KUNG no’ng unang beses na naaninag ko ang mukha niya mula sa madilim na paligid ay masiyado na akong naguwapohan sa hitsura niya and I immediately had a crush on him and my heart beat faster when I knew he was around or when I hear his voice. But in these moments... I can’t figure out what I should feel while I can’t take my eyes off of him. I couldn’t even blink because I was worried that if I did that, he would vanish like a bubble.
Damn.
Ito ba talaga ang hitsura niya? Tama nga ako. His slightly curly hair is below his shoulders in length, while his face is full of mustache and beard. Pero bagay na bagay sa kaniya ang hitsura niya na nakikita ko sa mga sandaling ito. He looks like the Cuban actor I have a crush on. Antonio Paz. And from his hair, I also gazed at his whole handsome face. From his thick eyebrows, to his ocean-blue eyes, I appreciate the beautiful color of it even more now that he is in the light. His pointed nose and his red lips. Oh, holy lordy! Mas mapula pa nga yata ang mga labi niya kaysa sa akin. At ang jawline niya. Natatakpan man iyon ng balbas niya, but I know and I’m sure he has a perfect jawline. And the white button-down shirt he was wearing also suited him perfectly. The top two buttons were open so I could clearly see his muscular chest. He was also wearing black trousers and black leather shoes.
Oh? Kahit nandito lang siya sa madilim niyang mansion, nakasuot siya ng ganoon?
Oh, well anyway, it doesn’t matter. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nasilayan ko na nang husto ang lalaking ilang gabi na ring dahilan kung bakit malakas lagi ang t***k ng puso ko. The man with the ocean-blue eyes that I can’t get out of my mind for several nights.
Oh, my veggies!
In my whole life. Sa dami nang nakita kong guwapo na lalaki, pero iba talaga ang dating sa akin ni Crandall.
Mayamaya ay biglang sumikdo ang puso ko. Bigla na namang bumilis ang pagtibok nito.
“As far as I know, I didn’t allow you to clean here or tamper with my library.”
Nang marinig ko ang boses niya, roon lamang ako nabalik sa sarili kong ulirat. Sunod-sunod pa akong napakurap at napalunok ng laway ko.
“Um,” ang nasabi ko lang.
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay sinuyod niya rin ng tingin ang buong paligid.
“E, n-nagpaalam naman po ako sa inyo kanina, señorito.”
“That I did not allow.”
“Silent means, yes,” sabi ko pa sa kaniya. “Kaya nanghiram na ako kay Nanay Josephine ng mga panglinis,” dagdag ko pa. “Huwag ka na pong magalit, señorito. Look around you, let’s just assume we’re in the Beauty and the Beast movie and these books can speak. I’m sure they’ve been complaining to you for a long time dahil sa kapal ng alikabok na nakapatong sa kanila.”
Nakita ko naman ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay niya at ang paniningkit ng mga mata niya.
“But we are not in the Beauty and the Beast movie. We are in real life where those books cannot speak, woman.”
Napaismid naman ako. Sungit talaga! “Kunwari lang naman po, señorito.”
“All right,” sabi niya. “After all, you have already started cleaning here. I want you to finish it until...” he said and raised his arm to look at the time on his wristwatch. “Six in the evening.”
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at napamaang. “Lilinisin ko ang buong library ng ilang oras lang?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
“You started it anyway. And this is what you want, isn’t it? To clean because, per your word… You are bored here in my bright mansion. Then, do whatever you want. But if you don’t finish cleaning here until six in the evening... You can leave my mansion tomorrow morning.”
Napamaang na lamang ako sa mga sinabi niya at sinundan ko siya ng tingin nang tumalikod na siya at naglakad palabas ng pintuan.
Ugh! Wala talagang puso ang lalaking ’yon! Fair talaga ang mundo. Hindi lahat ng maganda at guwapo ay biniyayaan din ng magandang ugali. Just like him. Guwapo nga, panget naman ng ugali!
Napaismid na lamang ako at bumuntong hininga nang malalim. Pagkatapos ay bumalik na ako sa mesa kung saan ko iniwan ang panglinis ko. Muli kong sinimulan ang naantalang trabaho ko.
“Portia!”
Mayamaya ay napalingon ako kay William nang pumasok ito sa library. May bitbit pang tray at may laman na snacks. Napangiti ako at saglit na inihinto ang ginagawa ko. Mula sa itaas ng ladder, bumaba ako.
“Magmeryenda ka muna sabi ng inay,” wika nito nang mailapag sa mesa ang bitbit nito.
“Thank you, William,” sabi ko. “Tamang-tama at nagugutom na ako.” Kaagad kong kinuha ang baso ng pineapple juice at ininom iyon.
