabisera habang si Crandall naman ay pumuwesto na mismo sa kabisera.
Naiilang na ngumiti ako nang malapad, at tinapunan ko ng tingin si Crandall. Seryoso lang ang mukha niya.
“Um, h-hindi na po, ma’am.” Pagtanggi ko ulit mayamaya nang muli akong tumingin sa mama niya.
“You can join us,” sabi niya, kaya napatingin ako ulit sa kaniya.
“Come on, hija. Sit down. Josephine, halika na. Nasaan ba si William?”
Kaagad namang umupo si Nanay Josephine sa silyang nasa tabi ni Mrs. El Greco, habang ako naman ay nagdadalawang-isip pa kung lalapit ba sa upuan na nasa kanang bahagi ng puwesto ni Crandall. Pero nang sulyapan niya ako ulit, wala na akong nagawa kung ’di ang hilahin ang upuan at pumuwesto na roon.
“Nasa bayan si William at bukas pa siya babalik, Sugar,” sagot ni Nanay Jo.
“Ganoon ba?” ani nito. “Siya sige, kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain.”
Kahit nahihiya man ako na sumabay sa kanila, hindi ko na lang iyon pinansin. Mukhang mabait naman ang mama niya, e! I’ve been looking at her for a while but she’s always smiling so I feel like she’s really kind person. Maamo rin ang mukha nito na para bang hindi makabasag pinggan.
“Huwag ka nang mahiya, hija, okay?”
I smiled again. “Salamat po!” saad ko, at nagsimula na ring maglagay ng pagkain ko sa pinggan nang iabot sa akin ni Crandall ang kanin. “Thank you,” sabi ko rin sa kaniya, at ngumiti pa ako.
“How are you again, hija?” mayamaya ay tanong sa akin ni Mrs. El Greco.
Muli akong ngumiti, at nilunok muna ang unang subo ko ng pagkain bago sumagot. “Ayos naman po, ako. Salamat po.”
“Paano ka pala napunta rito sa mansion? Did you two know each other?” tanong pa nito, at ipinagpalipat-lipat ang tingin sa amin ng anak nito. “Are you two friends?”
Saglit din akong sumulyap kay Crandall. Ilang segundo akong naghintay kung sasagot ba siya, pero nang hindi ay ako na ang nagsalita.
“Ah, hindi po, ma’am,” sagot ko.
“Hindi kayo magkakilala o magkaibigan man lang?”
Nakangiti akong umiling.
Bahagyang nangunot ang noo ni Mrs. El Greco. “Kung ganoon, bakit ka nandito sa mansion, hija? I mean, I’m sure naman na hindi ka nag-apply ng trabaho dito para maging kasambahay dahil kilala ko ang anak kong ito. Ayaw niya nang may maraming tao sa bahay niya, at kung siya nga lang ang masusunod ay ayaw niya ring nandito sina Josephine at William.”
“Ang totoo po niyan, ma’am,” I said and briefly glanced at Crandall, who was still focused on his food. Tinapunan ko rin ng tingin si Nanay Josephine na nakatingin din sa akin. “Um, kasi ano po. . . papunta po sana ako sa bahay ng kaibigan ko no’ng nakaraang linggo. Pero nasiraan po kasi ang sasakyan ko. E, gabi na po kasi at hindi ko po alam kung saan po ako magpapalipas ng oras, kaya napadpad po ako rito sa mansion ni señorito.” Pagsisinungaling ko na lamang. Oh! Ayoko man sanang magsinungaling, pero ayoko na pati si Mrs. El Greco ay malalaman pa ang sitwasyon ko ngayon. “Sakto rin po na nagkaroon ng bagyo no’ng nakaraang linggo, kaya nagkasakit po ako. Naisipan ko po na magpaalam kay señorito na kung maaari ay mamalagi na lang po muna ako rito sa mansion niya ng ilang araw,” dagdag ko pa.
“Ganoon ba? Mabuti na lang pala at dito ka napunta sa mansion. I mean, at least ay nakilala kita.” Matamis pa ang ngiti nito sa mga labi, at sinulyapan din ang anak. “By the way, what did you do for a living, hija?” tanong nitong muli. “If it’s okay with you to answer my question. You also seem to come from a rich family, don’t you?”
Tumikhim naman ako, at dinampot ang baso ng tubig ko at saglit na uminom bago nagsalita. “Ah, writer po ako,” sagot ko.
Napatitig naman sa akin nang diretso ang ginang. “Really? Like. . . an author?” tanong pa nito.
Tumango naman ako, at muling ngumiti nang tipid.
“Wow! In all my life, I have never encountered an author. Ikaw pa lang, hija!”
Ngumiti lamang ako ulit.
“So, may mga libro ka ng nailabas sa market?” tanong nitong muli.
