“PORTIA!”
Bigla akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumawag sa akin. I saw William standing in the middle of the kitchen door. Malamlam ang mukha nito at may bitbit na isang bouquet ng white roses. Oh, that’s my favorite.
Nasa kusina ako at naghahanda ng lulutuin ni Nanay Josephine para sa tanghalian namin. Hindi ko naman alam na dadating ngayon sa mansion si William. It’s been a couple of days simula nang umalis ito at hindi agad bumalik. Ang sabi sa akin ni Nanay Josephine ay naroon lang daw ito sa bayan at nahihiyang magpakita sa akin lalo na kay Crandall dahil sa nangyari no’ng nakaraan. Maging si Nanay Josephine nga ay ilang beses na ring humingi ng pasensya sa akin, pero ang sabi ko naman ay ayos lang at wala naman may nangyaring masama sa akin.
“William!”
He started walking towards me, and when he finally got close to my place; I was standing on the side of the sink. He smiled at me. Mayamaya ay tumikhim ito at tiningnan saglit ang bulaklak na hawak nito bago muling tumitingin sa akin.
“Um, Portia, p-puwede ba kitang makausap?”
Banayad akong nagpakawala ng buntong hininga, saka ipinunas ang mga palad ko sa suot kong apron at humarap dito nang tuluyan. “Sige,” sagot ko.
“B-By the way, p-para pala sa ’yo ito!” Ibinigay nito sa akin ang bulaklak.
Nang una ay nag-aalangan pa ako na tanggapin iyon, kaya hindi agad ako nakakilos para kunin iyon.
“Don’t worry, peace offering ko lang ’yan dahil sa nagawa kong mali sa ’yo no’ng nakaraan,” sabi pa nito at muling tipid na ngumiti. Halata pa rin sa mukha nito na nahihiya ito sa akin.
Ilang segundo pa ang lumipas at tinanggap ko na rin iyon. “Salamat,” sabi ko.
“A-Alam kong. . . mali talaga ang ginawa ko kaya sorry ulit, Portia. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko that time. Gusto talaga kasi kita, e! Pero nang malaman kong wala akong pag-asa sa ’yo kasi si Kuya Crandall ang gusto mo ay bigla akong nasaktan, kaya nagawa ko ’yon. But I hope you can forgive me, Portia. I promise. . . hindi na mauulit ’yon. Hindi ko na ulit gagawin ’yon. Nagsisi ako at nahiya kay Kuya Crandall, lalo na sa ’yo, kaya ilang araw akong nawala rito sa mansion,” pagpapaliwanag nito sa akin.
Muli akong humugot ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pagkatapos kong mag-iwas ng tingin dito ay muli kong tinapunan ng tingin ang magagandang bulaklak na ibinigay nito sa akin. “Ayos na ’yon, William! Huwag mo na lang ulit gagawin,” sabi ko nang muli akong mag-angat ng mukha at tiningnan ito.
Ngumiti naman ito. “So. . . okay na ulit tayo?” tanong nito.
“Okay na ulit tayo,” sabi ko at totoong ngiti na ang ibinigay ko rito.
Isang napakalalim na paghinga ang pinakawalan nito sa ere, at pagkuwa’y napahagod pa sa buhok papunta sa batok nito.
“Oh, thank you, Portia! Ang akala ko ay hindi mo tatanggapin ang sorry ko.”
“Kalimutan na lang natin ’yon.”
Tumango-tango naman ito. “Thank you!”
Pagkatapos naming mag-usap ni William ay kaagad din itong nagpaalam sa akin at lumabas ng kusina. Ako naman ay inilapag ko sa lamesa ang bulaklak at muling itinuloy ang ginagawa kong trabaho para kapag nakabalik na sa kusina si Nanay Josephine ay nakahanda na ang mga lulutuin nito.
IT’S BEEN THREE DAYS pagkatapos nang nangyari sa amin ni Crandall sa kusina nang gabing iyon. Pagkatapos nang maling nagawa ko sa kaniya. And after our conversation in his room, we never spoke again after that. At hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang maganda niyang katawan na for the first time ay nasilayan ko. Oh! Mas matutuwa sana ako kung hindi na siya nagalit sa akin.
Oh, come on, Portia! Sino ba naman kasi ang hindi magagalit pagkatapos ng nagawa mo?
When I got up from sitting on the edge of the bed, I took a moment to readjust the floral bohemian dress I was wearing. Hanggang talampakan ko pa ang haba niyon. Nanay Josephine gave it to me the other day pagkabalik nito galing bayan.