“Hindi ka pa ba magpapahinga?”
“Marami pa akong lilinisin, e!”
“Huh? Tatapusin mo ito lahat?” takang tanong pa nito.
Tumango naman ako habang kinakagat ko ang sandwich.
“Portia, malaki ang library. Aabutin ka pa ng ilang oras bago mo matapos ito. O baka nga bukas ka pa matapos sa paglilinis,” sabi nito. “Bukas mo na ituloy ang paglilinis mo rito,” dagdag pa nito.
“Kailangan ko raw tapusin ngayong alas sais ang paglilinis ko,” sabi ko.
Nangunot lalo ang noo ni William dahil sa sinabi ko.
“Sino ang may sabi?”
“Si Orangu,” sagot ko.
“Si Kuya Cradall? Pinuntahan ka niya rito?”
“Nandito siya kanina. At nakita ko na ang hitsura niya.”
Ewan, pero napangiti ako nang matamis nang maalala ko na naman ang mukha niya. Although naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa kasungitan niya, but I won’t deny that I liked him even more. My heart beat even more when I saw his face clearly.
“M-May... May gusto ka ba kay Kuya Crandall, Portia?”
Nang mapatingin ako ulit kay William, nakita ko ang nakakunot nitong noo at seryosong mukha.
Tipid at nahihiya akong ngumiti. “Um, n-natutuwa lang ako na nakita ko na ang mukha niya,” sabi ko na lang. “I mean, at least alam ko na kung ano ang hitsura ng taong tumulong sa akin para magtago sa mga taong humahabol sa akin, hindi ba?”
Tumango-tango naman si William at muling ngumiti. “Tutulungan na kitang maglinis dito para matapos agad tayo.”
“Wala ka ba gagawing trabaho?” tanong ko.
“Kakarating ko lang galing bayan at wala na akong kailangang gawin na trabaho sa labas, kaya ayos lang na tulungan kita,” sabi nito at naglakad na palapit sa ladder na tinutuntungan ko kanina at ito na ang umakyat doon. Nagsimula itong maglinis sa mga libro na nasa itaas.
“Salamat, William!”
“Tapusin mo na muna ’yang kinakain mo at magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala rito sa itaas.”
Napangiti akong muli at ipinagpatuloy na rin ang pagkain ko. Pagkatapos, saglit nga akong nagpahinga bago nagsimula ulit na maglinis.
Habang abala kami ni William sa paglilinis ay nagkukuwentohan din kami. Somehow the tiredness I felt earlier disappeared. Naging mabilis din ang kilos naming dalawa, kaya pagkalipas lang ng halos tatlong oras ay nakakapangalahati na rin ang nalilinis namin. Ang ibang mga libro naman kasi ay hindi na ganoon na maalikabok dahil may mga telang nakatakip doon. Ang iba naman ay wala, kaya iyon ang nahirapan kami ni William na tanggalan ng makakapal na alikabok.
“William!”
Mula sa abalang trabaho na ginagawa ay napalingon kami ni William sa pintuan ng library nang marinig namin mula roon ang boses ni Crandall.
“Bakit po, kuya?” tanong nito.
“What are you doing?” seryoso ang boses at mukha niya habang nakatingin sa amin.
“Um, tinutulungan ko lang po si Portia,” sabi nito.
“And why are you helping her?”
Napalingon ako kay William nang hindi agad ito nakasagot. Mayamaya ay lumingon din ito sa akin...
“Para po matapos agad siya, kuya.”
Nang tapunan ko ulit ng tingin si Crandall, nakita ko ang matalim niyang titig sa akin.
“You can’t help her. She’s the one who insisted on cleaning this place, so let her clean by herself.”
Napamaang ako dahil sa sinabi niya. Aba! Loko talaga ang lalaking ito! Porket ako ang nag-insisted na maglinis dito ay hindi na ako puwedeng tulungan ni William?
“Pero kuya—”
“Leave now, William.”
Nang balingan ko ulit si William ng tingin, nakita ko ang pagbuntong hininga nito nang malalim at laglag ang mga balikat na inilapag nito sa ibabaw ng libro ang feather duster na hawak nito.
“Sorry, Portia,” ani nito sa akin.
Pilit na ngumiti naman ako rito. “Okay lang. Salamat, William.”
Sinundan ko pa ito ng tingin nang maglakad na ito palabas ng library. At nang magtama ulit ang paningin namin ni Crandall, hindi ko napigilan ang sarili ko na ismiran siya.
“You only have three hours left. Pero marami ka pang dapat tapusin. Continue cleaning.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang tumalikod at umalis.