“PORTIA, HIJA! Aba, tama na ’yan! Gabi na at bukas mo na ipagpatuloy ’yang paglilinis mo riyan!”
While I was on the last shelf that I had to clean, I heard Nanay Josephine’s voice. Kapapasok lamang nito sa pintuan ng library. Oh, finally! Last na talaga ito at tapos na ako. Mabuti na lang talaga at tinulungan ako ni William kanina, kaya kahit papaano ay hindi na ako masiyadong nahirapan.
“Last na po ito, Nanay Josephine,” sabi ko.
“Nako, ang batang ito! E, hindi naman aalis itong library, bakit kailangan mo pang tapusin ang paglilinis dito ngayon?”
I smiled as I wiped the book I was holding. “Ayos lang po, Nanay Josephine. Kailangan ko po kasing tapusin ito ngayon,” sabi ko. “Tinulungan din naman po ako ni William kanina, kaya hindi na po ako masiyadong nahirapan,” dagdag na saad ko pa. “At may ilaw naman po pala rito sa inyo, pero bakit hindi n’yo po binubuksan?” tanong ko.
Kanina kasi, nang makita ko ang switch sa isang sulok, sinubukan ko itong pindutin. And I’m glad it is still working. My whole thought is that the lights are useless, so they don’t turn them on anymore. Iyon pala ay umiilaw pa naman.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nanay Josephine. “Gumagana pa naman talaga ang mga ilaw rito sa mansion, hija. At may kuryente rin dito. May solar panel kasi si Crandall sa bubong ng bahay na ito, pero ayaw niya lang talaga buksan ang mga ilaw rito,” pagpapaliwanag sa akin ni Nanay Josephine.
Grabe talaga ang trip ng lalaking iyon!
“Pero ayos lang naman po na binuksan ko ang isang ilaw rito, hindi po ba?” tanong ko pa. “Para po kasi makapaglinis ako nang maayos at matapos ko po agad ito ngayon.”
“Siya sige. Basta patayin mo lang ’yan ulit pagkatapos mo, at bumaba ka na rin sa kusina para kumain.”
Tumango naman ako at ngumiti ulit. “Opo, Nanay Josephine. Salamat po,” sabi ko pa bago ito tumalikod at naglakad na palabas ng library. Itinuloy ko na ulit ang ginagawa ko.
Halos isang oras pa ang mabilis na lumipas bago ako tuluyang natapos sa ginagawa ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa ere at namaywang pa ako nang makababa ako sa ladder. I smiled as I looked around. Although, iisang ilaw lang ang nakabukas, pero kitang-kita ko naman ang kinalabasan ng ilang oras na paglilinis ko rito. From the floor, to the shelves and books.
“Malinis, mas magandang tingnan,” sabi ko saka naglakad palapit sa bintana. I closed them and then pulled the big curtain again to close it, then I turned off the light. Oh, ibang klase talaga ang Orangu na ’yon! May ilaw naman pala rito sa mansion niya, pero nagtitiis sila sa madilim na paligid. Napailing na lamang ako, saka dinampot na ang mga panglinis na ginamit ko at naglakad ako palabas. I walked down the dark hallway until I got down the high stairs and I headed to the kitchen.
“Oh, tapos ka na ba, hija?” tanong sa akin ni Nanay Josephine nang madatnan ko ito roon.
“Opo, ’Nay,” sagot ko. “Saan ko po pala ilalagay itong mga gamit?”
“Ilapag mo na lang diyan at ako na ang bahala riyan mamaya,” sabi nito habang nasa lababo at abala sa paghuhugas. “Siya at kumain ka na.”
“Nagugutom na nga po ako, e!”
“Teka at ipaghahain kita.”
Naghugas na rin ako ng kamay ko bago ako umupo sa isang silya sa harap ng hapag. “Salamat po, Nanay Josephine,” sabi ko nang ilapag nito sa tapat ko ang pagkain.
“Pagkatapos niyan ay magpahinga ka na rin. Alam kong napagod ka masiyado sa paglilinis doon sa itaas.”
“Nasaan po pala si William?” tanong ko.
“Nagpapahinga na rin. Ewan ko ba sa batang ’yon. Mukhang aburido kanina.”
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Huh? Bakit naman? E, kanina nang magkatulong kami na naglinis sa library ay okay naman kausap si William. Oh, perhaps the reason is due to what happened when Crandall showed up at the library and stopped him from helping me.
Hindi na lamang ako umimik at itinuloy na ang pagkain ko. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako kay Nanay Josephine na aakyat na sa silid ko dahil ramdam ko na ang pananakit ng buong katawan ko. I was exhausted, so when I finished changing into clean clothes. . . when I laid down on the bed; I didn’t realize that I fell asleep suddenly. Naalimpungatan lamang ako kinabukasan nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napapikit pa ako nang mariin at kumilos sa puwesto ko pagkatapos ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata ko. Oh! Kaya pala nakapasok sa loob ng kuwarto ang sinag ng araw because I forgot to close the window curtain last night.