I walked out of the room. I’ve been feeling bored for a while now and I haven’t gotten anything done since this morning. I spend a lot of time in bed and I often pace around the room. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang ikot na ako. Nag-akyat panaog na rin ako sa sala. Pinuntahan ko na sa kusina si Nanay Josephine para magtanong kung may gagawin bang trabaho, pero ang sabi lang nito sa akin ay wala raw. Si William naman ay kanina pang naroon sa labas at naglilinis. I wanted to go out to help him, but I couldn’t. I was worried that maybe like the other day when I went to Crandall while he was in the garden, muntikan na akong makita ng mga lalaking naghahanap sa akin.
Ah, magbabasa na lang ulit ako!
Kaya nang makalabas ako nang tuluyan sa silid ko, nagdiretso agad ako papunta sa library. Binuksan ko ang lahat ng ilaw roon at nagpaikot-ikot ako sa mga shelves para maghanap ng mababasa. Nang makakuha na ako ng libro ay muli akong bumalik sa kuwarto at sa kama na ako humiga habang nagbabasa. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at hindi ko na rin namalayan na hinila na ako ng antok, kaya bigla akong nakatulog. Nagising lamang ako nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto.
Naalimpungatan ako at pagkatapos ay nagmamadali akong bumangon at naglakad palapit sa pinto upang buksan iyon.
“Hija, Portia!”
“Nanay Josephine, bakit po?” tanong ko nang ito ang bumungad sa akin.
“Luluwas kami ni William sa bayan. Bukas ng hapon kami babalik. Nariyan kasi ang pinsan ko at sinusundo kami. Nagkaroon daw ng emergency ang kapatid ko,” ani nito. “Kung magutom ka, bumaba ka na lang sa kusina at nakapagluto naman na ako.”
“Sige po, Nanay Jo,” sabi ko, saka bahagyang inayos ang buhok ko at napahilamos sa mukha ko ang aking mga palad at lumabas na rin ako ng pintuan upang umagapay rito sa paglalakad hanggang sa makababa kami sa sala.
“Huwag kang mag-alala at nariyan naman si Crandall kasama mo rito,” sabi pa ni Nanay Josephine.
Tipid akong ngumiti.
“Portia, ayos ka lang ba rito?” tanong nito.
“Okay lang, William. Nandito naman si señorito, e!”
“Basta, huwag mo lang kalilimutan na isarado ang pinto sa likod bago ka pumanhik sa silid mo. Dalhan mo na lang din ng pagkain sa kuwarto niya si Crandall. Hindi na ’yon bababa mamaya para kumain.”
Ngumiti akong muli at tumango. “Mag-iingat po kayo,” sabi ko.
“Siya sige at mauuna na kami.”
“Bye, Portia.”
“Bye, William.”
Hindi na ako sumama sa kanila palabas ng main door. Sinundan ko na lang sila ng tingin at pagkatapos ay ini-lock ang pinto.
When I glanced at the long-case clock near the piano, that’s when I realized it was almost seven in the evening. Noon lang din ako nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ko.
Oh, I slept for almost five hours. Without Nanay Josephine coming to wake me, I would’ve been in the midst of a peaceful sleep.
Muli akong pumanhik sa hagdan at kailangan kong puntahan si Crandall para tanungin kong kakain na ba siya. Ewan ko ba sa lalaking ’yon kung bakit hindi siya kumakain sa hapag. Simula nang mapunta ako rito, isang beses ko pa lamang siya nakitang kumain na nasa lamesa. Noon lamang nang dumating ang mama niya para bisitahin siya.
“NAKAALIS NA BA ANG MAG-INA?” tanong ng lalaki sa isang kamasa nito habang nagkukubli sa likod ng mga puno.
“Kakaalis lang, boss. At mukhang mag-isa lang yata sa loob ’yong babae.”
“Sige. Akyatin mo ang gate at buksan mo.” Utos pa nito sa lalaki na kaagad namang tumalima.
Maingat na umakyat ang lalaki sa mataas na gate na gawa sa bakal ngunit kinakalawang na. Nang makatalon ito sa kabilang bahagi, kaagad nitong binuksan ang gate at pumasok din ang tatlo pang lalaki.
“Huwag kayong gagawa agad ng ingay. Sige, kayong dalawa, roon kayo sa likod dumaan. Ikaw naman, sumama ka sa akin dito.”
Kaagad na naglakad ang dalawang lalaki papunta sa kabilang bahagi ng garden.