Oh! Hindi naman ako na-inform na may kasamang interview pala ako ngayon habang kumakain ng tanghalian. Pero nakakahiya naman kung hindi ko sasagutin si Mrs. El Greco, kaya wala na rin akong nagawa.
“Opo, ma’am.”
“Oh, hindi ako mahilig magbasa ng libro. Pero ngayon, parang gusto kong subukan.”
“Salamat po.”
“Ano ba ang mga isinusulat mo, hija?”
“Romance novel po,” sagot ko.
“Mamaya ay magkuwentohan tayo, at sabihin mo sa akin kung ano ang mga librong gawa mo para bumili ako. Tutal at wala naman akong ginagawa sa bahay dahil hindi naman ako dinadalaw nitong magaling kong anak,” ani nito, at inismiran si Crandall nang sumulyap ito rito.
“Kaya pala nagka-interest kang maglinis sa library no’ng isang araw, hija. Iyon pala ay hilig mo ang libro,” ani Nanay Josephine sa akin.
“Mahilig po talaga ako sa libro, Nanay Josephine.”
Kung anu-ano pa ang mga naging tanong sa akin ni Mrs. El Greco pati na rin ni Nanay Jo, habang tahimik lang naman na kumakain si Crandall. Nahihiya man ako sa kaniya dahil mukhang natuon na sa akin ang buong atenyson ng kaniyang mama, pero sa kabilang banda ay natutuwa rin naman ako. At least ngayon pa lamang ay parang nararamdaman ko ng gusto ako nito kay Crandall.
“I’m really sorry, hija kung marami akong naging tanong sa ’yo, huh! Ganito kasi talaga ako kapag gusto ko ang isang tao. Gusto ko makilala agad.”
Ngumiti akong muli nang ibaba ko na ang hawak kong kubyertos. Natapos na rin akong kumain. “Okay lang po, ma’am.”
“And I hope na maging magkaibigan din kayo nitong Crandall ko,” ani nito, at nakangiting sinulyapan ulit ang anak. “Alam mo, hija, it’s been three years simula nang magkulong ang batang ito rito sa mansion ng lolo niya. At buti hindi ka natakot nang makapunta ka rito! I mean, look at him. Guwapo naman siya, pero pinabayaan na ang sarili dahil sa—”
“Mom, please,” sabi niya, kaya naputol sa pagsasalita ang kaniyang ina.
“What? Nagkukuwento lang ako kay Portia. Para naman mahiya ka at magpagupit ka na at alisin mo na ’yang mga balbas at bigote mo! Hindi bagay sa ’yo, anak. My God, hijo! I’m sure na tatlong taon ka na ring hindi humaharap sa salamin, kaya hindi mo makita kung ano ang hitsura mo ngayon! Hindi ka ba nahihiya kay Portia? May kasama kang dalaga rito sa mansion, pero ganiyan ang hitsura mo. Ay teka, wala ka pa namang asawa hija, hindi ba?” tanong nito sa akin.
Mabilis naman akong umiling habang nakangiti pa rin. “W-Wala pa po,” sagot ko.
“How about boyfriend?”
Muli akong umiling at lihim na sumulyap kay Crandall, na nakatingin na rin sa akin. Oh, God! Bigla kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko.
“Oh, really? Wala ring girlfriend itong anak ko—”
“Mom, please! Para namang wala ako rito sa harapan mo at benebenta mo na ako.”
Hindi ko napigilan ang mapahagikhik dahil sa sinabi niya maging sa naging reaksyon ng kaniyang mukha. Oh, mukhang mama’s boy pa yata ang beast na ito!
“Kung ganito namang wala ka nang balak na mag-girlfriend ulit, baka nga ibenta na lang kita kay Portia,” pabirong wika nito. “My God! Your dad and I are not getting any younger! Pati rin ikaw! Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming—”
“Okay, that’s enough,” sabi niya, kaya naputol ulit sa pagsasalita ang kaniyang mama. “Ihahatid ko na po kayo sa labas.” Kaagad siyang tumayo sa kaniyang puwesto, at lumapit sa kaniyang ina. Hinawakan niya pa ang kamay nito upang sana ay alalayan na makatayo.
Pero pinalo naman ni Mrs. El Greco ang kaniyang kamay. “Ang batang ito talaga, oo! Bahay ko rin ito, baka nakakalimutan mo?”
Napapangiti na lamang ako nang malapad habang pinagmamasdan silang dalawa.
Maging si Nanay Josephine ay natatawa na rin sa kanilang dalawa.
Oh, I couldn’t help feeling a sudden sadness when I remembered my mommy and daddy. Kung sana hindi sila naaksidente noon, sana hanggang ngayon ay kasama ko pa rin sila. Bumuntong hininga ako at ngumiting muli.
Pagkatapos naming kumain, tinulungan ko na rin si Nanay Josephine na iligpit ang mga pinagkainan namin habang nagtungo naman sa sala si Crandall kasama ang mama niya.