Tumihaya ako sa pagkakahiga at malalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere at nag-strecthing. I stayed in my position for a while, just staring at the ceiling. And when I glanced up at the wall clock, I noticed it was seven o’clock in the morning. Oh, mukhang napagod nga talaga ako nang husto sa paglilinis ko kahapon sa library, kaya anong oras na ako nagising. Lately kasi, simula nang mapunta ako rito sa mansion ni Crandall, maaga akong gumigising para tulungan si Nanay Josephine sa paglilinis o kung may lulutuin man sa kusina.
Nang magising na nang tuluyan ang diwa ko, I got up and walked towards the window. Just when I peeked into the garden, my eyebrows met when I saw Crandall was there and was cleaning. Gamit ang mahabang walis ay winawalis niya ang mga tuyong dahon na naroon. I couldn’t stop smiling while watching him.
Aba, mukhang na-inspired yata ang Orangu sa paglilinis ko kahapon sa library niya, kaya naglinis na rin siya ngayon sa bakuran niya?!
Nang matapos ko siyang pagmasdan, naglakad ako pabalik sa gilid ng kama, and took my hair tie that was on the bedside table and tied my hair. Pumasok na rin ako sa banyo para maghilamos. Sinubukan ko na ring buksan ang ilaw roon, at gumana naman iyon!
“My God! Ilang araw na ako rito, pero bakit ngayon ko lang naisipan na buksan ang switch na ito? E ’di sana hindi na ako nagtiis sa madilim na silid at banyong ito,” reklamong sabi ko sa sarili ko. “And in fairness, pang modern house nga ang design ng banyo niya. Mukhang ipina-renovate niya nga ang loob ng bahay niya,” sabi ko pa habang naglalakad na palapit sa lavatory. Naghilamos na ako at nag-toothbrush. Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng silid at bumaba sa kusina. Nadatnan ko pa roon sina William at Nanay Josephine. “Good morning po, Nanay Josephine! Good morning, William!” nakangiti at masiglang bati ko sa dalawa.
“Magandang umaga sa ’yo, hija! Tamang-tama at nagtitimpla ako ng kape. Igagawa na rin kita.”
“Thank you po!”
Dumulog ako agad sa mesa, sa tapat ng puwesto ni William. Nginitian ko pa ito, pero hindi naman nagbago ang seryosong mukha nito.
“May problema ba, William?” nagtatakang tanong ko.
Bumuntong hininga naman ito nang malalim at nag-iwas ng tingin sa akin.
Oh? Is he mad at me?
Tumikhim ako, “Galit ka ba sa akin?” tanong ko mayamaya.
Nangunot naman ang noo nito nang muli akong sulyapan. “Bakit naman ako magagalit sa ’yo, Portia?” seryoso pa rin ang mukha nito.
Nagkibit naman ako ng mga balikat ko. “Ewan ko sa ’yo. Baka may nagawa akong mali na hindi mo nagustohan? E, hindi mo ako nginitian agad pagkapasok ko rito.”
“Hindi ako galit sa ’yo, Portia.”
“So, what’s the problem then?” tanong ko ulit.
Umiling naman ito. “Wala,” sabi nito. “May iniisip lang ako,” dagdag pa nito.
“Heto ang kape mo, hija.”
“Thank you po, Nanay Josephine.” Nang ilapag nito sa tapat ko ang tasa. “Um, nasa labas po pala si Señorito Crandall at naglilinis, Nanay Josephine,” sabi ko.
“Nakita ko nga kanina nang lumabas ako. Aba, mukhang naingganyo marahil sa paglilinis mo kagabi, kaya naglinis na rin sa labas. Samantalang dati ay wala naman siyang pakialam sa paligid niya,” nakangiting sabi nito na halatang natutuwa sa nalaman nito.
Napangiti akong muli. “Baka nga po na-inspired siya dahil sa paglilinis namin ni William kahapon. Nako, magandang sign po ’yon, Nanay Jo. Baka po magbago na ang isip niya at ipalinis niya na lahat dito sa mansion.”
“Huwag ka nang umasa, Portia. Kilala ko si Kuya Crandall, hindi na magbabago ’yan,” wika ni William.
Napatingin ako ulit dito. “I doubt that, William. I mean, lahat naman ng tao nagbabago. Malay mo, ito na pala ang simula para magbago rin ang mansion. Sabi mo nga mas magiging maliwanag pa ang mansion na ito sa mga palasyon sa Dubai,” natatawang sabi ko.
Pero hindi naman umimik si William. Sa halip ay tumayo ito sa puwesto nito at walang salita na naglakad palabas ng kusina.