“NAPAKASUNGIT talaga ng Orangu na ’yon!” reklamo ko habang pababa na ako ng hagdan ulit. Kagagaling ko lang sa silid niya at tinanong ko siya kung gusto na niyang kumain. Hindi na lang sumagot na hindi pa siya nagugutom, pero sinungit-sungitan pa ako. Ugh! Kung hindi ka lang talaga guwapo, Crandall, nunca na magtagal pa ako rito sa mansion mo. Oo na! There were countless occasions when I could have gone to the town with William and notified the police of my situation, but my heart was not in it. Manatili pa raw ako rito ng ilang araw pa bago ako tuluyang magpaalam sa kaniya. Alam ko naman na wala akong mapapala sa kaniya dahil mukhang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ang ex-fiancée niya, so hindi na ako dapat umasa pa. Gusto ko lang talaga sulitin muna ang mga araw ko rito bago tuluyang umalis. Because I know that we will never see each other again.
Oh, bakit ba labis akong nakakaramdam ng lungkot dahil sa isiping iyon? Crush ko pa lang naman siya, ah!
Ah, ewan ko ba sa sarili ko!
Bumuntong hininga na lamang ako ng malalim at ipinilig ko ang aking ulo upang alisin sa isipan ko ang bagay na iyon.
At nang makarating na ako sa kusina, kaagad akong kumuha ng pinggan ko para kumain ng mag-isa. Nagugutom na talaga ako!
Pagkatapos kong maglagay ng pagkain sa pinggan ko ay pumuwesto na rin ako sa hapag. Pero hindi ko pa man nahahawakan ang kubyertos ko ay nakarinig naman ako ng kaluskos mula sa labas ng kusina. Napatingin ako roon sa may pintuan. But later, I smiled.
“Nako, Portia! Kumain ka na lang! Mamaya ay mahampas mo na naman sa ulo ang sungit na ’yon. Mas lalong hindi ka niya papansinin,” sabi ko sa sarili ko.
Pero mayamaya, nagulat ako nang may lalaking nakaitim ang biglang pumasok sa kusina. It wasn’t Crandall.
“Boss, nandito na ’yong babae!” anang lalaki.
Bigla akong sinalakay nang labis na kaba at takot sa puso ko nang pumasok din ang isang lalaki. At napalingon din ako sa likuran ko. Dalawang lalaki pa ang pumasok sa pinto ng dirty kitchen.
“Sa wakas ay nakita ka rin namin!” nakangiting saad ng lalaki.
“N-No!” saad ko at bigla akong napatayo sa puwesto ko at nanginig ang buong katawan ko sa labis na takot.
Hindi ko alam kung saan ako tatakbo ngayon. Wala akong takas!
“Crandall!” napasigaw na lamang ako nang lumapit na sa akin ang tatlong lalaki. Nang hawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko, nagpumiglas ako. “Crandall, help!” sigaw ko. “Bitawan ninyo ako!” nag-unahan na rin bigla sa pagpatak ang mga luha ko.
“Huwag ka nang pumalag, miss! Wala ka nang kawala sa amin! Masiyado mo na kaming pinahirapan, e!” anang lalaki na nakatayo pa rin sa may pintuan. “Sige, dahil na ’yan.”
“No! Bitawan ninyo ako! Crandall!” malakas na sigaw ko sa pangalan niya.
Oh, God! Sana lang ay umabot sa kuwarto niya ang sigaw ko. Dahil kung hindi. . . katapusan ko na talaga ngayon!
“Crandall, help me! Bitawan ninyo ako!” Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas kahit wala naman akong laban sa dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso ko. Hanggang sa makarating kami sa sala. “Crandall!”
“Kahit sumigaw ka riyan nang sumigaw, wala ng may tutulong sa ’yo.”
Hanggang sa mailabas ako ng mga ito sa main door.
“Ano ba! Bitawan ninyo ako! Crandall!”
Umiiyak na ako nang husto habang tinatawag ko ang pangalan niya na mukhang napakaimposible na niyang marinig dahil nasa labas na kami ng mansion.
“Ano ba!” sigaw ko at nang mabiwatan ako ng isang lalaki, kaagad kong kinalmot ang mukha ng isang lalaki, at akmang tatakbo na sana pabalik sa loob ng mansion, pero napigilan naman ako ng isang lalaki at mabilis na sinuntok ang tiyan ko kaya bigla akong nakadama ng panghihina. Nagdilim ang buong paningin ko at unti-unti akong napaluhod sa damuhan habang nakahawak sa braso ng lalaki. Hangang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
“Sige, dalhin na ’yan.”