ALMOST TWO WEEKS have passed since I came here to Crandall’s mansion. Two weeks, but until now I’m still afraid to leave the house dahil ilang araw ko nang nakikita sa labas ang mga lalaking nagpapabalik-pabalik para makita ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ako makakabalik sa amin. I can’t call the police para magsumbong dahil wala namang telepono or cell phone man lang dito sa mansion. Si William din, pagkatapos nang nangyari sa amin doon sa library no’ng nakaraan ay hindi pa ito ulit bumabalik dito sa mansion. Si Crandall din ay tatlong araw nang wala rito sa mansion. Tanging kami lamang dalawa ni Nanay Josephine ang naiwan dito. When I asked Nanay Jo yesterday where Crandall was, she said he had left for the city because he had something important to attend to. Oh, if only I knew! Sana pala ay sumabay na ako sa kaniya para makabalik na ako sa amin.
I let out a deep sigh into the air and then picked up my cup of coffee that was in front of me and drank it. It’s six in the evening and I’m in the kitchen. At ewan ko ba kung bakit naisipan kong magkape ngayon e, gabi naman na. Si Nanay Josephine rin ay nasa bayan pa. Sumabay kasi ito kanina sa lalaking naghatid ng pagkain dito. Mamaya raw ito babalik, kaya ako lang mag-isa ngayon.
Nang maubos ko ang kape ko ay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa lababo para hugasan ang tasang ginamit ko.
Did I mention that since Crandall’s mom came here to visit, he hadn’t turned off the lights? I mean, hindi na niya pinapatay ang ibang ilaw, kaya kahit papaano ay maliwanag na rito sa mansion niya. Bagay na ikinatutuwa ko. Napapansin ko rin kasing simula nang payagan ako ni Crandall na maglinis sa library, may kaunting pagbabago sa ugali niya ngayon. Hindi na siya mahilig manggulat sa akin. Hinayaan na niyang nakabukas ang ibang ilaw rito. Hindi na rin siya nagagalit sa akin, although, seryoso pa rin naman lagi ang mukha niya. Pero at least parang komportable na akong kausap siya.
Pagkatapos kong hugasan ang tasa at maibalik sa lalagyan niyon, sakto namang nakarinig ako ng kaunting ingay mula sa sala, kaya napahinto ako sa akmang paghakbang palabas ng kusina at napakunot ang noo ko. Pinakinggan ko ulit ang tunog na iyon. At mayamaya, nang maulinigan kong parang mga yabag ng tao ang naririnig ko na papalapit na sa may pintuan ng kusina, bigla akong nakadama ng kaba sa puso ko at nag-panic. Oh, God! May taong nakapasok sa bahay? ’Yong mga lalaking naghahanap sa akin?
Bigla akong sinalakay ng takot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mayamaya, hinubad ko ang suot kong tsinelas at napatakbo ako papunta sa gilid ng pinto. Roon ako nagtago habang iginagala ko ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng magagamit ko pang depensa sa taong ngayon ay papasok na sa kusina.
Oh, jusko! Ako lang mag-isa ngayon dito sa mansion ni Crandall. Kung nakapasok na rito sa loob ang mga lalaking naghahanap sa akin ay hindi malabong makuha na ako ng mga ito o hindi kaya ay mapatay na nila ako! Mas lalo akong nakadama ng takot dahil sa isiping iyon.
Lord, please help me!
Nang mahagip ng paningin ko ang hindi kalakihang rolling pin na nasa gilid ng oven na ilang hakbang ang layo mula sa puwesto ko, kaagad ko iyong kinuha at mahigpit na hinawakan ng dalawa kong kamay, at inihanda ang sarili ko.
Kahit balot ng takot at kaba ang dibdib ko, nang makita ko ang sapatos ng lalaking pumasok sa kusina, walang pagdadalawang-isip na bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at napasigaw pa ako kasabay niyon ang malakas na paghampas ko ng rolling pin sa ulo ng lalaki.
“Ahhh!”
Biglang bumagsak sa sahig ang lalaki, kaya napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata ko at bahagyang nanginginig ang katawan ko sa takot. Mabilis na nagtaas baba ang dibdib at mga balikat ko.
Oh, my God! Did I killed him? Magkahalong takot at pag-aalala ang naramdaman ko habang pinagmamasdan ang lalaki na nakadapa na sa sahig. At dahil maliwanag na sa buong kusina, mayamaya ay biglang nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang mahaba at medyo kulot nitong buhok. Ilang segundo pa, bigla akong napasinghap at nanlalaki ang mga matang napatutop ang isang kamay ko sa aking bibig.
“Jesus! C-Crandall?” sambit ko sa pangalan niya, at kaagad na napaluhod sa sahig habang titig na titig ako sa mukha niya. Wala siyang malay. “Oh, no! Portia, w-what. . . what did you to him?”
God! Si Crandall pala ang nahampas ko sa ulo! I thought. . . oh, gosh!