Nagtataka namang napasunod na lang ang tingin ko rito. “May problema po ba siya, Nanay Josephine?” tanong ko ulit.
“Huwag mo na lang pansinin ang batang ’yon, hija. Ganoon lang talaga ang ugali n’on kung minsan,” ani Nanay Jo.
Napabuntong hininga na lang ako at hinipan ang kape ko bago humigop.
“MUKHANG NA-INSPIRED ka po sa paglilinis ko kagabi, señorito!” nakangiting saad ko sa kaniya nang pagkarating ko sa garden, naabutan ko siyang seryoso pa ring naglilinis.
He was only wearing a black sleeveless shirt with a low cut in his armpit so I could barely see his muscular body. Bagay na siyang ikinangiti kong lalo. At ang buhok naman niya ay hinayaan lamang niyang nakakalat lang sa tapat ng mukha niya.
Hindi ba siya naiinitan sa ayos niyang iyan?
I was a few steps off, smiling ear to ear, while looking at him sweeping.
“Will you please stop doing that?” pagalit na saad niya nang huminto siya sa kaniyang ginagawa.
“Ang alin po, señorito?” maang-maangan na tanong ko sa kaniya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at marahas na pinakawalan sa ere, pagkuwa’y magkasalubong ang mga kilay at matalim ang titig na lumingon sa akin.
Bigla naman akong nakadama ng kaba sa dibdib ko nang masilayan ko muli ang mukha niya, lalo na ang mga mata niya na naging paborito ko na yata.
“Stop staring at me,” mariing sabi niya.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “E, natutuwa lang po ako na marunong po pala kayong maglinis.”
“What do you think of me? Don’t know how to clean?”
“Hindi po ba halata?” bulong ko.
“Are you saying something?”
Ngumiti ako ulit sa kaniya at umiling. “Wala po, señorito.”
“Tss. Get lost. You are disturbing me,” aniya at muling itinuloy ang kaniyang paglilinis.
Hpm! Ang seryoso niya talagang tao!
I sighed and looked around. And when I saw from a distance the men walking towards his mansion, my eyes suddenly widened and I suddenly felt nervous.
Oh, no! Bumalik nga sila!
Nataranta akong bigla kung saan ako magtatago. Saglit akong nagpalinga-linga para maghanap ng makukublihan. Medyo malayo ako sa gazebo, kung tatakbo ako papunta roon ay makikita na ako ng mga lalaking naghahanap sa akin. Kaya sa labis na takot ko, napatakbo ako palapit sa kaniya at nagtago sa likuran niya. Humawak pa ako sa braso at baywang niya na siyang ikinagulat niya.
“What the heck are you doing?” gulat at pagalit na tanong niya sa akin.
Oh, seriously, Portia? Sa likuran ka niya talaga nagtago? Bakit, hindi ka ba makikita ng mga lalaking naghahanap sa ’yo? Huramentado ng isipan ko.
“Let go!”
“Sorry po, señorito! P-Pero. . . nariyan po ang mga lalaking naghahanap sa akin,” kinakabahang sabi ko at sumilip ako sa may kilikili niya nang bahagya kong itaas ang braso niya. At mula sa likod ng mga halaman na nakatanim sa gilid ng pader na hindi lalagpas sa balikat ang taas, nakita kong papalapit nang papalapit ang mga lalaki. “They are here!” kinakabahan at natatakot na sambit ko.
“What are you—s**t!”
He cursed when I pulled him on his shoulder and I quickly wrapped my right arm around his neck. Napapikit pa ako nang mariin at inihanda ang sarili ko na bumagsak kami sa mga tuyong dahon na inipon niya. I didn’t realize what happened next dahil sa labis na takot at kaba ko. I keep my eyes shut firmly while my right arm was firmly around his neck and I clutched my left hand at his shirt on his chest.
“Sigurado ka ba na may nakita kang babae rito?” dinig kong tanong ng lalaki.
“Opo, boss! Kamukha po siya ng babaeng ipinakita mong larawan sa akin.”
What? May nakakita sa akin na nandito ako sa mansion ni Crandall? Oh, God! Mukhang hindi na rin pala ako safe kahit na magtago pa ako rito.
“Tao po!”
Kikilos na sana si Crandall upang tumayo siya, pero bigla akong nagmulat ng mga mata ko at humigpit pa lalo ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya, at ang pagkakahawak ko sa damit niya. Puno ng takot at pag-aalala ang mga matang tumitig ako sa kaniya.
“P-Please!” nanginginig pa ang boses na bulong ko.
“Tao po!”
“But—”
Hindi ko na siya hinayaang matapos ang kaniyang pagsasalita. Muli akong pumikit nang mariin at kinabig ko ang batok niya at mariing hinagkan ang mga labi niya.